Share

CHAPTER 1

“Ahhhhhhh!" malakas akong napasigaw kaya muli ay hinihingal akong nagising habang tagaktak ang aking pawis sa noo.

Malakas na bumukas ang pintuan ng aking kwarto at humahangos na lumapit sa akin si Farrah. Ang aking matalik na kaibigan.

“Ayus ka lang Reeca?" nag-aalalang mukha na tanong nito sa akin sabay abot ng isang basong tubig.

Kahit na nanginginig ang aking mga kamay ay inabot ko ang baso at pilit na uminom. Hindi ko alam pero palagi na lang nangyayari sa akin ang ganitong eksena. Sa katunayan nga niyan paminsan-minsan ko na lang mapanaginipan ang bangungot na paulit-ulit na nangyayari sa akin. Kung dati-rati ay halos gabi gabing laman ng aking panaginip ang malagim na trahedya, ngayon ay minsan na lang. Pero hindi ko alam dahil siguro sa matinding trauma na nangyari sa akin sa nakalipas na taon nang makasama ako sa isang matinding aksidente na hindi ko man lang maalala. Nagpapasalamat ako sa aking matalik na kaibigan na si Farrah at sa boyfriend nitong si Jackson na palaging nakaalalay sa akin. Kung tutuusin hindi na nila ako karguhin pero sobrang mababait sila. Lalo na nang panahong wala akong maalala paggising ko sa hospital dalawang taon na ang nakakalipas. Maski si Farrah ay stranger sa akin dahil hindi ko ito kilala. Pero ito pa ang tumulong sa akin mag-alaga hanggang sa gumaling ako. Sila ang nagpagamot at gumastos sa hospital bills ko.

Sa ngayon ay nagpupunta pa rin ako sa aking doctor na si Dra. Myrna Ramirez. Ang siyang tumutulong sa akin para mawala ang bangungot na palagi nalang sumasagabal sa aking buhay. Kung dati-rati ay tatlong beses sa isang linggo ako magpunta kay Dra. Ramirez, ngayon ay dalawa o tatlong beses na lang sa isang buwan. At sa tulong muli ng aking kaibigan na si Farrah at ang boyfriend nitong si Jackson.

“P-pasensiya na kung nagising kita Farrah." Hinging pasensiya ko kay Farrah.

“Anu ka ba Reeca. Para ka namang others. Sino ba ang tutulong sa iyo bukod sa akin aber?" nakatikwas ang isang kilay nito at nameywang.

“Nakakahiya na kasi sa iyo. Palagi kang nakabantay sa akin kahit hindi mo na dapat gawin. May sarili kang buhay pero heto at palagi mo akong sinasamahan." marahan ang aking boses na nakatingin sa kaniya.

“Ganiyan talaga ang tunay na magkakaibigan Reeca. At saka hindi ka naman alagain at bantayin. Look, kahit andito lang ako sa bahay ay kumikita naman ako sa pagiging work at home ko."

Tama naman ito. Isa itong Call center na may mataas na posisyon na nakabase sa ibang bansa. Sobrang hanga nga ako dito sa galing nitong mag-english at sa iba pang lenggwahe. Minsan nga nagpapaturo ako sa kaniya para kahit paano ay may alam ako. Kaya madalas ay nagbabasa ako ng mga libro at nanonood ng mga educational documentary sa tv man o sa internet. Habang ang boyfriend naman nitong si Jackson na sa gabi umuuwi. Nagsasama na kasi ang dalawa kahit hindi pa kasal bagaman uso naman iyon ngayon. Hindi ko nga alam kung anung trabaho ni Jackson, pero pansin ko sa kaniya ay palagi siyang naka- all black or minsan sa ibang kulay basta dark. Never ko itong nakakita sa ibang kulay na maliwanag bukod sa white. Siguro dahil fan siya ng shades na puro dark na may pagka- white din naman. Palagi din itong may earpiece, at ang napakalaking tattoo nito sa buong katawan na kahit hindi na ito magsuot ng damit ay hindi halata dahil sa sobrang daming tattoo mula sa leeg nito hanggang katawan. Sa kaliwang binti nito ay may tattoo na dragon habang ang isang binti nito ang tanging malinis dahil walang tinta. May itsura si Jackson at bagay na bagay sila ni Farrah na mukhang artistahin ang mukha at mahinhin pero amasona kapag nagtatalo sila minsan ni Jackson. Kung anu kasi ang itsura ng dalawa ay opposite sa ugali. Mas matapang pa si Farrah kesa kay Jackson na parang tuod sa tuwing nagagalit dito si Farrah. Pero kahit ganun ay mahal na mahal nila ang isat-isa na kung minsan ay nakakaranas ako ng inggit. Dahil minsan ay hindi ko pa naranasan ang magka-boyfriend man lang. Pero ayoko munang isipin ang pagkakaroon ng nobyo dahil kailangan ko intindihin ang aking ulo na sumasakit madalas sa tuwing binabangungot ako.

“Anung oras na Farrah?" tanong ko sa kaniya dahil naka- panjama pa ito at gulo-gulo pa ang mahabang buhok nito.

Napatingin naman ito sa kaniyang wristwatch.

“Five minutes before 5 in the morning" with accent pa ang pagsasalita ni Farrah.

“Ahhh." bahagyang tumango ako.

“Siguro wag na tayong matulog at mag-jogging tayo sa park Reeca. Para mare-fresh ang ating utak!"

Napangiti ako at tumango.

“Sige."

Ilang sandali lang ay iniwan na niya ako sa aking silid at ako naman ay pumasok sa aking banyo. Maganda at maayos ang kwartong tinutuluyan ko. Nakakahiya nga kay Farrah at Jackson dahil feeling ko para akong prinsesa kung tratuhin nila. Ang ganda at ang linis pa ng aking kwarto, kahit itong aking banyo ay kompleto na sa loob may bathtub na may jacuzzi pa. Minsan nga ay dito na ako tumatambay dahil ang ganda talaga.

Matapos kong maligo ng mabilis ay pumasok ako sa aking walk-in closet. At ganun din para akong nasa isang luxury boutiques dahil sa laki at sobrang daming damit, sapatos at nga alahas na nasa loob. Ewan ko ba kay Farrah at bakit may ganito ako sa aking kwarto. Kahit kailan nga hindi ko pa nasuot ang kahit anung alahas ang naka-display sa estante. Ang madalas ko lang din isuot ay mga simpleng damit lang. Tulad ng t-shirt at pantalon o pajama. Yun lang talaga sa inaraw-araw kong pamumuhay ay kahit kailan hindi sumagi sa aking isipan ang isuot ang mga gown at mga sosyaling mga damit at alahas na merun sa aking closet. Ibang klase kasi ang yaman ng aking kaibigan na si Farrah at Jackson. Kasabay pa ng buong kabahayan na ito na para kaming nakatira sa ibang bansa sa sobrang laki pero andito pa rin naman kami sa pilipinas. Kasabay pa nun ang maraming bantay sa labas ng gate. Sa tingin ko nga minsan ay si Farrah ay anak ng isang bilyonaryo kaya ganito ito. Kaya kahit hindi na ako magtanong ay alam ko naman na kung gaano ito kayaman.

Matapos kong magsuot ng t-shirt at short ay nagsuot ako ng running shoes para masarap tumakbo. Paglabas ko ng aking kwarto ay bumaba na ako. Nakita ko si Farrah na may hawak ng mug ng kape at naka-ready na rin ito.

“Coffe you like?" Alok nito sa akin.

“Milo lang ako syempre" nakangisi kong sagot.

Ilang segundo lang ay lumapit sa akin ang isang kasambay at inabot sa akin ang mug na may milo. Kabisado naman na kasi nila kung ano ang hinihigop ko sa umaga.

“Salamat po." nakangiti ko rito matapos kong maabot.

“Walang anu man po madam" sabay yuko nito sa akin.

Kahit ilang beses ko nang wag akong tatawagin sa ganung pangalan ng mga kasambahay ay hindi nila ako sinusunod. Ako na lang kasi ang nahihiya lalo pa at ampon lang naman ako ni Farrah at Jackson dito sa kanilang bahay na marangya. Hindi pa nila ako pinapayagang tumulong sa gawaing bahay. Nang minsan na magwalis ako ay halos mamutla ang ilang kasambahay na nakakita sa akin at nagkukumahog na dumating si Farrah para pigilan ako sa pagwawalis. Grabe talaga iyon.

Halos magliwanag na nang makaalis kami ng bahay na dalawa ni Farrah. At muli ay may nakasunod sa amin na sampung bodyguards na palaging naka-all black.

Pasimple akong tumabi kay Farrah habang nagjo-jogging.

“Alam mo Farrah, sobrang nakakailang yang mga bodyguards mo. Para kasing hindi ako makahinga sa kanila sa tuwing lumalabas tayong dalawa." kunot noo ko dito.

Tumawa lang ito ng bahagya at nilingon ako.

“Hayaan mo sila. Trabaho nila yan, kasi kung hindi sila nakasunod sa atin. Tiyak wala silang sasahurin" nakangisi nitong sagot sa akin.

“Ikaw kasi, ang yaman-yaman mo. Kaya palagi kang may bantay 24/7"

Napaungol ito sa aking sinabi.

“Hay naku. Hindi ko naman yan mga bodyguards. " palatak nito.

“Huh?" bahagyang naguluhan ako sa kaniyang sinabi.

“Ay kalimutan mo na yan. At may sasabihin ako sa iyo pag nakarating na tayo sa park!" Binilisan nito ang pagtakbo kaya napahabol ako rito.

Halos abutin kami ng isang oras sa pagtakbo nang makarating sa paborito naming Parke ni Farrah. Maganda kasi dito maraming mga tao at mga bata. Umupo kami sa paborito naming bench na may dalawang malaking puno sa magkabilang gilid ng bench. Tagaktak ang pawis at hingal na hingal kaming dalawa ni Farrah.

Lumapit ang dalawang bodyguards at inabot sa amin ang bottled water. Mabilis kong kinuha iyon at halos masaid ko ang buong bote sa sobrang uhaw. Umalis din naman agad ang mga ito.

“Whoooh!"

Napanunas ako sa aking noo sa binigay na face towel ni Farrah sa akin. Palagi talaga itong naka-ready na akala mo ay girl scout.

Ilang sandali muna kaming nagpakalma habang nakatanaw sa mga nanay na nagzu-zumba sa di kalayuang pwesto namin.

“Anu ‘yung sasabihin mo kanina Farrah?" tanong ko dito.

“Bff di ba gusto mo nang magkatrabaho?" tanong nito sa akin.

Napaawang ang aking bibig sa tanong nito. Dahil sobrang tagal ko ng tinatanong dito kung pwede na akong magtrabaho dahil nahihiya na ako sa pagpapakain nito at pagpapatira sa bahay nito. Wala naman akong alam na ibang trabaho, dahil nawalan ako ng memorya at hindi ko alam kung anung trabaho ang merun ako noon bago ako pa maaksidente. Hindi ko nga alam kung nakapag-tapos ba ako nang pag-aaral o hindi. Bukod sa sinabi lamang ni Farrah ang tunay kong pangalan at kung ilan taon nako at ang birthday ko. Pero ang sabi niya lang ay ulila na ako sa magulang at wala akong ibang kamag-anak.

Nagliwanag ang aking mukha.

“Talaga? Papayagan mo na akong magtrabaho?"

Kahit anu papatusin ko na. Basta magkapera lang, dahil nahihiya na rin talaga ako dito kina Farrah.

“May kakilala kasi akong nangangailangan ng bagong kasambahay. Galing sila sa ibang bansa kasama ng dalawang anak nito. Kailangan nila nang makapag kakatiwalaan." makahulugan itong nakatingin sa akin.

Ako naman ay parang na-excite. Dahil kung kasambahay ay marunong naman ako sa gawaing bahay. Importante ay kumikita ng pera.

“Gusto ko! Kailan ba?" malawak ang aking pagkakangiti.

“Mmm one of this days ay darating na ang magiging Amo mo. Kaya siguro pwede ka na rin magstart anytime. Kung gusto mo? Ang tanong kung kaya mo ba Reeca?"

“Oo naman! Grabe ka nawalan lang ako ng memorya at paminsan-minsan nalang sumasakit ang aking ulo pero hindi naman ako nalumpo." nakangusong salita ko dito.

Napabuntong hininga na lang ito.

“Baka kasi hindi mo kayanin at mapagod ka lang. Nag-aalala ako sa iyo" marahan na napahaplos ito sa aking buhok.

Madalas nito itong gawin sa akin na para bang bata ako kahit na limang taon lang naman ang agwat ng aming edad. Ayaw pa nga nitong tawagin ko siyang Ate dahil nagmumukha daw siyang thunders.

“Ayus lang ako. At saka hindi ko pa nasusubukan Farrah. Kung hindi ko kakayanin edi uwi nalang ako sa iyo kung papayagan mo pa akong patirahin sa bahay mo."

Napahalakhak ito sa aking sinabi.

“Oo naman! Eh bahay mo yun eh"

“Anu?" bigla akong naguluhan sa sinabi nito. Kung minsan talaga itong si Farrah nakakalito ang mga pinagsasabi. Tapos hindi naman papansin ang tanong ko.

“Nevermind. Anyways. Bago kita dalhin doon. Kailangan mo na natin puntahan mamayang hapon si Dra. Ramirez."

Napatango na lang ako. Dahil ngayong araw nga pala ang schedule ng aking pagpunta doon.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meriam V. Castillo
luh pano kaya sya nawalan Ng memory mayaman sya di nya alam
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status