Share

THE MAFIA LORD: Beautiful Nightmare
THE MAFIA LORD: Beautiful Nightmare
Author: Kim.arcelle23

PROLOGUE

“Reeca sa table 17!” sigaw ni Kuya Toby.

“Opo, papunta na!” pagmamadali ko habang bitbit ang tray na may lamang pagkain.

Mabilis kong hinanap ng table 17. At saktong nakita ko ang lalaking kumakaway. Tiyak ito na yun at mukhang kanina pag naghihintay.

“Ito na po ang order niyo Sir!” ngiti ko ng maibaba ko ang tray sa table nito.

“Thank you Miss Cutie pie!” sabay kindat nito sa akin.

Napangiwi ang ngiti ko ng kindatan nito ako. Hindi naman ito panget, bagkus may itsura naman at mukhang malinis. Kaya mabilis na akong nagpaalam at tumalikod.

Ganito talaga kapag Friday night at weekends. Masiyadong maraming customers dito sa Filipino Grills na restaurant na aking pinagtatrabahuan. Anim na buwan pa lang ako dito. Nung una ay dishwasher lang talaga ang pinasok ko dahil yun lang naman ang bakanteng posisyon na available. Sinunggaban ko na dahil no choice na ako at kailangan ko na ng trabahong mapapasukan. Hanggang sa nag-level up. Nakitaan ako ng sipag ng aming Boss kaya ngayon ay isa na rin akong waitress. Kasama ko si Rona na aking kaibigan. Pero umalis na rin agad ito dahil napagod daw siya, Hindi ko alam kung yun lang ba ang dahilan niya o dahil nagka-jowa na siya kaya tumigil na. Kaya ayun buntis na siya ngayon.

Galing kami sa bahay ampunan ni Rona. Dun daw ako iniwan ng isang babae na nakalagay lang sa isang basket. Hindi alam nila Sister Mariel kung totoo kong Nanay iyon o hindi dahil mukhang bata pa daw ng iwan lang ako sa harap ng gate. Lumaki ako kasama ng ibang mga batang iniwan din ng mga magulang. Kasama na si Rona na naging BFF ko. Kami lang talaga ang magkasama at magkadikit kung saan man kami magpunta. Kahit nga ang makipag-away ay dalawa kami. Hanggang sa umabot kami ng edad na dise-otso. Masayang masaya kami ni Rona na sa wakas ay makakalabas na kami ng bahay ampunan. Dahil wala naman may gustong umampon sa amin nung panahong andun palang kami sa loob, ay pumayag sila Sister Mariel na pwede na kaming mamuhay ng maayos at marangal sa labas. Binigyan din kami ng kunting pera ni Sister Mariel para makapag-hanap ng matutuluyan at may pangkain kami habang naghahanap ng maayos na trabaho. Katakot-takot na tagubilin pa ang aming baon, pero alam namin na para sa aming dalawa ni Rona ang habilin na iyon. Kung saan-saan kami naghanap ng pwedeng mapagkakitaan. Naging tindera kami sa palengke, tagalaba ng isang pamilya, o minsan tagalinis na rin. Sa akin ay ayos lang dahil hindi naman kami nakapag-tapos ng pag-aaral. Nagpapasalamat kami na nakahigh-school graduate din kami. Kaya dapat hindi dapat namimili ng trabaho basta hindi galing sa masama. Ang kaso nga lang itong si Rona ay reklamador. Mabilis siyang mapagod. Kahit naman ako ay ganun din pero hindi pwedeng patamad-tamad. Hanggang sa nakarating kami bilang dishwasher sa isang sikat na Restaurant. At hanggang ngayon nga ay nandito pa rin ako. Isang taon na rin ng wala na kami sa bahay ampunan. Kinuha na rin ng nobyo si Rona at ngayon ay nagsasama na. Bagamat ako na lang mag-isa ang nangungupahan ay ayos lang naman sa akin. Hindi naman kalayuan ang bahay ni Rona sa akin kaya pwede pa rin naman kaming mag-chikahan na lagi naman naming ginagawa.

Matapos ko maghugas ng kamay ay tinawag na naman ako ni Kuya Toby. Isa itong pioneer dito sa restaurant. Mabait ito at makwela. At siya na rin ang pinaka-tatay sa lahat.

“Reeca Ganda! Ikaw na maghatid sa table 23. Bilis at baka maka-jockpot kana!” sabay ngisi nito sa akin.

Napanguso naman ako. Lagi talaga akong trip ni Kuya Toby.

“Ay ambot!” sagot ko at mabilis na kinuha ang tray para mahanap ang table 23.

Mabilis ko naman nakita ang table 23. Nakita ko ang lalaking nakatalikod sa akin na siyang umuukopa sa table. Napansin kong napapatingin sa kaniyang gawi ang ibang kumakain. Lalo na ang ibang mga babae na para bang na magnet ang mga mata sa lalaki. Napansin ko din na di pangkaraniwan ang likod nito. Malaki ang likod nito na na di tulad sa ibang lalaki na kumakain. Balikat palang ay nakapalaki at matikas na. Mukhang mahaba din ang buhok nito dahil nakapusod ang buhok nitong makulot.

“Ito na po ang order niyo Sir! Enjoy eating!” binaba ko isa-isa ang pagkain. Nang matapos ay humarap ako dito at ngumiti. Ganun na lamang ang panglalaki ng aking mga mata sa aking kaharap.

*Hollywood Actor ba ito? O Anghel sa kalangitan?*

Napatitig ito sa akin. Habang salubong ang makakapal nitong mga kilay at kulay asul nitong mga mata na para bang pati kaluluwa ko kitang-kita nito. Napakatangos ng ilong nito na para bang inukit ng isang mahusay na artist. Habang may makapal na bigote at mahabang balbas.

“Are you done looking at me?” baritonong boses nito at may pagkaangas. Masungit din.

Bigla akong natauhan at napahiya sa sinabi nito. Kaya mabilis na napayuko ako.

“Sorry po Sir” at mabilis pa sa kidlat ay umalis ako sa harapan nito. Hiyang hiya ako dahil sa aking katangahan. Masiyado akong natulala sa kaniyang kagwapuhang taglay pero may pagkamayabang naman.

*Gwapo nga mayabang naman wala din! Hmmmph! Siguro naman hindi na iyon babalik pa dito* bulong ng aking isipan.

Matapos ang ilang oras ay oras na ng pag-uwi ko. Nakadalawang oras na over time din ako. Sakto at malapit na ang bayarin sa aking bahay. Kumain na rin ako bago magligpit ng aking gamit para umuwi.

“Uuwi kana?” si Anna. Isa ding waitress.

“Oo, pagod na rin eh” nakangiti kong sagot.

“Sige ingat ka at mamaya pa kami” tumango ako at nagpaalam na sa ibang kasamahan ko.

Mula 10:00am hanggang 12:00am noon ang bukas ng aming Restaurant. Opening ako kaya hanggang ala-singko ang pasok ko. Dahil pa-weekends may over time kami ng dalawang oras.

Hinubad ko ang blouse na aming uniporme at nagpalit ng t-shirt na puti. Habang nilugay ko ang mahaba at tuwid kong buhok na naka-hair net sa tuwing pumapasok ako. Sinuklay ko na lamang gamit ang aking mga daliri. Hinubad ko ang sapatos kong itim at nagsuot ng tsinelas na itim. Matapos kong maayos ang sarili ko ay nag-out na ako. Habang nilagay ko sa aking likuran ang aking backpack. Wala naman mawawala sa aking bag dahil uniporme lang naman yun at pang ayus sa mukha. Nasa bulsa ko naman ang coin purse ko na puro barya nalang ang laman. Habang ang cellphone ko ay nakaipit sa aking dibdib. Hindi naman mapapansin kung may magnanakaw man dahil nagsuot ako ng jacket.

Naglalakad ako ngayon para maghintay ng jeep. Pero dahil rush hour ay mahabang pila. Merun din namang mga tricycle ang kaso nga lang ay napakamahal lalo na kung special. Kaya mahabang pasensiya ang kailangan para makatipid. Pero dahil nasa kabilang tawid pa ang sakayan ay kailangan ko munang maglakad para tumawid. Pero bago pa ako makatawid ay may mabilis na dumaan na isang itim na kotse. Halos mapatalon ang aking puso sa gulat.

“Bastos naman yun porke may kotse!” asar akong napalingon sa mabilis na paglayo ng sasakyan.

Nakasimangot ako habang tumatawid. Nang makarating sa pilahan ng jeep ay kailangan ko pang maghintay ng ilang minuto. 10 to 30 minutes ang paghihintay ko para lang makasakay. Pero ayus lang dahil sanay na ako. Naghintay ako ng kinse minutos at masaya akong napaupo sa pang huli para mabilis na makababa agad. Nag bayad na rin ako. Dahil 20 minutes lang naman ang byahe pauwi sa aking tinutuluyan. Napalingon ako sa labas ng jeep dahil sa napansin kong itim na kotse na mukhang mamahalin. Hindi ito katulad ng ibang kotseng pangkaraniwan dahil ito ay tiyak na milyones ang halaga. Sa kakatingin ko ay narinig ko na lamang na nagsalita si Manong Driver.

“Merun ba sa Green Grass?”

“Opo Manong” sagot ko ng malakas.

Maya-maya pa ay huminto na ang jeep kaya bumaba na ako at luminga linga para tumawid. Patakbo akong tumawid incase may parating na sasakyan. Nang makatawid ay naglakad na ako pa eskinita. Squatters Area ang lugar namin na marami man mga tambay at mga batang panay ang takbuhan ay masasabi kong maayos naman ang lugar na ito sa isang taon kong paninirahan. Paminsan-minsan din ay may nagkakagulo pero sila lang iyon.

Mabilis kong kinuha ang susi at binuksan ang pintuan. Nang makapasok ay kinapa ko ang pindutan ng ilaw at pinindot. Sinarado ko agad ang pintuan dahil ako lang ang mag-isa. Agad kong hinubad ang tsinelas ko at nilagay sa gilid. Binaba ko ang bag ko at nilapag sa upuang plastik. Ang kwarto ko ay nilagyan ko lang ng dalawang kurtina para may dibisyon sa sala. Maliit na lababo at maliit na banyo. Medyo masikip nga ang aming higaan sa lapag nung dalawa pa kami ni Rona. Pero ngayon ay sakto na sa akin dahil kahit paano ay nakakaikot-ikot na ako.

Kinuha ko ang tuwalya ko at mabilis na pumasok sa banyo para maligo. Ganito lagi ang daily routine ko sa buhay. Matapos kong maligo ay nilalabhan ko agad ang pinagsuotan ko lalo na ng aking uniporme. Para hindi ako natambakan ng labahin. Dahil tuwing lunes na aking rest day ay tinutulog ko talaga maghapon. Wala akong time lumabas o maglakwatsa dahil wala akong pera. Gusto ko ang mag-ipon lalo na sa mga bayarin. Sa tuwing hapon o gabi naman ako papasyalan ni Rona pag wala akong pasok dahil alam nitong gusto ko ay matulog lang.

Nang matapos ay nahiga na ako suot ko lamang ang luma at malaking t-shirt at suot lamang ay panty. Nasanay na ako sa ganito sa tuwing matutulog na dahil masiyadong mainit ang bahay kahit pa may electric fan. Nag-f******k muna ako at matapos ang ilang minuto ay inantok na ako. Nag-charge muna ako dahil lobat na rin ang cellphone ko. Hanggang sa makatulog na ako.

~~~~~~~~~~~~~~

Linggo na ngayon at ngayon ang mas maraming mga tao. Punong-puno ang mga table kaya hindi na nagpapasok ang aming guard. Kami naman ay halos hindi magkanda-ugaga sa palakad lakad.

“Reeca Ganda! Ikaw na magbigay ng dessert sa table 23” si Kuya Toby na halos mapunit na ang mukha sa pagkakangisi. Nang iinis pa nga.

Alam naman nitong iniiwasan ko yung taong nasa table 23. Simula nang kumain ito sa amin, ay napapadalas na ang punta nito. Siguro nga ay nasarapan ito. Pero simula ng pinahiya ako ng lalaking ito ay iniiwasan ko na itong tignan. Hanggat maaari ay nagpapakabusy ako para lang wag akong tawagin para ihatid sa table nito na paboritong pwesto. Pero si Kuya Toby ay makulit at mapang-asar. Talagang ako lagi ang trip na maghatid. Pwede naman si Anna, Kara , Sheena o sila Garry , Henry at iba pang lalaki. Pero ako talaga nakakainis!

“Iba nalang po Kuya, naiihi na po ako” at walang pakialam na nag-exist ako. Dumiretso ako ng banyo at umupo lang dun. Kunwari ko lang na naiihi ako pero ayoko talaga. Anu yun sa tuwing andun siya kakain ako lagi ang magse-serve ng pagkain niya. Iba naman! Di pa rin ako maka-move on sa ginawa niya sa aking pagkapahiya. Sa tuwing dinadala ko na ang pagkain nito ay mabilis na akong yumuyuko at umaaalis sa harap nito na di ito tinitignan.

Matapos ang limang minuto ay naghugas ako ng kamay at lumabas. Bago pa ako makarating ng counter ay nakabusangot ang mukha ni Kuya Toby habang kaharap nito si Sheena.

“Sabi ko sayo Reeca ikaw na magserve ng pagkain niya. Tignan mo pinabalik” nginuso nito ang hawak ni Sheena na ngayon ay masama ang mukha.

“Namimili pa ng magse-serve! Gusto pala ay maganda” masungit na sabi ni Sheena at tumingin sa akin.

“Oh bilis bigay mo na dun! Ang Arte niya. Gusto pa ikaw kahit andito naman ako. Gwapo sana kahit mabungot pero type ka ata Reeca!” parang masama pa ang loob nito.

“Bilisan mo Reeca bago pa malaman nila Boss ito” segunda naman ni Kuya Toby.

Wala na akong nagawa kundi kunin na lamang ang tray. Hindi ko tuloy alam ang nararamdaman ko. Kung maiinis ba dahil gusto pa ay ako ang magdala ng pagkain o kikiligin dahil sa akin pa talaga gusto?

*Wag kang feelingera Reeca!*

Habang naglalakad palapit sa kaniya ay biglang kumabog ang aking dibdib. Biglang namawis din ang aking mga kamay.

“Ito na po Sir pasensiya po kung natagalan” magalang kong pagkakasabi habang nilalapag ang dessert nito.

“Why you took it so long?” malaking boses nitong tanong. Base sa boses nito ay para bang lumabag ako sa batas.

Napaangat ang aking tingin dito, ayaw ko na sana itong tignan pa pero bakit kung makatanong ito ay para bang may malaking kasalanan ako rito.

“Ako po ba kausap mo Sir?” paninigurado ko.

“And who the hell I was talking? Next time don't ever passed your work to anyone.” ma-otoridad nitong pagkakasabi.

Napatayo ako ng tuwid sa sinabi nito. Kahit mahina ako sa English ay hindi pa naman ako ganun ka shunga para hindi ito maintindihan. Mas lalo tuloy nadagdagan ang pagka-asar ko sa taong ito. Hindi lang pala ito mayabang kundi manipulator pa. Feeling ba nito ay isa na siyang Hari? Gustuhin ko man sana itong tarayan ay pinigilan ko ang aking sarili dahil may kasabihang Costumers always right! Peste!

“Sorry po Sir, nagbanyo po kasi ako” magalang kong sagot kahit pa parang gusto ko itong kalbuhin sa kaniyang balbas.

Tinitigan niya lamang ako na para bang binabasa ang laman ng isip ko kung nagsasabi ako ng totoo. Anu siya feeling may powers? Sa isip ko ay tinatadtad ko na ito ng mura.

“Okay” sagot nito.

Mabilis na nagpaalam ako dito. Nang makalapit kay Kuya Toby ay namumula ang aking mukha sa pagka-inis.

“See? Iba talaga ang charisma mo Reeca Ganda! Ikaw lang talaga ang ‘apple of the eye’ dito sa atin kaya malakas tayo sa tao!” dagdag na asar sa akin ni Kuya Toby.

“Wag ka ng dumagdag Kuya!” napasimangot na lamang ako.

“Ang swerte mo dahil mukhang big time ang nagkaka-crush sayo Reeca Ganda!” humagikhik pa ito.

“Ako lang pwedeng magka-crush kay Reeca ko!” biglang singit ni Garry na mukhang Isda.

“Isa ka pa! Wag niyo na ako asarin at baka samain kayo sa akin” asar kong sagot.

Nagtawanan lang ang mga hudyo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagising ako dahil sa may malakas na pagkakatok sa pintuan. Kulang nalang ay magiba ang kawawang kahoy na pintuan ng aking bahay dahil sa tindi ng kung sino mang poncio piloto mang iyon. Napatingin ako sa aking orasan. 11:43 palang ng tanghali. Si Rona ba ito? Alam naman nitong pag rest day ko ay ayaw kong maistorbo sa aking pagtulog. Once a week na nga lang ako matulog ng maghapon iistorbohin pa ako.

Napabangon ako sa aking kutson na gulo-gulo na ang bedsheet. Nagtanggal lang ako ng mga muta at bumangon. Walang pakialam kung sabog-sabog ang aking buhok. Habang malaking t-shirt na gray na umabot sa aking hita at panty lang ang suot ko. Tiyak naman ay si Rona lang naman iyon. Dahil siya lang ang tanging nangangatok ng aking bahay.

“Anu ba Rona bakit ka panay katok alam mo namang tulog pa ang tao!” binuksan ko ang pintuan at medyo pikit pa ang aking mga mata kaya hindi ko na tinignan ang nasa harap ng aking pintuan.

Walang sumagot. Pero may naamoy akong mabangong pabango. Amoy lalaki ang pabangong iyon na nagpagising sa aking diwa ng tuluyan. Bigla akong napamulat at dahan-dahan kong tinignan ang taong nasa unahan ko. Napakunot ang noo ko dahil isang malaking bulto ng katawan ang tumambad sa aking paningin paakyat. At halos matumba ako ng mapag-sino ang nasa aking harapan ngayon.

Kulang nalang ay mapaihi ako sa gulat dahil sa hindi ko inaasahang bisita. Kung bisita nga ba ang matatawag sa taong ito.

“Did i disturb you?” tanong nito. Baket kaya panay English nito eh nakatira naman sa pilipinas.

Nakita ko pa kung paano ako nito hagurin ng tingin mula ulo hanggang paa. Pabalik sa aking mukha na parang natutuwa sa kaniyang nakikita.

Tumikhim ako.

“Ano po Sir ang ginagawa mo dito? At saka paano niyo nalaman kung saan ako nakatira?” Diretso kong tanong at hindi pinansin ang una nitong sinabi. Nakatingala lamang ako dito dahil napansin kong sobrang tangkad pala ng taong ito dahil hindi ata umabot ang aking ulo sa dibdib nito. Para bang anu mang oras ay pwede niya akong pisatin sa laki ng katawan nito.

“Before i answer you, can I go inside?”

Napaawang na lamang ang aking labi sa sinabi nito. Para talaga itong Hari kung makapang-utos. Kapal! Hindi ko alam kung dapat ko itong pagkatiwalaan dahil ito ang unang beses na may pumasok sa loob ng bahay ko na lalaki. Maski ang nobyo ni Rona ay hindi pa nakapasok dito dahil nahihiya. Pero ito saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha.

Umurong ako para bigyan ito ng daan makapasok. Nang makapasok ay mabilis kong sinara ang pintuan. Nakita ko pa ito kung paano nito libutin ang buong paningin sa loob ng aking pamamahay. Biglang parang sumikip at lumiit ang buong kabahayan dahil sa laki ng katawan nito. Bigla akong nahiya dahil baka hindi ito makahinga sa aking bahay.

“Mmmmm Sir. Pasensiya na po kung maliit lang ang bahay ko. Pero pwede kayong maupo” sabay bigay ko dito ng plastick na upuan.

“Okay thanks”

Pag-upo nito ay halos magpantay ang aming mukha kaya mabilis akong napalayo. Sa laking tao nito para bang mabubuwal ang plastik na upuan. Nakasuot ito ng dark green na malaking t-shirt. Bakat na bakat ang sobrang laking muscle nito na para bang inaraw-araw ang paggi-gym. Habang black maong pants naman sa pang ibaba. At naka-white shoes. Simple lang ang suot nito pero napakalakas ng dating. Kahit hindi nito sabihin ay alam kong mukhang may sinasabi ito sa buhay. Nakapusod pa rin ang buhok nito. Napansin ko din ang ilang mga singsing na nakasuot sa mga daliri nito.

“Anu po ba ang kailangan mo Sir?” muli kong tanong.

“You”.

“Ano po Sir?” bigla akong naguluhan.

Pero bago pa ito muling magsalita ay may kumatok na naman. Napalingon ako sa pintuan.

“At sino na naman ito” kunot noo ko. Humakbang ako dahil dalawang lakad lang ay pintuan na.

Isang lalaki na sobrang tangkad na naka-all black. Naka-shades din ito ng kulay black habang may earpiece sa tenga. Gwapo din ito tignan.

“Bakit po?” nakataas ang isang kilay ko.

Hindi ito nagsalita bagkus ay inangat nito ang isang kamay nito at pinakita ang dalawang plastick na puro pagkain ang laman. Kaya nabigla ako. Bago pa ako makasalita ay inunahan na ako ng lalaking prenteng nakaupo. Na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan.

“Put it on her table then leave now” utos nito.

“Yes, Master”

Wala akong nagawa ng humakbang na ito para pumasok kaya napagilid ako para mapadaan ito. Tahimik na pumasok ito at nilapag sa maliit na lamesang kahoy ang plastik ng pagkain. Bago pa ito umalis ay yumuko muna ito sa tinawag nitong Master at lumabas na ng tuluyan.

Ako naman ay napatulala na lamang . Mukhang hindi basta- bastang tao pala ang lalaking tinawag na master. Pero bakit naman siya andito? Anung kailangan niya sa akin. Bago pa bumuka ang aking bibig ay inunahan ako nitong magsalita.

“Im hungry we should eat first or i'll change my mind and eat you” walang gatol nitong sinabi na humagod pa sa aking buong katawan ang mga mata nito partikular sa aking dibdib.

Napasinghap ako sa ginawa nitong pagsuri sa aking katawan. Kulang nalang ay lumubog ako sa aking kinatatayuan ng mapagtanto ko ang aking sarili. Wala pala akong suot na bra at bakat na bakat ang aking dibdib na hindi naman pinalad na lumaki ngunit ang aking nipples naman ay aninag.

*Gusto ko nalang mamatay*

Mabilis pa sa kidlat kong niyakap ang aking sarili at tumalikod dito. Walang hiya!

“Bastos!” sigaw ko dito.

I heard him chuckled.

“Its okay, I like the view even you only wearing your sexy panty and long shirt.”

Hindi ko ito pinansin at nagtungo sa aking kwarto na ang tanging harang lang ay kurtina.

“Huwag kang maninilip! Kundi dudukutin ko yang mga mata mo at kakainin ko. May lahi pa naman akong mangkukulam!"

Narinig ko siyang tumawa muli. Kakaiba ang tawa nito na para bang nakakakilig pakinggan. Sheet na malagkit!

Mabilis akong nagsuot ng pajama at dali-daling nagsuot ng bra. Nang matapos ay walang pakialam na pumasok ako sa maliit na banyo para umihi at maghilos. Paglabas ko ay hawak ko ang towel at nagpupunas ng mukha. Napatingin ako sa lalaking nakaupo at abala ang mga mata sa kakalikot sa buong kabahayan.

*Kung mandidiri ka sa bahay ko pwede ka ng lumayas* bulong ng aking kaisipan.

Mabilis naman siyang napalingon sa akin .

“Are you done?” with a husky varitone voice.

Nagkatitigan kami. Pero iba ang paraan ng pagtitig nito sa ‘kin, para bang hinahalukay ang buong organ ko sa katawan. Tumikhim ako at tumango. At naglakad upang isampay ang tuwalya sa kwarto ko. Ramdam ko din ang pagsunod ng tingin nito sa akin. Nang matapos ay ilang hakbang lamang ay naupo na rin ako, magkatabi kami ngayong nakaupo sa harap ng kahoy na lamesa. Nakadikit lang kasi ang lamesa sa pader at pang-dalawahang tao lang talaga ang kasya. Nung magkasama pa kami ni Rona ay ganito ang set-up namin nagkukulitan pa kami habang kumakain ng sabay. Pero ngayon ay iba. Sa laki ba naman katawan nito ay halos sumakop na ang espasyo na pang-dalawahan. Dikit na dikit ang malaking hita nito sa aking maliit na hita. Nagmukha tuloy akong batang paslit sa tabi nito.

Tahimik lamang kaming kumakain, tanging tunog ng kubyertos lamang ang maririnig sa amin, ako naman ay talagang ginanahan bigla sa aking kinakain. Sa katunayan niyan ay first time ko lang makakain ng ganito kasarap na pagkain. Maski si Rona na aking kaibigan ay hindi nakakain ng ganito. Pasimple kong nilingon gamit ng aking eyeballs ang aking katabi. Halos mapanganga ako dahil napaka-prim and proper ng ginagawa nito. Kaano-ano kaya ito ng mga maharlika. Bigla akong nahiya sa aking sarili dahil kung kumain kasi ako ay sunod-sunod, kahit may pagkain pa ang aking bibig ay panay lamang ako lamon.

“Just take your time on your food. Don't staring at me." biglang salita nito at bumaba ang tingin nito sa akin.

Literal na nakanganga lamang ako dito. Grabe naman ang taong dito, ang lakas ng pakiramdam. Siguro may powers ito. Mabilis ko ding naitikom ang aking bibig bago tuluyang ubusin ang nasa aking pinggan. Napadighay pa nga ako sa kabusugan.

“Sorry!" mabilis kong natakpan ang aking bibig. Nakakahiya naman sa taong higante na ito.

Nagkibit balikat lamang ito bilang tugon. Sobrang linis ng plato nito, at may Ilan pang pagkain ang natira. Sayang naman kung itatapon, iinitin ko na lang iyon mamaya pang hapunan. Ilang sandali lang ay tahimik pa rin ang aking katabi na ang mga mata ay panay libot sa aking tirahan. Gusto ko man sana itong talakan ngunit wag nalang, nagpakain na nga ito sa akin at baka mainis lamang ito at bigla akong sakalin sa laki ba naman ng kamay at braso.

Matapos kong ligpitin ang mga pinagkainan namin, ay nilagay ko ang mga iyon sa lababo. Nang matapos ay humarap ako dito ng seryoso.

“Salamat po sa pakain mo Sir. Pero isa pang tanong, Anu po bang dahilan at naparito kayo? Lalo na at paano niyo nalaman ang bahay ko?"

Nakatingin lamang ito sa akin, ito na naman ang tingin nito sa akin na para bang pati kaluluwa ko ay nakikita nito. Kanina pa nga gusto tumalon ng aking puso sa prisensya ng taong ito na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan.

“At saka Sir, hindi ko pa alam ang pangalan mo? Hanggang ngayon hindi ko pa alam ang pangalan mo eh.". muli kong tanong.

Huminga muna ito ng malalim bago sumagot.

“Im here to get you. So pack all your important things. Or maybe just throw it all in the trash."

Napamaang na lamang ako sa sinasabi nito.

“Anu? tagalugin mo dahil parang hindi ko nagugustuhan ang sinasabi mo?" kunot noo kong tanong. Pero naintindihan ko naman ang sinasabi nito. Gusto ko lang alamin kung tama bang kukunin niya ako at itatapon ang mga gamit ko.

Napa- smirk pa ito bago nagsalita.

“Kunin mo lahat ng importante mong gamit, at aalis na tayo." mayabang na sabi nito.

“Teka! Bakit tayo aalis? Hindi naman kita kilala bukod sa ikaw ang masungit na costumer namin!"

Jusko po! Baka member ito ng sindikato. Kaya siguro tinawag itong master ng lalaki kanina.

“Dont ever think of me like that. Because I'm more than of what you think."

“Umalis kana kung sino ka mang nilalang ka. Salamat nalang sa pagkain. Hindi ako natutuwa sa mga pinagsasabi mo." matapang kong pagtatabay dito.

“Im Nickolai Vrikzor Straugher. " baritong boses nito.

Wow! Pati pangalan pala nito yayamanin. Gusto ko sanang kiligin lalo na sa paraan ng tingin nito sa akin. Pero kailangan kong labanan iyon mas maigi na kesa ang mamatay ng maaga.

“So?" pagtataray ko pa.

“You going to leave this place forever. And I don't accept no for f**king any complaints."

Bigla itong tumayo kung kaya ay napatingala ako dito at napaatras. Natakot na ako ng husto dito.

“Come here baby."

Malakas akong umiling at napatakbo sa aking kwarto na tanging kurtina lamang ang tabing.

“Dont hide, I can still see you here."

Napapikit na lamang ako. Mabilis kong hinagilap ang aking cellphone, kailangan kong humingi ng tulong kay Rona. Jusko po.

Bago ko pa mabuksan ang aking cellphone ng may malakas na dalawang kamay ang nagpatigil sa akin. Malakas akong napatili.

“Ahhhh!!"

“We should go now, we have to get our flight in less than two hours."

Naramdam ko na lamang ang pagpisil nito sa aking batok na aking kinawalan ng malay..

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Kim.arcelle23
Hahahha. Nickolai Vrikzor Straugher ( estrower ) hehe sensiya Kung mahirap basahin ......
goodnovel comment avatar
Meriam V. Castillo
hello Ms A , Yung name ni mafia panu ba basahin Yun hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status