Share

CHAPTER 5

- Reeca -

Matapos ng humigit kumulang tatlong oras na pag-byahe ay nakarating kami sa isang mataas na bundok na hindi agad matatagpuan ng ordinaryong tao dito sa probinsya ng Laguna. Sobrang daming puno ang aming nilagpasan at at talaga naman walang ibang sasakyan na dumaraan dahil pribadong lupain na ito ng magiging Boss ko. Sa sobrang laki at lawak ng kalupaan ay para bang isang bayan na ang pwedeng manirahan dito pero hindi. Bago kasi kami makapasok dito ay may napakalaking gate kaming dinaanan. Sobrang higpit ng seguridad. Nang makita si Jackson ng mga lalaking naka-uniporme at malalaki ang mga katawan ay nag-salute ang mga ito at agad kaming pinapasok. Ang dami ding naglalakihang mga aso na mga kasama ng mga taong may armas sa katawan.

“Farrah, bakit parang hindi ata basta-bastang tao ang magiging Boss ko? Anu bang klase ang pagkatao niya." mahina kong salita sa aking kaibigan.

Saglit itong lumingon sa akin bago tumutok ulit ang mga mata sa hawak nitong IPad na hindi na binitiwan.

“I can't say right now. Pero wag ka mag-alala dahil mas safe ka rito with the kids."

Gusto ko pa sanang magtanong pero parang ayaw na rin naman magsalita pa nito kaya nanahimik na lamang ako. Habang tumatagal kasi lalong lumalakas ang kabog ng aking puso. Hindi na kasi ako nakatulog pa ng magising akong may nagbabarilan. Hindi ko rin magawang matanong kay Farrah kung sino ang mga kaaway na mga iyon at lalo na kung paano ito natutong humawak ng baril. Si Farrah nga lang ang gumaganti sa kaaway habang si Jackson ay hindi naman gumamit ng baril kahit binigyan ito ni Farrah. Kaya siguro kami palaging may bodyguards dahil kay Farrah. Ganun naman talaga tulad ng mga napapanood ko sa movies. Madalas makidnap ang mayayamang tao ng mga sindikato. Tsk tsk. Katakot nga.

May isa pang malaking gate ang aming hinintuan at automatic iyong bumukas. Pinasok ni Jackson sa loob ang aming sinasakyan. Napasilip ako sa bintana dahil hindi ko inaasahan na mas maganda pala ang lugar nito. Pati ang buong kabahayan na hindi simpleng bahay dahil parang tirahan iyon ng mga maharlika sa sobrang laki. Tama isa itong palasyo.

“Wow"

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pintuan sa kaliwang pintuan kung nasaan nakaupo si Farrah. Pero nauna nang lumabas si Jackson, sumunod na lumabas si Farrah. Ako naman ang panghuli, nakayuko pa ang ulo ng malaking tao at inalalayan akong bumaba. Napansin kong naka-gloves pa ito ng kulay puti.

Mangha akong napalibot sa kapaligiran dahil ganun na lamang ang dami ng mga kalalakihan na na naka-black suit, suot ang black shades at naka- earpiece. Para silang mga tauhan ng isang presidente. Nakalinya silang lahat sa magkabila para bigyan ng daan kami na akala mo ay celebrity ang dadaan. Nakakahiya man ay nakatungo ako at nasa bandang likuran na naglakad habang sabay na nauna ang lovebirds na sina Farrah at Jackson. Nasa likuran ko naman ang dalawang tauhan na bitbit ang mga gamit ko.

Kung sa bahay ni Farrah ay nakakailang na ang daming bodyguards nito. Mas nakaka-intimidate naman ngayon dahil halos hindi ko na maibilang ang mga iyon.

Pagpasok namin sa entrada ng mansiyon na ito ay maraming naka-unipormeng mga kasambahay rin ang nakahilira lahat sila ay nakayuko. Habang taas-noo naman si Farrah na naglalakad habang nakayakap sa braso ni Jackson na hindi ko makita ang expression ng mukha dahil nasa unahan at naka-shades pa. Pasimple kong iniangat ang aking paningin para libutin ang buong gusali. Sobrang laki at sobrang lawak na para bang nasa museum ka na kahit dito pa lang sa sala ito. Sobrang laki at taas pa ng chandelier ang nakabitin sa pinakataas ng kisame na may painting pa ng mga ulap at parang mga angel na nakikita ko sa isang online mula sa mga kilalang pintor sa ibang bansa. Pakiramdam ko ay malulula ako sa sobrang laki ng kabahayan na ito. Mabuti na lamang at hindi na ako isang kasambahay at baka paglinisan lang ako ng banyo ay abutin pa ako ng siyam-siyam sa kakahanap tapos hindi ko pa mahanap. Tiyak ligwak agad ako nito sa Boss ko.

Pasimple akong napatingin sa mga kasambahay na nakayuko, hindi ko maaninag ang mukha nila dahil nakayuko silang lahat. Sa susunod ay makikipagkaibigan ako sa kanila para naman hindi ako ma-out of place. Wala sa loob na napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ko sa may bandang dulo ang dalawang babae na masama ang tingin sa akin. Mukhang hindi napansin iyon ng aking kaibiga dahil diretso lamang ito na naglakad. Ang isa inirapan ako habang ang isa naman ay masamang tingin ang ibinigay sa akin. Anu kayang problema nun? First time ko lang na andito pero ganito agad may enemy agad ako, hindi pa nga ako nakakapagsimula. Hindi ko na lamang iyon binigyan ng pansin dahil may mga tao talagang ayaw sa iyo kahit hindi pa kayo magkakilala.

Pumasok kami sa isang elavator na sobrang laki rin. Parang mas malaki pa ito kaysa sa elavator ng mall. Tahimik lamang ako sa likuran dahil tahimik lang din naman ang mga tao sa aking paligid. Maski ang lovebirds sa harapan ko ay walang imikan kahit magka-holding hands. Sana all.

Napatingin ako sa numero ng floor dahil may nakalagay sa button ay ‘Master" at doon pinindot ni Jackson, habang isang pagpindot pa ang ginawa sa button at sa third floor naman iyon. Nauna nang bumaba ang dalawang bodyguards na may bitbit ng aking gamit sa third floor. Akmang susunod ako ng pigilan ako ng aking kaibigan.

“Sasama ka sa amin" si Farrah.

Hindi na ako nagsalita at tumango na lamang. Nang makarating ay agad kaming bumaba ng elavator. Mas lalo akong napahanga sa itsura ng floor na ito. Daig ko pa nasa Windsor castle ng Britain. Parang nakakatakot hawakan ang mga naka-display na mga statue. Mga tao at hayop ang mga nakaukit. Bawat dingding ay may ibat ibang klase ng paintings. Malaki o maliit na portraits ang nakasabit na mukhang mamahalin ang mga iyon. Ang haba ng pasilyo ng aming nilalakaran pero hindi ako makareklamo dahil pakiramdam ko ay bawal ang magsalita sa lugar na ito. Dagdagan pa ng sobrang lamig ng kapaligiran. Siguro naka- centralised ang air-condition nila dito. Sabagay hindi na nakakapagtaka iyon dahil sa yaman ng taong ito.

Nang makalapit sa isang malaking pintuan ay huminto ang lovebirds. Nakita ko ang ginawa ni Farrah sa harap ng pinto. Nilagay lang nito ang kanang kamay sa isang maliit na TV screen at biglang umilaw iyon ng kulay blue at nakita ko pa ang pag-sign ng check. Automatic na nag-open ang pintuan na mukhang hindi basta-basta ang mabubuksan. Sobrang high-tech naman pala ng mga kagamitan dito. Wala sa loob na nagpalinga ako sa itaas. At sakto nakita ko ang isang CCTV na nakatutok sa aming pwesto. Mukhang walang lusot ang kung sinong nilalang na maglalakas loob na makapasok sa floor na ito. Dahil baka hindi na makalabas ng mansiyon dahil inabangan na nang mga bodyguards.

Kung kaninang lamig ay ramdam ko, ngayon ay panibagong lamig ang bumalot sa aking katawan. Napayakap tuloy ako sa aking sarili. Naka-simpleng t-shirt na nga lang ang suot ko at maong na pantalon pero hindi ko akalain na malamig pala rito. Edi sana nakapag-jacket man lang ako.

“Master" rinig kong tawag ni Farrah.

Napahinto ako sa kanilang likuran. Kaya hindi ko makita ang taong sinasabi nilang master. Siguro ay nasa 40's or 50's na ito. Late lang nag-asawa dahil masiyadong nagpapayaman. Napalibot tuloy ang aking buong paningin sa mga weird na paintings na nakasabit sa bawat wall. Hindi naman obvious na fanatic ng arts ang Boss ko.

“Reeca"

Mabilis akong napalingon sa pagtawag ni Farrah sa akin. Nahuli pa tuloy akong panay sulyap sa paligid na akala mo ay ignorante. Well, totoo naman talaga iyon. Dahil sa bahay ni Farrah ay hindi naman ganito katinde ang mga paintings. More on fashionable at high-tech ang mga kagamitan. Pero feeling ko ay mas high-tech din ang mansiyon na ito dahil master nila Farrah at Jackson ito.

“Master this is Reeca Abenejo. 25 years old. She is smart, flexible, hardworking, beautiful and charming plus .. a loving person"

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Farrah. Jusmiyo marimar! Hindi ko pa nga nakikita ang buong mukha ng sinasabi nitong master pero kung maka- describe naman ito sa akin ay para akong magandang nilalang.

Nakita ko ang pasimpleng pagbulong ni Jackson sa kaniyang nobya. Kinurot lang naman ni Farrah si Jackson sa tagiliran nito. Kaninang kabado ako ngayon ay napalitan ng pagkaasiwa ay ambot!

Nagulat ako ng biglang hilahin ni Farrah ang aking braso at kaya napunta ako sa kanilang harapan. Gusto ko sanang samaan ng tingin itong aking kaibigan ngunit ngumuso lamang ito na humarap na ako sa malaking executive office table. Napatingin at binasa ko muna ako sa pangalan na nakalagay mula roon. ‘Nickolai Vrikzor Straugher'.

Pag-angat ko ng tingin sa taong nakaupo ay halos malaglag ang aking panga ng makita ko kung sino ang nasa aking harapan ngayon. My Gosh! Lord! Totoo ba ito?!

Halos mawindang ang aking sistema sa taong nakaupo sa kaniyang swivel chair na para bang hari.

“Are you okay?" malaki at malalim ang boses nito na pati ata ang kaluluwa ko ay nangaligkig.

Napatitig ako sa kaniyang napakagwapong mukha. He looks my favourite crush actor. The Witcher slash Superman. Henry Cavill. Medyo magulo ang maalong buhok nito ay may ilang hiblang buhok ang tumabing sa mata nito. His dark blue rounded eyes looking at me like he was looking at my soul. Makapal ang balbas nito sa kaniyang jawline at sakto lang ang kapal sa bigote. Sa tingin ko ay nasa around 30's above na ito. Ang laki ng kaniyang katawan base sa kaniyang suot na dark blue long-sleeve at nakabukas pa ang tatlong botones nito sa dibdib kaya nagsusumigaw ang malaki at matigas nitong dibdib. Mabalahibo pa ang dibdib nito, tulad sa kaniyang magkabilang braso na kitang kita ang maugat nitong kamay dahil nakataas hanggang siko ang sleeve na suot nito. Shocks! Parang ang sarap hawakan. Buong buhay ko ay hindi pa ako nakakakita ng ganitong klaseng tao dahil hanggang sa movie lang ako naiinlove sa lalaki. Tanging si Farrah lang nakakaalam sa mga kabaliwan ko sa mga Hollywood actors at Korean Oppa's. Minsan nga ay tagasuporta ko pa ito sa aking kabaliwan kung minsan.

Shocks! Ang lalaking nasa harapan ko ay walang iba kundi ang lalaking nakita ko ilang araw na ang nakakalipas. Siya ang nakahuli sa aking sumisilip sa bintana. Hindi ko akalain na ito pala ang Master nila Farrah at Jackson. Kaya siguro ganun na lamang nila ito salubungin.

“Are you satisfied looking at me?" he smirked looking at me.

Kulang na lang ay lumubog ako sa aking kinatatayuan. Pakiramdam ko ay nangamatis ang buong mukha ko sa binitiwang salita ng Boss ko. My goshh Reeca!

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Farrah. Parang naumid ko ang aking dila dahil sa pagkapahiya.

Mabuti na lamang ay nagsalita si Farrah sa aking tabi, pero hindi ko maintindihan ang sinasabi. Ganun din si Jackson na basta na lamang umupo sa malaking sofa. Hindi ko man maintindihan ang mga pinag-uusapan nila pero ramdam ko ang paninitig ng taong nasa harapan ko. Dahil sa nasa akin lang ang buong paningin nito na para bang hindi nakikinig kay Farrah. Ibang klase daig ko pa nasa husgado at hinuhusgahan nito ang buong pagkatao ko. Pati ata ang buto ko sa buong katawan ay natutunaw sa paraan ng tingin nito sa akin kaya hindi ko na nakayanan kung kaya ay napahawak ako sa laylayan ng damit ni Farrah para kumuha ng lakas dahil pati puso ko ay gusto na atang kumawala sa aking dibdib sa lakas ng tibok.

Narinig kong nagsalita ang lalaking nakakatunaw ng buto sa katawan. Mabilis na hinila ang kamay ko ni Farrah at pinaupo sa isahang upuan na sobrang lambot dahil halos malubog ako sa pagkakaupo. Para pa rin akong lutang ng sandaling ito. At kahit hindi ko maintindihan ang lenggwahe ni Farrah pero alam ko ang lumabas na galit nito base na rin sa inaksyon nito. Sa tingin ko ay nung halos ma-ambush kami habang nasa daan. Panaka-naka naman sumasabay sa salita si Jackson. Napaangat ang tingin ko sa master ni Farrah. Nagtama ang aming mga mata. Hindi ko alam kung saktong nagtama ba ang aming paningin o kanina pa ito nakatitig sa akin mula pa kanina. Pero base sa mukha nito ay parang dumilim ang aura ng mukha dahil salubong ang mga kilay. Nakakatakot.

Hindi ko alam kung gaano pa kami katagal tumagal sa office ni Master Vrickz bago kami lumabas sa silid na iyon. Hindi man lang ako nakapagsalita ng kahit anu basta matapos na nag-usap sina Farrah at Mater ay agad na kaming lumabas. Hindi rin naman nagsalita pa ng kung ano ito. Kaya yumuko na lamang ako. Nagpaiwan si Jackson, Kaya dalawa kami ni Farrah ang lumabas at pumasok sa elavator. Bumaba kami ng isang floor lang at naglakad sa malapit sa isang silid.

“Dito ang magiging kwarto mo Reeca." binuksan ni Farrah ang pintuan at bumungad ang marangyang silid.

Kung ang kwarto ko sa bahay ni Farrah ay sobrang ganda dahil sa pagiging modern style. Ito naman ay parang nasa Victorian style ang datingan.

“Dito ba talaga ako?" tanong ko sa aking kaibigan.

“Oo naman. Dito ka dahil nasa kabilang kwarto lang din ang silid ng dalawang bata."

“Sobrang ganda. Parang nakakahiya hawakan ang mga ito" pasimple kong hinaplos ang kobre kama.

“Tsk! Masasanay ka rin."

“Pero ~~" nabitin ang pagsasalita ko ng may malakas na tili akong narinig.

“Neeca stop it!" isang boses ng batang lalaki ang umalingawngaw sa silid kung saan kami ni Farrah.

Mabilis akong napalingon sa pintuan ng kwarto. Nakita kk ang mabilis na batang babae ang patakbo ang lumapit sa amin. Sa tingin ko ay lalapit ito kay Farrah.

“Mommy"

Halos lumipad ang puso ko nang biglang yumakap sa aking binti ang isang batang babae na may maalon at mahabang buhok na kulay ginto. Napatingala ito sa akin at nakita ko ang mga mata nitong kulay asul. Parang biglang nanubig ang aking mga mata nang matitigan ko ang mala-manikang mukha ng batang ito.

“Neeca stop it. Take your hands off!" malakas na sigaw ng isang batang lalaki.

Agad akong napalingon sa batang lalaki na palapit. Awang ang aking labi ng matitigan ko ang mukha nito he looks a little version of Nickolai Vrikzor. Parang biglang umahon ang aking dibdib na hindi ko maintindihan. Parang gusto ko itong sugurin habang yakap ang batang babae na nasa aking binti ngayon.

“She is Mommy, Kuya" boses ng isang anghel na nagsalita ang batang paslit.

“No!" malakas na sigaw ng Kuya.

“Stop it kids. She is a new Nanny for both of you."

biglang singit ni Farrah.

Nagpabaling ang mga bata sa aking kaibigan.

“Tita Farrah, I don't want her to be my Nanny!" malakas ang boses ng batang lalaki.

Parang piniga naman ang aking puso sa pagkarinig nang salitang iyon.

“Zor! Don't say that. " malakas na pagsaway ni Farrah.

“Tita, she is Mommy right?" halos maluha-luha naman ang mga mata ng batang si Neeca.

God! Bakit ganito ang nararamdaman ko. Gusto ko silang dalawa na yakapin at sabihin na pwede nila akong maging mommy. Pero saan ba ang totoong mommy ng mga ito? Parang walang nabanggit si Farrah.

“Come here Neeca!" malakas na hinila ni Zor ang kaniyang kapatid palayo sa akin.

“No!"

“Neeca!"

“Both of you stop!" malakas na boses ng isang pamilyar na boses.

Nakita ko na natigilan ang dalawang bata. Napatingin ako sa papasok ng silid ang kanilang ama na si Vrickzor.

“Dont say anything without my consent okay?" nakatingin ang mga ito sa dalawang bata.

Parang bigla pumitik ang aking ulo. At biglang sumakit iyon. Bago pa ako makahingi ng tulong kay Farrah ay nagblack-out na ang aking paningin.

Napahinto tuloy sa pagsasalita ang aking kaibigan at nagtaka ang mukha.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Kim.arcelle23
Hehe salamat po sa pagbasa ......
goodnovel comment avatar
Meriam V. Castillo
oh my God anak nga nya 2 bata anyare kaya bat nawalan sya alaala.. ilove the story author
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status