Nakatingin siya sa sarili habang nakaharap sa salamin. Ito ang araw na magbabago ang buhay niya. Ito ang simula ng pagbabago ng lahat.Batid niya na ilang sandali na lamang ay pupunta na dito ang driver na naka assign sa kaniya. Hindi niya pa rin nakikita si Lanche. Hindi ito umuwi kagabi o maski kanina. Kaya naman hindi niya alam kung ano ang pinaplano nito. Tanging si Meshua ang nagpaliwanag ng lahat.
Huminga siya ng malalim, upang maalis ang nararamdamang kaba mula sa kaniyang dibdib. Hindi rin siya mapakali. Kaya naman maya-maya siya umiinom ng tubig. Madalas siya makaranas ng heart palpitation kaya kailangan niyang pakalmahin ang sarili.
Muli niyang inayos ang sarili ng pumasok ang nag m-make up sa kaniya. Kahit nawala namang makakakita rito. Sinabi niya rin kay Meshua na inimbitahan niya ang kaibigan at laking gulat niya ng pumayagsi Lanche.
Sinimulan na siyang make up-an ng babae. Ilang oras na lamang ay maguumpisa na anh kasal niya. Gaya ng pinili niya, ito ang suot niyang design. Ang moon set. She loves Moon,noong bata pa siya, pangarap niya maglakbay sa buwan. Nakakatawa man isipin pero hindi pa rin naalis sa kaniya iyon.Alam niyang imposible siya maging astronaut, kaya naman pagmamasdan na lamang niya ang buwan mula sa eroplano.
"Madame okay na po ba iyan?"
Dumilat siya at dahan-dahang humarap sa salamin.Namangha siya sa itsura niya. Nagmukha siyang mayaman tignan at desente.Iba talaga ang nagagawa ng make up.Ngumiti na lamang siya sa makeup artist.
Maya-maya lamang ay sinundo na siya ng driver para ihatid sa simbahan.Ilang oras ang lumipas subalit hindi pa rin sila nakakarating. Hindi niya batid kung saan iyon kaya naman nanahimik na lamang siya. Tumingin siya sa labas at kita niya ang malinis na daan. Sobrang ganda non habang may mga lagas na bulaklak ng puno sa gilid nito. Namangha siya sa ganda ng lugar. Maya-maya lamang ay huminto sila sa isang gate.
"Madame andito na po tayo"
Napalingon naman siya at nagtaka. Dahil isang malaking gate lamang ang nandon. Sobrang tago ng lugar na iyon. Kaya naman my lungkot siyang naramdaman.Ganon ba talaga kawalang gana si Lanche na pakasalan siya? At sa ganitong lugar pa talaga para walang makaalam?
Inalalayan siya ng driver pababa. Pumasok sila sa gate. May isang malaking espasyo doon. Subalit walang tao. Nang lumiko sila, ganon na lamang ang gulat niya ng may mga tao. At nakita niya ang tatay niya na naghihinta sa pintuan ng venue. Pati na rin si Chillet na grabe ang ngiti.
Hindi niya kilala ang ibang nandito pero nakita niya ang ilang VIP costumer ng shop nila. Pati na ang manager nila.At laking gulat niya ng makita ang mga kapatid niya sa gawing kanan na nakangiti sa kaniya.Nakaupo na ang lahat at nakatingin sa kaniya
"Ang ganda mo beshy! Ikaw na!" sabi nito sa kaniya habang niyakap siya.
May malaking katanungan sa isip niya. Kung bakit may mga ibang tao dit.Ang buong akala niya at pito lang silang makakaalam nito.Pero mali siya dahil may mga tao.
"Congratulation anak."
Malungkot na sabi ng papa niya sa kaniya.Batid niya na nakokonsensya ito sa ginawang pangbabayad-utang sa kaniya.Subalit hindi naman niya ito matitiis kaya ngumiti siya at niyakap ito.
"Okay lang po ako pa. Basta ligtas kayo." Sabi niya habang nakangiti sa ama.
"Maraming salamat anak. Patawarin mo ako."
Niyakap na lamang niya ito. Maya-maya lang ay tumunog na ang piano.Ngayon lamang niya napansin ang paligid. Mula rito ay tanaw mo ang magkabilang bundok.Kita mo rin ang paglubog ng araw.Ang ganda ng tanawin dito lalo na't malinisat sariwang hangin ang malalanghap mo. Sa baba naman, makikita mo ang mga building.Napakagandang tanawin. Sadya siyang namagha sa lugar na ito.Naglakad siya habang nasa likod niya ang kaibigan at nakakapit siya sa tatay niya. Mula rito, tanaw niya si Lanche sa unahan na naka suit katabi si Meshua. Seryoso lang itong nakatingin habang nakangiti si Meshua.
Ilang hakbang pa ay nakarating siya sa gitn. Nakaharap siya ngayon sa nakatulalang si Lanche. Hindi niya alam kung bakit parang wala ito sa sarili. Siguro ay hindi pa ito handa na pakasalan siya. Ngumiti na lamang siya ng mapait sa kaibigan at sa tatay niya ng kuhain ni Lanche ang kamay niya.
Nagmisa ang pari, pero parang wala na rin siya sa sarili niyaNag dadalawang isip ba si Lanche na pakasalan siya? Kung kailan handa na siyang mahalin ito? Ganito a ang magiging sitwasyon niya.
"Miss De Villa?"
Napalingon siya ng tawagin ang apelyido niya ng pari Bago lumingon kay Lanche na nagtatakang nakatitig sa kaniya.
"I-I Do Father." Sabi niya habang nauutal na yumuko. Sa sobrang pag iisip niya ay hindi niya namalayan na tinatanong na siya ng pari. Patay siya panigurado kay Lanche nito.
"Okay May I announce that you are husband and wife.You may kiss the bride" sabi ng father.
Napanganga siya sa sinabi nito.Nawala sa isip niya ang scene na ganito. Pero mas lalo siyang nabigla ng hilahin siya ni Lanche at hinalikan. Nakatitig siya dito habang magkadikit ang labi nila.Seryoso itong nakatingin sa kaniya.Parang tumigil ang mundo niya sa ginawa ng lalaki. Marahan lang ang halik nito pero ramdam mo ang sinseridad.
Narinig niya ang malakas na palakpakan ng mga bisita.Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya habang nakatingin sa mga mata ni Lanche. Ilang minuto nagtagal ang ganong posisyon nila.Kaya naman ay nang humiwalay ito mula sa labi niya ay napatahimik siya. Hindi niya mawari ang nararamdaman niya. Hindi niya expected na hahalikan siya ng ganon ni Lanche. Dahil masyado itong naging busy sa trabaho kaya hindi na niya ito nakita.
"Are you with me?"
Nagbalik siya sa reyalidad ng magsaita ito.Magkayakap pa rin sila. Kahit na anong ingay ng mga tao tila ba ay wala silang marinig at tanging sila lang ang tao sa buong venue.
"O-oo Hehehe" palusot niyasa lalaki. Ngunit tumango na lamang ito bilang pag-sang ayon. Nagulat na lamang si Brie ng buhatin siya ni Lanche kaya naman todokilig ang ibang mga kababaihan sa ginawa ng lalaki. Ibinaba na lamang siya nitonang makarating sila sa kotse.
"Saan tayo pupunta?" tanong nia.
"We're already married. What do you think?"balik na tanong ng lalaki sa kaniya.
Bigla naman siyang kinabahan.Hindi pa siya handa ibigay ang pagkababae niya. Hindi pa siya handa sa bagay na ganito.
"P-pero--"
"What?" Hinihintay ni Lanche na sumagot ito. Subalit bahagyang natakot si Brie kaya hindi na siya nakasagot pa.
Nagpatuloy siya sa pag drive hanggang sa makarating sa lugar na iyon.Habang nababa si Brie sa kotse ay hindi niya maitago ang kabang nararamdaman niya. Natatakot siya, hindi niya batid kung ano ang magaganap ngayong gabi. Subalit tama si Lanche.Kasal na sila, kaya wala siyang lusot doon. Masyado pa siyang bata sa edad na dise-nwebe.
Two years later"Madame!" masayang bungad ni Melody sa kararating lamang na si Lauren. Bumaba siya galing sa eroplanong kaka-landing pa lamang mula sa New york.Sinalubong siya ng mga staff habang may banner pa. Napangiti siya sa nakita niya. Sa di kalayuan nakatayo si Luanne hbaang nakangiti sa kaniya. Nasa VIP hallway sila kaya hindi nakakaabala sa mga costumer ang celebration nila."Thank you!" masayang sambit ni Lauren na hindi inaasahan ang ganitong eksena sa company nila.Natigilan siya nang maalala na may kasama pala siya."OMG! It's him?" tanong ni Luanne at dali-daling lumapit sa kanila.Isang ngiti lamang ang sinagot ni Lauren bago hinawakan ni Hiro ang kaniyang kamay."OMG! Nakakainggit ka, Sis!" kinikilig na sambit naman ni Luanne kaya natawa na lamang si Lauren habang isinandal ang ulo niya sa
Nakarating ako sa parking. Hindi ko namalayan na gabi na pala. Para akong lutang na naglalakad sa kahabaan ng parking habang nakatulala. Hindi maalis sa isip ko ang lahat ng narinig at nalaman ko. Oarang paulit-ulit ko iyong naririnig.Hindi ko rin magawang umiyak dahil ayokong may makakita sa akin. Lalo na si Chiara at si Luanne. Ipinikit ko na lang ang mata ko at huminga ng malalim. Gustong-gusto ko nang umuwi para makapagpahinga ako.Papasok na ako ng kotse nang may magsalita sa likod ko. Para akong nagising nang marinig ko nag boses niya."Lauren," sambit niya. Huminga muna ako ng malalim at pinunasan ang luha na feeling ko ay paaptak na. Tumingala pa ako bago inayos ang sarili at humarap kay Lanche.Nakita ko siyang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako para hindi niya mahalata ang nararamdaman ko. I can pretend that I'm happy."Lanche," sabi ko sa kaniya at nanatiling
LAUREN'S POVPapalabas na ako ng office dahil kanina pa ako hinahanap ni Chiara. Pagkalabas ko nasalubong ko si Meshua kasama si Chillet na papasok rin ng elevator. Akmang pipindutin na nila nang bigla nila akong nakita na papasok. Kaya naman napatingin sila sa akin ata agad na nagbigay ng space."Good afternoon, Madame," nkangiting bati sa akin ni Meshua kasama si Chillet. Ngumiti lang ako sa kanila bago ako pumasok ng elevator. Ilang sandali lang iyon nang bigla ng bumukas. Same lang pala kami sa ground floor pupunta. Nang makalabas ako ay agad kong hinanap si Chiara. Ang sabi niya nasa field raw siya kaya naman nagpunta na ako doon.Sa di kalayuan ay natanaw ko naman siya na nakatayo habang nakatanaw sa di rin kalayuan sa kaniya. Agad akong pumunta doon at nagsalita."Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka na lang dumiretso sa office?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Agad siyang lumingon sa akin at paran
LAUREN'S POVNagising ako nang may yumogt=yog sa akin. Npadilat agad ako ng mata at nakita ko naman si Launne na nakangiti sa akin habang pilit akong itinatayo."What's wrong with you?" nakabusangot na tanong ko habang pilit na tumatayo dahil aalam kong hindi ako tatatantanan ni Luanne hangga't hindi ako natayo sa kama ko."Let's go. Mag-mall tayo," sabi niya pa at hinighila ako patayo."LUANNE!" masama ko siyang tiningnan bago ako tumayo ng tuluyan s akaam ko."What's wrong with you brain huh? Im sleeping!" sigaw ko at masama pa ring nakatinmgin sa kaniya."C'mon, Sis. Huwag kang mag-emot lang diyan. Baka kulang ka lang sa relax kaya ka ganiyan," sabi niya pa kaya naman mas lalong napataas ang kilay ko."Emot? Mukha ba akong nag-emot dito? Pwede ba Luanne. Stress na stress na ako sa Carniva. Wala akong panahon mag-emot," sabi ko s akaniya at tumatyo b
Bumangon si Lauren mula sa pagkakahiga. Ilang oras na siyang nakahiga subalit hindi siya dinalaw ng antok.Hindi maalis sa isip niya ang mga nakita at narinig niya kanina. Muli siyang dinalaw ng lungkot. Niyakap niya ang unan na nasa tabi niya.Hindi niya magawang maalis sa isip niya si Lanche. Kahit na gustuhin niyang bumalik ay hindi niya magawa dahil ayaw na niyang guluhin muli ang lalaki.Isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago siya bumaba ng kwarto. Uminom na lamang siya ng wine upang mawala ang pagiisip niya ng kung anu-ano.Nang magtagal siya sa kusina ay agad rin siyang bumalik sa kwarto para matulog.***Isang pagtunog ng alarm clock ang nagpagising sa kaniya. Hindi niya namalayan nag oras at agad siyang tumayo upang mag-asikaso. Matapos iyon ay pumunta na siyang Carniva. Maraming papeles ang kailangan niyang aiskasuhin lalo na wala ang Dad niya
THREE MONTHS PASSED.LAUREN'S POVNakatanaw ako sa eroplanong papalipad na. It's already five pm."Madame, pwede na ba akong umuwi?" tanong ni Melody sa akin."Sure," nakangiting sagot ko sa kaniya.Ngumiti lang siya sa akin bago umalisHuminga ako ng malalim bago lumakad papuntang parking lot.Nag-drive ako papuntang condo ko. Tahimik akong nakatanaw sa kalsada. Muli kong naalala ang lahat.Three months ago, nang umamin si Luanne sa lahat ng kasalanan niya. Nakulong siya pero agad naman rin siyang nakalaya dahil nakipag-usap ang mga biktima at pinatawad naman siya.Huminga siya ng tawad sa akin, hindi pa man ganon naghilom ang sugat ko. Mas pinili kong patawarin siya.Habang nakahinto ang sasakyan ko, napalingon ako sa teddy bear na bigay ni Lanche.&
"Claveria, laya ka na," seryosong sambit ng isang police na ikinagulat ni Lanche. Kahit na naguguluhan ay naging masaya siya. Nang makalabas siya, agad na sinalubong siya ni Meshua kasama si Chillet.Subalit hinahanap ng kaniyang mga mata ang babaeng mahal niya. Nagkatinginan lamang ang dalawa habang panay pa rin ang lingon niya sa paligid."Where is my wife?" seryosong tanong niya sa dalawa."Wala siya dito, Captain. Sorry," sabi ni Meshua.Nawala ang mga ngiti niya sa labi nang sabihin iyon ni Meshua. Nasaktan siya ng hindi ito makita para salubungin siya.Talagang galit pa rin ito sa kaniya.Imbes na malungkot ay agadsiyang lumabas para umuwi. Na para bang sigurado siyang nasa bahay nga ang asawa.Ilang oras ang lumipas nang makauwi siya. Subalit walang Lauren na bumungad sa kaniya."Manang,
LAUREN'S POVHindi pa siya nadala at nagulat ako ng kumapit siya sa braso ni Lanche."Lanche, nakita mo? Nakita mo na kung gaano kasama yang babaeng pinakasalan mo?" sabi ni Luanne habang nakakapati sa braso ni Lanche."Ano bang pinagsasabi mo, Luanne?" sabi ni Lanche at bahagyang inalis ang kamay ni Luanne sa braso niya."Bakit, Luanne? Nahihiya ka bang malaman ng mga tao dito kung anong klaseng boss meron sila?" sabi ko na ikinatigil naman ni Luanne.Tumingin sa akin si Lanche ng nagtataka. Alam kong gusto niya kong pigilan. Pero hindi niya kaya."Tama ang mga nasa isip niyo! Ang itinuturing niyong mabait na boss ay may relasyon sa asawa ko. SHE IS A MISTRESS," nakangiting sabi ko. Lahat sila natigilan."HON..." sambit ni Lanche.Pero nagulat ako ng tumawa si Luanne.
LAUREN'S POVNakatulala akong hinihintay ang tawag ni Lanche. Hanggang ngayon ay wala pa rin siya.Maya-maya ay bumukas ang pinto ang bumungad sa akin si Lanche. Halatang nagulat siya ng makita ako."Hon, sorry kung hindi na ako nakapag-text sa iyo. Nag-shutdown ang cellphone ko," sabi niya bago niya ako halikan.Nanatili akong tahimik habang sinusuri siya. Wala namang kakaiba sa kaniya."Where's your bag?" tanong ko sa kaniya."In my car, I just forgot," sabi niya bago siya pumasok ng banyo."Ako na ang kukuha," sabi ko sa kaniya bago ako lumabas ng kwarto.Nagtungo ako sa garage at pumasok sa kotse niya. Nakita ko naman ang bag niya at kinuha iyon. Aalis na sana ako ng may maapakan akong bagay. Kaya agad ko iyong kinuha para makita.Nagulat ako ng makita ang isang lipst