Share

Psychopath 3

Penulis: Sunmaru
last update Tanggal publikasi: 2026-08-06 00:53:20

Present...

"So... my mother brought me a new toy. One that looks far too fragile to last the night."

Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko sa narinig ko.

Napalunok ako habang nakatitig sa lalaking nasa harapan ko.

Siya ba talaga si Master Ellixar Ace Raven?

Kung siya nga...

Bakit parang wala naman siyang sakit?

Ang laki ng katawan niya, matikas ang tindig, at higit sa lahat... hindi siya mukhang isang taong kailangang alagaan.

Ang nasa isip ko ay isang mahina at nakaratay na lalaki.

Hindi isang lalaking may malamig na presensya at nakakatakot na aura na parang kaya niyang kontrolin ang buong silid sa pamamagitan lamang ng kanyang tingin.

Paano kaya siya sinusumpong?

Hindi ko maiwasang maging mausisa.

"Ahm... kayo po ba si Master Ellixar Ace?" tanong ko nang may pag-aalinlangan.

Tinitigan niya ako nang matagal.

"Who else, stupid..." malamig niyang sagot.

Napatigil ako sa pagtawag niya sa akin.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatakot.

Pero isang bagay ang sigurado...

Hindi ito ang taong inaasahan kong makikilala.

Napakamot ako sa ulo.

Hindi ko napigilang maisatinig ang nasa isip ko.

"Mawalang galang po, Master Ace... pero hindi po ako stupid," mahinahon kong sagot kahit nanginginig ang boses ko.

Huminto siya.

Dahan-dahan siyang lumingon at tumitig sa akin.

Matagal.

Parang sinusukat niya kung gaano ako katapang para sagutin siya nang ganoon.

Walang emosyon ang mukha niya. Tanging malamig na tingin lamang ang ipinakita niya.

Akala ko may sasabihin pa siya.

Pero wala.

Sa halip, dahan-dahan siyang tumalikod at nagsimulang maglakad.

"Follow me..."

Malamig at diretso ang utos niya.

"Huh?"

Napatingin ako sa likod niya bago alanganing sumunod.

Habang naglalakad kami pababa, hindi ko mapigilang mapatingin sa paligid.

Napakaraming mamahaling painting ang nakasabit sa mahabang pasilyo. Bawat isa ay tila may sariling kwento, pero ang katahimikan ng lugar ang mas nakakakuha ng atensyon ko.

Lalong bumigat ang pakiramdam ko habang palalim kami nang palalim.

Hindi ko alam kung saan niya ako dinadala.

Pero isang bagay ang malinaw...

Mas lalo akong kinakabahan habang papalapit kami sa basement.

Halos ilang minuto ang lumipas bago namin narating ang isang silid sa basement.

Binuksan niya ang p***o at pinauna akong pumasok.

Sumunod ako, pero ilang segundo lang ang lumipas nang bigla akong makaramdam ng kakaibang kaba.

Teka... bakit parang may mali?

Napalingon ako sa kanya.

Natigilan ako nang makita ko siyang hinuhubad ang kanyang t-shirt.

Hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Ang taong akala ko'y mahina at nangangailangan ng tulong ay kabaligtaran pala. Matikas ang kanyang katawan, at bawat galaw niya ay puno ng kumpiyansa.

At ang biceps at abs!!! Shit. 

Agad kong iniling ang ulo ko, pilit na inaalis ang mga hindi dapat iniisip.

"Master Ace... a-ano pong ginagawa ninyo?"

"Lumayo po kayo..." dagdag ko agad nang mapansin kong papalapit siya.

Nanlaki ang mga mata ko sa kaba.

Akala ko may masama siyang balak.

Pero bago pa man ako makalayo, bigla niyang tinabig ang pisngi ko gamit ang malaking kamay niya sapat para mapunta ako sa gilid at sapat din para mapasinghap ako sa gulat.

Natigilan ako.

Hindi siya nagsalita.

Sa halip, nilagpasan niya lamang ako at dumiretso sa kabilang silid na parang walang nangyari.

Napalingon ako sa kanya, hindi maunawaan ang ginagawa niya.

Ano ba talaga ang trip ng lalaking ito?

“Linisin mo itong kwarto,” malamig niyang utos. “Ayusin mo Yung bangkay, may kukuha niyan Mamaya.”

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

B-bangkay…? Teka!! Bakit may bangkay!! 

Dahan-dahan akong lumapit para makompirma, nanginginig, at nang sumilip ako sa loob halos mapaatras ako sa takot.

Shit. May bangkay nga!! 

Doon nakahiga sa isang tila hospital bed isang babae. Maputla. Walang galaw. Wala nang buhay.

“Move.”

Malamig niyang utos, sabay marahas na pagtulak sa akin dahil natulala na lang ako at hindi na nakakilos.

Nanigas ang katawan ko. Halos hindi ako makahinga.

Killer ba… ang alaga ko?

Hindi ko alam kung susunod ba ako parang nakabaon sa sahig ang mga paa ko sa sobrang takot hindi ko na ito maigalaw pa.

“Tsk… ang bagal mo,” mariin niyang bulong, may halong inis.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang kumuha ng isang manipis na instrumento na tila gamit sa pag-aaral ng katawan ng tao.

Nangingintab iyon sa ilalim ng ilaw.

"Ano bang kinakatakutan mo? Patay na yan," malamig niyang sabi.

Lalong bumilis ang tibok ng dibdib ko.

Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa nakita ko o sa paraan ng pagsasalita niya parang wala lang sa kanya ang bagay na para sa akin ay isang bangungot.

Pakiramdam ko tuloy ay maiihi na talaga ako.

Walang alinlangan niyang ibinaon ang talim sa malamig na braso ng bangkay. Napasinghap ako, halos mapahiyaw.

"See? Wala nang dapat ikatakot," malamig niyang sabi. "Kaya bilisan mo na bago pa yan mangamoy."

Napatitig lang ako sa kanya.

Normal ba para sa isang tao ang ganito?

Sa sandaling iyon, isang bagay ang naging malinaw sa akin...

Hindi ordinaryong lalaki si Master Ellixar Ace Raven.

Natutulala parin ako.. Nanginginig ng may iabot ito.. 

"Heto..." sabi niya habang iniabot sa akin ang itim na body bag.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Bilis," dagdag niya, halatang nagsisimula nang mainis.

Pagkatapos ay lumabas siya ng silid na parang walang kakaiba sa kanyang ginawa.

" S-sandali, Master Ace..." nauutal kong tawag habang sinusundan siya.

"What?!" malamig niyang sagot mula sa labas.

Huminto ako sa harap ng p***o.

"Dito ka muna, Master Ace... natatakot ako."

Hindi ko man gustong aminin, pero nanginginig pa rin ang boses ko.

Ang totoo... nakakatakot talaga ang lugar na iyon. Ang daming kakaibang gamit, gamot, at hindi pamilyar na amoy. Hindi ako sanay sa ganitong lugar.

Sumandal siya sa gilid ng p***o at tumingin sa akin nang walang emosyon.

Mukhang wala siyang pakialam sa takot ko.

"Hurry up," malamig niyang sabi. "Inaantok na ako."

Naluluha na ako.

Hindi ko alam kung mas nakakatakot ba ang basement...

O ang lalaking nakatayo sa harapan ko na parang normal lang ang lahat.

Dahan-dahan akong kumilos.

Nanginginig ang mga kamay ko habang pilit kong sinusunod ang utos niya. Ayokong tumingin sa harapan ko, pero hindi ko rin maiwasang makaramdam ng takot sa sitwasyong kinasasangkutan ko.

Ayokong tumingin sa mukha ng patay, pero parang hinihila ng kung anong pwersa ang mga mata ko roon maputla, walang buhay, naninigas. Napapikit ako, pinilit na huwag tumitig habang ginagawa ang inuutos niya.

Almira, kaya mo 'to...

Huminga ako nang malalim at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Hindi ko inisip kung gaano ito nakakakilabot. Ang tanging nasa isip ko lamang ay matapos ito agad.

Ramdam ko ang bigat ng bangkay habang iniaayos ko ito, malamig at matigas na parang yelo ang balat. Napangiwi ako nang madikit ang braso ko sa kanya.

Isinulong ko paunti-unti, pinapagulong sa kabilang hospital bed, hanggang sa tuluyang maipasok sa loob ng itim na body bag.

Amoy kemikal ang paligid, halong bahagyang asim at kalawang, kumakapit sa lalamunan ko. Nang marinig ko ang tunog ng zipper na unti-unting sumasara, para akong naduduwal.

Ilang minuto ang lumipas bago ko tuluyang natapos ang ipinapagawa sa akin.

Pagkatapos noon, agad akong napalayo at huminga nang malalim.

Hindi ko alam kung paano ko kinaya.

Pero isang bagay ang sigurado...

Hindi ko kailanman makakalimutan ang gabing ito sa Raven Mansion.

Tapos sa isip ko, malinaw na and desisyon..

Bukas na bukas, magre-resign na ako. Hindi ko kaya ito.

Matapos kong gawin ang iniutos niya at makita siyang naglakad palabas, agad akong sumunod takot na takot na maiwan sa ibaba.

Pagkaupo ko sa madilim na sofa ng mansion, tulala na lang ang naging itsura ko. Parang nawalan ng laman ang isip ko, tanging kaba at pagod ang naiwan.

Samantala, ang alaga ko ay paakyat na sa second floor. Hindi na niya ako pinansin, at lubos ko iyong ipinagpasalamat.

Magdamag akong nanatili sa ganoong ayos tulala, walang imik, nakaupo lang sa madilim na sofa. Unti-unti ko na lamang namalayan nang lumiliwanag na ang paligid.

Umaga na.

Hindi ko namalayan kung kailan ako tuluyang natulala sa sofa hanggang sa unti-unting lumitaw ang liwanag ng araw.

Maya-maya, may narinig akong sasakyang papalapit.

Kanina, isang van ang dumaan sa likuran ng mansion at agad ding umalis. Ngayon naman, isang kotse ang huminto sa harapan.

Bumukas ang p***o ng mansion.

At agad kong nakita ang pamilyar na mukha.

Si Doc Martin.

Ang doctor ni Master Ace.

Ngumiti siya nang makita ako, na para bang natutuwa... o marahil ay nagulat dahil buhay pa rin ako.

Lumapit siya at umupo sa harap ko.

"Almira...?"

Isang tawag lang sa pangalan ko ang kailangan para tuluyan akong bumigay.

"D-Doc..." agad akong napaiyak. "Ayoko na po dito... natatakot na ako."

Hindi ko na napigilan ang sarili kong ikuwento ang nangyari kagabi.

"May bangkay po sa basement... tapos si Master Ace, pinagawa niya sa akin na ayusin iyon..."

Nanginginig ang boses ko habang nakatingin sa kanya.

"Sabihin n'yo nga po sa akin, Doc..."

Humigpit ang hawak ko sa damit ko.

"Killer ba ang alaga ko?"

Umiling siya at bahagyang natawa.

"Hindi, Almira."

Napatingin ako sa kanya.

"Hindi siya killer."

Huminga siya nang malalim bago ipinaliwanag.

"Isa siyang cadaverist. Mahilig siyang mag-aral tungkol sa katawan ng tao. Hindi ito basta ginagawa dahil gusto niyang manakit."

Tahimik akong nakinig.

"May mga katawan na legal na ipinagkakaloob para sa pag-aaral at pananaliksik, at iyon ang ginagamit niya upang mas maintindihan ang kanyang pinag-aaralan."

Kahit may paliwanag na siya, hindi pa rin agad nawala ang takot ko.

Ramdam ko pa rin ang kilabot na gumagapang sa buong katawan ko. Hindi na ako makapag pigil ayoko nang magtagal dito, kahit isang araw pa.

“Tulog siya maghapon… nagigising mga bandang alas-sais, at mula ro’n, dere-deretso na hanggang madaling araw,” paliwanag pa ng doktor na may halong tawa.

“Kung maaari, huwag kang magpapakita sa kanya sa gabi… para hindi ka niya mautusan.”

“Mula pa bata, ganyan na siya, Almira… mas gusto niyang nag-iisa,” dagdag pa ng doktor.

"Ang trabaho mo lang ay siguraduhing naiinom niya ang gamot niya," paliwanag ni Doc Martin. "Dahil mahimbing siyang matulog, idinadaan natin ito sa injection."

Tahimik akong nakinig.

"Pagkatapos, ihanda mo ang pagkain niya. Ilagay mo lang sa dining table at siguraduhing maayos itong nakatakip."

Tumango ako nang bahagya.

"Siguraduhin mo rin na maayos ang kalagayan niya tuwing umaga. Tulungan mo siya sa mga kailangan niya bago magsimula ang araw niya."

Nanatili akong tahimik.

Sa totoo lang, parang hindi ko pa rin matanggap ang lahat ng nangyari.

Mula sa malaking sahod...

Hanggang sa isang mansion na puno ng misteryo.

At ngayon, isang lalaking halos hindi ko maintindihan ang kailangan kong alagaan.

"Ayoko na po talaga, Doc..." mahina pero mariin kong sabi.

Tiningnan niya ako.

"Dalawang daang libo."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Deal!"

Napatingin siya sa akin bago bahagyang ngumiti.

"Ang bilis mong magbago ng isip."

Napakamot ako sa ulo.

"Eh... malaking bagay po 'yon, Doc."

Bahagya siyang natawa.

"Iyon lang ba? Wala na po ba kayong ibang ibibilin?"

Sa halip na sumagot agad, iniabot niya sa akin ang ilang bote ng gamot kasama ang detalyadong mga tagubilin kung paano ito gagamitin.

Mahigpit ko iyong tinanggap.

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyong ginawa ko...

Pero sa halagang dalawang daang libo kada buwan, kailangan kong subukan..

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 8

    Almira's POVMugto pa rin ang mga mata ko habang nakatitig sa sarili ko sa harap ng salamin.“Bwisit na lalaki ’yon…”Napangiwi ako habang pinipigilan ang inis na nararamdaman ko.Nakakababa ng tiwala sa sarili!Hindi raw ako attracted sa paningin niya…Pero kung gano’n, bakit niya ako hinalikan?Ano yon?!Napahawak ako sa labi ko habang lalo lang akong nalilito.“Humanda ka sa akin bukas, Master Ace…”Mahina kong sambit sa sarili ko.Dahil kung akala niya ay matatakot lang ako at susuko…Nagkakamali siya.Tumayo ako at mabigat ang bawat hakbang papunta sa kwarto.Pagpasok sa kwarto, agad kong nilock nang maigi ang pinto. Hindi pa ako nakuntento hinila ko pa ang isang upuan at inilagay iyon bilang harang.Hindi ko mapigilan ang kaba.Paano kung seryosohin niya talaga ang sinabi niya?Paano kung sa halip na ang mga patay ang pag-aralan niya…Ako ang piliin niyang pagtuunan ng pansin?Napailing ako sa sarili ko.“Almira, ano ba itong pinasok mo…kasalanan talaga ito ni kuya Mario.. ” bul

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 7

    Almira's POV... “M-Master…?” mahina kong bulong.Marahan kong tinapik ang balikat niya gamit ang paa ko, sinusubukang siguraduhin kung talagang tulog siya.“Ikaw kasi, Master… nanunugod ka na lang bigla!” reklamo ko pa habang pilit ko siyang hinihila palayo sa pader.Pero kahit anong gawin ko, ang bigat talaga ng katawan niya.Napabuntong-hininga na lang ako bago kumuha ng upuan mula sa dining table. At buong lakas ang binuhos ko at sa wakas nagawa ko rin siyang mapaupo roon.Nakatungo lang siya, walang anumang reaksyon.Tulog.Mabuti na lang at mabilis umepekto ang pampatulog na naiturok ko sa leeg niya.Maingat kong kinuha ang dalawang pulso niya at itinali ang mga iyon sa likod ng upuan gamit ang straw string na nakita ko sa kusina.“Kung gusto mo naman… sabihin mo lang,” pabirong sabi ko habang inaayos ang pagkakatali sa kanya.Akala ko ay mahimbing pa rin ang tulog niya.Kaya naman nang matapos ako, naglakad ako sa harap niya para tingnan kung maayos ang pagkakagawa ko.Ngunit h

  • THE PATIENT'S SECRET    PSYCHOPATH 6

    Almira's POV... Umalma ako at bigla na lang napabalikwas mula sa kinauupuan.“Mawalang-galang na po, Madam… Don Jose…” nanginginig kong sambit, pilit pinipigilan ang pagtaas ng emosyon ko. “Bakit po kailangan ng pregnancy test?! Iniisip n’yo po ba na pinagsasamantalahan ko si Master Ace habang natutulog siya?!” halos pasigaw kong tanong.Hindi ko napigilan ang pagkagulat. Ang bigat ng paratang na tila ba kaya kong gawin ang ganoong bagay sa kanya.“Umupo ka muna, iha,” mahinahon ngunit may bigat na sabi ni Madam. “Hindi naman gano’n ang ibig naming sabihin…”“Alam mo, ganito kasi ’yon…” panimula ng ina ni Ace. Bahagyang namasa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.“Matanda na kami, Almira. Gustung-gusto na talaga naming magkaroon ng apo mula kay Ace. Alam mo naman na siya lang ang nag-iisa naming anak…” saglit siyang huminto, tila hinahanap ang tamang mga salita.“At sa tingin namin… pasado ka naman para sa kanya. Dahil nagtagal ka ng dalawang linggo rito, baka…” napalunok

  • THE PATIENT'S SECRET    PSYCHOPATH 5

    Almira's POV... Nakahiga ako sa kama, dilat na dilat habang tahimik na nakikiramdam sa bawat ingay sa paligid. Sobrang lakas ng tukso na alamin kung ano ang ginagawa ngayon ni Master Ace, pero pilit kong pinipigilan ang sarili kong lumabas ng kwarto.Kanina, habang nakatambay ako sa veranda ng silid ko, nakita ko ang isang itim na van na pumasok sa mansyon. Agad kong naisip na baka iyon ang sasakyan ng bangkay na pag-aaralan niya ngayong gabi.Ngunit matapos umalis ang van, ilang sandali pa ang lumipas habang abala ako sa pagmumuni-muni nang bigla kong mapansin ang isang sports car na palabas ng mansyon.Napakunot ang noo ko.“Imposibleng si Master Ace ang umalis…” bulong ko sa sarili habang marahang umiiling.Pumasok na ako sa loob ng kwarto para sana ay matulog.Pinilit kong ipikit ang aking mga mata, ngunit hindi nagtagal ay bumangon din ako. Hindi ko mapigilan ang sarili kong muling tumambay sa veranda, hinihintay kung babalik pa ba ang sports car na nakita ko kanina.Ngunit lumi

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 4

    Almira's POV.. Napatingin ako sa mga gamot na iniwan ni Doc Martin.Puro injection.Isa roon ang kailangan kong ibigay kay Master Ace mamayang alas-siyete ng umaga.Napabuntong-hininga ako habang hawak ang mga bote.Hindi pa rin mawala sa isip ko ang lahat ng nangyari kagabi.Para bang isang panaginip na ayokong balikan.Nagpasya muna akong mag-ikot sa loob ng mansion habang hinihintay ang oras.Alas-singko pa lamang ng umaga, pero ang buong lugar ay tahimik na parang walang nakatira.Makalipas ang ilang minuto, may narinig akong pumasok.Dalawang babae ang dumating—isang matanda at isang halos kasing-edad ko lang."Magandang umaga, ineng," bati ng matanda."H-hi po. Magandang umaga rin po," nahihiya kong sagot.Ngumiti siya bago nagpakilala."Kami ang caretaker ng mansion. Ako si Nanay Esme, at ito naman ang anak ko, si Betty."Tumango ako bilang tugon."Ako po ang bagong tagapangalaga ni Master Ace."Agad napatingin si Betty sa kanyang ina."Ay, hindi na si Rosita?" mahina niyang b

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 3

    Present..."So... my mother brought me a new toy. One that looks far too fragile to last the night."Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko sa narinig ko.Napalunok ako habang nakatitig sa lalaking nasa harapan ko.Siya ba talaga si Master Ellixar Ace Raven?Kung siya nga...Bakit parang wala naman siyang sakit?Ang laki ng katawan niya, matikas ang tindig, at higit sa lahat... hindi siya mukhang isang taong kailangang alagaan.Ang nasa isip ko ay isang mahina at nakaratay na lalaki.Hindi isang lalaking may malamig na presensya at nakakatakot na aura na parang kaya niyang kontrolin ang buong silid sa pamamagitan lamang ng kanyang tingin.Paano kaya siya sinusumpong?Hindi ko maiwasang maging mausisa."Ahm... kayo po ba si Master Ellixar Ace?" tanong ko nang may pag-aalinlangan.Tinitigan niya ako nang matagal."Who else, stupid..." malamig niyang sagot.Napatigil ako sa pagtawag niya sa akin.Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatakot.Pero isang bagay ang sigurado...Hindi ito ang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status