共有

psychopath 9

作者: Sunmaru
last update 公開日: 2026-08-11 09:33:31

Almira’s POV..

“Master… gaano kasakit?” tanong ko, kunwaring nag-aalala. Ang totoo’y pinagmamasdan ko ang bawat reaksyon niya mula sa pagkunot ng noo hanggang sa munting pagkibot ng panga.

Sumimangot siya. Mabagal. Parang sadyang pinahaba ang sandali. Pagkatapos ay pinasadahan niya ako ng tingin. Mula ulo… hanggang paa. Mabagal. Parang sinusukat ang bawat kurba ng katawan ko. Ang mga mata niya’y parang may bigat, may init, kahit hindi naman siya hayagang nang-aakit. O baka ako lang ang nag-iis
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • THE PATIENT'S SECRET    psychopath 9

    Almira’s POV.. “Master… gaano kasakit?” tanong ko, kunwaring nag-aalala. Ang totoo’y pinagmamasdan ko ang bawat reaksyon niya mula sa pagkunot ng noo hanggang sa munting pagkibot ng panga.Sumimangot siya. Mabagal. Parang sadyang pinahaba ang sandali. Pagkatapos ay pinasadahan niya ako ng tingin. Mula ulo… hanggang paa. Mabagal. Parang sinusukat ang bawat kurba ng katawan ko. Ang mga mata niya’y parang may bigat, may init, kahit hindi naman siya hayagang nang-aakit. O baka ako lang ang nag-iisip nang sobra. Baka ako lang ang naghahanap ng kahulugan sa bawat sulyap.Napangisi ako sa loob. Ayan… mukhang nalilibugan na siya sa’kin.Pero ang sinabi niya ay hindi ko inaasahan.“Ang sagwa ng suot mo. Hindi bagay.”Napakunot ang noo ko. Ang mga salita niya’y parang malamig na tubig na biglang ibinuhos sa balat ko. “Ayos ka, Master ah…” pabulong kong dagdag, “Kala mo naman hindi ka tinitigasan sa’kin…”Mukhang narinig niya.Biglang tumalim ang mga mata niya. Parang hayop na biglang napuk

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 8

    Almira's POVMugto pa rin ang mga mata ko habang nakatitig sa sarili ko sa harap ng salamin.“Bwisit na lalaki ’yon…”Napangiwi ako habang pinipigilan ang inis na nararamdaman ko.Nakakababa ng tiwala sa sarili!Hindi raw ako attracted sa paningin niya…Pero kung gano’n, bakit niya ako hinalikan?Ano yon?!Napahawak ako sa labi ko habang lalo lang akong nalilito.“Humanda ka sa akin bukas, Master Ace…”Mahina kong sambit sa sarili ko.Dahil kung akala niya ay matatakot lang ako at susuko…Nagkakamali siya.Tumayo ako at mabigat ang bawat hakbang papunta sa kwarto.Pagpasok sa kwarto, agad kong nilock nang maigi ang pinto. Hindi pa ako nakuntento hinila ko pa ang isang upuan at inilagay iyon bilang harang.Hindi ko mapigilan ang kaba.Paano kung seryosohin niya talaga ang sinabi niya?Paano kung sa halip na ang mga patay ang pag-aralan niya…Ako ang piliin niyang pagtuunan ng pansin?Napailing ako sa sarili ko.“Almira, ano ba itong pinasok mo…kasalanan talaga ito ni kuya Mario.. ” bul

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 7

    Almira's POV... “M-Master…?” mahina kong bulong.Marahan kong tinapik ang balikat niya gamit ang paa ko, sinusubukang siguraduhin kung talagang tulog siya.“Ikaw kasi, Master… nanunugod ka na lang bigla!” reklamo ko pa habang pilit ko siyang hinihila palayo sa pader.Pero kahit anong gawin ko, ang bigat talaga ng katawan niya.Napabuntong-hininga na lang ako bago kumuha ng upuan mula sa dining table. At buong lakas ang binuhos ko at sa wakas nagawa ko rin siyang mapaupo roon.Nakatungo lang siya, walang anumang reaksyon.Tulog.Mabuti na lang at mabilis umepekto ang pampatulog na naiturok ko sa leeg niya.Maingat kong kinuha ang dalawang pulso niya at itinali ang mga iyon sa likod ng upuan gamit ang straw string na nakita ko sa kusina.“Kung gusto mo naman… sabihin mo lang,” pabirong sabi ko habang inaayos ang pagkakatali sa kanya.Akala ko ay mahimbing pa rin ang tulog niya.Kaya naman nang matapos ako, naglakad ako sa harap niya para tingnan kung maayos ang pagkakagawa ko.Ngunit h

  • THE PATIENT'S SECRET    PSYCHOPATH 6

    Almira's POV... Umalma ako at bigla na lang napabalikwas mula sa kinauupuan.“Mawalang-galang na po, Madam… Don Jose…” nanginginig kong sambit, pilit pinipigilan ang pagtaas ng emosyon ko. “Bakit po kailangan ng pregnancy test?! Iniisip n’yo po ba na pinagsasamantalahan ko si Master Ace habang natutulog siya?!” halos pasigaw kong tanong.Hindi ko napigilan ang pagkagulat. Ang bigat ng paratang na tila ba kaya kong gawin ang ganoong bagay sa kanya.“Umupo ka muna, iha,” mahinahon ngunit may bigat na sabi ni Madam. “Hindi naman gano’n ang ibig naming sabihin…”“Alam mo, ganito kasi ’yon…” panimula ng ina ni Ace. Bahagyang namasa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.“Matanda na kami, Almira. Gustung-gusto na talaga naming magkaroon ng apo mula kay Ace. Alam mo naman na siya lang ang nag-iisa naming anak…” saglit siyang huminto, tila hinahanap ang tamang mga salita.“At sa tingin namin… pasado ka naman para sa kanya. Dahil nagtagal ka ng dalawang linggo rito, baka…” napalunok

  • THE PATIENT'S SECRET    PSYCHOPATH 5

    Almira's POV... Nakahiga ako sa kama, dilat na dilat habang tahimik na nakikiramdam sa bawat ingay sa paligid. Sobrang lakas ng tukso na alamin kung ano ang ginagawa ngayon ni Master Ace, pero pilit kong pinipigilan ang sarili kong lumabas ng kwarto.Kanina, habang nakatambay ako sa veranda ng silid ko, nakita ko ang isang itim na van na pumasok sa mansyon. Agad kong naisip na baka iyon ang sasakyan ng bangkay na pag-aaralan niya ngayong gabi.Ngunit matapos umalis ang van, ilang sandali pa ang lumipas habang abala ako sa pagmumuni-muni nang bigla kong mapansin ang isang sports car na palabas ng mansyon.Napakunot ang noo ko.“Imposibleng si Master Ace ang umalis…” bulong ko sa sarili habang marahang umiiling.Pumasok na ako sa loob ng kwarto para sana ay matulog.Pinilit kong ipikit ang aking mga mata, ngunit hindi nagtagal ay bumangon din ako. Hindi ko mapigilan ang sarili kong muling tumambay sa veranda, hinihintay kung babalik pa ba ang sports car na nakita ko kanina.Ngunit lumi

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 4

    Almira's POV.. Napatingin ako sa mga gamot na iniwan ni Doc Martin.Puro injection.Isa roon ang kailangan kong ibigay kay Master Ace mamayang alas-siyete ng umaga.Napabuntong-hininga ako habang hawak ang mga bote.Hindi pa rin mawala sa isip ko ang lahat ng nangyari kagabi.Para bang isang panaginip na ayokong balikan.Nagpasya muna akong mag-ikot sa loob ng mansion habang hinihintay ang oras.Alas-singko pa lamang ng umaga, pero ang buong lugar ay tahimik na parang walang nakatira.Makalipas ang ilang minuto, may narinig akong pumasok.Dalawang babae ang dumating—isang matanda at isang halos kasing-edad ko lang."Magandang umaga, ineng," bati ng matanda."H-hi po. Magandang umaga rin po," nahihiya kong sagot.Ngumiti siya bago nagpakilala."Kami ang caretaker ng mansion. Ako si Nanay Esme, at ito naman ang anak ko, si Betty."Tumango ako bilang tugon."Ako po ang bagong tagapangalaga ni Master Ace."Agad napatingin si Betty sa kanyang ina."Ay, hindi na si Rosita?" mahina niyang b

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status