Maaga siyang pumasok kinabukasan. Alas siyete pa lang ng umaga ay nasa office na siya at abala sa ginagawa.Mag-aalas otso na ng pumasok si Mr. Rado kasabay si Lany. Kahit naiilang dahil sa nangyari kahapon ay itinigil niya ang ginagawa para batiin ang dalawa.Hindi siya tinapunan ng tingin man lang ng mga ito. Ibinalik niya na lang din sa trabaho ang atensiyon.Hindi nagtagal si Mr. Rado at umalis ito ng opisina. Naiwan sila ni Lany sa loob. Nakapameywang na nilapitan siya ng babae. Tumayo pa ito sa harap niya."How's the report coming?" Nakataas pa ang isang kilay nito nang tanungin siya.Dama niya ang pag-iba na ng pagtrato nito sa kanya. Hindi niya na lang pinansin iyon at sinagot ang tanong ng babae."We need it tomorrow, first thing in the morning."Tumango na lang din siya."Knock! Knock!" Napalingon pa silang pareho sa babaeng nakasilip na sa pinto.Agad na umaliwalas ang mukha ni Lany nang makita si Latonia."Good morning! Come inside," agad na sinalubong ito ng babae at inaya
Nakataas-noo pa siya nang ibigay kay Mr. Rado ang natapos na report. Proud siya at nagawa niya iyon kahit hindi sapat ang araw na ibinigay para matapos ang gano'n kakumplikadong report.Kumunot lang ang noo ng matandang boss. Walang kainte-interes na binuklat lang ang files saka pabagsak na inilagay sa mesa. Hindi ito nagsalita kahit konti.Tatanungin na niya sana ito ng susunod na gagawin niya pero naunahan siya ng lalaki."I didn't know that you were that ambitious, Miss de Lara. Of all people na pwede mong akitin ay si Mr. Montarde pa talaga. May itinatago pala iyang inosente mong mukha. Mas magaling pala ang karisma mo kumpara kay Lany." Tiningnan siya ng matandang boss nang may malisya.Pumormal ang mukha niya. Hindi niya gusto ang pinagsasabi nito sa kanya. Sa tingin niya ay umabot na rin sa kaalaman nito ang tungkol sa kanila ni Sean. Sigurado siyang galing ang tsismis na iyon kay Lany."I don't know what you're talking about, Mr. Rado. I'll be at my desk and will just wait for
Naramdaman niya ang pagluwag ng hawak ni Lany sa braso niya. Kitang-kita ang takot sa mukha nito nang lumingon sa kanya."You're his w-wife?" Nanginginig pa ang boses nito.Nakatuon ang galit na galit na mukha ni Sean kay Lany. Siya ang natatakot sa kung ano'ng gagawin ni Sean sa babae. Kaya nang bitiwan siya ni Lany ay agad na iniharang niya ang katawan kay Lany. Hinawakan niya agad ang braso ni Sean habang hindi inaalis ang tingin sa mukha nito."Sean..." mahinang tawag niya sa pangalan nito para mapigilan ito sa kung anumang binabalak nitong gawin.Tumingin ito sa kanya."Don't worry. I won't lay a finger on her. Security!" Agad na lumapit ang mga guards na ando'n na rin pala."Take her out of the building. I'll let this slide for now, Miss Ramirez. I don't want to ever see you near my wife!" Nanggigigil ang boses ni Sean na umakbay na sa kanya.Sa higpit ng pagkakaakbay nito ay pakiramdam niya ay pigil na pigil nito ang sarili.Hinahaplos niya na lang ang isang braso nito para ku
Pinalipat siya ni Sean sa opisina nito. Pinalagyan nito ng additional na mesa sa loob para sa kanya.Wala siyang ibang pagpipilian dahil alam na ng lahat na asawa siya ni Sean. Malalagay naman sa alanganin ang pangalan ng lalaki kung lilipat nga siya ng ibang kompanya.Hindi naman siya required na magtrabaho buong araw. Parang ang dating niya ay tutulong lang sa mga admin works na hindi na kayang gawin ni Mrs. Nieves, ang secretary ni Sean.Mabait sa kanya ang may edad nang babae. Nagulat din ito nang malamang asawa siya ng boss nito pero masaya rin ito para sa kanila.Ang opisina ni Mr. Rado ay kasalukuyang bakante. Pinagbabawalan nang pumasok sa building ang dating boss pati na rin si Lany. Nakumpirma nilang may relasyon nga ang mga ito at hindi malabong magkasabwat pa sa pagkawala ng malaking halaga sa kompanya.Gusto niyang tawagan ang kapatid para kumpirmahin dito ang partisipasyon nito sa illegal na aktibidad ng dating boss nito at ni Lany. Alam niyang wala sa kapatid niya ang th
Nagulat na lang siya nang bigla siyang hilain ni Sean sa pool. Napasinghap pa siya sa lamig ng tubig na bumasa sa buong damit niya.Binitiwan ni Sean ang mga labi niya habang dumako ang tingin sa mga butones sa harap ng damit niya. Binuksan nito isa-isa ang mga iyon."You're still wearing your office dress," nakakunot-noong sabi nito na seryosong-seryoso sa pagtatanggal ng pagkakabutones ng damit niya.Hindi rin siya nagpaawat. Pumasok sa loob ng basang shirt nito ang mga kamay niya at humahaplos na sa dibdib nito. Napatingin ito sa kanya nang maging mapangahas ang mga kamay niya.Namumungay ang mga matang sinalubong niya ang nagbabagang tingin ng lalaki. Napapakagat-labi pa siya nang dumausdos sa bandang tiyan nito ang isa niyang kamay."Damn, wifey!" Paungol na mura nito at biglang hinila palapit ang batok niya para bigyan siya ng mapusok na halik.Napaawang ang bibig niya sa diin ng pagkakasipsip nito sa pang-ibabang labi niya. Hindi naghihiwalay ang mga bibig nila nang hubarin nit
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Sumalubong agad sa kanya ang puting kisame. Nag-inat siya ng mga braso at bigla namang napangiwi.Naramdaman niya agad ang pananakit ng buong katawan. Pakiramdam niya ay para siyang binugbog na ewan. Maingat na bumangon siya. Dumausdos pababa ang kumot na nakatabing sa katawan niya. Nagulat pa siya nang sa pagyuko niya ay nakita ang nakabuyangyang na mga dibdib nang maalis ang kumot.Mabilis na hinila niya ang kumot at itinakip uli sa katawan. Napatingin siya sa palibot ng kwarto.Wala siya sa kwarto niya natulog!Saka lang niya naalala ang naganap kagabi. Mabilis na uminit ang dalawang pisngi niya hanggang sa kumalat ang init sa balat niya.Ilang beses siyang inangkin ni Sean kagabi. Kaya pala ang sakit ng buong katawan niya. Nang pakiramdaman niya ang nasa gitna ng mga hita niya ay parang nahihiya pa siya sa sarili. Feeling niya kasi sa parteng iyon ay nakabaon pa ang malaki at mahabang sandata ni Sean. Wala sa loob na napaungol siya nang m
Nanunukso ang tinging ibinigay ni Sean nang makitang naka-turtle neck na damit siya. Alam na alam kasi nito kung ano ang itinatago niya sa leeg niya na ito rin ang may kagagawan.Nagpapalitan sila ng makahulugang tinginan habang sabay na nagbi-breakfast nang umagang iyon ng Lunes. Madaling araw yata bumalik ng bahay ang mga kasambahay pati na si Nana Klaudia.Nagpalipas ng gabi sa kwarto niya si Sean kagabi pero nang magising siya ay wala na ito sa tabi niya. Nag-iwan lang ito ng message sa phone niya na hindi na siya ginising nang bumalik ito ng kwarto nito kaninang madaling araw.Wala silang imikan kahit sa loob ng sasakyan nito kaya't nagulat na lang siya nang hawakan ni Sean ang isang kamay niya at halikan iyon."How's your sleep?" Tanong nito nang parehong nakaupo na sila sa loob ng kotse."O-okay lang," tanging naisagot niya kahit kaninang pagkagising ay masakit pa rin ang buong katawan niya. Kahit ang mga nipples niya ay parang medyo mahapdi na ewan.Ikaw ba naman ang laging
Halos buong araw na wala si Sean. Hindi na ito bumalik galing sa meeting. Naiwan siyang mag-isa sa opisina nito. Tinawagan siya ni Mrs. Nieves at sinabing ipadirekta rito ang mga tawag kapag may naghahanap kay Sean. Maaaring tinawagan na ito ng lalaki na wala ito sa office buong araw.Mabuti pa ang secretary nito at naalalang tawagan ng lalaki. Kanina pa siya naghihintay na makatanggap man lang ng text galing dito kahit tungkol sa trabaho ang dahilan, at least alam pa rin nitong nag-eexist siya sa mundo. Mukhang tuluyang nakalimutan yata ni Sean na merong siya.Tumunog ang phone sa mesa ni Sean. Agad na tumayo siya para sagutin iyon."Good afternoon! This is BiaSe Company, Mr. Montarde's office.""Ahm, may ibang secretary na pala si Sean?" Iyon ang isinagot ng nasa kabilang linya.Mahinhin ang boses ng babae at masarap sa tenga."Mrs. Nieves is not available. This is Yazmin-""Y-you're Sean's wife?" Agad na singit ng babae.Napakunot-noo siya. Biglang nagkahinala kung sino ang nasa ka