Hapon pa lang kinabukasan ay abala na si Sheena sa pag-aayos sa kanya. Pagkatapos niyang maligong muli ay pinatuyo nito ang buhok niya gamit ang blower. Inayos nito ang buhok niya at hinayaang nakalugay lang iyon. May inilagay itong kulay na tinanggihan niya kaso ang sabi ay mawawala rin naman daw iyon. Kailangan daw kasi na palitan muna nila ang kulay ng itim niyang buhok para maiba naman.
Hindi na siya umimik at hinayaan na lang ang kaibigan sa ginagawa. Nilagyan siya nito ng kolorete sa mukha. Kakapalan daw nito konti para huwag mabura agad. Pumayag na lang din siya. Nasiyahan naman siya sa pagmi-makeup nito sa kanya kahit makapal nga iyon. Nagmukha tuloy siyang ibang tao nang matitigan ang sarili sa salamin.Bandang alas singko ng hapon siya natapos ayusan ni Sheena. Pinasuot na nito sa kanya ang damit na susuotin niya mamaya. Tama nga siya. Masyadong maikli at daring ang damit na iyon. Kitang-kita ang cleavage niya. Gusto niya tuloy magsuot ng blazer para matakpan iyon."Ano ka ba? Ang ganda mo kaya huwag kang maasiwa. Mas magiging awkward ang mukha mo kung naiilang ka sa ayos mo. Isang gabi lang naman, eh, kaya i-enjoy mo na dahil pagbalik mo sa inyo pepestehin ka na naman ng dalawa." Alam niyang sina Mhariel at Dino ang tinutukoy ng kaibigan.Pinahiram din siya nito ng pulang sapatos na may mataas na takong. Mabuti na lang at mahilig siyang mangulekta ng mga sapatos na may mataas na takong kahit hindi naman ginagamit. Gusto niya lang suotin iyon sa bahay kapag gusto niyang mag-aral maglakad gamit iyon. Nagagandahan kasi siya sa lakad ng mga babaeng may gano'n kahabang mga takong. Hindi na siya mahihirapan sa paglakad gamit ang sapatos na pinahiram nito dahil do'n.Napansin niya na parang pinaghalong pula at orange ang kulay ng buhok niya. Nagmukha na nga siyang Manila girl at medyo nawala na iyong probinsiyana look niya."Ayan! Siguradong matutuwa ang ka-date mo niyan mamaya. Umupo ka na muna riyan habang naghihintay tayo ng oras. Tatawagan ko rin muna siya. Diyan ka lang, ha?"Pinaupo siya nito sa sala na bihis na bihis na at ready to go na talaga kahit pasado alas singko pa lang ng hapon.Lumayo nang konti sa kanya si Sheena habang may tinatawagan ito sa phone."Hello! Oo, okay na ang mamaya. Siguraduhin mo lang, ha? Baka naman kukupit ka na naman?"Napakunot-noo siya sa narinig, Hindi niya kasi maiwasang marinig iyon dahil konting dipa lang naman ang layo ni Sheena sa inuupuan niya.Bakit kung makipag-usap ito do'n sa "ka-date" niya mamaya ay parang magkakilala na ang mga ito? Hindi ba ang sabi nito ay blind date sana iyon? At ano ang tungkol sa kupit?"Alright. Ako na ang maghahatid sa kanya sa venue. Mamaya na tayo mag-usap uli."Nakangiting humarap na sa kanya si Sheena nang maibaba ang phone."Iyon ba iyong ka-date ko mamaya?" Curious na tanong niya."Ay, hindi. Kaibigan ko iyon. Nagtext pala iyong ka-blind date mo na seven na lang magkikita para mas mahaba raw ang gabi para magkakilala kayong mabuti. Pumayag na ako kasi naka-ready ka na rin naman. Saka sinabihan ko na siya na hindi na ako ang magiging date niya para huwag ka nang mahirapang magpanggap na ako."Tumango-tango lang siya."Kinakabahan ka ba?" Tumabi agad ito sa kanya at hinawakan ang nanlalamig niyang mga kamay."M-medyo.""Naku! Date lang iyan kaya maging natural ka. Kung hindi mo type, eh, huwag na kayong magkitang muli. Just in case pala na ninerbiyusin kang masyado, inumin mo lang itong tubig. May hinalo akong pampakalma sa tubig para naman huwag kang mahimatay sa date ninyo." Tumawa pa ito habang inabot sa kanya ang maliit na bote ng mineral water.Kinuha niya naman iyon at inilagay sa loob ng shoulder bag.Alas sais pa lang ay hinatid na siya ni Sheena sa malaking hotel kung saan sila magkikita ng ka-date niya. Sa loob kasi ng resto bar raw ng hotel sila kakain. Akala niya ay ihahatid pa siya ni Sheena papasok pero hindi na ito bumaba ng kotse. Ang sabi, eh, maghintay lang daw siya konti sa entrance ng hotel.Naasiwa pa siya nang bawat makakita sa kanya ay tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Halos ang mga kalalakihang napapansin siya ay nginingitian siya. Ang mga babae naman ay tumataas lang ang kilay sa kanya.Wala pang sampung minuto ay nilapitan siya ng isang lalaki na sa tingin niya ay nasa early 30's nito. Casual lang ang suot na damit nito pero halatang mayaman. May hitsura ang lalaki."Carina?""Huh?"Sino si Carina?"Sheena's your friend, right?""Ah, yes. But my name is-""Carina, yep! Come with me sa taas at magsisimula na ang party maya-maya konti. I'm Miguel, by the way."Nagpakilala ito pero hindi inabot ang kamay sa kanya. Hinawakan lang siya nito sa braso para igiya papasok ng hotel.Party? Isang party pala ang pupuntahan nila? Akala niya ay blind date iyon na sila lang?Sumakay sila ng elevator at pinindot nito ang tenth floor."A-are you my date?" Naglakas-loob na siyang magtanong."Date?" Nagtatakang tanong nito sa kanya.Nang makitang hindi naman nagbago ang reaksiyon niya ay bigla itong tumawa nang mahina."Oh! Iyon na pala ang tawag ninyo sa client ninyo. Date? Mas okay ngang pakinggan."Client? Tamang tao ba ang sinamahan niya o baka nagkakamali siya?Biglang tumunog ang phone niya. Si Sheena ang nasa kabilang linya."Yaz, nagkita na kayo? Siyanga pala, nakalimutan kong sabihin na ibang pangalan ang ibinigay ko. Baka kako hindi mo type so at least hindi niya alam ang tunay mong pangalan. Sabi ko ay Carina ang name mo. Tumawag lang ako saglit para sabihin iyon. Ibababa ko na rin ito dahil kanina pa ako hinihintay ni Arthur. Bye!"Hindi na siya nito binigyan ng pagkakataong magsalita dahil mukhang nagmamadali nga si Sheena."To answer your question earlier, No, I'm not your "date". It's our friend. This party is for him so please make this night memorable for our friend." Kinindatan pa siya ng lalaki nang sabihin iyon.Mas lalo siyang naguguluhan habang tumatagal ang pag-uusap nila ng lalaki.Biglang bumukas na ang pinto ng elevator. Agad na bumungad sa kanya ang maingay na tugtog sa buong tenth floor. May pailaw-ilaw pa sa mismong daanan ng buong floor.Gano'n na ba ang mukha ng bawat floor ng hotel?Hinawakan na siya ni Miguel sa likod habang inakay siya palapit sa umpukan ng apat na lalaking nasa isang mesa. Napalingon siya sa paligid. Maraming tao roon at may mga babae rin siyang nakikita na hindi nalalayo sa damit niya ang suot."Siya na ba?" Tanong ng isang lalaking nakaupo na sa kanya nakatingin."Yep. Pero siyempre, it will be a surprise so dapat walang ideya si Sean. Hindi ko na siya ipapakilala sa inyo at baka sulutin ninyo pa."Biglang nagtawanan ang mga lalaki habang mataman siyang pinagmamasdan."Akin na nga lang, dude. Iba na lang ang kay Sean." Biro ng isa na nanunudyo pa ang tinging ibinigay sa kanya."Sira ka, Vinz!" Natatawang sagot ni Miguel.Napalunok siya. Hindi niya man alam ang tinatakbo ng usapan ng mga ito ay bakit parang pakiramdam niya ay nababastos siya?Dinala siyang muli ni Miguel sa isang upuan na may iba pang mga babae."Just stay here first, okay? Lalapitan na lang kita if it's time na."Bago pa ito umalis ay nagsalita siya. Kailangan pa niyang lakasan ang boses dahil sa ingay ng tugtog."M-miguel, I think aal-"Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil biglang naghiyawan na ang mga taong nasa mesang pinanggalingan nila kanina ni Miguel. Napatingin doon si Miguel at nakihiyaw na rin nang mapansin ang pagdating ng isang lalaki.Kahit alam na ng puso nila na anak nila si Baby Alyanah ay kailangan pa ring ipa-DNA test bilang pagsunod sa protocol.Once kasi na mapatunayan na anak nga nila ang sanggol ay maiakyat na ang kaso laban sa mga namamahala sa St. Therese Maternity Clinic, kina Latonia at Patrick, kasali na rin ang mag-inang sina Manang Minda at Divina.Kabado pa rin silang pareho nang tingnan ang resulta ng test. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang katibayan na anak nga nila si Baby Alyanah.Mahigpit na nagyakapan sila ni Sean. Halo-halong emosyon ang nararamdaman nila nang mga sandaling iyon.Dinumog ng mga bisita ang bahay nila nang malaman ang balitang buhay ang totoo nilang anak.Ang mga magulang niya at kapatid pati na rin asawa't anak nito ay pumunta sa bahay nila.Isinabay sa pagpapabinyag kay Baby Alyanah ang welcome party at thanksgiving party para rito. Bisita rin nila ang batang babae na tunay na ina ng patay na sanggol.Napalitan na nila ng pangalan ng anak nito ang lapida ng libing n
Dahil hindi nakakatulong ang pag-iyak, kahit kabado siya ay pinilit niyang maging kalmado. Nakatingin siya sa labas ng bintana at tinitingnan ang mga nadaanan nila.Kahit pinakasimpleng detalye ay isiniksik niya sa utak para magamit kung sakali mang makatakas siya sa lalaki.Dumako uli ang tingin niya sa sahig ng kotse ng lalaki. Biglang nabuhayan siya ng loob nang may makita siya na pwedeng magamit niya kung sakaling pagtangkaan siya nito.Halos puro kakahuyan ang nadaanan nila at masyadong madilim pa.Napapansin niya ang maya't-mayang pagsulyap ni Patrick sa kanya."Kung papayag ka ay pwede tayong magpakalayo-layo. You can forget about your husband and kids. We can start our own family sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Saan mo ba gusto? Sa London? Australia?" Hindi makapaniwalang napatingin siya sa lalaki. May saltik nga yata talaga ang utak nito.Imbes na barahin ito ay sinasakyan niya na lang. Mahirap galitin ang mga taong parang may problema sa utak."Paano ang trabaho mo
"Miss, kung hindi mo ibibigay sa akin ang detalye ng babaeng naunang nanganak sa akin sa gabing iyon, pwede kang maisama sa kaso kahit wala kang kinalaman." Pinagbantaan niya ang nasa reception desk ng St. Therese Maternity Clinic.Hindi na niya kinontak si Patrick lalo na no'ng nakita niyang ito ang nagbuhos ng tubig sa sahig. Natatakot siyang kumprontahin ang lalaki at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya kapag nalaman nitong alam na niya.Pumunta na siya sa kapulisan at isinumite ang ebidensiyang meron siya tungkol sa lalaki. Naka-blotter na ito sa istasyon at naghihintay na lang siya ng instructions kung ano ang susunod na hakbang.Gusto niya sanang ipaalam iyon kay Sean para masamahan siya nito. Alam niyang magagalit ito kapag nalaman iyon. Baka nga sugurin pa nito ang lalaki at iyon ang isa pa sa kinakatakutan niya.Mamayang pag-uwi niya ng bahay ay sasabihin na niya ang lahat ng mga natuklasan sa asawa at ipapakita ang video ng pangyayari sa Rajah HotelKailangan na rin talag
Kunot na kunot ang noo niya habang binabasa ang ibinigay na impormasyon ng imbestigador tungkol kay Patrick de Asis. Mabigat na talaga ang loob niya rito nang makita niya ito uli na kasama ni Yazmin. Hindi naman dahil sa pagseselos lang kaya niya pinaimbestigahan ang lalaki.Medyo nakakaalwan din naman pala sa buhay ang lalaki. Sa katunayan ay kasosyo ito ng isa sa mga negosyo ng ama ni Latonia.Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya. Magkakilala kaya ang dalawa?What a small world!Pero bakit no'ng nasa clinic sila ay parang hindi magkakilala ang mga ito? Napakibit-balikat siya.Baka ang ama lang ni Latonia at si Patrick ang magkakilalang talaga.Napailing-iling siya nang makitang may tatlong kaso ito na naareglo. Inireklamo ito ng tatlong babae dahil sa pang-ii-stalk nito.Sabi na nga ba niya, mukhang may kakaiba sa lalaki, lalo na sa paraan ng pagtitig nito kay Yazmin. Base sa nakuha niyang report ay may obsession ang lalaki sa mga babaeng natitipuhan nito.Hindi pala ito tumiti
Pabagsak na inilapag niya ang mga baraha sa mesa."Letse naman!" Inis na sabi niya.Isang beses pa lang yata siya nanalo sa araw na iyon. Kapag minamalas nga naman.Biglang pumalahaw ng iyak ang sanggol na pinahiga niya sa kandungan at hawak lang ng isang kamay. Naririndi siya sa iyak ng bata.Kung hindi lang siya nagkakapera rito ay matagal na niya sana iyong dinispatsa. Isa pa, hinihintay niya ang isang milyong bayad ni Miss Beautiful.Makakawala na rin siya sa wakas sa pag-aalaga ng sanggol. Hindi niya pinangarap na sa tanda niyang iyon ay mag-aalaga pa rin siya ng bata.Siya pa nga ang kumumbinsi kay Divina dati na ipalaglag ang unang ipinagbuntis nito.Muntik pa siyang mapakislot nang mas lumakas pa ang palahaw ng sanggol."Uy, Minda! Padedehin mo na nga iyang apo mo at mukhang gutom na gutom na." Sigaw ng isang driver na parang naiingayan na rin sa palahaw nito.Nasa may sakayan kasi uli siya. Kahit na hindi na siya namamalimos dahil hindi naman siya pinapabayaan no'ng magandang
Nanatili siya sa madilim na bahaging iyon habang karga ang sanggol.Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya rito. Kung bakit naman kasi iyong sira ulo na si Patrick ay hinayaan pang mabuhay ang sanggol.Ginamit niya lang talaga ang lalaki nang mahalata niyang halos sambahin nito ang lupang nilalakaran niya.Nagsimula lang naman iyon sa isang dummy account. Hindi kasi siya maka-move on nang malaman niyang ang ordinaryong empleyado ng ex niyang si Sean ay asawa na pala nito.Umaasam pa naman ang ama niya na si Sean ang makakatuluyan niya. No'ng maging sila ng lalaki ay naging maayos naman ang lahat. Kahit nababalitaan niyang nakikipaglandian ito sa iba ay hindi niya masyadong iniinda.Pareho kasi sila ng laro ng lalaki. Ayaw din niyang matali sa iisang tao lamang. Marami rin siyang flings kahit may relasyon sila ni Sean.Ang kaso ay unti-unti na rin siyang umaasa na seseryosohin nito nang tumagal sila. Siya na ang kusang tumigil sa pakikipag-ugnayan sa iba't-ibang lalaki. Umasta siyan