Amilia's POV.
Sumunod lang ako sa mommy ni Kasper. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kinakabahan diba? Kinakabahan talaga ako! Mamaya may pagka Lady Tremaine pala sya. Buti pa si Daddy Dawson. Hanep! Saan ako kumuha ng lakas ng loob na maki daddy haha
"Mia, right?" napatingin ako kay Tita Rose ng tawagin nya ko.
"O-opo" kinakabahan kong sagot. Hindi mo iisiping mommy sya ni Kasper kasi parehas sila ni Daddy Dawson na parang young looking at pwedeng pumasang kapatid ni Kasper.
Ngumisi sya. Halatang ramdam nya ang kaba ko.
"Natatakot ka ba sakin?" diretsa nyang tanong.
OMG! Straight forward syang tao! Kaloka mas trumiple ang kaba ko.
Pero kahit kinakabahan ako. Umiling ako at tipid na ngumiti.
Nagulat ako ng tumawa sya.
"You're scared of me, aren't you? Wag ka ng magsinungaling. Halatang halata sayo. Namumutla ka na" she said and then chuckled.
"P-pasensya na po. First time ko po kasi" sabi ko.
"Really? Hindi ka pa nagkaka boyfriend?" tanong nya habang naglalagay ng baking sheet sa baking pan na nilabas nya kanina.
"Wala pa po" sagot ko.
"Wow! If ever it will also be Kasper's first romantic relationship" sabi nya. Namula naman ako. Ibig sabihin first girlfriend/boyfriend kami ng isa't isa.
"Namangha lang ako kasi yung ate ni Kasper ang dami ng nagiging boyfriend""May ate po si Kasper?" gulat kong tanong. Di naman kasi nakukwento ni Kasper yun. Well, hindi naman kasi kami madalas magkasama.
"Hindi nya ba sinabi sayo. Sabagay, asar sya sa Ate Rafaella nya. But we call her Raffy. Matanda ng 5 years sa kanya yun. Nag aaral yun sa pagiging doktor. Close sila ni Kasper pero bully kasi masyado si Raffy kaya madalas mainis sa kanya yung bunso ko" Tita Rose explained.
"G-ganun po ba" sagot ko. Wala kasi akong masabi.
"But let's be serious Mia. Mabait akong tao. I can be the nicest mother. Pero once na saktan mo si Kasper, hindi mo ikatutuwa ang kakayanan ko. My son is still innocent. Mabait syang bata, he never gave me a headache or any trouble" sabi nya.
Napalunok ako. Ramdam na ramdam kong seryoso sya.
"So I ask you since alam kong gusto nyo ang isa't isa. Please take care of him. Wag na wag mo syang sasaktan Mia" sabi nya.
Mabilis naman akong tumango.
"I-i won't hurt Kasper" sabi ko.
Ngumiti naman sya sakin.
"Can I help you po?" tanong ko kasi nakita kong gumagawa sya ng cookie dough.
"Marunong ka? I mean mag bake?" namamangha nyang tanong.
"Yes po. Yung mommy ko kasi nung bata ako pastry chef sya kaya medyo natuto ako" masaya kong sabi.
Naaalala ko madalas tong bonding namin ni mama, yung mag bake. Magaling ako mag bake pero pag mga ulam na, wala ka ng aasahan sakin. Baka mamatay ka sa sakit sa kidney sa alat or magka cancer ka dahil laging sunog.
"Wow, pinabibilib mo ko Mia. Alam mo bang may favorite si Kasper na binibake ko. Marunong ka ba nung carrot cake?"
"Marunong na marunong po tita" sagot ko. Excited ako mag bake.
"It's Mommy Rose. Naku matutuwa si Raffy kapag nakita at nakilala ka pero mas matutuwa si Kasper kung ikaw mismo ang gagawa ng carrot cake nya" she suggested and then she handed me some ingredients. Napangiti naman ako.
"Thank you po mommy!" sabi ko. Ngumiti sya. Nag diretso ako sa sink para maghugas ng kamay.
Halos lagpas isang oras din kami ni mommy sa kusina bago tumunog ang oven na senyales na luto na ang cake ko. Si mommy naman kanina pa gawa ang chocolate cookies na sobrang sarap! Nakaka adik kaya! Pinalamig muna namin yung cake at nagkuwentuhan lang.
Akala ko talaga masungit si mommy pero nakakatuwa na parang mag bestfriend lang kami kung mag usap.
"O sya. Okay na tong cake na to. Dalhin mo na kay Kasper" sabi nya at inabot sakin yung plato na may cake at dalawang tinidor. "Baka kasi sabihin nung bunso ko, sinosolo kita. Magpapahatid na lang ako ng inumin sa inyo"
"Sige po" sabi ko at tumalikod na.
Tinanong ko sa isa sa mga katulong kung nasaan si Kasper. Nung malaman kong nasa may kwarto nya sya at kung nasaan iyon ay hindi na ko nagsayang ng oras.
Kinikilig ako habang papalapit ng papalapit doon. Inayos ko pa ang buhok ko bago kumatok pero walang sumasagot kaya naglakas loob na kong pihitin ang doorknob.
Pagpasok ko sa loob ay pure light blue ang kulay ng kwarto. Ang daming awards ang plaques.
"Wow" tangin nasabi ko. Ang talino talaga ni Kasper. Nakita ko din yung sandamakmak na libro sa bookshelf nya.
Teka nasaan ba si Kasper? Napatingin ako sa bintana dahil bukas yun. Naglakad ako at napangiti ako ng makitang nasa labas nun si Kasper. Nakaupo sya sa may bubong.
Maingat akong lumabas ng bintana. Hindi nya ko napansin kasi parang ang lalim ng iniisip nya.
"Nandito ka lang pala" sabi ko kaya napatingin sya sakin. I sat down beside him. 7pm na kaya madilim na.
"Mia" tawag nya sakin. Ngumiti naman ako. I handed him the plate.
"I baked it for you. Favorite mo daw yan sabi ni Mommy Rose. Bilis tikman mo na" sabi ko.
Kinuha nya yung tinidor.
"Salamat" sabi nya at sumubo na ng carrot cake. Ako naman nakatitig lang ako sa kanya na parang si Gordon Ramsay ang maghahatol ng ginawa ko. "Hmmm! Ang sarap nito Mia! Best carrot cake in the world"
Malapad naman akong ngumiti dahil sa pagpuri nya sa binake ko.
"Thank you!" sabi ko. "Pero bakit nandito ka?"
"Favorite spot ko to. Mahilig kasi ako mag star gazing" sabi nya. Patuloy pa din nyang kinakain yung gawa ko.
Napatingala ako at doon ko lang napansin na napaka daming bituin ngayong gabi at lahat sila nag i sparkle ng sobrang ganda.
Ganito ba pag inlove?
Habang kumakain si Kasper ay tinuturo nya sakin yung mga constellation at iba't ibang stars.
Alam na alam mo talagang matalino syang tao kasi base pa lang sa pagsasalita nya at pag i explain nya maiintindihan mo na agad.
Ako nga na walang hilig sa science ay sobrang na amaze sa astronomy.
Hindi ko alam pero ramdam ko din na medyo uncomfortable si Kasper. Yung parang may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi.
"Spill it" sabi ko. Tumingin sya sakin na kinakabahan. Ngumiti lang ako sa kanya.
"H-ha?" kinakabahan nyang tanong.
"Sabihin mo na Kasper, ramdam kong may gusto kang sabihin" sabi ko.
Napahawak sya sa batok nya at inayos yung salamin nya. Kinakabahan at nahihiya siguro talaga sya kasi ilang minuto na ang nakalipas, hindi pa din sya umiimik.
Tumikhim ako, naiilang syang tumingin sakin.
"Ano ba tayo Kasper?" prangka ko ng tanong dahil baka abutin ako ng 82 years old, hindi pa rin sya nagko confess.
"M-mia a-ano kasi" nahihiya nyang pagsisimula. "Y-yung mga f-flowers at l-letters-
"Galing sayo yun" pagtatapos ko sa sasabihin nya. Gulat syang napatingin sakin. Natawa naman ako. Ang cute ni Kasper! "Akala mo siguro hindi ko alam na ikaw nagpapadala nun no? You are secretly courting me"
"S-sorry hindi ko nasabi agad. N-nahihiya kasi ako at natatakot na baka i reject mo ko" he said.
"Bakit naman? Hindi mangyayari yun no!"
"S-salamat Mia" sabi nya. Huminga sya ng malalim. "M-mia since alam mo na nililigawan kita, can I-i ask you to be my g-girlfriend?"
Kumabog ang dibdib ko. Parang automatic na may na build na circus sa loob ng puso ko.
Pero kahit kinakabahan, isa lang ang alam ko.
Gusto ko si Kasper.
Gustong gusto!Gusto kong maging girlfriend nya."Yes Kasper. I am officially your girlfriend now" sabi ko.
Napangiti naman si Kasper
Siguro dahil sa sobrang saya nya ay nayakap nya ko."Sorry. Sobrang saya ko lang sabi nya. Finally Mia!" sabi nya.
Natawa naman ako.
I held his hand.
We entangled our fingers to one another.Ang saya, ang sarap sa feeling ng inlove.
I am Kasper's girlfriend
Amilia's POV."Mia!" napalingon ako sa tumawag sakin. Mabilis ko namang pinunasan ang luha ko ng makita kong kumakaripas papalapit sakin si Kasper at Keisha.Tumayo ako at mabilis na lumapit kay Kasper. Mabilis akong yumakap sa kanya at hindi ko na napigilang mapaiyak muli."Mia" he called me. Just hearing him call me, somehow gumagaan ang pakiramdam ko. "Ssssshhhh tahan na, magiging okay din si tito"Bumitiw sya sa pagkakayakap sakin at tiningnan ako sa mata bago kumuha ng panyo at punasan ang mga luha ko."P-paano kung hindi? Kasper natatakot ako, ayokong mawala si papa sakin. Sya na lang ang meron ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko" sabi ko na patuloy pa din ang pag iyak.Bigla na lang bumagsak si papa kaninang tanghali. Walang pasok ngayon dahil linggo kaya sa bahay sya nawalan ng malay, sobrang namumutla sya. May sakit sa puso si papa kaya grabe ang takot ko.Hindi ko na alam kung pano kami nakarating sa ospital, iyak ako ng iyak at hanggang ngayon hindi pa lumalabas ang doktor
Amilia's POV.I am feeling numb as I looked at the gate of Vistoun University. Papasok na ko ngayon at pakiramdam ko kinakain ako ng kaba ko.Tatlong araw ang nakalipas matapos nya kong kausapin, I used that 3 days to make the hardest decision in my life.Natigil ang pag iisip ko ng mag ring ang cellphone ko, and it breaks my heart ng makita ko ang name ni Kasper sa caller ID.I declined the call, hindi ko alam kung ilang calls at text na ang hindi ko pinansin sa nakalipas na tatlong araw. Hindi ko sya kinausap, bakit pa? I am about to destroy him.Pinigilan ko ang pagpatak ng luha ko habang inaalala ko ang nangyari sa opisinang yun.Flashback"Kamusta Mia?" nakangiti nyang sabi sakin.I felt so awkward lalo na sa way ng pag ngiti nya sakin."I don't remember na close tayo, bakit ka nandito Natalia?" I asked her directly.Ngumisi sya at bumalik sa inuupuan nyang swivel chair."Tsk I really don't think we can get along pero what can I do? Hays, I can't believe I'm following orders from
Amilia's POV."Mia, teka lang!" napahinto ako ng hatakin ako ni Kasper sa braso."A-ano ba Kasper?! Bitawan mo nga ako!" pinilit kong lakasan ang boses ko at marahas na hinatak ang braso ko.Gusto kong umiyak, ang bigat bigat sa pakiramdam ko. Simula pa kahapon, ayokong gawin kay Kasper to."Mia, may nagawa ba kong mali. Can you please tell me, bakit ka ganyan?" malumanay nyang tanong. Kasper is looking so down right now. Mukhang hindi sya nakatulog dahil kahit makapal ang glasses nya ay kita kong namumula ang ilalim ng mata nya."Wala, pagod lang ako. Pwede ba, sige na aalis na ko" sabi ko.
Amilia's POV."Mia, anak! Anong ginawa mo, hindi mo dapat ginawa yun!" napahinto ako sa pag aayos ng kama ni papa ng magsalita ito.Naka wheel chair na si papa at papalapit na sya sakin. Hindi ko na kailangan pang manghula, malamang nalaman nya na din finally ang nangyari sa amin ni Kasper."Akala ko, busy lang masyado si Dylan sa eskwelahan kaya hindi sya dumadalaw, kung hindi ko pa nalaman kay Dawson na lumipad na papuntang amerika si Dy-Nabitawan ko yung unan na hawak ko."Pumunta na ng amerika si Kasper?" wala sa sarili kong tanong.
Amilia's POV.Nanghihinayang akong bumaba ng taxi. Pano ba naman kasi, nakakahinayang yung pinambayad ko. Ano ba naman kasi tong main branch ng Pendleton Bank, walang dumadaan na jeep or bus or tricycle e di sana nakatipid ako. Kung wala kang sasakyan mapipilitan ka talagang mag taxi or uber, like me.Waaaah! Magtitipid ako ng husto ngayong week na to. Tumingala ako sa magandang building na nasa harap ko."Wow ang yaman talaga nila Tito Dawson" hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng building na to. Parang sinasabi lang naman nila sa buong mundo na mayamang mayaman sila.
Amilia's POV."Amilia Selene Torres!" sigaw ni Alice sakin.Nagtakip ako ng unan sa mukha ko. Pansin nyo naman kung gaano kabungangera yang kaibigan ko diba?"Hindi mo to bahay! Umuwi ka dun sa bahay mo kung di ka babangon dyan ngayon mismo!" sigaw nito.Napilitan naman akong tumayo at sumimangot sa kanya. Nandito ako ngayon sa bahay nya at guess what 9pm na! Diba may usapan kami ni Dylan na pupunta ako ng 5?Well, kinain na ko ng kaba at sobrang natakot na sa papasukin ko. Hindi ako nakapunta at ngayon? Nagtatago ako sa bahay ni Alice, dahil alam kong alam ni Dylan na nandoon lang ako."Oh ano? Gaganyan ka na lang! Hoy Amilia, naku madi disappoint sayo si tito nyan! Ito na, chance mo na to diba?" pagpapatuloy ng sermon ni Alice."Chance? Saan ang chance doon?" bored kong sagot sa kanya."Pakakasalan ka na nya. My goodness! Nung kinuwento mo sakin kagabi yun, hindi talaga ako dapat maniniwala, aside sa mabigat sa kalooban ko dahil love of my life ko si Dylan, hindi kasi kapani-paniwal
Amilia's POV."Don't you think na it's your responsibility to make sure that she is okay?""Hindi naman sa ganon Dylan, masyadong maraming tao sa bar, isa pa ayaw pa naman umuwi ni Mia. Hindi ko naman akalain na aabot sa puntong hihimatayin sya"Hindi ko pa ganap na maidilat ang mata ko, para bang ang bigat bigat nun pero naririnig ko ang boses ni Alice at ni Kasper para bang nagtatalo sila."That's my point! Nothing bad should happen to her until we get married! I will be the one who'll make her suffer not anyone else, you understand?" Dylan"Sobra naman yun Dylan! Tao pa rin si Mia, alam mo namang hindi ka nya gustong iwan talaga noon. Isa pa, bata pa kayo non" Alice."I don't care. She is never going to that bar again. Your name is Alice right? You better pray na pumayag yung kaibigan mo sa mga gusto ko, kung hindi madadamay ka din" Dylan.Sa wakas nadilat ko ang mata ko. Sobrang natatakot ako sa tono ng boses ni Dylan, ibang iba na sya.Sumalubong sakin ang puting kwarto na ubod n
Amilia's POV."Dylan! Ano ba?!" sigaw ko. Parang nagtatambol na ang puso ko sa sobrang kaba. "Dylan! Stop the car! Ang bilis mo na sobrang magpatakbo!"Hindi ko na mabilang kung ilang sasakyan na ang in-overtake nya. Nakakatakot! Baka bumangga kami."Shut up!" sigaw nya pabalik sakin. Tiningnan nya lang ako ng masama at ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho.Pinigil ko ang sarili kong sumagot. What a great night! Happy wedding day Amilia! I felt my heart sank with the thought na araw araw kaming ganito?"Dito yung bahay namin, dapat lu-Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng idiretso nya instead of kumanan sa may intersection kung saan ang bahay na tinitirhan ko. I'm sure naman na alam at tanda nya pa kung saan yun."Do you think? Uuwi ka pa? You're married, remember?" badtrip na sagot sakin ni Dylan."I know that, pero syempre, bahay ko pa din yun. Kung sayo ako titira, pano yung bahay? Mapapabayaan yun. Isa pa nandun lahat ng gamit ko" sagot ko."Forget about your stuff, hindi pa b