Share

THE SEVEN DORK'S BOSS.
THE SEVEN DORK'S BOSS.
Author: @SimplyMarjo

CHAPTER 1.

...

BANGTAN'S DORMITORY.

NAPAKA-LAKAS na alarm ang gumising kay Yanie at napabalikwas na siya sa kanyang kinahihigaan nang makita ang oras sa orasan na nasa gilid ng kama.

Sa pakiwari niya'y marami na naman s'yang gagawin na siguradong ikapapagod niya maghapon. Nag inuman kase ang pitong amo niya kahapon kaya hindi na nya kinaya pang tapusin ang linising kalat ng mga ito kagabi.

Hindi naman nga siya nagkamali sa kanyang tamang hinala. Sa salas pa lamang ay naghamya na ang mga bote ng soju na pinag inuman ng pito niyang Amo. Bukod sa mga bote ng soju ang bumungad sa umaga niya ay may nagkalat rin na brief sa lamesita.

Nanunuot ang pagkainis niya sa umagang ito. Araw araw na lamang ang kalat ng mga ito buhat nu'ng magbakasyon sila. Wala na siyang inatupag kun'di ang maglinis nang maglinis. Hindi naman sa nagrereklamo siya, since ito naman talaga ang trabahong pinasok nya doon pero parang hindi naman na yata tamang pahirapan siya ng ganoon.

Napatingin siya sa picture frame ng pito at napapa-isip na lang siya kung kanino ba dapat siya magpapa-alam na magpahinga kahit ngayon man lang araw.

"Kay Manager Sujin na lang siguro!" Sa isip niya.

Dati rati ay napapanood lang niya sa TV ang mga ito ngunit ngayon ay pinagsisilbihan na niya ang mga ito. Saka lamang niya napatunayan na ang gagwapo ng pitong amo niya lalo na si---

"YAYAAAAAAAA!!!!" Tumaginting sa tainga niya ang malakas na tawag ni Jin. Nasa kusina na pala ito.

"Sir Jin bakit po?" Nagsisimula na itong magluto nang makalapit siya sa kinaroroonan nito.

"Wala ka bang biniling Itlog?" Paghahanap nito sa groceries na pinamili niya kahapon nang umaga.

"Ahm... Naku Sorry po Sir, may bilin po ba kayong itlog?" Pagtataka niyang tanong sa amo niyang tila gutom na gutom na.

"Malamang! Hala sige bumili ka na bilis!" Singhal nitong baling sa kanya pagkatapos ay ibinigay ang perang pambili at dali-dali naman siya sa pagpunta sa isang inconvenience store na malapit lang doon sa Dorm.

"Itlog nga lang ba talaga ang wala sa pinamili ko kahapon?" Pag alala niya sa kanyang mga pinamili kahapon.

Habang nag iisip siya sa labas ng store ay isang pagtatangis ng babae ang kanyang narinig mula sa gilid nitong establisimento.

"Jimin please give me a second chance!" Umiiyak na sabi ng babae.

Laking gulat niya na si Jimin pala ang iniiyakan ng babaeng ito. May nabiktima na naman ang pagiging playboy nito.

Iiwas na sana siya at sa ibang dereksyon na lang dadaan bago pa siya makita ng mga ito ngunit bigla baman syang hinila ni Jimin at inakbayan sa harap nang babaeng kausap nito.

"Sir.." Utal niya at nanindik ang balahibo ng kanyang balat ng bumulong si Jimin tainga niya.

"Kung gusto mong tumagal sa trabaho mo, gawin mo ito para sa'kin!" Ang bulong nito sa kanya kaya't napalingon siya dito. Nagtama ang kanilang paningin at napalunok na lang siya sa sarili niyang laway nang marinig ang sinabi ng kanyang palikerong amo.

"Huh?" Pakunwaring hindi niya naintindihan ang sinabi nito.

"Magpanggap ka muna ngayon as my New Girlfriend!" Tumatangong nakataas ang kilay nito sa kanya.

"Who is she??" Tanong nitong Babae na simula pa kaninang pagbubulungan nila ni Jimin ay nakamasid.

"Ah.. Eh.." Hindi na malaman pa ni Yanie ang kanyang sasabihin, mababasag na ang itlog sa higpit ng pagkakahawak niya rito.

"She's my new girlfriend kaya pwedi ba tigilan mo na ako!" Paliwanag ni Jimin sa babae at hindi naman ito makapaniwala.

"Ahm.. Oo tama si Sir este si Jimin, Girl... Girlfriend niya ako!" Diin naman ni Yanie sa babae na sa tingin niya ay naniwala bilang girlfriend siya ni Jimin.

Bumili lang siya ng itlog tapos ganito ang mangyayari. Kainaman na nga naman si Jimin. Sakit din talaga sa ulo niya. Pati siya ay nadadamay sa mga kalokohan nito.

Kaya na lang lagi pinapatawag ni Bang PD-nim (kasalukuyang CEO ng BigHit Entertainment Company kung saan Artists ang BTS) si Jimin ay dahil sa napapabalitang matinik ito sa mga babae. Mapanakit at ginagamit ang kasikatan para makapambabae.

Tumakbo na ang babae habang umiiyak ito at sa palagay nilang dalawa ni Jimin ay napaniwala nila ang babaeng iyun.

"Haysst... Salamat!" Buntong hininga ni Jimin dahil may natakasan na naman ito.

"Thank you, Yanie! You are my savior!" Laking gulat na lamang ni Yanie ng yakapin siya nito.

"Uuwi na po ako Sir!" Agad niyang pag iwas at balak na niyang talikuran ito.

"Wait! Nagmamadali ka yata? Saan ka ba galing?" Napahawak si Jimin sa kanyang kamay.

"Si--- Sir Jin po kase nagluluto baka galit na iyon kakahintay sa'kin!" Paliwanag niya.

"Okay!" Walang pake na sabi nito sa kanya kaya tuluyan na syang umalis doon.

Samantalang pagbalik niya sa dormitoryo ay naniningkit na ang mga mata sa kanya ni Jin.

"Gaano ba karaming itlog ang binili mo at ngayon ka lamang nakabalik? Anong oras na para makapag umagahan kami?" Sunod sunod nitonh tanong sa kanya at tila ba ay hinihiwa siya ng matatalas nitong tingin.

"Pasensya na po Sir... kase---" Magpapaliwanag pa sana siya kaya lamang ay hinablot na nito ang binili niyang itlog.

"Hush.. Tama na ang paliwanag! Maglinis ka na roon!" Pag uutos ni Jin sa kanya at itinuro sa kanya ang lilinising banyo sa itaas na palapag.

Ang nag iisang banyo nilang pito. Isa sa pinaka-dugyot na lugar nila. Hindi na nga siguro magugulat si Yanie sa makikita niya roon, kung may nagkalat mang underwears doon.

Dumaretso na siya sa paglilinis ng banyo ngunit sa pagdaan niya sa kabilang silid ay napansin niyang bukas ang pinto ng kwarto. Napasilip siya sa may pinto at nakita nyang nakaupo sa sofa si Taehyung at nagbabasa ito ng isang History Book na madalas basahin ni Namjoon.

"Pinakain mo na ba si Yeontan?" Tanong nito na ipinagtaka niya dahil napansin pala siya nito sa gilid ng pintuan.

"Ah.. Sir gagawin ko pa lang po sana!" Tugon niya at balak na sanang umalis.

"Hindi sya pweding malipasan ng gutom kaya dalian mo na dyan at pakainin mo na sya! Painumin mo na rin ng vitamins nya!" Huling bilin pa ni Taehyung.

"Sige Sir!" Pagmamadali naman niya.

Pinakain na muna niya si Yeontan bago tuluyan na tinungo ang banyo, Nang papasok na sana siya sa loob nito ay agad syang inunahan ni Jungkook.

"Maliligo muna ako!" Pinagsarahan pa siya nito ng pinto.

"Sir! Sir! Sir!" Pagkatok naman nya.

"Ano ba?" N*******d na ito nang pagbuksan siya kaya napatalikod sa loob na kinaroroonan ng binatang amo niya.

Nahihiya tuloy siyang magtanong.

"Ipaghahanda ko pa po ba kayo ng isusuot nyo?" Hindi siya makatingin ng tuwid kay Jungkook sapagkat alam niyang tatambad sa kanyang pagmumukha ang tigasin nitong katawan.

Natural na hindi ginugutom ng kanin at ulam.

"Huwag na! Kayo ko na ang sarili ko!" Sarkistong tugon nito sa kanya at muli siyang pinagsarahan ng pinto.

Matatagalan siya sa paglilinis kung hihintayin niyang matapos sa panliligo ang bunsong Amo niya kaya't naisipan na lang nya na linisin ang makalat na guests room ng BTS.

Hanggang sa narinig niyang tumatawag na si Jungkook sa kanya.

"YAYAAAAAAAAA!!!" Bulalas nitong pagtawag sa kanya. Hindi naman talaga palasigaw si Jungkook sa kanya maliban na lamang kung may nawawala sa mga gamit nito.

"Yes Sir Jungkook?" Balikwas na tanong nya rito dahil sa pagkataranta kung ano bang kailangan nito sa kanya.

"Nakita mo ba yung timberland shoes ko?" Nakakuno't ang noo nito sa kanya habang hinahanap ang sapatos.

"Sir, nilinis ko po, nasa rooftop po 'yun para agad matuyo!" Paliwanag naman niya.

"Bakit mo pa nilinis, di'ba sabi ko 'wag na 'wag mong gagalawin ang mga gamit ko? Haissst kuhanin mo nga!" Naiiritang sabi ni Jungkook sa kanya.

Nakita nya lang na pakalat kalat ang sapatos nito sa labas at madumi na kaya nilabhan niya iyun nu'ng isang araw. Malay ba niyang ikakagalit pa iyun ni Jungkook.

"Sorry Sir! Sige po, kukunin ko lang po!" Paghingi pa niya ng despensa.

Hindi man lang marunong magpasalamat ang binata.

Nadaanan niya si Namjoon sa Library na nagbabasa ng libro. Wala na roon si Taehyung, marahil ay kinuha na ni Namjoon ang History book na binabasa ni Taehyung kanina.

"Anong kailangan mo?" Taas kilay nitong tanong.

"Ah.. Wala naman Sir, akala ko po kase wala kayo dyan, isasarado ko po sana ang pinto!" Paglilinaw niya.

"Okay, Pakilinis na lang ng mga librong ito bago mo isarado huh!" Bilin nito sa kanya pagkatapos iwanan siya roon na nag iisa.

Ayaw nya nga palang naiistorbo. Dumagdag pa tuloy iyun sa gawain niya.

Pababa na sana siya sa Dressing Room matapos ibalik kay Jungkook ang sapatos nito at nalinis na rin niya agad ang library.

Nagkita sila ni Hoseok sa hallway ng dorm.

"Yaya halika bilis!!" Tawag nito sa kanya na papunta rin sa Dressing Room nila.

"Bakit Sir?" Tanong niya.

"Ayusin mo nga yung mga damit ko sa Closet ko!" Itinuro nito sa kanya ang mga nakatambak na damit sa loob ng dressing room.

Nang derektang makita ni Yanie ang mga damit na aayusin niya ay halos manghina ang kanyang tuhod, hindi pa nya nasisimulan ay napapagod na agad siya.

Isang katerbang samo't saring mga damit ng BTS lang naman ang kanyang titiyagain na linisin.

"Okay Sir!" Ngumiti na lang siya dito at napalunok sa sarili nyang laway habang tinitingnan ang mga damit na iyun.

Uniform pa ng BTS sa TV shows at Music video ang naroroon. Kung alin pang mga maseselang kasuotan ang nakakalat.

"Okay!" Tapik pa ni Hoseok sa balikat nya bago siya nito itinulak papasok sa loob ng dressing room.

Hanggang sa maya-maya pa ay inabot na siya ng kung anong oras sa pag aayos ng mga damit ni Hoseok at medyo sumasakit na rin ang likod niya sa pagtatrabaho at pagsunod sa mga utos ng Bangtan boys.

Nakalimutan na rin niya ang kumain nang umagahan at tanghalian. Pasado mag aalas dos na ng hapon, kung hindi pa kumalam ang kanyang tyan ay ulcer na ang kanyang aabutin sa paglipas ng gutom niya.

"Hala.... Nagpapagising nga pala si Sir Yoongi!" Pag alala niya sa bilin ng isa sa pinaka masungit niyang Amo.

Halos matatapos na rin naman niya ang pag aayos sa mga damit ni Hoseok kaya't pinuntahan na niya agad si Yoongi sa kwartong tinutulugan nito.

Pagkarating niya roon ay tulog na tulog pa nga ito. Parang pusa na mahimbing sa pagkakahipig.

Hindi niya ito maabala sa pagtulog at nagdadalawang isip npa siya na gisingin ang Amo nya.

Tinitigan na lamang niya ang mukha ng amo niyang si Yoongi at pinagmasdan pang mabuti ang bawat hilik nito, natatawa na lamang siya sa kahinhinan nitong paghilik hanggang sa tumulo na pala ang pawis niya sa labi nito. Nang akmang pupunasin niya ang tumulong pawis ay ang eksaktong paggising ni Yoongi.

"Sir... Gi... sing na po!" Kunwari'y hindi niya nakitang nagising na ito.

"Anong oras na?" Tanong nito sa kanya at tinamad pang bumangon, nagbago rin ito ng paghiga.

"Exact 4:00 pm Sir Yoongi!" Pagtingin ni Yanie sa orasan na nasa katabing kabinet nito.

"Okay!" Tugon nito sa kanya.

Aalis na sana siya dahil sa inakala niyang babangon na si Yoongi ngunit bigla siya nitong hinila sa kanyang tabi at napatuon ang kanyang ulo sa maskuladong dibdib nito.

"Sir!" Nagugulat na nga lamang siya sa ginawang iyun ng kanyang masungit na amo.

"Magpahinga ka muna, mukhang pinagod ka nila ng sobra!" Sabi nito bago bumalik sa pagkakatulog.

Sa anumang dahilan na hindi niya maintindihan ay wala na siyang magagawa pa. Pagod na rin nga siya kaya kinakailangan na niya makapagpahinga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status