Share

KABANATA 5

Author: EMNOTYOU
last update publish date: 2026-10-07 17:44:01

Dalia Laurel POV

Kinaumagahan, bago pa man mag-alas otso ng umaga, napaliligiran na ng apat na sasakyan ng munisipalidad at pulisya ang gilid ng heritage site.

Hindi lang pala pananakot ang ginawa ni Iñigo kahapon. Nalaman ko mula kay Kapitan Bernardo na gagamitin pala ng pamilya Sevillano ang impluwensya nila sa provincial board para ipatigil ang restoration project sa pamamagitan ng isang temporary restraining order. Ang dahilan nila? Alleged structural safety hazard daw ang ginagawa namin.

Gusto niyang gipitin ako. Gusto niyang sirain ang proyektong ito para mapilitan akong bumalik sa Maynila dahil wala na akong mapupuntahang iba.

Inayos ko ang kolar ng denim shirt ko at dahan-dahang lumabas sa opisina ng munisipalidad kung saan naghihintay ang mayor, si Kapitan Bernardo, at ang abogado ng bayan. Nakatayo rin sa gilid si Atty. Valderrama, hawak ang injunction papers na pirmado ng local court.

"Architect Laurel," bungad ng mayor sa akin habang may halong pag-aalala ang mukha. "Pinaaaresto at pinatitigil muna ni Dr. Sevillano ang trabaho. Sabi kasi ng legal team niya, hindi daw ligtas ang structure at may nalabag na building code."

Tumingin ako kay Atty. Valderrama. May tipid siyang ngiti sa mga labi, sigurado sigurong panalo na naman ang pamilya Sevillano sa pagkakataong ito.

Pero dahan-dahan kong inilabas mula sa aking leather bag ang isang makapal na pormal na folder na may tatak ng National Bureau of Investigation at ng Department of Health.

"Hindi po matutuloy ang pagpapatigil sa proyekto, Mayor," mahinahon pero malinaw kong pahayag habang inilalapag ang mga papel sa mesa. "Dahil bago pa man makarating dito ang TRO ni Dr. Sevillano, naisampa ko na sa Regional Trial Court ngayong umaga ang pormal na kaso laban sa kanya at sa Sevillano Medical Center."

Napatayo si Atty. Valderrama sa kinauupuan niya. "What? Anong kaso?"

"Fraud, forgery, at severe medical negligence," sagot ko habang nakatitig sa kanya. "May affidavit na ako mula sa dalawang dating resident physician ng Sevillano Medical Group na nagpapatunay na binigyan ako ng maling reseta sa loob ng limang taon para lang mapanatili akong mahina. Kasama rin doon ang audit report ng forensic accountant na nagpapatunay na ang lahat ng kita ng green-hospital infrastructure project na gawa ko ay pumasok sa personal bank account ni Iñigo."

"Dalia, hindi mo alam ang ginagawa mo!" namumutlang sabi ng abogado. "Kapag nakarating ito sa media, babagsak ang stocks ng Sevillano Group!"

"Naisip din ba iyon ni Iñigo noong winasak niya ang buhay at karera ko limang taon na ang nakararaan?" malamig kong ganti. "Kapag hindi niya itinira ang baseless restraining order na 'to laban sa restoration project, magpapa-press conference ako sa harap ng National Press Club mamayang hapon."

Natahimik ang buong silid. Ang mayor at ang mga opisyal ng bayan ay napatingin sa akin nang may bagong respeto at gulat. Wala nang nakapagsalita kay Atty. Valderrama—dali-dali nitong kinuha ang kanyang telepono at lumabas ng kwarto para tawagan si Iñigo.

Pagdating ng alas-dos ng hapon, nakatayo uli ako sa loob ng lumang bahay habang hawak ang mga bagong blueprint. Wala na ang mga sasakyan ng pulis. Inatras na ng kampo ni Iñigo ang restraining order sa loob lang ng dalawang oras.

Narinig ko ang mga yabag mula sa pintuan sa ibaba. Hindi iyon ang mabilis at kumpiyansang hakbang ng mga bodyguard. Isang solong tao lang ang pumapasok.

Nang sumungaw ang kaanyuan ni Iñigo sa p***o, bahagya akong napatigil.

Wala na ang kanyang mamahaling charcoal suit. Nakasimpleng white polo shirt na lang siya at dark jeans, pero halatang puyat at pagod ang kanyang mukha. Wala na ang malamig at metikulosong doktor na nakasanayan ko. Sa unang pagkakataon, nakakita ako ng kaunting takot sa mga mata ng isang Iñigo Sevillano.

"Inatras ko na ang TRO," pabulong niyang sabi habang dahan-dahang lumalapit sa kinaroroonan ko. "Pinatigil ko na rin ang mga abogado ko sa Maynila. Please, Dalia... pull back the lawsuit."

"Bakit, Iñigo?" tanong ko habang patuloy na nagmamasid sa ginagawa kong sketch. "Natatakot ka bang malaman ng buong mundo kung anong uri ka talagang tao?"

"I'm not worried about the stocks!" bigla niyang sigaw, dahilan para magkaroon ng echo sa loob ng bakanteng bahay. Huminga siya nang malalim at nagbaba ng tingin sa semento. "Hindi ako natatakot sa pera o sa reputasyon ng ospital. Natatakot ako... dahil kapag itinuloy mo ang kasong 'yan, hinding-hindi na ako makakalapit sa 'yo."

Napatitig ako sa kanya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na narinig kong umamin siya ng kahinaan.

"Hindi ka pa rin nakakalapit sa akin, Iñigo," sagot ko. "Dahil ang tao na minahal ko noon, namatay na limang taon na ang nakararaan noong ginawa mo akong manika sa sarili kong buhay."

Lumapit pa siya nang isang hakbang, pero hindi ko siya hinayaang makahawak.

"I won't leave this town," bigla niyang pahayag sa isang seryosong tono.

Kumunot ang noo ko. "Ano?"

Inilabas niya ang isang pormal na dokumento mula sa kanyang bulsa at ipinakita sa akin.

"Nag-apply ako kaninang tanghali bilang Head Medical Officer at Volunteer Physician ng Pagsanjan Municipal Health Center," sabi niya habang nakatitig sa akin. "Nag-assign ako ng OIC Director sa Sevillano Medical Center sa Maynila. Dito ako magtatrabaho sa bayan na 'to. Magsisimula ako bukas."

Napatitig ako sa hawak niyang papel. Ang pinakamagaling at pinakamayamang neurosurgeon sa bansa, magtatrabaho sa isang maliit at lumang barangay clinic?

"Nababaliw ka na ba?" tanong ko, hindi makapaniwala sa naririnig ko. "Iiwan mo ang operating room mo para sa isang maliit na rural health unit?"

"Mula ngayon, ako ang magiging doktor ng bayang 'to. Ako ang titingin sa mga karpintero mo kapag nasugatan sila sa construction site. Ako ang magiging consultant ng munisipyo para sa mga kailangang health clearance sa proyekto mo," sabi niya sa malamig pero determinadong boses. "If I have to start from the very bottom just to breathe the same air as you, gagawin ko."

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng dibdib ko, pero hindi dahil sa kilig—kundi dahil napagtanto kong seryoso siya sa ginagawa niya.

Dahan-dahan kong inayos ang aking blueprint case at ibinitin ito sa aking balikat. Lumakad ako patungo sa pintuan at dumaan mismo sa tabi niya.

"Tingnan natin kung hanggang kailan tatagal ang pride mo sa putik at alikabok, Dr. Sevillano," pabulong kong sabi bago tuluyang bumaba ng hagdanan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE SILENT VOW: Chasing His Forgotten Wife   CHAPTER 7

    Dalia Laurel POVNaka-focus ako sa pag-brush ng anti-termite solution sa lumang poste ng narra nang marinig ko ang mga yabag sa hagdan. Alam ko na kung sino iyon. Kahit anong iwas ko, parang anino ko na si Iñigo simula nang magtrabaho siya sa munisipalidad.Nang tumigil siya sa bungad ng silid, hindi ko siya nilingon. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko habang dinarama ang bigat ng presensya niya."Hindi ka pa ba tapos sa kakahabol?" tanong ko nang hindi man lang inaangat ang tingin ko. "Akala ko ba abala ka sa pagiging municipal doctor dito sa Pagsanjan? Bakit parang mas marami ka pang oras sa pag-iikot dito kaysa sa health center?""Kasama sa trabaho ko ang pag-iinspeksyon sa kalinisan at kaligtasan ng mga pampublikong pasilidad, Dalia," seryosong sagot niya.Natawa ako nang mahina, sarkastiko. "Pampublikong pasilidad? Pribadong heritage site ito, Dr. Sevillano. At huling beses na tumingin ako sa kopya ng clearance, wala namang health hazard sa mga lumang kahoy na binubuo ko. Ang tangi

  • THE SILENT VOW: Chasing His Forgotten Wife   CHAPTER 6

    Dr. Iñigo Sevillano POVBumaba ang tingin ko sa suot kong puting lab gown na halos gasgas na ang kwelyo. Wala itong monogram ng Sevillano Medical Group. Walang mamahaling tela. Simpleng tela lang ito mula sa supply office ng Pagsanjan Municipal Health Center.Limang araw na mula nang iwan ko ang opisina ko sa Maynila at ilipat ang posisyon ko rito bilang isang simpleng volunteer physician.Habang nag-aayos ako ng mga reseta sa maliit kong mesa, bumalik sa isip ko ang gabing binago ang lahat. Akala ko noong una, simpleng tampo lang ang pag-alis ni Dalia. Ipinaghanda ko pa siya ng mga paborito niyang bulaklak habang pinapanood ko ang sarili ko sa stage ng Okada Manila para tanggapin ang *Humanitarian of the Year* award. Ang yabang ko pa nang iabot sa akin ni Leo ang sobre. Inakala ko pang sulat iyon ng pagpapasalamat mula sa board of directors o kaya ay mensahe ng pagbati mula sa asawa ko.Pero nang buksan ko iyon sa harap ng napakaraming tao, parang binagsakan ako ng langit at lupa.Na

  • THE SILENT VOW: Chasing His Forgotten Wife   KABANATA 5

    Dalia Laurel POVKinaumagahan, bago pa man mag-alas otso ng umaga, napaliligiran na ng apat na sasakyan ng munisipalidad at pulisya ang gilid ng heritage site.Hindi lang pala pananakot ang ginawa ni Iñigo kahapon. Nalaman ko mula kay Kapitan Bernardo na gagamitin pala ng pamilya Sevillano ang impluwensya nila sa provincial board para ipatigil ang restoration project sa pamamagitan ng isang temporary restraining order. Ang dahilan nila? Alleged structural safety hazard daw ang ginagawa namin.Gusto niyang gipitin ako. Gusto niyang sirain ang proyektong ito para mapilitan akong bumalik sa Maynila dahil wala na akong mapupuntahang iba.Inayos ko ang kolar ng denim shirt ko at dahan-dahang lumabas sa opisina ng munisipalidad kung saan naghihintay ang mayor, si Kapitan Bernardo, at ang abogado ng bayan. Nakatayo rin sa gilid si Atty. Valderrama, hawak ang injunction papers na pirmado ng local court."Architect Laurel," bungad ng mayor sa akin habang may halong pag-aalala ang mukha. "Pinaa

  • THE SILENT VOW: Chasing His Forgotten Wife   KABANATA 4

    Dalia Laurel POVNakatayo ako sa ikalawang palapag ng lumang bahay, hawak ang panukat at clipboard, nang marinig ko ang dagundong ng dalawang mamahaling sasakyan na pumasok sa bakuran.Hindi na ako nag-abalang magtago. Dahan-dahan kong itinabi ang lapis sa tainga ko at dinala ang ginagawa ko patungo sa balkonahe.Sa ibaba, pumarada ang isang itim na Maybach na kasunod ng SUV ni Atty. Valderrama. Mabilis na bumaba ang driver para buksan ang pinto ng passenger seat.Unang lumabas ang kulay abong leather shoes na walang ni isang bakas ng alikabok, kasunod ang matangkad at eleganteng kaanyuan ni Iñigo. Nakasuot siya ng tailored charcoal suit—walang tie, nakatupi nang bahagya ang sleeves ng kanyang white shirt, pero naroon pa rin ang aura ng isang lalaking sanay na sinusunod ng lahat.Nang iangat niya ang kanyang tingin at magtagpo ang mga mata namin, naramdaman ko ang bahagyang pagkirot sa dibdib ko. Pero agad ding nawala iyon.Tumingin siya sa paligid nang may halo ng dumi at pagtataka.

  • THE SILENT VOW: Chasing His Forgotten Wife   KABANATA 3

    Dalia Laurel POVInayos ko ang suot kong hard hat bago dahan-dahang bumaba sa lumang hagdanan ng heritage house. Handa na ang utak ko sa anumang panggugulo na gagawin ni Iñigo. Inasahan ko nang ipapadala niya ang kanyang mga bodyguard o personal investigator para kaladkarin ako pabalik sa Forbes Park.Pero nang makarating ako sa may pintuan ng ancestral site, hindi ang mukha ng security detail ang sumalubong sa akin.Isang matangkad at nakasalaming lalaki na naka-barong ang naghihintay sa gilid ng itim na SUV. Agad kong nakilala si Atty. Valderrama, ang chief legal counsel ng Sevillano Medical Group at matalik na kaibigan ni Iñigo."Architect Laurel," tawag niya habang may bitbit na leather briefcase. "Mabuti naman at nahanap ka namin. Halos tatlong araw nang hindi nakakatulog si Dr. Sevillano dahil sa ginawa mo."Natawa ako nang bahagya, pero walang halong saya. "Kung pumunta ka rito para pilitin akong pirmahan uli ang kahit anong kontrata, Attorney, nag-aaksaya ka lang ng oras."Mab

  • THE SILENT VOW: Chasing His Forgotten Wife   KABANATA 2

    Dalia Laurel POVMalamig ang simoy ng hangin na humahampas sa mukha ko habang nakatayo ako sa tapat ng lumang ancestral house dito sa Pagsanjan. May mga bahagi ng kahoy na inaamag na, at ang ilang parte ng bubong ay halatang bibigay na kapag inabot ng malakas na bagyo.Ito ang unang restoration project na nakuha ko matapos ang limang taong pagkakakulong sa kontrol ni Iñigo.Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin ng maliit na boutique hotel na tinitirhan ko. Worn-out jeans, simpleng white shirt, at nakatali ang buhok sa isang messy bun. Malayo sa dating Dalia na araw-araw nakasuot ng tailored dresses, diamond earrings, at mamahaling heels—mga bagay na pinipili mismo ni Iñigo para sa akin dahil kailangang mukha akong perpektong asawa ng isang Sevillano.Hinawakan ko ang sarili kong mga kamay. Medyo nagkakagaspang na ang mga palad ko dahil sa mga nakalipas na araw ng paghawak ng draft paper, measuring tape, at semento. Pero sa kabila ng pagod, ngayon lang ako nakahinga nang g

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status