"Anong ibig sabihin nito?!"puno ng galit na sambit ni Viguel.Shit.Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at hinampas-hampas si Ramier para magising siya.Umupo ako at takot na takot na tumingin kay Viguel.Hindi ko siya matitigan ng matagal dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit sa 'kin."Viguel...calm down,"mahinahon kong pakiusap."How am I suppose to calm down?! Matapos ko kayong makita na nasa ganitong sitwasyon,sabihin mo sa 'kin kung paano kumalma!"Parang ibang tao ang nasa harapan ko ngayon.Hindi ko inaasahan na magkakaganito si Viguel.Nilamon na siya ng galit dahil sa mga naiisip niyang ginawa namin ng kapatid niya.Kita ko sa mga mata niya ang nag-aalab na galit na parang kahit anong oras ay sasabog siya.Paglingon ko kay Ramier ay seryoso ito habang sinusuot muli ang kanyang polo na nakakalat kanina sa sahig."What the fuck did you do to her?!"Nagulat ako nang biglang lumapit si Viguel sa kapatid niya at kinuwelyuhan ito.Base sa mga titig nito ay parang wala na si
Ysharra's POVWala na 'kong ibang nagawa kung 'di ang sumunod na lang sa kanya kahit na labag naman sa kalooban ko ang bagay na 'to.Ilang beses pa akong nagpumilit na hindi ako sang-ayon sa gusto niyang mangyari kaya iniwan niya muna ako upang makapag-isip-isip at bumalik siya ngayong gabi para kumbinsihin akong muli.Bandang huli ay siya pa rin ang nanaig sa aming dalawa.Kailangan kong makausap si Viguel sa lalong madaling panahon para klaruhin at maisaayos ang lahat.Hindi ko lubos maisip na ang taong binabaliwala lang ako noon at sinusungitan ay nandito ngayon sa harapan ko para iuwi ako sa puder niya.Pakiramdam ko ay kung hindi naman ako nabuntis ay hindi niya naman gagawin sa 'kin 'to.After all,ang nasa sinapupunan ko pa rin ang priority niya kaya niya ginagawa ang lahat ng 'to.Kasalukuyan kaming bumabyahe papunta sa kung saan at namumutawi sa paligid ang nakakabinging ingay dahil walang nagtatangka na magsalita sa aming dalawa.Wala akong iniwan ni-isang gamit sa Condo ni Vig
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung away na namagitan sa 'ming tatlo.Simula nung nakita ako ni Viguel nung araw na 'yon ay hindi na siya umuwi rito.Hindi ko naman siya masisisi dahil sa ayaw at sa gusto niya ay makikita't makikita niya ako rito.Gustuhin ko mang hindi tumira rito ay wala naman akong magawa dahil sa kagustuhan ni Ramier.Maging si Zwei ay wala na rin dito.Sa tingin ko ay magkasama sila ngayon dahil nakita ko siya nung isang araw na umuwi rito para kumuha ng gamit ni Viguel.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa puntong 'yon.Pero kahit papaano'y may tuwa sa puso ko dahil nand'yan si Zwei para pagaanin ang loob niya at damayan.Ginugulo pa rin ako ng isip ko dahil hindi pa rin kami nagkakaayos ni Viguel.Siguro nga ay tama siya,hindi niya pa 'ko kayang harapin ngayon dahil sa ginawa ko sa kanya at naiintindihan ko 'yon.Darating din 'yung oras na makakaya niya na 'kong harapin para pagusapan ang kung ano mang alitan namin.Ang kailangan ko lang gawin ngayon
Katulad na lang ng palaging nangyayari ay hindi na naman ako nagwagi sa kanya sa puntong ito.Wala akong ibang nagawa kung 'di ang payagan siya na sumama sa 'kin.Idinahilan ko naman na may trabaho pa siya't baka may mahalaga siyang dapat gawin kaya h'wag na siyang sumama pero sinabi niya lang na 'I can do whatever I want.I'm the boss.'Tuluyan nang tumikom ang bibig ko at wala ng nagawa.Sinabi niya na hintayin ko muna siya dahil magbibihis pa ito kaya inayos ko muna ang sarili ko sa harapan ng salamin.Habang naglalagay ng kaunting make-up ay biglang nag-ring ang phone sa gilid ng mesa ko.Rumehistro ang pangalan ni Viguel kaya kumakarera ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok.Nanunuyo ang labi ko at parang walang ni-isang salita ang masasabi ko sa kanya kung sakali man na sagutin ko 'yon pero sino ba naman ako para tanggihan ang tawag niya.Buong tapang kong sinagot ang tawag.Ilang segundong walang nagsalita sa 'ming dalawa at tila nagbibigayan pa kung sino ang unang kakausap."Ysh
"Ate,gising na!"Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong ginigising ni Samuel pero hanggang ngayon ay ang bigat pa rin ng talukap ng mga mata ko."Kakain na tayo! 'Yung boyfriend mo nasa sala na,hinihintay ka."Matapos sabihin ng kapatid ko 'yon ay napabangon agad ako."Labas ka na do'n! Mag-aayos na 'ko!"Pilit ko siyang tinaboy-taboy pero makahulugan niya akong tinignan."Ayon tayo,e! Narinig lang 'yung magic word napabangon agad,"pangungutya niya.Iniwas ko ang tingin dahil natamaan ako sa tinuran niya.Hindi ko na siya pinansin at dali-daling nagtungo na sa banyo.Naligo ako at inayos ang sarili.Habang ginagawa ko 'yon ay pumasok na naman sa isipan ko ang pinag-usapan namin kagabi.Mukhang hindi magandang ideya na pumunta pa 'ko rito kasama si Ramier dahil siguradong hindi magiging madali ang pagsubok nila sa kanya.Nung nakuntento na 'ko sa itsura ko ay napagdesisyunan ko nang lumabas.Nagtungo ako kaagad ng sala at tumambad siya sa 'kin na prenteng nakaupo habang abala sa phon
Tatlong araw na simula nung mamalagi kami ni Ramier dito sa probinsya.Sa loob ng tatlong araw na 'yon ay pakiramdam ko,ang dami nang nangyari.Hindi kami nawawalan ng pinagkaka-abalahan dahil ganito talaga sa probinsya.Kailangan laging kumikilos at walang tatamad-tamad.Maging si Ramier ay hindi nakatakas sa mga gawain dito.Palagi siyang sinasama ng mga tito ko sa kung saan-saan.Marahil ay iba't-ibang trabaho kaya tuwing uuwi siya rito ay palagi siyang tulog at pagod na pagod.Hindi naman ako nakakarinig ng angal o reklamo mula sa kanya.Sa katunayan nga ay natutuwa pa siyang ginagawa ang iba't-ibang bagay dahil siguro hindi naman ito ang kinalakihan niya.Pero sa kabilang banda,natutuwa naman ako dahil napapalapit na siya sa mga tito ko at hindi na tulad ng pakikitungo nila noon ang pakikitungo nila sa kanya ngayon.Mas naging maluwag at parang tinanggap na talaga nila si Ramier.Laking pagtataka ko tuloy kung ano 'yung pinagdiskusyunan nila nung gabing nagkainuman sila.Iyon ang nagin
Nanuyo ang lalamunan ko habang nakatingin kay Ramier.Base sa kanyang mga mata,parang kinukumpirma niya sa 'kin kung totoo ba ang sinabi nitong si Brando."Pasok kayo."Wala naman akong ibang magawa kung 'di ang pakitunguhan siya nang maayos.Kami ang may utang sa kanya kaya kailangan namin siyang pakitunguhan ng mabuti.Pinangunahan ko sila sa pagpasok para na rin makawala sa nangungulong na titig ni Ramier.Walang ano-ano'y sumunod silang lahat sa 'kin.Pagbungad pa lang namin sa pintuan ay sinalubong na agad sila ng mga magulang ko.Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Mama dahil hindi niya inaasahan na darating si Brando.Habang si Papa naman ay hindi nagpatinag."Mabuti't napapasyal ka,hijo,"sambit ni Mama nang bumalik sa huwisyo."Magandang umaga po sa inyo.Dinalaw ko lang si Ysharra dahil nabalitaan ko na bumalik na siya rito,"pekeng sambit niya."Aalis din ako,"sabat ko.Napatingin silang lahat sa 'kin at nakita kong pinandilatan ako ng mata ni Mama dahil sa inasal ko."Osya't maupo
Pagmulat ko ng aking mga mata ay bumungad sa 'kin ang puting paligid.Kung hindi ako nagkakamali, nasa hospital ako ngayon.Namamangha akong naglibot ng tingin dahil hindi pangkaraniwang k'warto ang kinaroroonan ko.May mini sala sa isang banda na may sofa set at mayroon ding maliit na kusina.Dahil mulat na ang diwa ko ngayon,isa-isang nanunumbalik sa isipan ko ang dahilan kung bakit nga ba ako nandito.Sa sobrang pag-aalala ay napatingin ako sa tiyan ko at hinimas-himas.Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang alalang-alala dahil baka kung ano nang masamang nangyari sa bata na naririto sa sinapupunan ko.Hindi na tuloy ako mapakali dahil sa kaiisip nang kung ano-ano.Hanggang sa narinig kong bumukas ang pintuan at bumungad sa harapan ko si Ramier.Umayos ako ng pagkakaupo.Seryoso siyang lumapit sa 'kin habang ako naman ay mukhang ewan ang ekspresyon dahil sa sobrang pangamba."Are you okay?""Kumusta ang bata? Ayos lang ba siya?"Hindi ko sinagot ang tanong niya,bagkus ay tinanong ko pa