Share

Chapter 3

Dalawang araw pa lang ang tinatagal ko rito at masasabi kong masaya naman ako sa pinasukan kong trabaho. Marami na rin akong naka-close na kapwa ko kasambahay at medyo napapalapit na rin ako sa alaga kong si Venice at sa kuya niyang si Sir Viguel.

Pero hanggang ngayon ay mailap pa rin sa 'kin si Ramier na nakatatanda nilang kapatid. Ang buong akala ko ay mas magiging madali sa 'kin na makilala siya dahil may nangyari na sa 'min pero nagkakamali ako.

Iba ang pakikitungo niya sa 'kin ngayon. May mga pagkakataon na parang hindi ako nag-e-exist sa harapan niya at binalewala niya lang ako. Hinahayaan ko na lang dahil baka kapag pinilit ko pa ang sarili ko, mapaalis pa 'ko sa trabaho.

Kasalukuyan akong naglilinis sa kuwarto ni Venice nang biglang may pumasok. Bumungad sa harapan ko si Regina na nakataas ang isang kilay at humalukipkip na tinignan ako.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa 'kin. Wala naman akong maalala na ginawan ko siya ng masama simula no’ng nanilbihan ako rito.

May mga puntong hinahayaan ko na lang siya dahil mas matanda at mas matagal na siya kumpara sa 'kin pero hindi ko rin maiwasang mainis minsan.

"Hoy, Ysharra!" igaw niya sa akin dahilan para pandilatan ko siya ng mata.

Nang makita niya na natutulog ang alaga ko, agad siyang umayos. Binaling niya ulit ang atensyon sa 'kin at masama na naman akong tinignan.

"Tapusin mo na ang ginagawa mo d'yan. Lumabas ka kaagad at linisin mo 'yung office ni Master. Naiintindihan mo ba?" makapangyarihan niyang utos.

"Sige, patapos na rin naman ako." Binigyan ko lang siya ng pekeng ngiti at tuluyan na siyang umalis.

Hintayin niya lang na magtagal ako ng kaunti dito, papatusin ko na talaga siya.

Utos siya nang utos, daig niya pa si tita. Sa katunayan niyan, si tita ang head ng mga maids dito kaya siya ang may mas karapatang mag-utos nang mag-utos sa 'min. Pero hinahayaan ko na lang dahil ayokong magkagulo.

Pagkatapos kong linisin ang kuwarto ni Venice, lumipat na 'ko sa office room ni Ramier. May lakas ng loob akong pumasok ngayon dito dahil nasa trabaho siya. 

Hindi pa rin kasi matanggal ang awkwardness na nararamdaman ko kapag nasa paligid ko lang siya kaya palagi akong na-iilang. Manghang-mangha pa rin ako pagpasok ng office niya habang may hawak na mop at feather duster.

Hindi na 'ko nag-aksaya pa ng oras at sinimulan ko na ang paglilinis. Habang naglilinis, hindi ko maiwasang magtaka kung bakit walang picture frames or kahit anong litrato na nakalagay sa dingding or sa mga mesa man lang.

Hinayaan ko na lang dahil baka hindi lang talaga siya mahilig sa pictures. Nang maigala ko ang paningin, may nakita akong litrato na nakapatong sa isang side table. 

Nakangiti siya habang naka-akbay sa isang batang babae. Hindi ko alam kung sino ang batang babae basta nasisiguro ko na hindi si Venice 'yon. 

Napabalikwas ako at agad kong binalik ‘yung larawan matapos marinig na may pumasok sa kinaroroonan ko. Paglingon ko ay bumungad sa 'kin si tita.

"Naglilinis ka na naman? Kalilinis mo lang kanina, ah?" nagtataka niyang tanong.

"Wala naman si Master kaya napagdesisyunan kong linisin muna 'yung office niya," dahilan ko.

"Tandaan mo, hindi lang ikaw ang kasambahay dito. May ina-sign na 'ko na maglilinis dito kaya hindi mo kailangang gawin 'to.”

Pahamak talaga si Regina. Hindi ko na lang sana siya sinunod, napasama pa tuloy ako.

"Sorry po."

"Ang akin lang naman, hindi mo naman kailangang pagurin ang sarili mo dahil ang trabaho mo rito ay ang alagaan si Venice at hindi all around. Mag-focus ka lang sa kaniya, okay?" tinanguan ko naman siya. Agad kong kinuha 'yung mga gamit na dala ko at umalis na sa loob ng office ni Master.

Tulog pa si Venice kaya wala akong ibang maisip na gagawin. Sa katunayan nga, hindi naman talaga mahirap ang trabaho ko. Pinapahirapan ko lang talaga ang sarili ko.

"Saan ka pupunta? Tapos mo na bang linisin 'yung office ni Master? Ang bilis mo naman," sita sa 'kin ni Regina habang nakapamewang. 

Tumikhim muna ako bago siya sinagot.

"Sinabi ni Tita Rhissa na hindi ko na raw kailangang gawin 'yon dahil may ina-sign na siya para linisin 'yon," matapang kong tugon.

"Huwag mong ugaliing tutunga-tunganga lang kapag walang ginagawa, baka nakakalimutan mong trabaho ang ipinunta mo rito at hindi ka bisita," pagtatatay niya na nakataas ang isang kilay. Sinusubukan kong huminahon dahil baka mapaaway ako nang wala sa oras.

"Oo tama ka, trabaho ang pinunta ko rito. Trabaho para alagaan si Ma'am Venice at hindi para maging all around kasambahay." Hindi ko na siya hinintay na magsalita at nakita ko kung paano umawang ang labi niya dahil hindi niya inaasahan na sasagutin ko siya nang gano'n.

Napagdesisyunan kong lumabas muna ng mansyon para magpahangin. Habang naglalakad ako ay nginingitian ako ng mga kasamahan ko sa trabaho, sadyang si Regina lang talaga ang may sama ng loob sa 'kin.

Suot ko na rin pala ang uniform ko tulad ng mga suot nila. Pinatabas ko pa 'to sa mananahi dahil ayaw kong below the knee ang uniform dahil hindi ako sanay.

Mukha tuloy akong magpa-party na ang iksi ng uniform na above the knee. Pero mas komportable ako rito kaya ayos na sa 'kin.

Paglabas ko ay naagaw ko kaagad ang atensyon ng mga kalalakihan dahil sa suot ko. Sanay na rin naman ako dahil hindi naman talaga maaalis sa kanila na mapatingin lalo na't may itsura at sexy naman talaga ako.

Kung hindi nga lang ako naka-uniform, baka pagkamalan pa 'kong isa sa mga amo nila dito. Paglingon ko sa gilid, tumambad sa paningin ko si Sir Viguel na nagdidilig ng mga halaman.

Hindi maiwas ang tingin ko sa kaniya dahil naka-short lang siya at sando na kitang-kita ang maskulado niyang mga braso. Tho, he is not as masculine as his brother but still, he looks so fine.

Sa katunayan nga, isa siya sa mga ideal man ko tulad ni Ramier. Moreno rin ang balat at mukha siyang may lahi. Kaso nga lang ang bata niya pa para sa edad ko.

Napangiti kaagad siya nang magtama ang paningin namin. Niyaya niya akong lumapit sa kinaroroonan niya kaya sumunod naman ako.

"Goodmorning, sir," bungad ko sa kaniya.

"Goodmorning," abot-langit ang ngiti nito.

"Gusto mo bang diligan kita?" nanlaki ang mga mata ko nang narinig ang sinabi niya. 

Why do I think this way? Ang dumi ng isipan ko!

"Ay este!—gusto mo ba 'akong tulungang magdilig?" pag-iiba niya. Nakita kong natatawa siya habang nakikita ang ekspresyon ng mukha ko.

Napakapilyo naman ng batang 'to!

Mukhang tama nga si tita dahil mukha lang siyang inosente pero ang totoo, ang dami niyang alam.

Tinanguan ko na lang siya at naki-ride sa trip niya dahil wala pa naman akong gagawin. Hinawakan niya ang kamay ko at binigay sa 'kin ang hose habang tumutulo pa rin 'yung tubig.

Nakangiti siya habang hinahayaan akong magdilig. 

Ano bang akala niya? Hindi ako marunong magdilig? Grrr.

"Hindi ganiyan," sita niya sa 'kin.

Nanlambot ang mga tuhod ko nang bigla siyang lumapit patalikod at tinulungan akong hawakan ang hose. Ramdam na ramdam ko tuloy ang hininga niya sa leeg ko kaya’t hindi ko maiwasang mangilabot.

"Nag-panty ka na lang sana, ang iksi ng suot mo," bulong niya sa 'kin.

"Mas maiksi 'yon, sir. Hanggang dito lang ang kaya ko."

"Hindi ka ba nahihiya na ang daming nakatingin sa 'yo?"

"Ba't naman ako mahihiya? Sexy naman talaga ako," nakangisi kong pagmamalaki.

"Yeah, you're right," pagsang-ayon niya.

"Ganito dapat." Hawak pa rin namin pareho ang hose at siya ang nagmamanipula sa direksyon nito.

"Mukhang kailangan mo na ring madiligan, Ysharra," narinig ko kung paano siya bahagyang natawa dahil sa kalokohan niya.

"Ano?!" kabado kong tanong.

"Mukha kasing matagal ka nang hindi nadidiligan," pilyo niyang sabi. Na-offend ako ng very light sa sinabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay kahit hindi niya naman ako nakikita.

"Excuse me? Kadidilig lang sa 'kin nung isang araw," pagmamalaki ko.

"What do you mean?" inosente niyang tanong.

"What I'm trying to say is…hindi pa 'ko malapit malanta." Hindi ko na rin alam ang mga pinagsasabi ko.

Nakakabaliw ang isang 'to!

"That's not what I mean!" he chuckled.

"You have a dirty mind, huh," pang-aasar niya kaya binalot ako ng hiya.

"Sorry naman!"

"This is what I mean--" Nabigla ako nang bigla niyang itinutok sa 'kin 'yung hose dahilan para mabasa ako.

Tatawa-tawa siya at tuluyang inagaw sa 'kin 'yung hose. Basang-basa na tuloy ako!

"Tama na!" suway ko pero parang wala siyang naririnig.

"Linisin natin 'yang marumi mong isip," humahalakhak na sambit niya at hindi pa rin ako tinitiglan.

Pinagtitinginan na kami ng iba pa naming mga kasama at nakita kong nginingitian nila kami. Sinamaan ko siya ng tingin at agad-agad na lumapit sa kinaroroonan niya.

"Anong binabalak mo, ha?!" Sinubukan niyang tumakbo pero kaagad ko siyang nahabol dahil nahablot ko ang shirt niya.

Puwersahan kong inagaw mula sa kaniya ang hose habang pareho kaming tumatawa na parang mga bata. Nang tuluyan kong maagaw ang hose mula sa kanya, siya naman ang binasa ko.

"Bagay mo lang 'yan!" ngingisi-ngisi kong sambit at mukhang nakalimutan ko na boss ko nga pala siya.

Pilit niyang hinaharang ang kamay niya pero wala siyang nagawa dahil patuloy pa rin siyang nababasa. Nakita ko kung paano humapit ang sando niya kaya humulma ang hubog ng pangangatawan nito.

"Ayaw mong tumigil?" babala niya sa 'kin.

"Hindi pa 'ko tapos gumanti!" tugon ko.

"Fine."

Nagulat ako nang bigla niyang alisin ang sando niya kaya tumambad sa 'kin ang maganda niyang pangangatawan.

Takte! Ang bata pa lang nito pero bakit ganito.

I admire his body pero mas malaki ang katawan ng kuya niya. Nga pala,  bakit ko ba sila pinagkukumpara?

Hinayaan niyang umagos ang tubig sa katawan niya dahil sa hose na hawak ko. Tinignan niya 'ko na tila ba nang-aakit at marahan niyang hinawi ang magulo niyang buhok na tumatakip sa mukha niya.

Mukha siyang model! Patusin ko na ata 'to kesa sa kuya. Mas mapapadali ako pero naisip ko bigla na gusto kong ma-challenge. Kaya do'n pa rin ako sa kuya.

Mas hot 'yun.

"Thanks for showering me."

Agad akong lumapit sa gripo at pinatay 'yon dahil imbes na mainis e mas nag-eenjoy pa siya.

"Ba't mo pinatay? Hindi pa 'ko tapos maligo," nakanguso niyang sambit.

Hindi ko naman maiwasang mainis dahil ang bilis niyang baligtarin ang situwasyon!

"Tse!"

"Halika nga rito!" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang tumakbo palapit.

Bigla niya na lang akong niyakap habang basang-basa pa rin siya. Ramdam na ramdam ko tuloy ang katawan niya sa katawan ko.

"Dumada moves ka!" sita ko.

"Hinayaan mo naman ako." Mas lalong humigpit ang yakap niya.

Tatawa-tawa siya habang pumaparaan sa 'kin kaya napa-irap na lang ako.

"Viguel," napabalikwas kami matapos marinig ang isang pamilyar na boses.

Natanggal ang pagkakayakap sa 'kin ni sir Viguel nang marinig ang boses ng kuya niya.

"What are you doing?" Biglang kumunot ang noo nito matapos kaming makita na basang-basa.

Nahiya tuloy ako dahil bumungad kami sa kaniya na magkayakap. Bakit ba laging nagkakataon na napapasubo ako sa ganitong situwasyon. Baka pagkamalan niya pa 'kong malandi! 

Gano’n ako pero hindi sa kapatid niya, duh.

"Trip kasi nitong si Ysharra na maligo sa labas, Sinamahan ko lang," sinamaan ko ng tingin si Sir Viguel dahil sa dahilan niya.

"Go to your room and study." Napakamot ng ulo si Sir Viguel dahil sa seryosong utos ng kuya niya.

Kumaway siya nang bahagya sa 'kin bago tuluyang sumunod sa utos nito. Hindi ko naman akalain na ganito pala siya ka-istrikto sa mga kapatid niya. Napaisip tuloy ako kung bakit wala ang mga magulang nila. 

Bakit si Ramier ang tumatayong guardian nila?

Hindi ko naman matanong sa magkakapatid dahil sino ba naman ako. Itatanong ko nga kay tita sa susunod.

"You." Kumabog ang dibdib ko nang mabaling sa 'kin ang atensyon ni Ramier nang tuluyang makapasok sa loob ng mansyon si Sir Viguel.

"B-Bakit po?"

"Don't get attached with my siblings. You need to know your limits. Set a wall or a boundary between you and us. Do you understand?" nanigas at napayuko ako dahil sa panenermon niya.

Hindi ko naman inasahan na ganito pala ang ugali niya. Nawalan tuloy ako ng lakas ng loob para ilapit ang sarili ko sa kaniya. Tinapunan niya lang ako saglit ng tingin 'tsaka na tuluyang pumasok ng mansyon.

Pumasok ako sa k'warto kung saan ako tumutuloy. Nakaligo na 'ko at nakatingin lang ako sa kawalan dahil hindi pa rin maalis sa isipan ko 'yung sinabi niya sa 'kin kanina.

"Ayos ka lang, ate Ysharra?" nag-aalalang tanong ni Zwei.

Siya ang kasama ko sa k'wartong ito. Naninilbihan din siya dito sa mansyon gaya ko. Mas matanda nga lang ako sa kanya ng tatlong taon. Tumabi siya sa 'kin kaya dali-dali kong hinawi ang luha na pumatak sa mga mga mata ko.

"Mali nga naman ako, hindi ko nga dapat inilalapit ang sarili ko sa kanila dahil 'di hamak na kasambahay lang ako at mga amo natin sila." Hindi na naman maalis ang luha sa 'king mga mata.

"Tama na, ate. Wala kang kasalanan. Hindi mo naman kasalanan na mas mabait ang mga kapatid ni Master kaysa sa kaniya."

"Shh…'wag mong sabihin 'yan. Baka may makarinig sa 'yo," suway ko.

"Totoo naman, ate. Kahit nung wala ka pa, ganiyan na talaga ang ugali ni master. Masungit at walang pakialam sa 'tin na mga naninilbihan sa kanila." Kung una pa lang ay nalaman ko na ganito pala talaga siya, hindi ko na sana inilapit ang loob ko sa mga kapatid niya para hindi niya na 'ko nasermunan ng gano'n. 

Ang sakit kasi.

Hindi siguro siya ang makakatulong sa problema ko. Maghahanap na lang ako ng ibang lalaki na pupuna sa kailangan ko.

Kung sakali man na mabuntis ako, lalo pa ngayon na hindi ako umiinom ng pills, hindi ko na hahayaang mapalapit sa kaniya ang magiging anak ko. Ayokong magkaroon ng Ama ang magiging anak ko na napakasama ang ugali.

Wala akong ibang ginawa maghapon kung 'di ang alagaan si Venice. Kinagabihan ay napagdesisyunan kong tumulong kay tita na magluto ng hapunan.

Habang naghihiwa ako ng mga gulay, biglang sumulpot sa gilid ko si Sir Viguel na may dalang libro at may salamin siya sa mata. Mukhang nag-aaral pa rin siya hanggang ngayon. Nagtungo siya sa ref at kumuha ng tubig.

Mukhang hindi naman siya napansin ni tita dahil abala siya sa pagluluto sa hindi kalayuan.

"Ikaw na naman ang magluluto, t'yak ko na masarap na naman 'yan," puri niya sa 'kin.

Gaya ng sabi ni Ramier kanina, kailangan kong idistansya ang sarili ko sa kanila.

"Salamat, sir," pirming usal ko at sinubukang lumayo para hugasan ulit 'yung mga gulay.

"May gagawin ka pa ba pagkatapos nito?" Sumunod na naman siya sa 'kin.

"Babantayan ko si Venice hanggang sa makatulog, sir," pormal kong tugon.

"Ah gano'n ba... puwede ba 'kong sumama sa inyo? Movie ang pampatulog ni Venice kaya mag-movie marathon tayong tatlo," excite niyang sabi at tuwang-tuwa sa mga mangyayari.

"Cartoons ang pinapanood niya kaya siguradong mabo-bored lang kayo, sir."

"Nako, sanay na 'ko kay Venice. Ako ang nagpapatulog sa kaniya noon," pagmamalaki niya.

Hanggang sa kumain na silang dalawang magkapatid. Hindi nila kasabay ang kuya nila dahil abala sa pagta-trabaho sa office room kahit kagagaling niya lang kanina sa trabaho.

"I want Sofia the first, ate!" sambit ni Venice kaya nilipat ko kaagad do'n ang channel.

Kasama namin si Sir Viguel at nasa gitna namin si Venice. Napansin ko na pasimple niya akong tinitignan at mukhang wala naman talaga sa pinapanood ang atensyon niya.

Binawi niya ang tingin matapos ko siyang mahuli na tinitignan ako. Umabot din ng ilang oras ang panonood hanggang sa nakatulog na si Venice.

"Ako na ang magbubuhat sa kaniya," pag-ako ni sir Viguel nang akmang bubuhatin ko na ito. Inayos niya ang pagkakahiga nito at kinumutan ko naman. Nakapamewang na tumingin sa 'kin si Sir Viguel at nginitian ako nang bahagya.

"Goodnight, sir." Lalabas na sana ako nang marinig ko muli ang boses niya.

"Want some tea first?"

"No, salamat na lang, sir." Tuluyan na 'kong umalis sa kuwartong 'yon. Pagpunta ko sa kusina ay nadatnan ko si tita.

"Tamang-tama, bigay mo muna 'to kay Master bago ka matulog." Binigay niya sa 'kin 'yung katitimpla niya pa lang na kape.

"A-Ako Tita?" nauutal kong tanong.

"Bakit? May problema ba?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Wala naman." Gusto ko na lang bumilis ang takbo ng oras para agad na makalabas sa office ni Ramier kahit papunta pa lang ako.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang pinihit ang pinto. Nagtama kaagad ang tingin namin pero agad niya ring iniwas at itinuon sa harap ng laptop ang atensyon niya.

"Coffee po," humugot ako ng malalim na hininga bago sabihin 'yon.

Nilapag ko ang kape sa harapan na hindi ko siya tinitignan. Wala akong panahong magtagal kaya kaagad akong tumalikod.

"Y-Ysharra," hawak ko na ang door knob nang bigla kong narinig ang pagtawag niya.

Nangilabot ako dahil ito ang unang pagkakataon na sinabi niya ang pangalan ko na kami lang dalawa.

"Ano po?" Agad akong lumingon.

Tinignan niya lang akong mabuti at parang prinoproseso niya sa isipan ang sasabihin. Nakita kong napalunok siya bigla at itinuon muli sa harap ng laptop ang atensyon.

"W-Wala, you may now leave," pirming utos niya na sinunod ko naman.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko habang naglalakad. Tinawag niya 'ko ta's wala naman pala siyang sasabihin.

Sinubukan ko kaagad matulog paghiga sa kama pero hindi ko magawa dahil binabagabag pa rin ako ng isipan ko. Napagdesisyunan kong tumayo ulit at pagtingin ko sa relos, hatinggabi na pala.

Nagtimpla ako ng tsaa sa kusina at sinalubong ang napakalamig na simoy ng hangin sa pool side. Umupo ako sa gilid at binabad ang dalawang paa sa tubig.

Muntikan ko nang mabitawan ang tsaa nang biglang sumulpot sa tabi ko si Sir Viguel at binabad din ang dalawa niyang paa.

"Bakit gising ka pa?"

"Hindi kasi ako makatulog, ikaw?" balik na tanong ko.

"Ba't naging concern ka bigla?" napalunok ako sa tanong niya at hindi nag-abalang sagutin.

"Nag-aaral pa 'ko, katatapos ko lang actually."

"Buong araw kang nag-aaral, ah. Bakit ka nagpapakalunod sa pag-aaral?"

"Kailangan, e. Ako ang papalit kay kuya sa kumpanya," hindi na 'ko nag-abala pang tanungin siya dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan.

"Akala ko bang ayaw mong mag-tsaa?" tumaas ang gilid ng labi niya habang nakatingin sa 'kin.

"Iniiwasan mo ba 'ko?" Napatingin ako bigla dahil sa tanong niya. Nagtama ang mga mata namin at kita ko ang seryoso niyang ekspresyon.

"H-Hindi naman, sir." Kaya siguro ako nauutal dahil nagsisinungaling ako.

"Please huwag mo naman akong iwasan," mahinahon niyang pakiusap. Dahil sa pagtataka ay hindi ko maiwasang magtanong.

"Bakit naman, sir?" E, 'yon 'yung gusto ng kuya mo kaya wala akong magagawa kung 'di ang sundin siya.

"I think—I like you," he sincerely said, making my heart beat so fast.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status