Pilit kong kinakalimutan ang nangyari nung gabing 'yon pero may mga pagkakataon na naiisip ko pa rin.Bakit ako nasasaktan?Hindi ba't ginawa ko rin naman sa kanya 'yon? Wala naman kaming pinagkaiba.Pero ang iniisip ko ay naramdaman niya ba ang kung anong naramdaman ko nung nakita ko silang nasa gano'ng sitwasyon?Hayyst! Erase! Erase!Iisipin ko na lang na isa lang 'yong masamang panaginip.Hindi naman ako dapat magpa-apekto dahil sino ba naman ako 'di ba?Yaya lang naman ako ng kapatid niya.Pagkatapos din nung nangyari sa pagitan namin ni sir Viguel ay biglang nag-iba ang pakikitungo ni Zwei sa 'kin.Kinakausap niya na lang ako kung kinakailangan.Nilinaw ko naman sa kanya ang lahat nung gabing 'yon kahit na balisa at wala pa rin ako sa sarili dahil sa nakita.Sumang-ayon naman siya sa 'kin at ang akala ko ay ayos na ang lahat pero parang hindi naman."Zwei..."tawag ko sa kanya habang naghuhugas siya ng pinggan.Gabi na at day-off ko na bukas kaya makakapagtrabaho na 'ko ulit sa clu
PAGDILAT ko ng mga mata ay bigla na lang akong nakaramdam ng matinding pagkahilo at pagsakit ng ulo.Marahil ay dahil ito sa dami ng alak na nainom ko kagabi.Hinilot ko ang sentido ko dahil namamag-asang makakatulog 'yon para maibsan ang sakit pero walang pinagbago.This is my most hated part of being drunk!Hangover.Iginala ko ang tingin ko sa paligid at do'n ko napagtanto na nasa boarding house ako.Pilit kong pinoproseso at inaalala ang mga nangyari kagabi at kung papaano ako nakarating dito.Pero kahit anong pilit ko ay wala talaga akong maalala.Ang tanging naalala ko lang ay nakipag-inuman ako sa mga mayayamang businessman kasama si Cross at si...Tangina.Ramier?Kasama nga pala namin siya kagabi! Mas lalo akong nataranta na alalahanin ang lahat at inalog-alog ko pa ang ulo ko na parang tanga para makaalala man lang kahit katiting pero wala pa ring pumapasok sa isip ko!Maging sa pagbangon ay nakaramdam ako ng matinding pagkahilo at parang umiikot ang paligid ko.Kinayanan kon
Simula nung araw na umamin si sir Viguel ng tunay niyang nararamdaman ay hindi na siya tumigil sa pagbibigay ng motibo sa 'kin.Hindi ko rin tinanggap ang alok niyang maging girlfriend ako.Alam kong kapag ginawa ko 'yon ay meron akong masasaktan.Nilinaw ko na ang lahat kay Zwei kaya hindi ko p'wedeng gawin ang bagay na 'yon.Kasalukuyan 'kong pinagluluto ng meryenda si Venice dahil nagugutom daw siya.Hindi naman ako ginugulo ni sir Viguel dahil may pasok siya ngayon.Hindi na naman ako komportable sa mansyon na 'to dahil hindi pumasok si Ramier.Kanina pa siya nasa loob ng opisina at alam kong kahit anong oras ngayon ay lalabas siya mula ro'n.Matapos kong magluto ay inihanda ko ang lahat sa isang tray.Akmang aakyat na 'ko papunta sa k'warto ni Venice nang biglang sumalubong sa 'kin si Ramier na may kausap sa telepono.Nakatingin siya sa 'kin habang may kausap sa kabilang linya.Yumuko ako at aalis na sana para hindi ako makaabala nang bigla kong narinig ang boses niya."Ysharra."Natig
Nung gabing 'yon mismo ay hindi talaga ako nakatulog.Umabot na 'ko ng madaling araw kaiisip ng dapat kong gawin.Malapit na ang buwan na ibinigay niyang palugit sa 'kin at alam kong kahit anong gawin kong pagt-trabaho ay hindi ako makakalikom ng gano'n kalaking halaga sa loob lang ng mabilis na panahon.Nahihiya na 'kong manghiram ng pera kay Cross.Napilitan na naman akong mag-advance at mangutang sa kanya nung nakaraang sabado dahil mahal ang maintenance ni Papa.Wala na 'kong mukhang maihaharap dahil malaki-laki na ring pera ang hindi ko nababayaran sa kanya.Ayoko namang mangutang at ipambayad sa utang ko rin mismo.Edi parang wala rin dahil nangutang na naman ako.Pero hindi naman ako nangangamba kay Cross dahil mabait namang kaibigan 'yon at alam kong naiintindihan niya naman ang sitwasyon ko ngayon.Mas lalong hindi ko gugustuhing mangutang ng pera kay Ramier dahil hindi pa nga maayos ang relasyon ko sa kanya ta's bigla na lang akong hihingi ng mahigit isang milyon. 'Tsaka alam ko
Mapanghusga kaming tintitigan nina Zwei at Ramier.Namuo ang butil ng pawis sa noo ko dahil kaharap namin silang dalawa."What's the meaning of this?"Halos magpantay na ang kilay ni Ramier nang itanong sa 'min 'yon.Napayuko na lang ako at hinihintay na si Viguel ang magsalita para sa aming dalawa."Kuya..."Mukhang bumebuwelo pa siya."What?"Humalukipkip si Ramier habang mapanghusgang nakatingin sa 'min."She's my girlfriend."Pagpapakilala niya sa 'kin na ikinagulat ko.Hindi ko alam na diretsahan niyang sinabi ang bagay na 'yon at hindi man lang siya nagpaligoy-ligoy.Umangat ako ng tingin at nakita kong nanlaki ang mga mata ni Zwei habang si Ramier naman ay hindi nagbago ang ekspresyon at nag-aalab ang mga matang titig na titig sa 'min.Hindi na matigil ang pagpintig ng puso ko sa anumang maari niyang sabihin.Sa tingin ko ay hindi pa 'ko handang muli na makinig ng mga masasakit na salita mula sa kanya."Really?"Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil tumawa siya nang bahagya na para
"Ang aga mo ata ngayon?"tanong ko kay Viguel dahil kararating niya lang dito sa Condo.Nakasabit pa sa kanang balikat niya ang bag at suot pa rin nito ang uniporme sa eskwelahan."Hindi pumasok 'yung last period namin kaya maaga ang dismissal."Ito ang pangalawang araw ko rito sa Condo niya.Nung isang araw ay kinuha ko na ang lahat ng mga gamit ko sa boarding house na tinutulugan ko dahil dagdag gastos lang 'yon lalo pa ngayon na hindi ko naman tinitirahan.Sinabi ko na rin kay Viguel na nagt-trabaho ako bilang waitress sa club.Nung una ay gusto niya na itigil ko na raw 'yon pero nagpumilit ako dahil ayoko namang i-asa na lang sa kanya lahat ng mga pangangailangan ko sa pananatili ko rito.Mukhang pagod na pagod siya ngayon dahil saktong paghubad niya sa sapatos niya ay dumapa agad ito sa kama kung saan ako naroroon."Hubarin mo muna 'yang mga suot mo bago ka mahiga,"utos ko."I'm so tired Babe."He mumured."Magpalit ka na muna."Hinila-hila ko pa ang braso niya para lang tumayo ito u
Ilang araw na ang lumipas simula nung ibalita sa 'kin ni Zwei ang bagay na 'yon.Hindi pa 'ko nagtangkang buklatin sa kanya ang bagay na 'yon dahil humahanap pa ako ng tyempo.Dito na rin siya tumira kasama ko.Nung araw pala na 'yon ay iniwan niya lang sa sasakyan niya lahat ng gamit niya at pasimpleng inilagay sa closet nung tulog ako.Tinanong ko naman sa kanya kung bakit siya rito tumitira pero ang sagot niya lang ay marami silang ginagawa sa school at malapit ito sa skwelahan niya kaya mas mapapadali ang transportasyon nito 'pag pumapasok kung dito siya tutuloy.Tinanggap ko naman ang sinabi niyang 'yon kahit alam ko naman ang totoong dahilan.Pero sa tingin ko ay may lakas na 'ko ng loob ngayon na i-open sa kanya ang bagay na 'yon kaya hinihintay ko na lang siyang umuwi.Sa isang Linggo naming magkasama ay mas nakilala ko pa siya.Wala akong nakitang hindi maganda sa kanya dahil napatunayan ko kung gaano siya kabait.May pagka-ugali lang siya na katamaran pero sa katagalan ay naiim
Kasalukuyan akong umiiyak habang nakatutok sa Tv dahil dalang-dala ako sa eksena nitong pinapanood namin.Para akong tangang humihikbing nanonood habang kumakain ng popcorn.Paglingon ko kay Viguel ay nairita ako bigla dahil tinatawanan niya na naman ako."Ano ba!"suway ko.Marahas ko siyang binato ng popcorn pero hindi man lang siya natinag sa pagtawa."Pang-ilang movie na natin 'yan,hindi na naman matigil 'yang pag-iyak mo,"tawang-tawang aniya."Anong magagawa ko kung mababaw ang luha ko! Nakakaiyak naman talaga e,"nakanguso kong tugon."Horror naman ang susunod,"paghamon niya pero hindi ako nagpasindak at game na game pa rin.Alas-onse pa lang ng gabi at halos kalahating araw na kaming nagm-movie marathon."Tangina!"usal ko matapos magulat dahil may biglang nahagip na multo sa eksena na hindi ko inaasahan.Napakapit ako kay Viguel na 'di sinasadya.Bilib na bilib ako sa kanya dahil hindi man lang siya natakot o nagulat man lang.O sadyang OA lang talaga ako?Sinamahan pa ng intense na