Home / Romance / THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY / KABANATA 1: Ang tamad na asawa

Share

THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY
THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY
Author: Darkchoco

KABANATA 1: Ang tamad na asawa

Author: Darkchoco
last update publish date: 2026-09-01 13:28:48

Deneve’s POV

​"Julius, alas dose na ng tanghali. Hindi ka pa ba babangon dyan?"

Nakasandal ako sa hamba ng p***o habang pinapanood ang asawa kong nakatutok na naman sa computer niya. Rinig na rinig ko ang sunod-sunod na tunog ng keyboard at mouse na parang wala nang bukas sa pag-click.

​"Wait lang, babe. Matatapos na 'tong clash namin. Isang push na lang 'to sa tore," sagot niya nang hindi man lang inaalis ang tingin sa screen.

​Napabuntong-hininga ako. Araw-araw na lang kaming ganito. Nung bago pa lang kaming kasal, ang sweet niya. Ang dami niyang pangarap. Magpapatayo daw kami ng sarili naming bahay, magkakaroon ng negosyo, at hindi ko na kailangang magpakapagod sa trabaho. Pero anong nangyari ngayon? Naging full-time housewife ako ng isang lalaking literal na naging palamunin.

​"Sabi mo kahapon, magpapasa ka ng resume mo online? Sabi mo mag-a-apply ka na ulit?" tanong ko, pilit pinipigilan ang inis sa boses ko.

​"Oo nga, mamaya na! Ang kulit naman eh. Na-distract tuloy ako, namatay yung character ko!" padabog niyang binitawan yung mouse at hinarap ako. Salubong na salubong ang kilay niya. "Puro ka na lang reklamo, Deneve. Nagpapahinga lang yung tao."

​"Nagpapahinga? Julius, anim na buwan ka nang nagpapahinga. Ako na lang lahat—ako nagba-budget ng konting ipon natin, ako naglilinis, ako nag-aasikaso sa'yo. Nangako ka sa akin, diba?"

​Umirap lang siya at muling nagsuot ng headset. "Bukas na ako maghahanap ng work. Promise. Pramis 'yan, magkaka-bahay din tayo."

​Pramis. Palagi na lang pramis. Hanggang salita na lang siya. Tumalikod na lang ako at nagpunta sa kusina para maghugas ng plato. Mahal ko ang asawa ko, kaya nga ako nagtitiis, pero nakakapagod na rin.

​Habang nagkukuskos ako ng kawali, tumunog ang cellphone ko. Caller ID: Mama Lucing. Ang biyenan ko.

​Sinagot ko agad. "Hello po, Ma—"

​"Deneve, nasaan si Julius? Kumain na ba ang anak ko?" bungad agad niya. Walang man lang 'kamusta ka'.

​"Opo, Ma. Nakakain na po. Nagko-computer lang po siya ngayon."

​Narinig ko ang pag-ismid niya sa kabilang linya. "Dapat inaalagaan mo nang maayos ang asawa mo kase pagod 'yan. Kayo ba, kailan niyo ba ako bibigyan ng apo? Baka naman baog ka, Deneve? Sayang lang ang pagpapakasal ng anak ko sa'yo kung hindi ka rin naman pala makakabuo ng pamilya."

​Parang may sumaksak sa dibdib ko. "Ma, sinusubukan naman po namin..."

​"Ay ewan ko sa'yo! Siguraduhin mo lang na hindi ka nagiging pabigat sa anak ko dahil wala ka nang silbi, wala ka pang anak," sabi niya bago pinatay ang tawag.

​Pabigat? Ako pa talaga ang pabigat ngayon? Napaiyak na lang ako sa inis habang nakatingin sa lababo. Wala akong kakampi sa bahay na 'to.

​Kinuha ko ang bag ko. "Julius! Lalabas lang ako, bibili ng groceries!" sigaw ko. Wala siyang sagot. Umalis na lang ako.

​Paglabas ko, nagbukas ako ng social media habang nag-aabang ng masasakyan. Biglang dumaan sa newsfeed ko ang post ni Bianca. Si Bianca, ang childhood friend ko.

“Thank you for the coffee and for always being there for me when I need a ride! Best friend indeed. ❤️”

​Tiningnan ko yung picture. Kape at isang pamilyar na keychain sa table. Susi ng lumang kotse ni Julius.

​Napakuyom ang kamao ko. May pera siyang pambili ng kape para sa iba, pero nung humingi ako ng pambili ng gamot ko last week, sabi niya wala siyang cash? At nag-drive pa siya para kay Bianca, samantalang ako, pinagko-commute niya kahit umuulan dahil tinatamad daw siyang lumabas?

​Bakit ganun? Yung mga bagay na hindi niya magawa para sa sarili niyang asawa, ang daling gawin para kay Bianca?

​Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Baka nagkataon lang. Nag-grocery ako at nagpalipas ng ilang oras sa labas para gumaan ang pakiramdam ko.

Pagkalipas ng tatlong oras, umuwi ako. Hindi ko na ginamit yung susi ko kase napansin kong hindi naka-lock yung p***o ng apartment namin. Pagpasok ko, tahimik. Patay ang computer ni Julius sa sala.

​"Julius?" tawag ko. Walang sumagot.

​Pero may narinig akong mahinang kaluskos galing sa kwarto namin. Parang ungol. At pamilyar na boses ng babae.

Kinabahan ako. Parang nanlamig ang buong katawan ko. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa p***o ng kwarto. Nakaawang ito nang konti.

​"Julius... dahan-dahan lang," rinig kong bulong ng isang babae. Boses ni Bianca.

​"I miss you so much. Ang tagal kong hinintay na makaalis yung asawa ko," boses ni Julius 'yon. Ang lambing ng boses niya. Boses na matagal ko nang hindi naririnig na ginagamit niya sa akin.

Nanginig ang mga kamay ko. Pabalya kong tinulak ang p***o.

​Bumagsak ang mga dala kong grocery bags sa sahig.

​Nakita ko sila. Sa mismong kama namin. Sa mismong kwarto kung saan gabi-gabi akong umiiyak at nagtatanong kung saan ako nagkulang. Yakap-yakap ni Julius si Bianca. Pareho silang walang damit at gulat na gulat na napatingin sa akin.

​"Deneve?!" mabilis na hinila ni Julius ang kumot para takpan sila. "B-Bakit ang aga mong umuwi?!"

​Hindi ako makapagsalita. Parang sinasakal ako. Yung kababata ko? At yung asawa ko?

​"Deneve, I can explain," sabi ni Bianca, pero hindi man lang siya mukhang nagsisisi. Umayos pa siya ng upo at tinakpan ang dibdib niya ng unan, tapos tumingin sa akin nang diretso. "Hindi ito yung iniisip mo."

​"Hindi ito yung iniisip ko?!" Sumabog na ako, naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko sa galit. "Nahuli ko kayong nagtatalik sa kama ko, sa bahay ko! Anong hindi ko iniisip?!"

​"Babe, please, let me explain," nagmamadaling tumayo si Julius, mabilis na nagsuot ng boxer shorts at lumapit sa akin.

​Sinampal ko siya nang buong lakas. Umikot ang mukha niya sa lakas ng impact. "Wag mo akong ma-babe-babe, hayop ka! Ito ba? Ito ba yung ginagawa mo habang nagpapakahirap akong intindihin ka?! Ito ba yung rason kung bakit wala kang oras sa akin, dahil binibigay mo lahat sa malanding 'yan?!"

​"Wag mong sabihan ng ganyan si Bianca!" sigaw ni Julius, nanlilisik ang mga mata.

​Napatigil ako. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Pinagtanggol niya pa. Mas inisip niya pa yung mararamdaman ng kabit niya kaysa sa asawa niyang nasa harap niya at basag na basag ang puso.

​"Okay. Fine. Kung siya ang gusto mo, magsama kayo." Tumalikod ako at dumiretso sa closet. Kumuha ako ng malaking bag at pinagsiksik lahat ng damit na kaya kong kunin.

​"Deneve, ano ba! Wag kang OA. Mag-usap tayo," hawak ni Julius sa braso ko.

​"Bitawan mo ako! Nandiri ako sa'yo, Julius! Tapos na tayo!" Hinawi ko ang kamay niya at binitbit ang bag ko.

​Tumakbo ako palabas ng apartment. Rinig ko ang pagtawag niya pero hindi ko na nilingon.

Julius’s POV

​Nakaupo lang ako sa gilid ng kama habang pinapanood si Bianca na nagbibihis. Wala akong nagawa kundi mapabuntong-hininga. Hindi ko na hinabol si Deneve.

​"Are you just going to let her leave?" tanong ni Bianca habang nag-aayos ng buhok.

​Napakamot ako sa ulo. "Babalik din yun. Kilala ko si Deneve. Patay na patay yun sa akin. Wala namang mapupuntahan yun eh. Hayaan mo muna siyang magpalamig ng ulo."

​Sa totoo lang, naiinis ako na nahuli niya kami. Pero hindi ko rin naman pwedeng iwan si Bianca ngayon. Iba si Bianca, mas naaalagaan niya yung ego ko kaysa kay Deneve na puro na lang reklamo sa pera at responsibilidad. Bukas o sa makalawa, uuwi rin si Deneve at magmamakaawa. Ako pa ba?

Deneve’s POV

​Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Umuulan na nang mahina. Wala akong dalang payong at halos mabasa na ang bag ko. Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko habang naglalakad ako sa kalsada. Binigay ko lahat. Tinanggap ko yung katamaran niya, yung panlalait ng nanay niya, yung pagiging walang kwenta niya. Pero ito pa igaganti niya sa akin?

​Tumigil ako sa isang shed para sumilong. Hinihingal ako at parang umiikot ang paningin ko.

​Naisip ko lahat ng pang-iinsulto ni Mama Lucing. Baog daw ako. Naisip ko yung yakap ni Julius kay Bianca.

​Biglang may kakaibang pakiramdam na umakyat mula sa sikmura ko. Tumakbo ako sa gilid ng basurahan sa kanto at doon ko isinuka lahat ng kinain ko kaninang umaga.

​Nanghina ang mga tuhod ko at napakapit ako sa pader. Bakit ako nahihilo nang ganito? Ilang araw na rin akong madaling mapagod, madalas sumakit ang ulo, at parang laging nasusuka.

​Bigla kong naalala... kailan ba huling dumating ang dalaw ko?

​Napahawak ako sa tiyan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa realization na pumasok sa isip ko.

Hindi pwede... Hindi pwedeng ngayon pa... Buntis ba ako?

​Napatingin ako sa madilim na kalsada habang nanginginig ang mga labi ko. Paano na ako ngayon?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY    KABANATA 11: Who's your father?

    ​"Hope!"​Dali-dali akong pumasok sa loob ng opisina at halos patakbo kong nilapitan ang anak ko. Walang pag-aalinlangang hinila ko si Hope palayo sa desk ni Julius at itinago siya sa likuran ko. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko, parang sasabog na sa sobrang kaba at galit.​Tiningnan ko nang masama si Julius. Nakaluhod pa rin siya, kalmado lang na nakatingin sa akin, bago dahan-dahang tumayo at pinagpagan ang mamahaling slacks niya.​"Anong ginagawa mo sa anak ko?!" nanggigigil na bulyaw ko sa kanya. "Anong mga sinasabi mo sa kanya, Julius?! Bakit mo siya kinakausap nang walang permiso ko?!"​Tinaas ni Julius ang dalawang kamay niya, parang sumusuko, pero ang nakakairitang smirk sa labi niya ay hindi nawala. "Relax, Deneve. Masyado kang praning. Naligaw lang yung bata at napadpad siya rito sa opisina ko. It just so happens na may extra cake ako kaya pinakain ko siya. Masama bang maging mabuting host sa anak ng empleyado ko?"​"Wag mo akong pinapaikot!" madiin kong sagot, pilit na pinap

  • THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY    KABANATA 10: Mga mata

    Deneve’s POV​Huminto ang paghinga ko nang magtagpo ang paningin naming tatlo. Si Bianca na namumula sa galit, si Julius na seryosong nakatitig sa anak ko, at ako na parang binuhusan ng yelo sa kinatatayuan ko.​Agad na binasag ni Bianca ang nakakabinging katahimikan sa buong department.​"Babe! Look at this!" maarte at pasigaw na sumbong ni Bianca, sabay turo sa akin. "This fat pig violated the company rules! Alam naman niyang bawal ang mga bata dito sa production floor, pero dinala pa rin niya 'yang soon-to-be fat pig niyang anak! Nakakadiri, ginagawa niyang squatter's area ang kumpanya mo!"​Parang may pumitik na ugat sa sintido ko. Mabilis kong hinila si Hope sa likuran ko para protektahan siya.​"Wag na wag mong isasali ang anak ko sa panlalait mo, Bianca!" nanggigigil kong bulyaw. Wala na akong pakialam kung marinig kami ng buong opisina. Ina ako, at hindi ko hahayaang bastusin ang bata sa harap ko. "Wala siyang kasalanan dito kaya itikom mo 'yang bibig mo!"​"Wow, ikaw pa ang m

  • THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY    KABANATA 9: The little hand

    ​"Baby, makinig ka kay Mama ha. Wag kang aalis dito sa ilalim ng table. Mag-drawing ka lang diyan tapos wag kang maingay. Okay ba yun?"​Nakatago si Hope sa ilalim ng cubicle desk ko. Nakaupo siya sa isang maliit na unan at busy sa pagkulay sa coloring book niya. Tumango lang siya at ngumiti sa akin, inosente at walang kaalam-alam sa kaba na nararamdaman ko.​Kinakabahan ako sa bawat pagdaan ng tao sa likod ko. Pumasok ako sa building na pilit itinatago si Hope sa likod ng malaking tote bag ko, nakayuko kami habang naglalakad para hindi masyadong mapansin ng guards at ng mga chismosang empleyado. Buti na lang nasa dulo ang pwesto ko at medyo natatakpan ng filing cabinets.​Dalawang oras nang maayos ang lahat. Wala pang nakakapansin kay Hope. Patuloy lang ako sa pag-type ng mga reports, paminsan-minsan ay sumusulyap sa ilalim para i-check ang anak ko. Ligtas pa kami.​Hanggang sa narinig ko ang pamilyar na tunog ng matutulis na takong ng sapatos na naglalakad papasok sa department nami

  • THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY    KABANATA 8: Spica the best friend

    Pangalawang araw pa lang sa trabaho pero pakiramdam ko isang taon na akong kinakawawa sa loob ng Apex Solutions.​"Deneve, kailangan ko ang inventory report na 'yan bago mag-uwian. Pati na rin yung cross-checking ng accounts mula 2021 hanggang 2023. I-compile mo lahat sa isang folder at i-email mo sa akin bago ka umalis."​Tiningnan ko ang makapal na patong ng mga papeles na ibinagsak ni Mr. San Juan sa mismong ibabaw ng desk ko. Tumango na lang ako at tipid na ngumiti, kahit na gusto ko nang umiyak sa sobrang pagod.​"Yes po, Sir. Tatapusin ko po," sagot ko.​Umalis siya nang walang sinasabi. Alam ko na ang laro nila. Alam kong utos ito ni Julius. Pinapahirapan niya ako. Binibigyan niya ako ng workload na pang-tatlong tao para lang ma-stress ako, para sumuko ako, at para mag-quit ako. Tapos kapag nag-quit ako, sisingilin niya ako ng labing-apat na milyon dahil sa kontrata ko.​Wala siyang awa. Ginamit niya ang yaman niya para gawin akong alipin sa sarili niyang kumpanya.​Huminga ako

  • THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY    CHAPTER 7: BIRTH CERTIFICATE

    Nakatayo lang ako sa harap ng desk ni Julius, pinipilit pakalmahin ang sarili ko habang ramdam ko ang malamig na titig niya sa akin. Hinihintay niya ang sagot ko. Hinihintay niya ang katibayan na magpapatunay sa matagal na niyang hinala.​"Nasaan ang birth certificate ng anak mo, Deneve?" ulit niya, mas madiin ngayon ang bawat salita.​Tinaas ko ang baba ko at diretsong sinalubong ang mga mata niya. "Wala akong maibibigay sa inyo. Nasunog ang birth certificate ni Hope nung lumipat kami ng apartment apat na taon na ang nakakalipas."​Saglit siyang tumahimik, tapos biglang umalingawngaw ang isang mapang-asar na tawa mula sa kanya. Umiling-iling siya habang nakatingin sa akin, parang isang boss na nakikinig sa pinakawalang kwentang palusot ng empleyado niya.​"Nasunog?" Ngumisi si Julius at sumandal sa upuan niya. "How convenient, Deneve. Napaka-convenient naman na sa dinami-dami ng pwedeng masunog, yung birth certificate pa ng anak mo ang nawala."​"Totoo ang sinasabi ko," matigas kong

  • THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY    KABANATA 6: The boss of the company

    ​"Masyadong too good to be true, girl. Sinasabi ko sa'yo."​Nakahalukipkip si Spica habang nakasandal sa pinto ng kwarto ko. Katatapos ko lang ikwento sa kanya yung nangyari sa unang araw ko, lalo na yung biglaang paghingi ni Mr. San Juan ng original birth certificate ni Hope para sa HMO.​Napabuntong-hininga ako habang pinaplantsa ang uniform ko para bukas. "Alam ko. Kinabahan nga ako kanina. Ang bilis ng proseso, ang laki ng sweldo, tapos biglang ganyan ka-strict sa records."​"Ganyan talaga sa mga kumpanyang nag-o-offer ng malaking pera bigla-bigla," babala ni Spica, seryoso ang mukha niya sa ilalim ng makapal niyang salamin. "Madalas, kapag sobrang ganda ng offer, toxic ang workplace. Baka mamaya gigisahin ka nila sa trabaho o kaya may hidden agenda yung management. Mag-iingat ka, Deneve. Baka hindi mo kayanin yung stress."​Natigilan ako sa pagpaplantsa at napatingin sa anak kong mahimbing na natutulog sa kama. "Kaya kong tiisin lahat, Spica. Kahit gaano pa katoxic yan, kahit pat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status