Share

THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE
THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE
Author: Ladyangee

CHAPTER 1:

Kasalukuyan akong nagtatakbo sa gitna ng daan at tinitingnan na ako ng mga tao dahil para akong baliw na nakatakas sa mental hospital, wala akong pakealam basta makalayo lang ako sa mga sumusunod saakin na tauhan ng magulang ko dahil ayaw kung magpakasal sa lalaking walang puso at demonyo na si Gray Matthew Willows, pumasok ako sa makipot na daan at tuloy tuloy itong tinahak nakita ko namang may mangilan ngilan pang nakasunod saakin, tumakbo ako ng mabilis sa may parke maraming tao dito tiyak na walang makakita saakin dito nagtago ako sa likod ng malaking puno na madalang lamang puntahan ng mga tao dahil ayaw ko talaga sa lalaking iyon at hindi ko matanggap na mag papakasal ako sa lalaking iyon.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na sa ibang daan pumunta ang mga tauhan ng aking mga magulang sobrang kaligayahan ang aking nadama tatawa na sana ako ng bigla kung naramdaman ang hika ko bigla nalang akong hindi makahinga inabot ko ang inhaler ko ngunit hindi ko ito mahanap nag simula ng umagos ang mga luha ko mamatay naba ako nito ? Pinilit kung lumakad kahit lumalabo na ang aking paningin kailangan kung makahanap ng taong tutulong saakin ayaw ko pang mamatay Lord please help me.

"Miss are you okay ?" Nag aalalang tanong ng lalaki,

hindi ako makasagot dahil sumisikip na ang aking dibdib at habol habol ko na ang aking hininga, dinilat ko ng mabuti ang mata ko upang maaninag ko ang mukha ng lalaki ngunit malabo na ang aking paningin at biglang may kung anong tumunog sa aking tainga at kumabog ng malakas ang aking dibdib hanggang sa dumilim na ang aking paligid.

Nagising ako sa hospital bed nakahinga naman ako ng maluwag ng mapagtanto kung walang katao tao sa silid, salamat naman at safe parin ako kahit papano babangon na sana ako ng biglang may nag unlocked sa doorknob mabilis pa sa alas kwatro akong humiga ulit at nag tulog tulogan.

" Kumusta ang Unica iha ko doc?" Boses ni mommy yun nanlumo ako dahil nahanap parin nila ako

" She's stable na at kailangan niya na muna ng pahinga upang hindi siya mabinat" sagot ni doc

" Sige doc salamat, sana maging mabuti na ang pakiramdam niya at maging okay na ang aking anak hays" malungkot na wika ni mommy, naguilty tuloy ako sa ginawa ko dahil kahit ganun concern parin si mommy sakin, narinig ko ang bawat pag tapak ng paa niya papunta sa kinaroroonan ko, umupo ito sa gilid ko at bigla nalang umiyak.

" Anak I'm very sorry kung pinilit ka namin ng daddy mo hindi namin ginusto yun ngunit wala ng ibang paraan dahil malaki ang utang ng daddy mo sa lalaking iyon ayaw kitang maghirap mas ayaw ko namang makulong ang daddy mo" umiiyak nitong Sabi,

nakonsensya tuloy ako sa ginawa kung pagtakas, si mommy naman Kasi hindi sinabi agad alam ko namang hindi niya intension na ilagay ako sa miserableng buhay ngunit ayaw ko talagang mag pakasal... sa murang edad ko na ito ang gusto ko lang bumalik ang normal kung buhay yung hindi ganito.

Unti - unti kung minulat Ang aking mga mata at bigla nalang tumulo ang aking mga luha ng makita ko si mommy na nagpupunas ng kaniyang mga luha.

"Mom.." mahina kung sambit mas lalong umiyak si mommy at niyakap ako.

"I'm sorry my sweetheart " wika nito habang humagolgol.

"No mom, I- I'm sorry kung naging selfish ako sa inyo ni daddy iniisip ko lang ang sarili ko" umiiyak kung wika

"No baby hindi mo kasalanan yun, okay? Kung ayaw mong magpakasal it's okay gagawa nalang kami ng paraan ng dad mo ayaw kung mawala ka samin baby " umiiyak nitong Sabi habang pinupunasan nito ang aking mga mata, umiling naman ako .

"Mom no, ayus lang sakin gusto kung tumulong sa inyo ni daddy ayaw kung tumanganga lang habang si daddy ay nakakulong sa loob " sambit ko.

" Are you sure Mildred ?" Binigyan ako ng nagtatanong na tingin si mommy tumango naman ako, wala ng atrasan to alam kung mali itong pinili kung desisyon ngunit paninindigan ko.

Lumipas ang isang linggo nakalabas na ako ng hospital at ito naka wedding gown na ako gusto kung magdabog at sumigaw sa labas ng simbahan na ito ngunit ayaw kung madisappoint sila mommy, pumwesto na si daddy sa tabi ko at kinuha ang mga kamay ko.

"Look at you baby ang ganda ganda mo... I-im so sorr-" di ko na pinatapos si daddy

" No dad ginusto ko to don't be sorry okay" malumanay kung Sabi, niyakap niya naman ako at ng maghiwalay kami mula sa pagkakayakap ay nagpunas naman ito ng luha.

" Daddy naman wag ka ngang umiyak, maiiyak ako nito masisira ang make up ko " sambit ko natawa nalang kami , natigil lang kami ng narinig na namin ang pag tunog ng kampana kasabay nito ang ang pag tunog ng musika, unti unting bumukas ang pinto ng simbahan kinabahan ako,sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ng nagsimula na Kaming mag lakad ni daddy patungo sa altar, habang naglalakad kami sa red carpet inilibot ko Ang aking paningin at inisa isa ang mga taong andito, lumaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung sino ang kumakanta.

"J-jason Derulo" mahina kung sambit hindi na ako magtataka kung bakit andito si Jason Derulo sa yaman ba naman ng lalaking mapapangasawa ko aba malamang maiinvite niya ito, napukaw ang pagiging fangirling era ko papalakpak at sisigaw na sana ako kaso narealize ko na bride nga pala ako.

" I'll say will you marry me~~" pagkabigas ni Jason Derulo ng katagang iyon halos maiyak Ako ito ang dream ko na kakantahin dapat sa kasal ko bat alam nila ang mga ito nagtataka tuloy ako.

Nakarating na ako sa harap ng lalaking mapapangasawa ko Lord pwede bang mag back out ? Binibigyan niya Kasi ako ng matatalim na tingin e sino bang hindi matatakot sa mga ganitong lalaki sarap sampalin kung wala lang ang mga bisita at malaking investor sa kompanya ay nako baka na knock out ko na itong lalaking ito.

Nag tungo na kami sa harap ng Pari at nagsimula na itong magsalita ng kung ano ano.

" Vietta Mildred Guazon Do you want to take Gray Matthew Willows as your lawfully wedded husband?" Tanong ni father gusto kung sumagot ng no pero ayaw kung mapahiya itong lalaking ito na kanina pa masama ang tingin saakin.

"Y-y-yes " I'm stuttering while I said those words Kasi naman e ayaw kung pakasalan itong monster na ito.

" Gray Matthew Willows do you want to take Vietta Mildred Guazon as your lawfully wedded -" hindi na nito pinatapos si father at sumagot ito ng walang pag aalinglangan

" Yes , I do " sambit nito habang nakakunot ang noo , tsk hindi Niya ba alam ang salitang respeto? mayaman pero ugaling skwater naman pinatapos niya lang sana ang sasabihin ni father feeling main character naman itong lalaking ito.

" I pronounced you husband and wife you may now kissed the bride" nakangiting sabi ni father , si father lang ata ang Masaya ako hindi, kinuha na niya ang nakatakip sa mukha ko at matalim niya akong tinitigan pasimple ko naman itong inirapan.

Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa Mukha ko nagulat ako ng biglang dumampi ang mga labi niya sa labi ko, wala naman akong naramdamang kilig at kung anong butterfly na lumilipad sa tiyan ko.

"Alam kung masarap akong humalik paki sara na ng bibig mo" mahinang sambit nito

"Wow ang kapal ng Mukha mo,halos mamatay na nga ako dahil sa baho ng hininga mo" pasimple kung sabi , Binigyan niya naman ako ng naninindak na tingin kung nakakamatay lang ang titig siguro kanina pa ako nakabulagta sa sahig dahil sa talim ng titig ng lalaking ito.

Natapos ang kasal ng matiwasay ngunit alam ko ang buhay ko naman ang magiging magulo, kasalukuyan akong nasa kotse ng antipatikong lalaking ito wala kaming imikan mas mabuti ngang ganito kaysa magbabangayan lang Kaming dalawa dadalhin niya na ako sa Bahay nila dahil official Mrs. Willows na ako tsk. Ang bantot naman ng apelyedo niya.

Ilang minuto lang at nakarating na kami sa Bahay nila halos lumuwa ang mga mata ko at malaglag ang aking panga dahil sa laki ng Bahay nila sobrang laki dinaig pa ang mall, I wonder kung Hindi ba siya nawawala sa mansion na ito Pano kaya siya makakarating sa room niya for example lasing siya how can he manage it papunta sa room niya.

"Ano? diyan ka nalang ayaw mong bumaba?" Naiinis nitong sabi I just rolled my eyes bakit ba ang sungit niya parang Araw araw siyang bad mood e.

Bumaba na ako sa sasakyan niya at nag simula ng maglakad ng bigla na naman nagsalita ang antipatikong lalaki.

" What about your luggage? " Tanong nito nakataas naman Ang kilay kung nakatingin sa kaniya

" Ano? Ako pa ang ipapabuhat mo ? May kaunting gentleman side ka naman ata Diba ?" naasar kung sagot

" Tsk. May sarili kang mga kamay Diba ?, hindi mo ako kargador at mas lalong hindi mo ako alipin!" Sambit nito at umalis, Wala talagang modo ang lalaking iyon! nagdadabog naman akong pumunta sa likuran ng kotse niya at kinuha ang mga naglalakihang Maleta ko, I know dapat maliit lang ang dadalhin kong gamit pero ayaw kung mahawa sa kabastusan ng lalaking iyon kaya mas mabuting magdala ako ng mga gagamitin ko,kung kinakailangan dalhin ang buong wardrobe ko ay dadalhin ko.

Iika Ika akong pumasok sa loob ng mansion niya ng makarating na ako sa living room niya ay nakahinga naman ako ng maluwag.

"Atlast nakarating din !" Masayang sambit ko at humiga ako sa sofa nila, sobrang lambot naman ng sofa nila ibang klase.

"Daddy!" Sigaw ng cute na boses nabaling agad ang atensiyon ko sa batang babaeng nagtatakbo patungo Kay Gray, Hala may anak pala Siya ?

" How are you my princess ?"nakangiti nitong sabi nanibago tuloy ako sa lalaking ito hindi ito ngumingiti at mahirap itong pangitiin nakita ko na Kasi ito sa office ni dad ng limang beses e.

" I'm good dad , asan na si mommy?" Sambit ng batang babae habang nakangiti.

Gray and his daughter turned their head in my direction, Biglang namang nagningning ang mga mata ng batang babae at mabilis itong kumawala sa yakap ng kaniyang ama at tumakbo ito papunta sakin.

"Mommmmy!" Sigaw nito, I'm shocked at di ako makagalaw, ng yumakap na ito sakin ay doon lang bumalik ang aking ulirat.

"No baby hehe I'm not your mommy nagkakamali ka lang " sambit ko habang nakangiti , bigla namang umiyak ang batang babae nag panic tuloy ako, nagtungo naman si Gray sa kinaroroonan namin at Binigyan ako ng nakakamatay na tingin binawi ko agad ang Sinabi ko.

"Hehe, I'm just kidding baby I am your mommy " sabay halik ko sa pisnge nito.

"Stop crying okay ?" Tumango naman ito habang pinupunasan ni gray ang mga luha nito.

"Aries dalhin niyo na si Mich sa kwarto niya at ihatid niyo na Rin itong babaeng ito sa kwarto niya" sambit ni gray, tumango naman ang nagngangalang Aries at kinuha na ang mga Maleta ko dinala naman ng mga maid si Mitch sa taas.

Habang papunta kami sa Magiging kwarto ko nagtataka naman ako sa kulay ng mansion na ito parang walang ka buhay buhay gray , brown at black lamang ang makikita mo, nabigla naman ako ng ipinasok ni Aries ang mga gamit ko sa may nakatatak na maids room.

"Bat sa maids room niyo inilagay ang gamit ko?" Nag aalangan kung tanong

" Sabi Kasi ni Master Gray na sa Maids room raw po kayo dahil bagong babysitter ka daw ni Mich" halos umusok ang ilong ko at tainga ng Dahil sa Galit. I clench my teeth in anger.

"Asan ang mukhang tae na lalaking Yun!" Sigaw ko wala namang sumagot sa kanila nilapitan ko si Aries at kwenilyuhan

" Ano mag sasalita ka o bubug- bugin kita?" Matapang kung sambit , ngumiti naman ito at kalmang kinuha ang mga kamay ko tsaka sinamahan ako sa office ng boss niya, sasamahan niya naman pala ako gusto pang sinisindak.

Nakarating na kami sa office ng bastos na lalaki na iyon at hindi na ako kumatok binuksan ko na ang pinto ngunit ayaw mabukas.

"Miss, di yan mabubuksan agad agad dahil kontrolado yan ni Master" sambit nito tumabi naman ako napahiya pa tuloy ako tsk, kumatok na si aries ng pangatlong beses at may kung anong tinype sa gilid ng pinto, at bumukas agad ito pumasok naman ako ng Walang pag alinlangan at padabog na inilagay ang kamay sa lamesa.

" How dare you put me in the maids room!" Sigaw ko sa kaniya, hindi naman ako nandidiri sa maids room pero nasasaktan ako Kasi ganun pala ang tingin niya sakin ito ba ang rason kung bakit niya ako pinakasalan ?

" Why?...Ayaw mo ba? O gusto mong matulog sa labas? Mamili ka." Kalmado nitong sagot ngunit may pagka diin

" Kung patuloy mo akong tratuhin ng ganun mas mabuting mag file kana ng divorce at aalis ako sa impyernong mansion na ito!" Sigaw ko sa kaniya nanginginig na ako sa galit

" Okay...but... Think about your father " naka smirk nitong sabi, inuubos talaga ng lalaking ito ang pasensya ko hindi ko na napigilan at sinampal ko siya ng ubod ng lakas. Bago pa ito makapalag ay lumabas na ako nagtungo agad ako sa maids room at pabalang na isinara ang pinto, nagsimula ng umagos ang mga luhang kanina pang nagbabadyang tumulo ayuko namang umiyak sa harapan ng lalaking iyon, sa sobrang galit ko ay Sumigaw ako at nagwala nakita ko ang vase na nasa tabi ng higaan ko kinuha ko ito at ibinato sa pader malakas ang tunog nito kaya di na ako magtataka kung may nakarinig sa basag na tunog nito mula sa labas, umiyak ako ng umiyak natigil lang ako ng biglang nagsalita si Aries mula sa labas.

" Miss, okay ka lang ba diyan ?" Nag aalala nitong sambit

Dali dali naman akong tumayo at sa kamalas malasang pangyayari ay nakaapak ako ng bubog at nasugatan ang kabilang paa ko mabilis na umagos ang dugo ko mula sa kabilang paa ko bigla nalang akong natulala at nanginginig sa takot parang bumalik ulit ang alaala ko nung panahong pinagbabaril kami nila Grandpa at grandma umiyak ako at sumigaw.

"Helppppp meee!! No! Noooo!" I cried hard habang sinasambit ang mga katagang ito hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil Biglang dumilim na ang paligid ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status