Mag-log inHer emerald eyes swept across the crowded airport terminal. Hinahanap niya ang isang pamilyar na mukha. Until she finally spotted an older woman in her late sixties standing near the arrival gate, talking on her phone. Nang makita siya nito, agad itong kumaway.
"Nandito na siya, Emilio. Tatawagan na lang kita mamaya," sabi ni Senyora Esmeralda sa kausap bago ibinaba ang cellphone at mabilis na lumapit sa dalaga. "Solana, apo." Senyora Esmeralda opened her arms, pulling her into a tight hug. Ngunit nanatiling nakatayo lamang si Solana. Hindi man lang niya ginalaw ang mga braso para suklian ang yakap ng matanda. "Napakasaya kong makita kang muli matapos ang napakaraming taon," masayang sambit ni Senyora. "Kaya naman…" "Tara na po, Lola," mahinang putol ni Solana sa sasabihin ng matanda. Walang anumang emosyon ang kanyang tinig. She picked up her bags and headed toward the exit before the older woman could finish speaking. Bahagyang ngumiti si Senyora at napailing habang nagmamadaling sumunod sa apo. Inabot pa nito ang isa sa mabibigat na bagahe para tulungan siyang magbuhat, ngunit nang makita nito ang malamig at malayong tingin sa mga mata ni Solana, agad nitong binawi ang kamay. "I'm sorry, my dear," mahinang sambit ng matanda. Nanatili pa rin ang magiliw na ngiti sa labi sa kabila ng pagtanggi ng apo. Nang makaupo na sila sa loob ng umaandar na sasakyan. Senyora gently placed her hand over Solana's. However, the young woman didn't even turn to look at her. Sa halip, ibinaling niya ang tingim sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga gusali at kalsadang kanilang nadaraanan. "Solana," mahinahong tawag ni Senyora Esmeralda. "Kumusta ang naging buhay mo sa California? Gusto kong marinig ang lahat ng nangyari sa'yo roon." "Maayos naman po, Lola," walang ganang sagot ni Solana. Napabuntong-hininga nang bahagya ang matanda. Hindi 'yon ang detalyadong sagot na nais nitong marinig mula sa apo, ngunit nagpasya muna itong pagbigyan ang dalaga. "Gusto kong malaman ang lahat, apo. Simula noong araw na umalis ka rito hanggang sa—" "Lola, pwede bang hayaan ninyo muna akong makahinga? Kakauwi ko pa lang," Solana interrupted, her voice still low and calm, though a hint of irritation crept into it. Marahang tumango si Senyora Esmeralda. "Pasensiya ka na. I'm just so happy to have you back home." Pagkasabi niyon, marahan nitong isinandal ang ulo sa balikat ni Solana. Bahagyang umangat ang sulok ng labi ng dalaga, ngunit agad ding naglaho ang munting ngiting 'yon. Sa kabila ng malamig niyang pakikitungo, mahal na mahal niya ang kanyang lola higit pa sa anuman. "Me too," pabulong niyang sagot. Pumikit siya at sinubukang namnamin ang katahimikan sa loob ng sasakyan. But as soon as she settled into the silence, dark memories began creeping back into her mind. Nang maalala niya ang madilim na gabing ilang taon niyang pilit kinakalimutan, biglang nanginig ang kanyang buong katawan. Her body trembled, and she immediately snapped her eyes open, her breathing growing heavy as she sat in the back of the car. Pagkaraan ng ilang sandali, pilit na huminga nang malalim si Solana. Ipinikit niya ang mga mata at mahigpit na hinawakan ang laylayan ng kanyang damit. Hindi na siya ang dating Solana na kilala ng lahat. Ang babaeng dating puno ng sigla at madaling ngumiti ay napalitan na ng isang taong takot nang magtiwala at muling masaktan. "Solana, are you alright?" Her gaze shifted toward Senyora, who was watching her with a worried expression. "Okay lang po ako, Lola." "Are you sure? Namumutla ka." "Pagod lang po siguro sa byahe." Matagal siyang pinagmasdan ng matanda bago marahang tumango. "Sige. Magpahinga ka muna pagdating natin sa mansyon. Ipagpapahanda kita ng paborito mong pagkain." "Hindi na po kailangan, Lola." "Solana, apo, kahit man lang sa pagkain ay huwag mo akong tanggihan. Matagal kong hinintay ang araw na makakabalik ka rito." Hindi na sumagot ang dalaga. Muli niyang ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang huminto ang sasakyan sa harap ng isang malawak at eleganteng mansyon. Pagbukas pa lamang ng p***o ng sasakyan ay agad na bumungad sa kanila ang matayog na entrance ng mansyon. Napapalibutan ito ng malawak na hardin, matatayog na puno, at mga halamang maingat na inalagaan. Sa gitna ng malawak na driveway ay may fountain na nagbibigay-buhay sa tahimik na paligid. Walang anumang pagbabago sa lugar. Everything looked exactly the same. Maliban sa kanya. "Welcome home, Solana," masayang sambit ni Senyora Esmeralda habang bumababa rin sa sasakyan. Saglit na natigilan ang dalaga. Tumingala siya sa mansyong ilang taon din niyang hindi nakita. Maraming alaala ang naiwan sa bawat sulok ng lugar na 'yon. "Solana?" She was brought back to her senses when she heard her grandmother's voice. "Pasok na tayo, apo." Tumango lamang siya bago muling hinawakan ang kanyang mga bagahe. Pagpasok nila sa mansyon, agad silang sinalubong ng ilang kasambahay na nakapila malapit sa entrance. "Good evening, Senyora!" "Good evening," magiliw na tugon ng matanda. Pagkatapos ay ibinaling nito ang atensyon sa apo. "Siya si Solana, ang apo ko. Simula ngayon, dito na ulit siya titira. I want everyone to treat her with the utmost respect." "Opo, Senyora," sabay-sabay na tugon ng mga kasambahay. Bahagyang yumuko ang ilan sa kanila bilang pagbati. "Maligayang pagbabalik, Miss Solana." She didn't smile. Tumango lamang siya bilang tugon bago muling humarap sa Senyora. "Lola, gusto ko na pong magpahinga." "Of course, dear. Halika, ihahatid kita sa silid mo." Hindi na tumutol si Solana. Tahimik siyang sumunod sa matanda habang umaakyat sila sa malawak na hagdanan. Pagdating sa ikalawang palapag, dumiretso sila sa isang silid na nasa dulong bahagi ng hallway. Marahang binuksan ni Senyora Esmeralda ang p***o. "Here we are. I had your room prepared before your arrival." Dahan-dahang pumasok si Solana. Maluwang ang silid na may malalaking bintanang nakaharap sa hardin. A queen-sized bed stood in the center, surrounded by elegant furniture and soft ivory-colored curtains. Maayos ding nakalagay sa isang sulok ang ilang larawan at personal na gamit na naiwan niya bago siya umalis. Napako ang tingin niya sa isang lumang litrato na nakapatong sa bedside table. It was a photograph of her younger self. Nakangiti siya habang nakayakap sa kanyang lola. For a moment, her expression softened. "I kept your room exactly as it was." ani Senyora Esmeralda. "Wala akong binago. Gusto kong maramdaman mong may lugar ka pa ring babalikan dito." Nanatiling tahimik si Solana. "Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin. I'll have someone bring your belongings in from the car as well." "Salamat po." Ngumiti ang matanda at marahang hinaplos ang pisngi ng apo. "Magpahinga ka na. Mamaya na tayo mag-usap." Tumango si Solana. Bago tuluyang lumabas, muli siyang nilingon ni Senyora Esmeralda. "I'm glad you're home, my dear." Hindi na nakasagot ang dalaga. Pinagmasdan na lamang niya ang Senyora hanggang sa tuluyang maisara nito ang p***o. Nang maiwan siyang mag-isa, marahan siyang napaupo sa gilid ng kama. Tahimik niyang pinagmasdan ang paligid. Maging ang amoy ng silid ay hindi nagbago. Pamilyar ang bawat sulok, ngunit hindi na niya maramdaman ang dating kapanatagang nararanasan niya rito. She was home. But somehow, it didn't feel like home anymore.The violin played automatically as she walked down the aisle. Nakatutok lamang ang kanyang tingin sa harapan. Her expression stiff yet beautiful. Hindi siya maituturing na isang tradisyonal na bride, but she possessed a quiet beauty of her own.Napakalaki ng hall, ngunit wala itong anumang palamuti o bahid ng init at kasiyahan sa kabila ng malambing na musikang maririnig sa paligid. Dalawang matatanda lamang ang nakaupo sa hanay ng mga upuan sa likuran habang naghihintay naman ang lalaking mapapangasawa niya sa may altar. Ang tanging palatandaan na may nagaganap na kasal ay ang magkatugmang itim at puting kasuotan ng dalawa.Nang tuluyan siyang makalapit, inabot ni Ezekiel ang kamay nito at hinawakan ang kanyang palad. Hinarap nila ang isa't-isa para bigkasin ang kanilang mga vows. Pareho silang walang emosyon sa mukha na para bang wala silang nararamdamang kahit ano sa sandaling ‘yon."I, Ezekiel Fortalejo, take you, Solana Villareal, to be my lawfully wedded wife, in sickness and in
Hindi alam ni Solana kung paano siya nakarating sa sasakyan nang hindi tuluyang bumabagsak ang mga tuhod. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang lamig ng mga daliri ni Ezekiel sa kanyang kamay. "Welcome to hell, my sweet bride." Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ni Solana ang mga salitang 'yon.Hindi niya alam kung alin ang mas masakit, ang muling makita ito matapos ang napakaraming taon o ang malaman na ang lalaking minsan niyang minahal ay siya ring taong handang gawing impyerno ulit ang buhay niya.Napatingin siya sa singsing na suot. Marahil ay katumbas nito ang ilang taong sahod ng isang ordinaryong manggagawa. But no matter how expensive it was, to her, it was nothing more than a heavy shackle. Agad niya 'yong hinubad."Solana?"She turned toward her grandmother at the sound of her soft call. Nasa kabilang bahagi ito ng sasakyan at nakatingin sa kanya na may malawak na ngiti sa labi. Tila hindi pa rin nawawala ang pananabik nito sa nangyaring engagement party."Why did y
Senyora knocked lightly on Solana's bedroom door before pushing it open. Nakaupo siya sa tabi ng bintana, nakayakap nang mahigpit ang magkabilang tuhod sa dibdib habang walang buhay na nakatitig sa kulay-abong kalangitan. Maputla ang kanyang mukha, magulo ang isip at tila wala nang natitirang sigla sa katawan. "Solana, hija," malumanay na tawag ng kanyang lola habang hawak ang isang eleganteng garment bag. "Magbihis ka na. May mahalaga tayong pupuntahan ngayon."Solana didn't turn her head. "Pagod ako, Lola. Ayokong lumabas.""It's just a quiet dinner, hija," Senyora insisted, walking over and placing a soft, cream-colored evening dress on the edge of the bed. "A small gathering with an old friend of mine. Napakalaking bagay sa akin kung sasama ka."Solana remained silent for a long moment. Ayaw niya sa mga matataong lugar. Ayaw niyang lumabas ng mansyon, at higit sa lahat, ayaw niyang makihalubilo sa mga taong hindi niya kilala.Matagal nang kinasusuklaman ni Solana ang ideya ng pak
Her emerald eyes swept across the crowded airport terminal. Hinahanap niya ang isang pamilyar na mukha. Until she finally spotted an older woman in her late sixties standing near the arrival gate, talking on her phone. Nang makita siya nito, agad itong kumaway."Nandito na siya, Emilio. Tatawagan na lang kita mamaya," sabi ni Senyora Esmeralda sa kausap bago ibinaba ang cellphone at mabilis na lumapit sa dalaga. "Solana, apo."Senyora Esmeralda opened her arms, pulling her into a tight hug. Ngunit nanatiling nakatayo lamang si Solana. Hindi man lang niya ginalaw ang mga braso para suklian ang yakap ng matanda."Napakasaya kong makita kang muli matapos ang napakaraming taon," masayang sambit ni Senyora. "Kaya naman…""Tara na po, Lola," mahinang putol ni Solana sa sasabihin ng matanda. Walang anumang emosyon ang kanyang tinig. She picked up her bags and headed toward the exit before the older woman could finish speaking. Bahagyang ngumiti si Senyora at napailing habang nagmamadaling s
Nakatayo si Ezekiel sa tabi ng glass window sa kanyang master bedroom. Humithit siya nang malalim mula sa hawak na sigarilyo habang nakatanaw sa malawak na bakuran ng mansyon. Pajama pants lamang ang suot niya habang lantad ang matipunong dibdib na tinatamaan ng sinag ng araw na tumatagos sa salamin. A soft knock sounded at his door."Come in," he called out hoarsely.Pumasok ang isang batang katulong na may dalang basket ng mga labahin. Agad itong napahinto nang makita siya. Hindi naman 'yon ang unang pagkakataong nakita nito ang amo sa gano'ng ayos, ngunit hindi pa rin nito napigilang mapahinga nang malalim."Get me a glass of fresh juice," malamig na utos ni Ezekiel. Malalim ang kanyang boses na umalingawngaw sa tahimik na silid dahilan para magising ang dalaga mula sa pagkakatulala."Si... Sir..." Napalunok ito nang masalubong ang malamig na tingin ni Ezekiel. "O-opo. Kukuha po ako."Mabilis itong tumalikod at lumabas ng silid."Brainless," bulong ni Ezekiel sa sarili bago muling
“Bring Solana out!” Umalingawngaw ang galit na sigaw ni Elisse sa buong mansyon ng mga Villareal.Halos mawalan ng kulay ang mukha ng mga katulong nang makita ang babaeng walang pakundangang pumasok sa loob. Magulo ang buhok nito, namumugto ang mga mata at halatang ilang araw nang hindi maayos ang tulog. Ngunit higit sa lahat, may matinding galit na nag-aalab sa mga mata ng babae.This was not the Elisse they had known before. Ang dating mahinahon at elegante na babae ay tila tuluyan nang nawalan ng katinuan.“Ma'am Elisse, ano po ang kailangan ninyo?” maingat na tanong ng isang katulong.“Nasaan si Solana?!”“Wala po siya rito—”“Huwag kang magsinungaling sa akin!” Napatras ang katulong nang biglang sumigaw si Elisse. “Alam kong nandito ang babaeng 'yon! Huwag ninyo akong subukang lokohin dahil wala akong pakialam kung sino pa ang masaktan sa inyo!”Napatingin ang iba pang katulong sa isa't isa. Wala ni isa sa kanila ang nagkaroon ng lakas ng loob na pigilan ito. Mabilis na umakyat s


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




