Mag-log inSenyora knocked lightly on Solana's bedroom door before pushing it open. Nakaupo siya sa tabi ng bintana, nakayakap nang mahigpit ang magkabilang tuhod sa dibdib habang walang buhay na nakatitig sa kulay-abong kalangitan. Maputla ang kanyang mukha, magulo ang isip at tila wala nang natitirang sigla sa katawan.
"Solana, hija," malumanay na tawag ng kanyang lola habang hawak ang isang eleganteng garment bag. "Magbihis ka na. May mahalaga tayong pupuntahan ngayon." Solana didn't turn her head. "Pagod ako, Lola. Ayokong lumabas." "It's just a quiet dinner, hija," Senyora insisted, walking over and placing a soft, cream-colored evening dress on the edge of the bed. "A small gathering with an old friend of mine. Napakalaking bagay sa akin kung sasama ka." Solana remained silent for a long moment. Ayaw niya sa mga matataong lugar. Ayaw niyang lumabas ng mansyon, at higit sa lahat, ayaw niyang makihalubilo sa mga taong hindi niya kilala. Matagal nang kinasusuklaman ni Solana ang ideya ng pakikisalamuha sa ibang tao. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niya, mas pinili na lamang niyang ikulong ang sarili sa mundong siya lamang ang nakauunawa. Ngunit nang makita niya ang umaasang mga mata ni Senyora, nakaramdam siya ng bahagyang kirot sa dibdib. Sa pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay, ang matandang babae lamang ang hindi nang-iwan sa kanya. Si Senyora ang nanatili sa kaniyang tabi kahit halos wala na siyang lakas para bumangon. Kaya naman kahit labag sa kalooban, wala siyang nagawa kundi ang sumang-ayon. "Fine," mahina niyang tugon bago ibinaba ang mga paa mula sa kinauupuan. "Just a quick dinner." Ngumiti ang kanyang lola. "Of course, hija." Makalipas ang isang oras, huminto ang itim na luxury sedan sa harap ng engrandeng entrada ng isang prestihiyosong hotel sa siyudad. Agad na binuksan ng valet ang p***o. Naunang bumaba si Senyora bago inalalayan si Solana. Tahimik lamang siyang sumunod sa kanyang lola habang pumapasok sila sa naglalakihang gintong mga p***o ng hotel. Dumiretso sila sa isang pribadong banquet hall sa ilalim ng gusali. Ngunit sa sandaling makapasok si Solana sa loob, tila biglang nawala ang kakayahan niyang humakbang. Her feet froze against the marble floor. Napakagara ng lugar. Nakabitin sa kisame ang malalaking kristal na chandelier na nagbibigay-liwanag sa buong hall. Pinalamutian ang bawat sulok ng mga puting orchid at pilak na telang nakasabit sa mga dingding. Ngunit hindi 'yon ang dahilan kung bakit tila tumigil ang mundo ni Solana. Hindi isang simpleng hapunan ang pinuntahan nila. Napakaraming bisita ang naroon. Nakatayo sa paligid ng mga cocktail table ang mga panauhing kabilang sa matataas na antas ng lipunan at mga executive ng iba't-ibang korporasyon. Mayro'n ding mga photographer na abalang kumukuha ng mga larawan sa bawat sulok. At sa gitna ng pangunahing mesa, nakaupo ang isang matandang lalaking may hawak na pipe. Si Don Emilio. But the elderly man wasn't the one who made Solana's breath catch in her throat. Kundi ang lalaking nakatayo sa tabi nito. Si Ezekiel Fortalejo. Biglang nanikip ang dibdib ni Solana. Para bang may malamig na kamay na humawak sa kanyang puso at walang awang piniga 'yon. Her vision slowly began to grow hazy. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng lakas sa mga tuhod habang pilit na nilulunok ang namumuong bara sa kanyang lalamunan. She could only stare at the man who had once been the most important part of her life. Ang lalaking nag-iwan sa kanya ng mga sugat na hanggang ngayon ay hindi pa rin naghihilom. Ibang-iba na si Ezekiel. Wala na ang maamong mukha ng binatang nakilala niya noon. Instead, standing before her was a man with a sharp jawline, broad shoulders, and a dangerously commanding presence. Nakasuot ito ng mamahaling itim na tuxedo na lalong nagbigay-diin sa malaki nitong pangangatawan. His dark hair was neatly styled, while his cold eyes held a deadly intensity, as though they could kill anyone unfortunate enough to meet his gaze. Lalo siyang nasaktan nang magtama ang kanilang mga mata. Ezekiel showed no hint of emotion. Hindi man lang ito nagulat na nakita siya. Sa halip, bahagyang kumurba ang mga labi nito na para bang matagal na nitong hinihintay ang sandaling 'yon. At doon tuluyang nag-alab ang galit sa dibdib ni Solana. Gusto niyang lapitan ito at sampalin. Gusto niyang itanong kung bakit kailangan nitong sirain ang buhay niya. Gusto niyang iparamdam dito ang lahat ng sakit na ilang taon niyang tiniis. Ngunit kasabay ng galit ay ang kirot na pilit niyang itinatago. Bakit hanggang ngayon, nasasaktan pa rin siya? "Lola..." halos pabulong na tawag niya. Agad siyang napaatras ng isang hakbang, ngunit marahang hinawakan ni Senyora Esmeralda ang kanyang bisig para pigilan siya. "It's alright, my dear," bulong ng matanda. "Everything is going to be fine." Paano magiging maayos ang lahat? Hindi ba nito nakikita kung sino ang nasa harapan nila? Sabagay, hindi naman alam ni Senyora na si Ezekiel ang lalaking nagpadanas sa kanya ng sakit. Bago pa siya tuluyang makatalikod at tumakbo palabas, narinig niya ang pagtapik ni Don Emilio sa baso gamit ang kutsara. Agad na natahimik ang buong bulwagan. "Welcome, everyone," malakas na panimula ni Don Emilio. "Tonight, we are gathered to celebrate a grand union, the joining of the Fortalejo family and the Villareal family." Agad na umalingawngaw ang mga bulungan at mahinang palakpakan mula sa mga bisita. May ilang napasinghap sa tuwa habang nagsimulang kumislap ang mga flash ng kamera na nagpalabo sa kanyang mga mata. She felt dizzy, the room spinning around her as the realization hit her like a bucket of ice water. This wasn't a dinner. It was a surprise engagement party. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa kanyang lola. "Lola... what's going on?" Ngunit hindi siya sinagot ng Senyora. Sa halip, bahagya lamang itong ngumiti at hinaplos ang kanyang kamay. Naramdaman ni Solana ang panlalamig ng mga daliri niya. She couldn't believe what was happening. Dinala siya ng sarili niyang lola sa isang bitag. At ang mas masakit, ang lalaking nasa likod ng lahat ay walang iba kundi si Ezekiel. Unti-unting bumaba ang lalaki mula sa entablado. Mahahaba ang mga hakbang nito habang diretsong naglalakad patungo sa kanya. Kusa namang nagbigay-daan ang mga bisita. May ilan pang nakangiting nagbulungan habang pinagmamasdan ang paparating na lalaki. Para sa kanila, isa itong romantikong tagpo. Ngunit para kay Solana, isa itong bangungot. Bawat hakbang ni Ezekiel ay tila isang paalala ng nakaraan na pilit niyang tinatakasan. Sa isip niya ay biglang nagbalik ang isang madilim na alaala. Isang malamig na gabi. Mga sigawang paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang tainga. Ang amoy ng ulan na humahalo sa amoy ng dugo. And an overwhelming feeling of helplessness. She clutched her dress tightly, her knuckles turning white as her body began to tremble uncontrollably. Hindi niya gustong makita si Ezekiel. Ngunit patuloy lamang itong lumalapit. Hanggang sa tuluyang huminto sa mismong harapan niya. Napayuko nang bahagya ang lalaki para pagmasdan ang kanyang mukha. Hindi nakaligtas sa paningin nito ang pamumutla ng kanyang pisngi, ang nanlalaking mga mata at ang bahagyang panginginig ng labi niya. Saglit na bumaba ang tingin nito sa kamay niyang nanginginig bago muling bumalik sa kanyang mukha. Pagkatapos ay ngumisi ito. Isang mabagal at mapanuyang ngiti na lalong nagpalamig sa dugo ni Solana. Wala man lang bakas ng awa sa mukha nito. Sa halip, tila nasisiyahan pa itong makita siyang gano'n. "Ikaw..." halos hindi marinig na bulong ni Solana. Hindi niya alam kung galit ba 'yon o pagkabigla. Marahil ay pareho. Without taking his eyes off hers, Ezekiel slowly lowered himself onto one knee. Agad na napasinghap ang mga bisita. May ilang babaeng napahawak sa dibdib habang ang iba naman ay kinikilig sa romantikong tagpong nasasaksihan. Halos mawalan ng balanse si Solana. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang gawin ni Ezekiel ang lahat ng 'yon. He pulled a black velvet box from his jacket pocket and snapped it open, revealing a massive, flawless teardrop-shaped diamond ring that sparkled beneath the chandelier lights. "Solana..." Ezekiel said, his voice deep and smooth, laced with venom that only she could hear. "Will you do me the honor of becoming my wife?" Solana stood completely motionless. Bahagyang bumuka ang kanyang mga labi, ngunit walang anumang tunog ang lumabas mula rito. Tuluyan siyang naparalisa, tila bihag ng madilim at mapanlinlang titig ng lalaki. She wanted to yell no, to scream, and to turn around and vanish into the night, just as she had done years ago. Ngunit tila dumikit ang kanyang mga paa sa kinatatayuan niya, at ayaw sumunod ng kanyang katawan sa kagustuhan ng isip niya. Seeing her silence and sheer terror, Ezekiel's smirk widened. Hindi na ito naghintay ng sagot ni Solana. Reaching out, he wrapped his large, warm fingers firmly around her cold hand. Sa mismong sandaling dumampi ang balat nito sa balat niya, isang matinding panginginig ang gumapang sa buong katawan ng dalaga, ngunit hindi siya binitiwan nito. He slid the heavy diamond ring onto her ring finger, pushing it all the way down to the base. Tumayo ito habang hinihila paitaas ang kamay niya patungo sa dibdib nito. Pagkatapos, bahagya itong yumuko at inilihis ang ulo hanggang sa ilang pulgada na lamang ang layo ng mga labi nito sa tainga niya. Dumampi sa sensitibong balat ni Solana ang mainit nitong hininga na nagdulot ng matinding kilabot na tila tumagos hanggang sa kanyang puso. "Welcome to hell, my sweet bride. Pagsisisihan mong bumalik ka pa..." paos nitong bulong sa mismong tainga niya.The violin played automatically as she walked down the aisle. Nakatutok lamang ang kanyang tingin sa harapan. Her expression stiff yet beautiful. Hindi siya maituturing na isang tradisyonal na bride, but she possessed a quiet beauty of her own.Napakalaki ng hall, ngunit wala itong anumang palamuti o bahid ng init at kasiyahan sa kabila ng malambing na musikang maririnig sa paligid. Dalawang matatanda lamang ang nakaupo sa hanay ng mga upuan sa likuran habang naghihintay naman ang lalaking mapapangasawa niya sa may altar. Ang tanging palatandaan na may nagaganap na kasal ay ang magkatugmang itim at puting kasuotan ng dalawa.Nang tuluyan siyang makalapit, inabot ni Ezekiel ang kamay nito at hinawakan ang kanyang palad. Hinarap nila ang isa't-isa para bigkasin ang kanilang mga vows. Pareho silang walang emosyon sa mukha na para bang wala silang nararamdamang kahit ano sa sandaling ‘yon."I, Ezekiel Fortalejo, take you, Solana Villareal, to be my lawfully wedded wife, in sickness and in
Hindi alam ni Solana kung paano siya nakarating sa sasakyan nang hindi tuluyang bumabagsak ang mga tuhod. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang lamig ng mga daliri ni Ezekiel sa kanyang kamay. "Welcome to hell, my sweet bride." Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ni Solana ang mga salitang 'yon.Hindi niya alam kung alin ang mas masakit, ang muling makita ito matapos ang napakaraming taon o ang malaman na ang lalaking minsan niyang minahal ay siya ring taong handang gawing impyerno ulit ang buhay niya.Napatingin siya sa singsing na suot. Marahil ay katumbas nito ang ilang taong sahod ng isang ordinaryong manggagawa. But no matter how expensive it was, to her, it was nothing more than a heavy shackle. Agad niya 'yong hinubad."Solana?"She turned toward her grandmother at the sound of her soft call. Nasa kabilang bahagi ito ng sasakyan at nakatingin sa kanya na may malawak na ngiti sa labi. Tila hindi pa rin nawawala ang pananabik nito sa nangyaring engagement party."Why did y
Senyora knocked lightly on Solana's bedroom door before pushing it open. Nakaupo siya sa tabi ng bintana, nakayakap nang mahigpit ang magkabilang tuhod sa dibdib habang walang buhay na nakatitig sa kulay-abong kalangitan. Maputla ang kanyang mukha, magulo ang isip at tila wala nang natitirang sigla sa katawan. "Solana, hija," malumanay na tawag ng kanyang lola habang hawak ang isang eleganteng garment bag. "Magbihis ka na. May mahalaga tayong pupuntahan ngayon."Solana didn't turn her head. "Pagod ako, Lola. Ayokong lumabas.""It's just a quiet dinner, hija," Senyora insisted, walking over and placing a soft, cream-colored evening dress on the edge of the bed. "A small gathering with an old friend of mine. Napakalaking bagay sa akin kung sasama ka."Solana remained silent for a long moment. Ayaw niya sa mga matataong lugar. Ayaw niyang lumabas ng mansyon, at higit sa lahat, ayaw niyang makihalubilo sa mga taong hindi niya kilala.Matagal nang kinasusuklaman ni Solana ang ideya ng pak
Her emerald eyes swept across the crowded airport terminal. Hinahanap niya ang isang pamilyar na mukha. Until she finally spotted an older woman in her late sixties standing near the arrival gate, talking on her phone. Nang makita siya nito, agad itong kumaway."Nandito na siya, Emilio. Tatawagan na lang kita mamaya," sabi ni Senyora Esmeralda sa kausap bago ibinaba ang cellphone at mabilis na lumapit sa dalaga. "Solana, apo."Senyora Esmeralda opened her arms, pulling her into a tight hug. Ngunit nanatiling nakatayo lamang si Solana. Hindi man lang niya ginalaw ang mga braso para suklian ang yakap ng matanda."Napakasaya kong makita kang muli matapos ang napakaraming taon," masayang sambit ni Senyora. "Kaya naman…""Tara na po, Lola," mahinang putol ni Solana sa sasabihin ng matanda. Walang anumang emosyon ang kanyang tinig. She picked up her bags and headed toward the exit before the older woman could finish speaking. Bahagyang ngumiti si Senyora at napailing habang nagmamadaling s
Nakatayo si Ezekiel sa tabi ng glass window sa kanyang master bedroom. Humithit siya nang malalim mula sa hawak na sigarilyo habang nakatanaw sa malawak na bakuran ng mansyon. Pajama pants lamang ang suot niya habang lantad ang matipunong dibdib na tinatamaan ng sinag ng araw na tumatagos sa salamin. A soft knock sounded at his door."Come in," he called out hoarsely.Pumasok ang isang batang katulong na may dalang basket ng mga labahin. Agad itong napahinto nang makita siya. Hindi naman 'yon ang unang pagkakataong nakita nito ang amo sa gano'ng ayos, ngunit hindi pa rin nito napigilang mapahinga nang malalim."Get me a glass of fresh juice," malamig na utos ni Ezekiel. Malalim ang kanyang boses na umalingawngaw sa tahimik na silid dahilan para magising ang dalaga mula sa pagkakatulala."Si... Sir..." Napalunok ito nang masalubong ang malamig na tingin ni Ezekiel. "O-opo. Kukuha po ako."Mabilis itong tumalikod at lumabas ng silid."Brainless," bulong ni Ezekiel sa sarili bago muling
“Bring Solana out!” Umalingawngaw ang galit na sigaw ni Elisse sa buong mansyon ng mga Villareal.Halos mawalan ng kulay ang mukha ng mga katulong nang makita ang babaeng walang pakundangang pumasok sa loob. Magulo ang buhok nito, namumugto ang mga mata at halatang ilang araw nang hindi maayos ang tulog. Ngunit higit sa lahat, may matinding galit na nag-aalab sa mga mata ng babae.This was not the Elisse they had known before. Ang dating mahinahon at elegante na babae ay tila tuluyan nang nawalan ng katinuan.“Ma'am Elisse, ano po ang kailangan ninyo?” maingat na tanong ng isang katulong.“Nasaan si Solana?!”“Wala po siya rito—”“Huwag kang magsinungaling sa akin!” Napatras ang katulong nang biglang sumigaw si Elisse. “Alam kong nandito ang babaeng 'yon! Huwag ninyo akong subukang lokohin dahil wala akong pakialam kung sino pa ang masaktan sa inyo!”Napatingin ang iba pang katulong sa isa't isa. Wala ni isa sa kanila ang nagkaroon ng lakas ng loob na pigilan ito. Mabilis na umakyat s
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






