Share

Chapter 1

last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-15 21:14:08

Nakatayo si Ezekiel sa tabi ng glass window sa kanyang master bedroom. Humithit siya nang malalim mula sa hawak na sigarilyo habang nakatanaw sa malawak na bakuran ng mansyon. Pajama pants lamang ang suot niya habang lantad ang matipunong dibdib na tinatamaan ng sinag ng araw na tumatagos sa salamin. A soft knock sounded at his door.

"Come in," he called out hoarsely.

Pumasok ang isang batang katulong na may dalang basket ng mga labahin. Agad itong napahinto nang makita siya. Hindi naman 'yon ang unang pagkakataong nakita nito ang amo sa gano'ng ayos, ngunit hindi pa rin nito napigilang mapahinga nang malalim.

"Get me a glass of fresh juice," malamig na utos ni Ezekiel.

Malalim ang kanyang boses na umalingawngaw sa tahimik na silid dahilan para magising ang dalaga mula sa pagkakatulala.

"Si... Sir..." Napalunok ito nang masalubong ang malamig na tingin ni Ezekiel. "O-opo. Kukuha po ako."

Mabilis itong tumalikod at lumabas ng silid.

"Brainless," bulong ni Ezekiel sa sarili bago muling ibinaling ang tingin sa labas.

Lampas tanghali na, ngunit para sa binata, nagsisimula lamang ang umaga kapag nagising siya tuwing weekend. Wala siyang pakialam kung anong oras na.

Makalipas ang isang minuto, muli siyang nakarinig ng maikling katok. Agad na bumukas ang p***o kahit hindi pa siya nakapagbibigay ng pahintulot. Napabuga ng usok ang binata. Naiinis siya sa kawalan ng modo ng katulong na basta na lamang pumapasok sa kanyang silid.

"Drop it on the table and disappear," malamig niyang utos nang hindi man lang lumilingon.

"Drop what and disappear, Ezekiel?" sagot ng isang mabigat at istriktong tinig mula sa may pintuan.

Bahagyang natigilan si Ezekiel. Ibinaba niya ang sigarilyong hawak at dahan-dahang lumingon para harapin ang kanyang lolo, na naglalakad papasok sa silid habang may hawak na tradisyonal na wooden pipe. Bakas sa mukha ng matanda ang pagiging seryoso at hindi matitinag na desisyon.

"Grandpa," bati ni Ezekiel. Agad na nagbago ang tono ng kanyang boses. "You usually send a warning before showing up at my place."

"Hindi ko kailangang magpaalam bago bumisita sa sarili kong tagapagmana," malamig na sagot ni Don Emilio.

Dahan-dahan itong humithit mula sa pipe bago pinakawalan ang usok na unti-unting pumailanlang sa hangin.

Dumiretso ang matanda sa mesa, binuksan ang isang drawer at inilabas ang makapal na folder na gawa sa leather. Walang pag-aalinlangan nitong inihagis sa ibabaw ng glass table sa pagitan nila. Sinulyapan 'yon ni Ezekiel ngunit hindi man lang niya ginalaw.

"What is this?"

"Ang kontrata ng 'yong pagpapakasal," diretsahang sagot ni Don Emilio habang nakatitig sa mga mata ng apo. "Eksaktong isang buwan mula ngayon ang kasal ninyo. Nakaayos na ang lahat, at pakakasalan mo ang dalagang pinili ko para sa'yo."

Napatawa nang mapakla si Ezekiel. Pinatay niya ang hawak na sigarilyo sa ashtray na nakapatong sa gilid ng bintana.

"You're joking. Wala akong pakialam kung anong kasunduan ang ginawa mo, Grandpa. Hindi ako magpapakasal sa kung sinumang babae dahil lamang may pinirmahan kang papel."

Don Emilio didn't flinch. Hindi rin nito kinailangang itaas ang boses para iparamdam sa apo ang bigat ng awtoridad nito. Marahan lamang nitong tinapik ang pipe sa palad bago muling tumingin nang diretso sa mga mata ni Ezekiel.

"Hindi ito isang negosasyon, Ezekiel," mahinahon ngunit mariing sambit ng matanda. "Pakakasalan mo si Solana Villareal sa loob ng tatlumpung araw. Kapag hindi mo 'yon ginawa, opisyal kitang tatanggalan ng titulo bilang tagapagmana, aalisin sa board of directors, at ipapasa ko ang buong Fortalejo Empire sa trust."

Tuluyang naglaho ang mapang-asar na ngiti sa labi ni Ezekiel nang marinig ang pangalan ng babaeng binanggit ng kanyang lolo. Para bang isang malakas na suntok ang tumama sa kanya. His fists clenched at his sides, his jaw tightening so hard the muscle flexed

beneath his skin.

"What name did you just say?" pabulong niyang tanong. Mababa at mapanganib ang tono ng kanyang boses na para bang anumang sandali ay maaari siyang sumabog sa galit.

Nakatayo lamang si Ezekiel, hindi gumagalaw habang bumabalot sa silid ang mabigat at hindi komportableng katahimikan. The cigarette ash fell onto the windowsill, but he didn't notice. Nakatitig lamang siya sa kalmadong mukha ng kanyang lolo, pilit na naghahanap ng anumang palatandaang isa lamang itong masamang biro.

"Solana Villareal," muling sambit ni Don Emilio sa kalmadong tinig. "Bumalik siya sa bansa tatlong araw na ang nakalilipas. Napagkasunduan na namin ng kanyang lola ang lahat ng paghahanda."

"No." Matalim ang pagkakasambit ni Ezekiel sa salitang 'yon. Humakbang siya palapit habang bahagyang umangat-baba ang kanyang dibdib dahil sa nag-aalab na galit. "You have to be out of your mind. You want me to marry her?"

"Pakakasalan mo ang babaeng pinili ko para sa'yo, Ezekiel. Napagdesisyunan na ito at wala nang makapagbabago pa," sagot ni Don Emilio bago muling humithit nang marahan sa pipe nito.

"Napagdesisyunan na?" Ezekiel let out a dark, bitter laugh, shaking his head as his jaw tightened. "Do you have any idea what she did to me and Elisse? Naging miserable ang buhay ko dahil sa babaeng pinili mo. And what did she do? Bigla na lang siyang naglaho nang walang kahit isang salita! Tumakas siya papunta sa ibang bansa!"

Muling bumalik sa kanyang alaala ang mapait na nakaraan, malinaw 'yon na para bang kahapon lamang nangyari. Sa loob ng maraming taon, kinamuhian niya ng husto si Solana. Hinayaan niyang mamuo ang sakit at hinanakit sa kanyang dibdib hanggang sa tuluyan itong maging isang matibay na pader na humarang sa anumang damdaming maaari pa niyang maramdaman.

"Alam ko ang naging kasaysayan ninyong dalawa," mahinahong sambit ni Don Emilio. Bahagyang lumambot ang ekspresyon nito, ngunit nanatiling matatag ang mga mata. "Alam kong may nagawa siyang mali sa'yo. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay gano'n kasimple ang mga bagay gaya ng nakikita natin, Ezekiel."

"Hindi gano'n kasimple ang ginawa niya!" matigas na sabi ni Ezekiel habang mariing kinukuyom ang mga kamao hanggang sa mamuti ang mga buko ng kanyang mga daliri. "Isang desperadang babae ang pinili mo, Grandpa! Isang kriminal! And now you expect me to put a ring on her finger and make her the mistress of the Fortalejo estate?"

"Inaasahan kong tutuparin mo ang tungkulin mo sa pamilyang ito," Don Emilio said, stepping closer and placing a heavy, weathered hand on Ezekiel's shoulder. "Thirty days. If you refuse, magtitipon ang board sa Lunes ng umaga para pagbotohan kung sino ang ipapalit sa'yo bilang CEO ng kumpanya. You know I don't make empty threats, Ezekiel."

Napatitig si Ezekiel kay Don Emilio. The old man's eyes were completely cold, devoid of any room for bargaining. Mariin siyang napalunok. Tuyo na ang kanyang lalamunan habang nanginginig ang buong katawan dahil sa galit na pilit niyang pinipigilan.

"Fine," mahinang bulong niya. Unti-unting gumuhit sa kanyang mga labi ang isang madilim at nakakatakot na ngisi. "Kung gusto niyang magpanggap na isang masunuring asawa matapos ang lahat ng ginawa niya sa akin, ibibigay ko sa kanya ang buhay na pinili niyang pasukin."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • THE UNWANTED WIFE'S TEARS    Chapter 5

    The violin played automatically as she walked down the aisle. Nakatutok lamang ang kanyang tingin sa harapan. Her expression stiff yet beautiful. Hindi siya maituturing na isang tradisyonal na bride, but she possessed a quiet beauty of her own.Napakalaki ng hall, ngunit wala itong anumang palamuti o bahid ng init at kasiyahan sa kabila ng malambing na musikang maririnig sa paligid. Dalawang matatanda lamang ang nakaupo sa hanay ng mga upuan sa likuran habang naghihintay naman ang lalaking mapapangasawa niya sa may altar. Ang tanging palatandaan na may nagaganap na kasal ay ang magkatugmang itim at puting kasuotan ng dalawa.Nang tuluyan siyang makalapit, inabot ni Ezekiel ang kamay nito at hinawakan ang kanyang palad. Hinarap nila ang isa't-isa para bigkasin ang kanilang mga vows. Pareho silang walang emosyon sa mukha na para bang wala silang nararamdamang kahit ano sa sandaling ‘yon."I, Ezekiel Fortalejo, take you, Solana Villareal, to be my lawfully wedded wife, in sickness and in

  • THE UNWANTED WIFE'S TEARS    Chapter 4

    Hindi alam ni Solana kung paano siya nakarating sa sasakyan nang hindi tuluyang bumabagsak ang mga tuhod. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang lamig ng mga daliri ni Ezekiel sa kanyang kamay. "Welcome to hell, my sweet bride." Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ni Solana ang mga salitang 'yon.Hindi niya alam kung alin ang mas masakit, ang muling makita ito matapos ang napakaraming taon o ang malaman na ang lalaking minsan niyang minahal ay siya ring taong handang gawing impyerno ulit ang buhay niya.Napatingin siya sa singsing na suot. Marahil ay katumbas nito ang ilang taong sahod ng isang ordinaryong manggagawa. But no matter how expensive it was, to her, it was nothing more than a heavy shackle. Agad niya 'yong hinubad."Solana?"She turned toward her grandmother at the sound of her soft call. Nasa kabilang bahagi ito ng sasakyan at nakatingin sa kanya na may malawak na ngiti sa labi. Tila hindi pa rin nawawala ang pananabik nito sa nangyaring engagement party."Why did y

  • THE UNWANTED WIFE'S TEARS    Chapter 3

    Senyora knocked lightly on Solana's bedroom door before pushing it open. Nakaupo siya sa tabi ng bintana, nakayakap nang mahigpit ang magkabilang tuhod sa dibdib habang walang buhay na nakatitig sa kulay-abong kalangitan. Maputla ang kanyang mukha, magulo ang isip at tila wala nang natitirang sigla sa katawan. "Solana, hija," malumanay na tawag ng kanyang lola habang hawak ang isang eleganteng garment bag. "Magbihis ka na. May mahalaga tayong pupuntahan ngayon."Solana didn't turn her head. "Pagod ako, Lola. Ayokong lumabas.""It's just a quiet dinner, hija," Senyora insisted, walking over and placing a soft, cream-colored evening dress on the edge of the bed. "A small gathering with an old friend of mine. Napakalaking bagay sa akin kung sasama ka."Solana remained silent for a long moment. Ayaw niya sa mga matataong lugar. Ayaw niyang lumabas ng mansyon, at higit sa lahat, ayaw niyang makihalubilo sa mga taong hindi niya kilala.Matagal nang kinasusuklaman ni Solana ang ideya ng pak

  • THE UNWANTED WIFE'S TEARS    Chapter 2

    Her emerald eyes swept across the crowded airport terminal. Hinahanap niya ang isang pamilyar na mukha. Until she finally spotted an older woman in her late sixties standing near the arrival gate, talking on her phone. Nang makita siya nito, agad itong kumaway."Nandito na siya, Emilio. Tatawagan na lang kita mamaya," sabi ni Senyora Esmeralda sa kausap bago ibinaba ang cellphone at mabilis na lumapit sa dalaga. "Solana, apo."Senyora Esmeralda opened her arms, pulling her into a tight hug. Ngunit nanatiling nakatayo lamang si Solana. Hindi man lang niya ginalaw ang mga braso para suklian ang yakap ng matanda."Napakasaya kong makita kang muli matapos ang napakaraming taon," masayang sambit ni Senyora. "Kaya naman…""Tara na po, Lola," mahinang putol ni Solana sa sasabihin ng matanda. Walang anumang emosyon ang kanyang tinig. She picked up her bags and headed toward the exit before the older woman could finish speaking. Bahagyang ngumiti si Senyora at napailing habang nagmamadaling s

  • THE UNWANTED WIFE'S TEARS    Chapter 1

    Nakatayo si Ezekiel sa tabi ng glass window sa kanyang master bedroom. Humithit siya nang malalim mula sa hawak na sigarilyo habang nakatanaw sa malawak na bakuran ng mansyon. Pajama pants lamang ang suot niya habang lantad ang matipunong dibdib na tinatamaan ng sinag ng araw na tumatagos sa salamin. A soft knock sounded at his door."Come in," he called out hoarsely.Pumasok ang isang batang katulong na may dalang basket ng mga labahin. Agad itong napahinto nang makita siya. Hindi naman 'yon ang unang pagkakataong nakita nito ang amo sa gano'ng ayos, ngunit hindi pa rin nito napigilang mapahinga nang malalim."Get me a glass of fresh juice," malamig na utos ni Ezekiel. Malalim ang kanyang boses na umalingawngaw sa tahimik na silid dahilan para magising ang dalaga mula sa pagkakatulala."Si... Sir..." Napalunok ito nang masalubong ang malamig na tingin ni Ezekiel. "O-opo. Kukuha po ako."Mabilis itong tumalikod at lumabas ng silid."Brainless," bulong ni Ezekiel sa sarili bago muling

  • THE UNWANTED WIFE'S TEARS    Prologue

    “Bring Solana out!” Umalingawngaw ang galit na sigaw ni Elisse sa buong mansyon ng mga Villareal.Halos mawalan ng kulay ang mukha ng mga katulong nang makita ang babaeng walang pakundangang pumasok sa loob. Magulo ang buhok nito, namumugto ang mga mata at halatang ilang araw nang hindi maayos ang tulog. Ngunit higit sa lahat, may matinding galit na nag-aalab sa mga mata ng babae.This was not the Elisse they had known before. Ang dating mahinahon at elegante na babae ay tila tuluyan nang nawalan ng katinuan.“Ma'am Elisse, ano po ang kailangan ninyo?” maingat na tanong ng isang katulong.“Nasaan si Solana?!”“Wala po siya rito—”“Huwag kang magsinungaling sa akin!” Napatras ang katulong nang biglang sumigaw si Elisse. “Alam kong nandito ang babaeng 'yon! Huwag ninyo akong subukang lokohin dahil wala akong pakialam kung sino pa ang masaktan sa inyo!”Napatingin ang iba pang katulong sa isa't isa. Wala ni isa sa kanila ang nagkaroon ng lakas ng loob na pigilan ito. Mabilis na umakyat s

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status