Mag-log inHindi alam ni Solana kung paano siya nakarating sa sasakyan nang hindi tuluyang bumabagsak ang mga tuhod. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang lamig ng mga daliri ni Ezekiel sa kanyang kamay.
"Welcome to hell, my sweet bride." Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ni Solana ang mga salitang 'yon. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit, ang muling makita ito matapos ang napakaraming taon o ang malaman na ang lalaking minsan niyang minahal ay siya ring taong handang gawing impyerno ulit ang buhay niya. Napatingin siya sa singsing na suot. Marahil ay katumbas nito ang ilang taong sahod ng isang ordinaryong manggagawa. But no matter how expensive it was, to her, it was nothing more than a heavy shackle. Agad niya 'yong hinubad. "Solana?" She turned toward her grandmother at the sound of her soft call. Nasa kabilang bahagi ito ng sasakyan at nakatingin sa kanya na may malawak na ngiti sa labi. Tila hindi pa rin nawawala ang pananabik nito sa nangyaring engagement party. "Why did you take it off, dear?" Hindi siya sumagot. Sa halip, inilapag niya ang singsing sa kandungan at ibinaling ang tingin sa bintana. "Napakaganda ng singsing na ibinigay ni Ezekiel sa'yo. I'm sure it costs a fortune." A humorless laugh escaped her lips. "Does that really matter, Lola?" Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng matanda. "Of course, it does. Ibig sabihin lamang niyon ay seryoso siya sa pagpapakasal sa'yo." "Pero hindi ko naman siya gustong pakasalan." Nawala ang ngiti sa mukha ni Senyora. "Solana..." "Lola, please. Ayokong ituloy ang kasal." Muli niyang hinawakan ang singsing at inilagay sa maliit na kahon. Hindi niya kayang tignan ang bagay na ‘yon nang hindi naaalala ang mukha ni Ezekiel. She had no idea what had gotten into her grandmother's head to make her bring her and that man together. "Why?" mahinang tanong ng Senyora. She bit the inside of her cheek. Iyon ang tanong na hindi niya kayang sagutin. Hindi alam ng Senyora ang lahat ng nangyari sa kanya noon. Ang alam lamang nito ay umalis siya papuntang California dahil gusto niyang magsimula ng panibagong buhay. Hindi sinabi ni Solana ang tunay na dahilan kay Esmeralda. Ayaw niyang malaman nito ang nangyari sa kanya. Magkakagulo ang lahat kapag nalaman ng Senyora. She didn't want any more trouble. Sapat na ang sinapit niya noon para humiling ng katahimikan. Ngunit sa ginawa ni Senyora ngayon. Muli na namang magugulo ang buhay niya sa mga kamay ni Ezekiel. "He's not the man I want to marry, Lola." "Pero kilala mo si Ezekiel. Magmula pagkabata ay magkakilala na kayo. Alam mo kung anong klaseng pamilya ang pinanggalingan niya." Napailing siya. "That's exactly why I don't want to marry him." Napabuntong-hininga ang matanda. Marahan nitong hinawakan ang kamay niya ngunit hindi niya agad nagawang suklian ‘yon. "May nangyari ba sa inyo noon?" Natigilan si Solana. Saglit siyang napatingin dito. There was concern in her eyes. At naghihintay ito sa kanyang sagot. Isang salita lamang ang kailangan niya para malaman ng Senyora kung bakit hindi niya kayang pakasalan ang lalaking ‘yon. Pero nang buksan ni Solana ang bibig, walang lumabas na salita. She couldn't bring herself to do it. Hindi niya kayang makita ang awa sa mga mata nito. Ayaw niyang maging dahilan para sisihin nito ang sarili dahil hindi siya nito naprotektahan noon. "Wala po," pagsisinungaling niya. Marahang hinaplos nito ang likod ng kanyang kamay. "Then give him a chance, dear. Baka hindi mo pa siya lubusang nakikilala bilang isang lalaki." Napayuko siya. Kung alam lamang nito kung gaano niya kagustuhang hindi na muling makita ang lalaking ‘yon. Tahimik silang nakarating sa mansyon. Pagkabukas pa lamang ng p***o ng sasakyan ay agad siyang bumaba at mabilis na naglakad papasok. Hindi na niya hinintay ang kanyang lola. Pagdating sa ikalawang palapag ay dumiretso siya sa silid. She closed the door, then leaned against it with her eyes shut. Huminga siya nang malalim. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili, ngunit hindi mawala sa isip niya ang nangyari sa engagement party. Maging ang mapanuyang ngisi ni Ezekiel ay malinaw pa rin niyang nakikita. Bakit kailangan pa nitong gawin ‘yon? Kung gusto siya nitong pahirapan, hindi pa ba sapat ang lahat ng nangyari noon? Napatingin siya sa kanyang kaliwang kamay. Wala na roon ang singsing, ngunit pakiramdam niya ay naroon pa rin ang bigat nito. Bahagya siyang napalingon sa p***o nang makarinig ng mahinang katok. "Solana, hija. Can I come in?" Pumikit siya bago humiwalay sa p***o. "Come in, Lola." Pumasok si Senyora Esmeralda at marahang isinara ang p***o. Napansin niyang wala na ang dating malawak na ngiti sa mukha nito. Sa halip, may bahid na ng pag-aalala ang ekspresyon ng matanda. "Why are you so upset?" Umupo siya sa gilid ng kama at pilit na ngumiti. "Pagod lang po ako." "Alam kong hindi lamang ‘yan ang dahilan." Hindi sumagot si Solana. Lumapit ang Senyora at naupo sa tabi niya. Ilang sandali siya nitong pinagmasdan bago marahang hinawakan ang kanyang kamay. "Solana, apo, gusto kong maintindihan mo na hindi ko ginawa ang lahat ng ito para pahirapan ka." Napatingin siya rito. "Then why did you do it?" "Because I want to secure your future." Napakunot ang noo niya. "By marrying Ezekiel?" Tumango ang Senyora. "Yes." Napailing siya at napatawa nang mapakla. "Lola, hindi ko kailangan ng asawa para magkaroon ng magandang kinabukasan. Kaya kong buhayin ang sarili ko." "Alam ko ‘yon. I have never doubted your capabilities, not even once." "Then let me decide who I want to marry." Napabuntong-hininga ang matanda. Saglit itong tumingin sa mga kamay nitong nakapatong sa kandungan bago muling nagsalita. "May mga bagay na hindi mo pa nauunawaan tungkol sa sitwasyon ng pamilya natin, Solana. Sa nakalipas na mga taon, maraming nagbago. Humina ang ilang negosyo natin dahil sa mga naging problema sa pamamahala at sa mga utang na kinailangan nating bayaran. May mga taong dating malapit sa atin na ngayon ay naghihintay lamang ng pagkakataong makuha ang mga ari-arian at lupang pag-aari ng pamilya." Napatingin siya rito. Hindi niya alam ang mga bagay na ‘yon. Noong nasa California siya, paminsan-minsan lamang silang nag-uusap tungkol sa mga simpleng bagay. Hindi nito kailanman binanggit na may problema pala ang kanilang pamilya. "Why didn't you tell me?" "Dahil ayaw kong problemahin mo rin ‘yon." Napalunok siya. "Pero bakit kailangang idamay ako sa kasunduang ito?" "Because your marriage to Ezekiel will change everything." Bahagyang lumapit ang matanda at hinawakan ang magkabilang kamay niya. "Matagal nang magkaibigan ang pamilya natin at ang mga Fortalejo. Malaki ang impluwensya nila sa negosyo at sa mga taong may kapangyarihan sa bansa. Kapag naging bahagi ka ng kanilang pamilya, magkakaroon tayo ng mas matibay na proteksyon laban sa mga taong gustong kumalaban sa atin." Bahagyang kumunot ang noo ni Solana. Bakit parang may kakaiba sa mga sinasabi nito? May iba pa bang problema sa pamilya na hindi sinasabi ng kanyang Lola? "May hindi ka ba sinasabi sa akin, Lola?" Natigilan ang Senyora. Mukhang hindi nito inasahan ang tanong niya. "Bakit mo naman natanong ‘yan?" Huminga siya nang malalim. "Masyado kasi kayong naghahangad na maikasal ako kay Ezekiel." "Ezekiel's family was one of the most powerful and influential families in the country. Bilang asawa niya, magkakaroon ka ng posisyon at proteksyong hindi kayang ibigay ng sinuman. Walang basta-bastang mangangahas na saktan ka o ang pamilya natin," paliwanag nito. Napailing siya. "Pero paano kung siya mismo ang taong gusto akong saktan?" The older woman fell silent. Saglit siyang napatingin dito. Hindi niya sinasadyang masabi ‘yon nang malakas. "What do you mean, dear?" Agad siyang umiwas ng tingin. "Nothing. I just don't trust him." Marahang hinaplos nito ang pisngi niya. "Alam kong hindi kayo naging gano'n kalapit noong bata pa kayo. Pero naniniwala akong kaya ninyong matutunang unawain ang isa't isa." "Please, Lola. Huwag ninyo akong pilitin." Nakita niyang bahagyang nangilid ang luha sa mga mata ng Senyora. "Solana, matagal ko nang hinihintay ang pagbabalik mo. Gusto kong makita kang masaya, magkaroon ng sariling pamilya, at magkaroon ng taong mag-aalaga sa'yo kapag dumating ang panahong hindi ko na kayang gawin ‘yon." "Lola..." "Matanda na ako, hija. Hindi ko alam kung ilang taon pa ang natitira sa akin. Ang tanging gusto ko ay matiyak na ligtas ka at hindi ka mawawalan ng matatakbuhan." Mas lalo siyang nasaktan nang marinig ‘yon. Hindi niya kayang balewalain ang lahat ng sakripisyo nito. Pero tama bang sundin ang gusto nito gayong alam naman ni Solana kung anong kahihinatnan niya kapag nagpakasal siya kay Ezekiel?The violin played automatically as she walked down the aisle. Nakatutok lamang ang kanyang tingin sa harapan. Her expression stiff yet beautiful. Hindi siya maituturing na isang tradisyonal na bride, but she possessed a quiet beauty of her own.Napakalaki ng hall, ngunit wala itong anumang palamuti o bahid ng init at kasiyahan sa kabila ng malambing na musikang maririnig sa paligid. Dalawang matatanda lamang ang nakaupo sa hanay ng mga upuan sa likuran habang naghihintay naman ang lalaking mapapangasawa niya sa may altar. Ang tanging palatandaan na may nagaganap na kasal ay ang magkatugmang itim at puting kasuotan ng dalawa.Nang tuluyan siyang makalapit, inabot ni Ezekiel ang kamay nito at hinawakan ang kanyang palad. Hinarap nila ang isa't-isa para bigkasin ang kanilang mga vows. Pareho silang walang emosyon sa mukha na para bang wala silang nararamdamang kahit ano sa sandaling ‘yon."I, Ezekiel Fortalejo, take you, Solana Villareal, to be my lawfully wedded wife, in sickness and in
Hindi alam ni Solana kung paano siya nakarating sa sasakyan nang hindi tuluyang bumabagsak ang mga tuhod. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang lamig ng mga daliri ni Ezekiel sa kanyang kamay. "Welcome to hell, my sweet bride." Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ni Solana ang mga salitang 'yon.Hindi niya alam kung alin ang mas masakit, ang muling makita ito matapos ang napakaraming taon o ang malaman na ang lalaking minsan niyang minahal ay siya ring taong handang gawing impyerno ulit ang buhay niya.Napatingin siya sa singsing na suot. Marahil ay katumbas nito ang ilang taong sahod ng isang ordinaryong manggagawa. But no matter how expensive it was, to her, it was nothing more than a heavy shackle. Agad niya 'yong hinubad."Solana?"She turned toward her grandmother at the sound of her soft call. Nasa kabilang bahagi ito ng sasakyan at nakatingin sa kanya na may malawak na ngiti sa labi. Tila hindi pa rin nawawala ang pananabik nito sa nangyaring engagement party."Why did y
Senyora knocked lightly on Solana's bedroom door before pushing it open. Nakaupo siya sa tabi ng bintana, nakayakap nang mahigpit ang magkabilang tuhod sa dibdib habang walang buhay na nakatitig sa kulay-abong kalangitan. Maputla ang kanyang mukha, magulo ang isip at tila wala nang natitirang sigla sa katawan. "Solana, hija," malumanay na tawag ng kanyang lola habang hawak ang isang eleganteng garment bag. "Magbihis ka na. May mahalaga tayong pupuntahan ngayon."Solana didn't turn her head. "Pagod ako, Lola. Ayokong lumabas.""It's just a quiet dinner, hija," Senyora insisted, walking over and placing a soft, cream-colored evening dress on the edge of the bed. "A small gathering with an old friend of mine. Napakalaking bagay sa akin kung sasama ka."Solana remained silent for a long moment. Ayaw niya sa mga matataong lugar. Ayaw niyang lumabas ng mansyon, at higit sa lahat, ayaw niyang makihalubilo sa mga taong hindi niya kilala.Matagal nang kinasusuklaman ni Solana ang ideya ng pak
Her emerald eyes swept across the crowded airport terminal. Hinahanap niya ang isang pamilyar na mukha. Until she finally spotted an older woman in her late sixties standing near the arrival gate, talking on her phone. Nang makita siya nito, agad itong kumaway."Nandito na siya, Emilio. Tatawagan na lang kita mamaya," sabi ni Senyora Esmeralda sa kausap bago ibinaba ang cellphone at mabilis na lumapit sa dalaga. "Solana, apo."Senyora Esmeralda opened her arms, pulling her into a tight hug. Ngunit nanatiling nakatayo lamang si Solana. Hindi man lang niya ginalaw ang mga braso para suklian ang yakap ng matanda."Napakasaya kong makita kang muli matapos ang napakaraming taon," masayang sambit ni Senyora. "Kaya naman…""Tara na po, Lola," mahinang putol ni Solana sa sasabihin ng matanda. Walang anumang emosyon ang kanyang tinig. She picked up her bags and headed toward the exit before the older woman could finish speaking. Bahagyang ngumiti si Senyora at napailing habang nagmamadaling s
Nakatayo si Ezekiel sa tabi ng glass window sa kanyang master bedroom. Humithit siya nang malalim mula sa hawak na sigarilyo habang nakatanaw sa malawak na bakuran ng mansyon. Pajama pants lamang ang suot niya habang lantad ang matipunong dibdib na tinatamaan ng sinag ng araw na tumatagos sa salamin. A soft knock sounded at his door."Come in," he called out hoarsely.Pumasok ang isang batang katulong na may dalang basket ng mga labahin. Agad itong napahinto nang makita siya. Hindi naman 'yon ang unang pagkakataong nakita nito ang amo sa gano'ng ayos, ngunit hindi pa rin nito napigilang mapahinga nang malalim."Get me a glass of fresh juice," malamig na utos ni Ezekiel. Malalim ang kanyang boses na umalingawngaw sa tahimik na silid dahilan para magising ang dalaga mula sa pagkakatulala."Si... Sir..." Napalunok ito nang masalubong ang malamig na tingin ni Ezekiel. "O-opo. Kukuha po ako."Mabilis itong tumalikod at lumabas ng silid."Brainless," bulong ni Ezekiel sa sarili bago muling
“Bring Solana out!” Umalingawngaw ang galit na sigaw ni Elisse sa buong mansyon ng mga Villareal.Halos mawalan ng kulay ang mukha ng mga katulong nang makita ang babaeng walang pakundangang pumasok sa loob. Magulo ang buhok nito, namumugto ang mga mata at halatang ilang araw nang hindi maayos ang tulog. Ngunit higit sa lahat, may matinding galit na nag-aalab sa mga mata ng babae.This was not the Elisse they had known before. Ang dating mahinahon at elegante na babae ay tila tuluyan nang nawalan ng katinuan.“Ma'am Elisse, ano po ang kailangan ninyo?” maingat na tanong ng isang katulong.“Nasaan si Solana?!”“Wala po siya rito—”“Huwag kang magsinungaling sa akin!” Napatras ang katulong nang biglang sumigaw si Elisse. “Alam kong nandito ang babaeng 'yon! Huwag ninyo akong subukang lokohin dahil wala akong pakialam kung sino pa ang masaktan sa inyo!”Napatingin ang iba pang katulong sa isa't isa. Wala ni isa sa kanila ang nagkaroon ng lakas ng loob na pigilan ito. Mabilis na umakyat s







