LOGINNapadilat siya nang marinig ang bulong ni Kieran. Napahiya siya dahil nakaawang pa ang kanyang mga labi, as if she wanted more. Hindi niya napansin na tapos na pala siyang halikan nito.
“Get off me!" Tinulak niya ito palayo, pero parang walang nangyari, ni hindi ito gumalaw sa kinatatayuan.
“Bakit ganoon ang halik mo? It was just supposed to be a smack! sigaw niya para pagtakpan ang kanyang kahihiyan. Marahas niyang pinahid ang kanyang labi na may bakas pa ng halik ni Kieran.
“As I can see, hindi ka naman nagreklamo kanina. Nagsarapan ka pa nga, di ba?”
“Fuck you, Del Toro! Paano ako makakaalis kung hinawakan mo ako sa ulo?!” sigaw niya.
Tumawa lang ito nang malakas. Napahiya ulit siya dahil sa pagmumura niya. School president pa naman siya at narinig iyon ng ibang estudyante. Hindi siya magandang ehemplo!
“Saan ang susi ng posas na ’to?” galit na tanong niya.
Nagkibit-balikat lang si Kieran.
Namumula na siya sa kahihiyan. Gusto na lang niyang kainin ng lupa sa mga oras na iyon.
Nakita niya ang kanyang vice president na si Elara na kinikilig habang nakatingin sa kanila.
“Elara… give me the key!” singhal niya. Alam na niya kung sino ang may pakana kung bakit siya napunta sa kissing booth kasama si Kieran... ang ahas niyang kaibigan na si Elara. Ito lang naman ang nakakaalam na crush niya si Kieran!
“Pres… ito na ang susi,” nakangising sabi nito sabay abot sa kanya.
“Ako naman, sunod, puwede?” sabi nito habang nagpapa-cute kay Kieran.
“Sure!” sabat naman ni Kieran na mukhang wala lang ang paghahalikan nila, samantalang siya ay halos himatayin na sa kaba!
Nang makawala sa posas ay akmang tatakbo siya palayo, nang hawakan ni Kieran ang kamay niya.
“It's nice kissing you, Miss President. I love kissing your sweet and virgin lips,” mapanukso nitong bulong sa kanya.
Nanginig na naman siya at hindi agad nakaalis sa kinatatayuan. Pakiramdam niya ay pinasok ng kuryente ang kanyang kalamnan.
Humugot siya ng malalim na hininga at inipon ang kanyang lakas. “For your information, Del Toro. It’s not my first kiss. You’re not even a good kisser!” asik niya.
“Hahaha… wag ka na magsinungaling, Miss President. Halata naman, nasarapan ka sa halik ko. It’s your first kiss. Wala ka namang nobyo dito sa campus, ’di ba?”
Lalo siyang nanggagalaiti sa galit. “Damn you, Kieran!” Mahina pero may diin ang pagkakasabi niya. Ayaw niyang marinig ng ibang estudyante na nagbabangayan sila.
Isang matalim na tingin pa ang pinukol niya sa lalaki bago iwinaksi ang kamay nito at dali-daling umalis doon.
“Asshole!” inis na bulong niya sa sarili saka umupo sa kanyang puwesto sa ticketing booth. Siya ang nakatoka sa pagbebenta ng ticket para sa fundraising.
Nalinlang siya ni Elara. Ang sabi lang nito ay iba-blindfold siya para sa isang laro. Ang hindi niya alam ay dinala siya sa kissing booth kasama si Kieran. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Hindi na virgin ang lips niya!
Sa edad na 16, hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend dahil nakatuon ang buong atensyon niya sa pag-aaral, at wala rin namang nanliligaw sa kanya. Hindi naman siya pangit... sadyang nerd lang ang dating. Nagsusuot siya ng makapal na salamin at may braces pa. Mahaba at tuwid ang kanyang buhok, ngunit hindi niya ito itinatali. May makapal din siyang bangs na parang kay Dora.
Kahit makinis, maputi, at chinita siya, hindi siya mahilig mag-ayos ng sarili dahil mas pinipili niyang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral. Bilang school president at tumatakbong valedictorian ng kanilang batch, hindi siya maaaring magpabaya. Wala rin siyang oras para sa mga relasyon, hindi tulad ng ibang ka-batch niya.
Ang sabihin mo, wala talagang nagkakagusto sa’yo kaya wala kang boyfriend!... asik ng kanyang kontrabidang konsensya.
Maya-maya ay nakita niya si Elara na papalapit sa kanya.
“Walang hiya ka. Bakit mo ako dinala sa kissing booth kanina?” bulalas niya sa kaibigan.
“Eh, may bumili ng ticket, saka ikaw ang gusto niyang ma-kiss. Alangan naman hindi ko pagbibigyan eh, 200 ang binayad niya sa ticket.” paliwanag nito
Napataas ang kilay niya. Tig-100 pesos lang ang ticket sa kissing booth. Sino naman kaya ang nantrip sa kanya na magbayad pa ng doble?... Imposible naman na si Kieran!
Natigil ang pag-uusap nila ni Elara nang may estudyanteng lumapit. “Wedding booth, Miss.”
Binigyan niya ng ticket ang lalaki. Tig-200 naman ang sa wedding booth pero nagbigay ito ng 500.
“Keep the change.”
“Talaga? Thank you! Para ‘to sa fundraising natin sa school,” masayang sabi niya.
“Pero sa isang kondisyon… ikaw ang gusto kong bride.”
“Hahaha… nakakatawa! Bakit ako?”
Tiningnan niya ang lalaki. Hindi niya ito kilala pero naka-uniform din ito ng basketball jersey, tulad ng kay Kieran.
“Why not? Maganda ka at matalino.”
Tiningnan niya ito nang mataimtim kung pinagtitripan siya.
“Sige na, sumama ka na. Para sa fundraising!” tulak ni Elara. “Para malaki naman ang pera na maiiwan natin sa school bago tayo mag-graduate,” pang-eengganyo pa nito.
Malapit na ang graduation nila at isa iyon sa naisip niyang fundraising para may malikom silang pera.
Nagkibit-balikat siya at sumama sa lalaki. Hindi na sila lugi doon dahil 500 ang binayad nito. Ano ba naman bigyan niya ng konting oras? Gwapo naman ito, nakikita niya itong kasama rin si Kieran.
“I’m Oliver, by the way,” pakilala ng lalaki sa kanya.
“Nikita…”
“Of course, I know you, Miss President,” nakangiti nitong sabi.
Habang papalapit na ang kanilang JS Prom ay naging busy siya lalo. Pabalik-balik siya sa faculty para makipag-coordinate sa kanilang teacher in charge kung ano pa ang mga dapat gawin.Bilang campus president ay gusto niyang maging maayos at walang palpak ang kanilang JS. Masyado siyang OC (Obsessive-Compulsive) pagdating sa mga ganitong bagay. Gusto niya ang lahat ay in order.“Niks, may damit ka na ba na isusuot sa JS?” tanong ni Elara sa kanya. Sila palagi ang magkasama dahil vice president niya ito.“Wala pa nga eh, pero sabi ni Mommy siya na daw ang bahala. Alam mo naman yun, excited palagi.” “Siyempre, ikaw lang naman ang nag-iisa nilang anak!”“Ikaw ba, meron na?” tanong niya kay Elara, pero ang totoo ay hindi naman interesado sa pinag uusapan nila. Mas gusto niyang pag usapan kung ano pa ang magiging acitvity sa JS.“Nag-rent na si Mama ng gown ko. Hindi naman namin kayang bumili ng brand new. Pero maganda naman ’yon kasi first user ako. At least mura lang, saka isang beses la
Halos hindi na siya makapag-concentrate sa kaniyang test sa kaiisip na magkikita silang muli ni Kieran sa kotse nito mamaya. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang huli nilang pagkikita... ang paraan ng pagngiti nito, ang simpleng usapan nila, at kung paano bumilis ang tibok ng puso niya habang magkatabi silang nakaupo.Mabuti na lamang at kahit hindi masyadong maganda ang score niya sa test, siya pa rin ang highest sa klase. Sanay na ang mga kaklase niyang siya ang nangunguna, pero para sa kaniya, parang himala pa ring nakapag-focus siya kahit kaunti.Dumating ang alas kuwatro at tuluyan nang natapos ang klase nila. Isa-isang nagligpit ng gamit ang mga estudyante habang siya naman ay nagmamadaling ipasok ang mga notebook at ballpen sa kaniyang bag.“Nikita…”Napalingon siya nang marinig ang tawag ni Elara.“Bakit?”“Snacks naman tayo. Libre mo ako. Matagal mo na akong hindi nililibre, ah.”Napangiti siya nang bahagya. Hindi mayaman si Elara. Nakapasok lamang ito sa private school
Hindi siya sumagot at agad na tinago ang cellphone sa kanyang bulsa na para bang may nakakatakot siyang nabasa doon.Paano niya sasagutin ang tanong na iyon? Hindi siya pwedeng maging partner ni Kieran. Pagtitinginan sila ng mga tao. Madami ang magtatanong at madami ang maiinis sa kanya. Graduation na nila at ayaw niyang mag-iwan ng bad impression sa kanilang school.Pero sa kabilang banda ay napapaisip din siya. Graduation na nga nila... bakit hindi niya bigyan ng pagkakataon ang kanyang sarili na sumaya? Bakit niya iisipin ang sasabihin ng ibang tao? Hindi naman siya ang nag-aya kay Kieran kundi ito naman.Teka, teka... bakit nga ba siya inaaya ni Kieran? Imposible naman na may gusto ito sa kanya? Ang daming magagandang babae sa kanilang school!Ah basta, hindi siya papahulog sa pain ni Kieran. Tama na yung magkaibigan lang sila, pero ang maging partner sa JS? Never!Para din naman sa kanya iyon. Paano kung tuluyan na siyang ma-in love kay Kieran? Masasaktan lang siya. Pagkatapos ng
Napatingin muna siya sa mga babaeng nakatayo sa likod nila. Ramdam niya ang mga matang nakatutok sa kanya... mapanuri, mapanghusga. Nakaramdam siya ng hiya… pero mas nangingibabaw ang inis na unti-unting kumukulo sa dibdib niya dahil kay Kieran.Dalawang beses na siya nitong pinuntahan sa library. Noong una, niyaya siya mag-snacks pero hindi rin naman natuloy. Ngayon? Ano na naman kayang pakulo ng lalaking ito?“What is it this time, Kieran?” matigas niyang tanong.Sa gilid ng kanyang paningin, nakita niya ang pagtaas ng kilay ng tatlong babae sa paraan ng pagsagot niya. Halatang nagulat ang mga ito. Marahil hindi sanay na may sumasagot kay Kieran ng ganon. Pero wala siyang pakialam. Sa oras na iyon, inis lang ang nararamdaman niya.Saglit na tumingin si Kieran sa mga babae bago siya muling binalingan. “Ahm… tara. Doon tayo mag-usap,” sabi nito, sabay kuha ng bag niya na parang pag-aari nito iyon.“Hey! Give me back my bag!” sigaw niya, pero hindi man lang ito lumingon. Diretso lang i
“Ah… mauuna na ako. Nakakahiya naman sa mga kaibigan mo na ako ang kasama mo. Ma-o-out of place lang ako doon…”Mahina ang boses ni Nikita, halos hindi na marinig sa ingay ng paligid.“Sige na, please… ikaw nga ang hinintay ko sa library eh,” pilit niyang sabi, umaasang kahit paano ay mapapawi niya ang bigat na namuo sa pagitan nila.Pero umiling lang ito. “Hindi ko naman sinabi na hintayin mo ako. Saka alam ko naman na nahihiya kang kasama ako… sige, mauuna na ako ha.”Hindi na siya hinintay na sumagot. Kinuha nito ang librong hawak niya, saka siya tinalikuran.At doon, parang may matalim na bagay na tumagos sa dibdib niya. Hindi pisikal, pero mas masakit. Alam niyang nasaktan niya si Nikita.Ilang araw niyang pinag-isipan kung paano muling lalapit dito… kung paano niya ito kakausapin… kung paano niya aayusin ang lahat.Pero ngayong binigyan siya ng pagkakataon… sinayang niya. Itinanggi niya ito sa harap ng iba.Napahawak siya sa buhok, mariing sinasabunutan ang sarili habang nakatit
Umuwi siya sa kanyang condo na halos hindi na makalakad sa sobrang kalasingan. Mabuti na lang at kahit papaano ay nakauwi pa siya nang maayos, kahit hilo at lutang ang isipan. Naiirita pa rin siya sa alaala ng pamimilit ni Nicole na sumama ito sa kanya, para itong desperadong aso na in-heat palagi.Pero wala siyang gana. Kahit kailan, hindi niya hinanap ang ganung klaseng aliw, lalo na ngayon na ang buong sistema niya ay punong-puno ng isang pangalan.... Si Nikita.Hindi siya dumiretso sa bahay nila. Siguradong masesermonan lang siya ng kanyang mommy kapag nalaman nitong nagmaneho siya nang lasing. Dalawampu’t dalawang taong gulang na siya, pero kung ituring siya nito ay parang bata pa rin na kailangang bantayan sa bawat galaw.Pagdating sa condo, halos hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad siyang pumasok sa banyo at nagbabad sa malamig na tubig, umaasang mahuhugasan nito hindi lang ang amoy ng alak sa kanyang katawan kundi pati ang bigat na nararamdaman niya sa dibdib.Pagkalabas ni







