Share

CHAPTER 5

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-04-02 10:56:21

Napatingin siya sa lalaki. Hindi niya alam na marami palang nakakakilala sa kanya... lalo na si Kieran, tinawag siya nito sa kanyang pangalan kanina.

Pagdating nila sa wedding booth ay ganoon na lang ang kanyang pagkagulat nang doon din si Kieran at tila may hinihintay.

“Bro, here’s your bride.”

“Huh?” gulat na sabi niya at nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa.

“Miss President, pwede ka bang pakasalan?” malambing na tanong ni Kieran.

“What? Pinaglalaruan mo ba ako, Del Toro?”

“Why? Of course not. Nakakahiya naman sa nagbayad para sa wedding booth.”

Napatingin siya sa paligid kung sino doon ang nagbayad para sa kanila ni Kieran, pero wala siyang ideya. Si Oliver na bumili kanina ay hindi niya na rin makita.

“Come on, Miss President… para matapos na ’to,” wika nitong parang inip na inip na naman.

Tiningnan niya ito nang masama saka lumapit. May pekeng pari rin doon para kunwari’y makatotohanan ang kasal. Mayroon ding print-out ng marriage contract.

“Make it fast, Andrei!” inis na sabi niya sa pekeng pari na isa ring officer nila.

Naghalukipkip siya at nakasimangot habang kunwaring sinasambit na ni Andrei ang seremonya. Magkaharap sila ni Kieran, pero wala sa lalaki ang mga mata niya. Umiiwas siya ng tingin. Hindi pa nawawala sa isip niya ang unang halik na ibinigay nito sa kanya kanina.

“You may kiss the bride,” sambit ni Andrei na pekeng pari.

“Bakit may gano’n pa? Sa kissing booth lang may gano’n, ’di ba?” reklamo niya.

“This is marriage, dapat may kiss!” sabi naman ni Kieran.

“Wag mo akong lokohin, Kieran!”

“Bakit kita lolokohin? Idea ko ba itong Foundation Day? This is all your idea, right?”

Natahimik siya. Oo nga, at idea niya iyon, pero hindi naman niya alam na may magkaka-interes sa kanya sa kissing booth, at eto ngayon sa wedding booth!

“Come on, Miss President. Wag kang KJ,” turan ni Kieran.

Natameme siya… tiningnan niya ito nang masama.

“You may kiss your bride, Kieran,” muling ulit ni Andrei, may halong panunukso sa boses.

Parang nawala ang ingay sa paligid. Hindi niya marinig ang hiyawan ng mga estudyante. Hindi niya maramdaman ang hangin. Tanging ang mabilis na pagtibok ng puso niya ang malinaw sa kanyang pandinig.

At si Kieran... unti-unti itong lumalapit. Napatigil siya, nanigas. Parang naestatwa sa kinatatayuan. Hindi siya makagalaw, hindi siya makatanggi, hindi siya makaiwas.

Nararamdaman niya ang kamay ni Kieran na marahang humawak sa kanyang bewang, parang ayaw siyang pakawalan.

At sa isang iglap, yumuko ito. Napapikit siya nang muling magdampi ang kanilang mga labi. Hindi iyon simpleng halik... mas mabagal, mas matagal.

Para bang hindi laro ang ginagawa nito. Para bang… totoo.

Napasinghap siya sa loob-loob niya. Kung kanina sa kissing booth ay tila ba nahilo siya sa kakaibang pakiramdam, ngayon, mas lalong lumalim, mas tumindi, mas nakakatakot at mas nakaka-adik.

Shit. What am I thinking?!

“You’re my wife now, Nikita…”

Parang pabulong na apoy ang boses ni Kieran sa kanyang tenga.

Bigla siyang napamulat. Kahit pa laro lang, kahit pa peke, doon niya napagtanto... kasal na sila!

Bigla siyang namula at yumuko. Hindi niya kayang salubungin ang titig nito. Hindi niya kayang harapin kung ano ang nararamdaman niya. Pagod na siyang makipag-away sa sarili niya.

“Pirmahan n’yo na ang marriage contract n’yo. I now pronounce you husband and wife,” basag ni Andrei sa pagpapantasya niya.

Muling nabuhay ang ingay sa paligid. Palakpakan, sigawan, at tawanan. Napasimangot siya. Nauna siyang pumirma, saka umalis na. Hindi niya ito nakitang pumirma dahil tumalikod na siya. Hindi na niya hinintay si Kieran.

“Shit… nakakainis!” mahina pero mariin niyang bulong habang naglalakad. “Bakit ako ang bunot ngayon? Sino ba ang nantri-trip sa akin?”

Pakiramdam niya ay pinaglaruan siya ng tadhana. Una... kissing booth. Ngayon... wedding booth!!!

Ano pa ang susunod?

“Elara!” tawag niya sa kaibigan, pilit pinapakalma ang sarili. “Uuwi na ako. Ikaw na ang bahala dito. Masakit ang ulo ko.”

Hindi na niya hinintay ang sagot nito, saka dinampot ang pink niyang Jansport backpack at sinuot. Gusto na lang niyang umalis doon, tumakas, at huminga.

Pero bago siya tuluyang makaalis, napalingon siya sa wedding booth... At doon niya nakita si Kieran, nakatayo kasama si Nicole, ang cheerleader ng kanilang eskwelahan. Nag-uusap ang mga ito, nakangiti, at nakikipaglandian.

Hindi niya alam kung girlfriend pa ba nito si Nicole o ex-girlfriend. Sa tagal ng relasyon ng dalawa na on-and-off ay hindi na niya nasubaybayan.

Naninikip ang kanyang dibdib, umiinit ang kanyang tenga. Parang wala lang nangyari sa kanila ni Kieran. Parang walang halik, parang walang kasal... parang wala lang kay Kieran ang lahat.

At doon niya naramdaman ang isang bagay na pilit niyang itinatanggi... nagseselos siya!

Aaminin niya, umasa siya, kahit konti, na baka… mapansin siya, na baka iba ang tingin nito sa kanya. Pero mali siya... hindi siya si Nicole. Hindi siya sexy, hindi siya maporma, hindi siya sikat sa campus at hindi siya ’yung tipo na lilingunin ng isang tulad ni Kieran.

Isa lang siyang nerd na may makapal na salamin, simpleng damit, walang ayos sa pananamit.

"Fuck!" Napapikit siya sandali, nakakainis!

Bago siya tuluyang umalis, nagtagpo ang kanilang mga mata. Si Kieran, nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang laman ng titig nito.

Pero hindi na niya hinintay, tiningnan niya ito nang masama at tumalikod. Mabilis siyang naglakad papunta sa parking area.

 

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 91

    WESLEY'S POV:Pagod na pagod si Wesley nang tuluyan siyang makapasok sa loob ng mansion.Kadarating niya lang mula sa opisina kung saan siya nagpalipas ng gabi. Pero kahit magdamag siyang naroon, ni isang saglit na mahimbing na tulog ay hindi niya naranasan. Magdamag siyang nakatitig sa kisame ng kaniyang opisina, nilalamon ng samu't saring isipin.Parang hindi na siya sanay na hindi katabi si Vivian. Sa loob ng maraming taon, kahit gaano pa sila mag-away o magkaroon ng hindi pagkakaunawaan, alam niyang sa huli ay uuwi pa rin silang dalawa sa iisang kama... Ngunit kagabi ay iba.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga habang tinatanggal ang kaniyang amerikana. Paano niya sasabihin kay Vivian ang tungkol kina Nikita at Kieran? Paano nila maitutuloy ang plano nilang kasal kung ang mga anak nila mismo ang may lihim na relasyon?Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap. Gusto niyang magalit, gusto niyang magwala, gusto niyang pigilan ang lahat bago pa tuluyang maging komplikado.

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 90

    Nagising si Vivian kinaumagahan na mabigat ang pakiramdam. Halos hindi siya nakatulog buong gabi. Malalim ang mga mata niya at halatang pagod nang tumingin siya sa salamin.Paulit-ulit pa ring sumasagi sa isip niya ang nangyari kagabi… Ang pagbabanta ni Ralph Santiago.Kilala niya ang lalaki. Hindi ito basta-basta sumusuko kapag may gusto. Mapanlinlang, tuso, at sanay na nakukuha ang lahat ng nais nito. Kaya kahit pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na pananakot lamang iyon, hindi pa rin maalis ang kaba sa kanyang dibdib."Sana naman hindi niya totohanin ang mga sinabi niya..." bulong niya sa sarili.Napatingin siya sa kabilang bahagi ng kama.. walang tao. Muli siyang sinundot ng lungkot. Hindi nga talaga umuwi si Wesley.Alam naman niyang may posibilidad na hindi ito makakabalik kagabi, ngunit may isang bahagi pa rin ng puso niya na umaasang bubukas ang pinto ng kanilang silid at yayakapin siya nito bago matulog.Pero wala, mag-isa siyang natulog, mag-isa siyang nagising.Napabunton

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 89

    VIVIAN POV:Kasalukuyan siyang nasa kwartong ilang buwan na niyang pinapangarap na maging tahanan nila ni Wesley bilang mag-asawa. Nakatitig siya sa relong nakasabit sa dingding. alas-nuwebe na ng gabi.Napabuntong-hininga siya habang mariing niyayakap ang unan. Dati-rati, bago pa man sumapit ang ganitong oras ay naririnig na niya ang tunog ng sasakyan ni Wesley sa driveway. Para bang palaging excited itong makita siya. Kahit gaano pa ka-busy sa kompanya, nagagawa pa rin nitong umuwi nang maaga para sabay silang maghapunan.Pero ngayon… pakiramdam niya ay unti-unti siyang iniiwasan nito.Hindi niya alam kung bakit. Kung kailan nalalapit na ang kasal nila, saka naman tila nanlamig ang lalaki. Noong nasa Cebu sila para asikasuhin ang expansion project ng Tala Airways, masaya naman silang dalawa. ... Pero pagbalik nila sa Manila, parang may nagbago.“May iba na kaya siya?” mahina niyang tanong sa sarili.Napakunot ang kaniyang noo. Isa iyon sa mga bagay na pinakaayaw niya sa lahat... ang

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 88

    Nanatiling nakaupo si Nikita sa kanya, magkayakap sila habang naghahabol ng hininga.“Niks?” pukaw niya dito.Dahan-dahang tumingin sa kanya ang nobya. “Kieran?... Ikaw ba talaga ‘yan?”Ngumiti siya. “Yes, baby. It's me...”Muli siya nitong tinitigan na parang sinisigurado, saka muling niyakap ng mahigpit.“Huhuhuh… may mga lalaking pinaamoy ako kanina ng panyo na may gamot. Pilit nila akong dinadala dito. Mabuti at nakita mo ako... Kung hindi ay baka kung ano na ang ginawa nila sa akin, huhuhuh!...”“Shh, baby. I will not let that happen...”Hinihaplos niya ang buhok nito para aluin. Nasa ganoon pa din silang posisyon, ang pagkalalak* niya ay nasa loob pa din ng nito.“Who are those guys? Kilala mo ba sila?”Umiling si Nikita. “Hindi, ngayon ko lang sila nakita.”“Why didn't you answer my calls?”“Naiwan ko ang cellphone sa bahay.”Humugot siya ng malalim na hininga. “Next time huwag kang umalis na hindi ako kasama. Sikat ka at madami ang nakakakilala sa’yo. Bukas na bukas din ay mag

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 87

    “N-nikita? Gising ka na, baby?…” Hinahaplos niya ang mukha nitong basang-basa ng pawis. “Hey, listen to me… safe ka na. Andito na ako…”Unti-unting iminulat ni Nikita ang mga mata nito at kinilala siya.“K-Kieran?” agad na pumatak ang luha nito sa mata.Ngumiti siya pero hindi pa din nawawala ang kanyang pangamba. “Yes, wifey, it's me... you're safe now.”Niyakap niya ito ng mahigpit. “I feel hot...”“H-huh?”“Ang init...”Sandali siyang natigilan. Naka-on naman ang aircon at malamig ang loob ng kwarto.“What do you mean?”“Take off my clothes, Kieran… naiinitan ako.”“W-Why?”Hindi na sumagot pa si Nikita at ito na mismo ang naghubad ng sarili nitong damit. Nag-undergarments na lang ang natira dito at tinulak siya nito pahiga sa kama at sinakyan, nakabukaka ang dalawa nitong hita sa katawan niya.“Take me, Kieran… I feel hot. I can't take it anymore.”Parang sinasaniban si Nikita ng ibang espirito. Hindi ito ang Nikita na kilala niya na mahinhin at malambing magsalita. “Oh god, Nik

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 86

    Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya, sandali siyang natigilan.“Pero sabi ng taga-front desk dumating na siya!”Nagkatinginan ang lahat, halatang nagtataka rin.Habang naguguluhan ang lahat ay napatingin sila nang may nagsalita.“Hi, guys!…”Sabay-sabay silang napalingon nang marinig ang boses ni Nicole. Nakangiti itong papalapit ngunit agad ding natigilan nang makita siya.“K-Kieran? Andito ka?”“Yeah. Why? Am I not invited?” malamig niyang sagot.“H-Hindi naman… I thought nasa Davao ka...” natatarantang sabi ni Nicole.“Kakarating ko lang.” Diretso siyang tumingin dito. “Is Nikita here? Nakita mo ba siya?”Napakurap si Nicole. “Huh? Dumating na ba siya? Hindi ko pa siya nakitang pumasok.”Doon na tuluyang bumigat ang dibdib niya. May kakaibang takot na unti-unting gumapang sa kanyang katawan, isang bagay na hindi niya maipaliwanag.Bigla siyang tumalikod at mabilis na naglakad palabas ng ballroom.“Kieran, wait! Saan ka pupunta?” habol ni Nicole ngunit hindi niya ito pi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status