Share

CHAPTER 9

Penulis: dyowanabi
last update Tanggal publikasi: 2026-04-07 09:54:26
Umuwi siya sa kanyang condo na halos hindi na makalakad sa sobrang kalasingan. Mabuti na lang at kahit papaano ay nakauwi pa siya nang maayos, kahit hilo at lutang ang isipan. Naiirita pa rin siya sa alaala ng pamimilit ni Nicole na sumama ito sa kanya, para itong desperadong aso na in-heat palagi.

Pero wala siyang gana. Kahit kailan, hindi niya hinanap ang ganung klaseng aliw, lalo na ngayon na ang buong sistema niya ay punong-puno ng isang pangalan.... Si Nikita.

Hindi siya dumiretso sa baha
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
..................... ANO KAYO NGAYON???
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 331

    Hindi naman nagtagal ay muli nang bumalik si Elara sa sofa kung saan ito natutulog. Pero sa halip na makaramdam siya ng ginhawa, lalo lang hindi mapakali si Nikita.Ilang beses siyang nagpalit ng posisyon sa pagkakahiga. Minsan ay humaharap siya sa kabilang panig, saka muling tatalikod. Pero kahit anong gawin niya, tila ayaw siyang dalawin ng antok.Sa tuwing pipikit siya, ang mukha ni Elara ang sumasagi sa kaniyang isipan. Mas lalo na ang aninong nakita niya sa likod ng kurtina kanina. Hindi niya maalis sa isip ang kakaibang pakiramdam na tila may kung anong hindi tama sa babaeng iyon.Napabuntong-hininga siya at mariing ipinikit ang mga mata. Pero ano nga ba ang kinatatakutan niya? Wala naman siyang nakitang aktuwal na ginawa ni Elara para saktan siya. Bukod pa roon, naroon si Kieran sa kaniyang tabi. Kung may mangyari man, hindi naman siguro siya nito pababayaan.Baka naman ako lang ang gumagawa ng problema sa isip ko, sa wakas ay naisip niya.Marahil ay dala lang iyon ng pagod at

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 330

    Ilang sandali silang nagtitigan. Sa huli ay marahang hinawakan ni Kieran ang kamay niya, pero hindi agad gumanti ng hawak si Nikita.Hindi niya gustong palakihin ang usapan. Ayaw rin niyang maging dahilan para lalo pang mabalisa si Elara, na malinaw namang hindi pa nakakabawi sa takot na pinagdaanan nito.Pero hindi rin niya kayang magkunwaring ayos lang ang lahat. Minsan, hindi naman talaga ang mismong desisyon ang pinagmumulan ng tampuhan. Kundi ang pakiramdam na hindi man lang siya isinama sa pagdedesisyon. At ngayong gabi, iyon mismo ang naramdaman niya.Hindi siya nasaktan dahil pinili ni Kieran na tulungan si Elara. Nasaktan siya dahil sa isang iglap, tila nakalimutan ng nobyo na mayroon din siyang boses, damdamin, at karapatang magtakda ng hangganan sa sarili nilang relasyon.Dahan-dahan niyang binawi ang kaniyang kamay at inayos ang unan sa kama."Let's just get some sleep," malamig niyang sabi."Niks...""Please, Kieran. Ayoko nang makipagtalo."Napabuntong-hininga ang lalaki

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 329

    Samantala, tila hindi naman napansin ni Elara ang pagkainis niya. O baka naman napansin nito pero pinili lang na huwag pansinin. Sa halip na magpatuloy sa paghingi ng paumanhin, tumayo ito at naglakad patungo sa sofa. Doon ay maingat nitong inilapag ang unan at inayos ang maliit na puwestong tutulugan."Don't worry," nakangiting sabi nito habang lumilingon sa magkasintahan. "Hindi ako naghihilik, at hindi rin ako maingay. Matulog lang kayo diyan na parang wala ako. You won't even notice I'm here."Pagkasabi niyon ay umupo na ito sa sofa at muling niyakap ang unan.Hindi na sumagot si Nikita. Ngumiti lang siya nang pilit, bagaman sa loob-loob niya ay gusto na niyang tumili sa sobrang pagkadismaya. You won't even notice I'm here? Paano niya hindi mapapansin ang presensiya nito gayong sa mismong silid nila ito matutulog?At paano siya magiging komportable kung sa tuwing titingin siya sa paligid ay maaalala niyang may ibang babaeng naroroon, ilang hakbang lang ang layo mula sa kanilang ka

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 328

    Halos hindi makapaniwala si Nikita sa kaniyang narinig. Nanlaki ang kaniyang mga mata at ilang sandali siyang natigilan, tila sinusubukang tiyakin kung tama ba ang pagkakarinig niya. Baka naman nagbibiro lang si Kieran. Baka may iba itong ibig sabihin.Pero nang makita niya ang seryosong ekspresyon ng nobyo, tuluyan nang naglaho ang pag-asang iyon."What?" mariin niyang bulalas. Did he just say that?Hindi niya napigilang mapataas ang boses. Hindi lang dahil sa desisyong ginawa ni Kieran, kundi dahil tila hindi man lang nito naisip na konsultahin siya bago magpasya tungkol sa kanilang private space. Silid nila iyon, silid na dapat ay lugar ng kanilang pahinga, katahimikan, at mga sandaling sila lang ang magkasama. At ngayon, basta na lang nitong ipinasiya na may ibang babaeng makikitulog doon?"Kieran, are you out of your mind?" Hindi makapaniwalang napailing siya. "You're actually going to let her sleep in our bedroom? In OUR bedroom?""Niks, it's just for one night," mahinahong sago

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 327

    Ang kamay ni Kieran ay nakapahinga na sa baywang ni Nikita. Nakapikit na rin ito at tila ba wala nang balak pang makipag-usap. Sa paraan ng pagkakahiga nito, para bang ipinahihiwatig nitong tapos na ang kanilang usapan at oras na para matulog.Napasimangot siya. Marami pa sana siyang gustong sabihin sa asawa. May ilang bagay pa siyang gustong linawin at mga tanong na nais niyang masagot. Pero nang makita niyang tila tuluyan nang sumuko si Kieran sa antok, napagpasyahan na lang niyang sarilinin ang mga iyon.Fine! Matulog ka na kung gusto mo! Naiinis niyang bulong sa isip. Huminga siya nang malalim at inayos ang pagkakahiga. Pilit niyang pinakalma ang sarili habang unti-unting ipinikit ang mga mata. Sa wakas, baka sakaling makapagpahinga na rin siya matapos ang mahabang araw.Pero bago pa man tuluyang lamunin ng antok ang kaniyang diwa, isang mahinang katok ang biglang umalingawngaw mula sa pintuan.Tok... tok... tok...Napadilat siya. Napakunot naman ang noo ni Kieran bago dahan-dahan

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 326

    Sa isang banda, hindi naman niya maitatangging nauunawaan niya ang nararamdaman ng dalaga. Matapos ang insidenteng nangyari sa mall, hindi rin naman kataka-takang makaramdam ito ng takot at pangamba. Kung talagang pakiramdam ni Elara ay may mga taong nagmamasid dito, natural lang na humanap ito ng taong makapagbibigay rito ng kapanatagan.Pero kahit nauunawaan niya ang sitwasyon, hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng sama ng loob. Hindi naman niya ipinagbabawal kay Kieran na samahan si Elara. Ang sa kaniya lang, sana ay naisip man lang ng lalaki na ipaalam sa kaniya kung saan ito nagpunta. Hindi sana siya nag-alala at nag-aksaya ng oras sa paghahanap dito sa buong bahay.“Wifey…” tawag ni Kieran, bahagyang nakakunot ang noo habang pinag-aaralan ang ekspresyon ng kaniyang mukha. “Huwag ka nang magtampo. We really lost track of time. Hindi namin namalayang ang tagal na pala naming nagkukuwentuhan.”Pagkasabi niyon ay tumayo na ito at lumapit sa kaniya. Marahan nitong hinawakan ang k

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 1

    NIKITA MAGDRIGAL POV: "Keiran..." Halos pabulong na anas niya habang ang hininga ay naghahabol sa bawat dampi ng labi ng lalaki. "Yes, wifey? Masarap ba, hmmm?" malat na tanong ni Keiran. Ang boses nito ay parang humahaplos sa kanyang pandinig, mapanukso at puno ng pag-uudyok. "Baka... baka may

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 5

    Napatingin siya sa lalaki. Hindi niya alam na marami palang nakakakilala sa kanya... lalo na si Kieran, tinawag siya nito sa kanyang pangalan kanina.Pagdating nila sa wedding booth ay ganoon na lang ang kanyang pagkagulat nang doon din si Kieran at tila may hinihintay.“Bro, here’s your bride.”“H

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 4

    Napadilat siya nang marinig ang bulong ni Kieran. Napahiya siya dahil nakaawang pa ang kanyang mga labi, as if she wanted more. Hindi niya napansin na tapos na pala siyang halikan nito.“Get off me!" Tinulak niya ito palayo, pero parang walang nangyari, ni hindi ito gumalaw sa kinatatayuan.“Bakit

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 3

    FLASHBACK FIVE YEARS AGO (Fourth Year High School):“Kiss! Kiss! Kiss!”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nikita Valencia nang kunin ang kanyang piring sa mata. Nasa loob siya ng kissing booth, at ang kanyang kaharap ay walang iba kundi si Kieran Del Toro!Si Kieran ay ang kanyang long-time c

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status