Beranda / Romance / THE WEIGHT OF THE VEIL / THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 134

Share

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 134

Penulis: MIKS DELOSO
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-16 18:04:25

Unang Gabi ng Pagpupuyat:

Umuugong ang katahimikan ng mansion sa gitna ng gabi. Labas sa malamlam na liwanag mula sa lampshade sa nursery room, madilim ang buong paligid—ngunit ang tahimik na gabi ay biglang napunit ng malakas na iyak.

“Waaah! Waaaah!”

Nagising si Klarise, bigla siyang napaupo sa kama na parang nasunog. Napatitig siya sa crib—si Luna, pulang-pula na ang mukha, ang maliliit na kamay ay nakataas habang umiiyak nang ubos-lakas.

“Louie!” sigaw niya, tinutulak ang balikat ng asawang mahimbing na natutulog pa. “Si Luna! Umiiyak! Bakit ang lakas?”

Nagmulat ng mata si Louie, namumungay, pero agad tumayo. “Baka gutom? O baka may lamok? Baka may masakit?”

"Akala ko ba tulog 'yan hanggang umaga? Sabi nila pag breastfed, mahimbing," halos mapaiyak na si Klarise habang karga ang bata at palakad-lakad sa loob ng silid.

“Luna, baby, bakit? Mommy’s here… shhh…” bulong niya, pilit pinapakalma ang anak habang nagsisimula nang pawisan sa kaba.

Naglakad si Louie papunta sa kanila, hawak
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 134

    Unang Gabi ng Pagpupuyat:Umuugong ang katahimikan ng mansion sa gitna ng gabi. Labas sa malamlam na liwanag mula sa lampshade sa nursery room, madilim ang buong paligid—ngunit ang tahimik na gabi ay biglang napunit ng malakas na iyak.“Waaah! Waaaah!”Nagising si Klarise, bigla siyang napaupo sa kama na parang nasunog. Napatitig siya sa crib—si Luna, pulang-pula na ang mukha, ang maliliit na kamay ay nakataas habang umiiyak nang ubos-lakas.“Louie!” sigaw niya, tinutulak ang balikat ng asawang mahimbing na natutulog pa. “Si Luna! Umiiyak! Bakit ang lakas?”Nagmulat ng mata si Louie, namumungay, pero agad tumayo. “Baka gutom? O baka may lamok? Baka may masakit?”"Akala ko ba tulog 'yan hanggang umaga? Sabi nila pag breastfed, mahimbing," halos mapaiyak na si Klarise habang karga ang bata at palakad-lakad sa loob ng silid.“Luna, baby, bakit? Mommy’s here… shhh…” bulong niya, pilit pinapakalma ang anak habang nagsisimula nang pawisan sa kaba.Naglakad si Louie papunta sa kanila, hawak

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 133

    “Ang laki pa rin ng bahay niyo,” wika ni Klarise habang tahimik na pinagmamasdan ang paligid. “Hindi ko pa rin siya makasanayan kahit ilang beses na akong nakapunta rito.”Ngumiti si Louie. “Hindi na lang ito bahay, Klarise. Simula ngayon, tahanan na natin ’to. Lahat ng pintuan dito para sa ’yo, at higit sa lahat, para kay Luna.”Luminga-linga si Klarise. Nakatingin sa kisame, sa hagdan, sa mga kurtina—lahat pamilyar, pero ngayon, parang bago na ang lahat. “Para akong nangangarap,” mahina niyang sabi. “Parang kahapon lang, iyak ako nang iyak sa ospital... hindi ko alam kung kakayanin ko. Tapos ngayon, buo na tayo.”Dumantay ang baba ni Louie sa balikat niya habang si Luna’y nakadantay sa dibdib nito. “Akala mo lang yun,” bulong niya. “Kahit umiiyak ka noon, matapang ka pa rin. Klarise, hindi mo lang alam kung gaano kita hinangaan habang pinapanganak mo si Luna. Para kang reyna sa gitna ng digmaan.”Napatawa si Klarise sa gitna ng luha. “Ano ba ’yang description mo, para akong gladiato

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 132

    Pag-uwi ng Pamilya RayNagmistulang isang panaginip ang huling araw ni Klarise sa ospital. Magkahawak ang kanilang kamay habang nakaabang sa discharge, ramdam pa rin niya ang kaba, ngunit higit doon, ang pananabik. Sa kanyang mga bisig, tahimik na natutulog si Luna, balot sa kulay rosas na kumot na binurda ng pangalan nito.Sa kanyang tabi, hindi bumibitaw si Louie. Ang dating palaging seryoso, palaging abala sa oras at obligasyon, ngayo’y tila nakatuon lamang sa bawat pintig ng hininga ni Luna. Halos hindi na siya nagsasalita, pero ang titig niya sa kanilang anak ay sapat na para magsalita ng libo-libong emosyon.Paglapit ng nurse, bitbit ang clipboard at mga papeles, ngumiti ito sa kanila.“Mrs. Ray, Mr. Ray… ready na po lahat. Naayos na ang discharge. Pwede na kayong umuwi.”Bago pa man makasagot si Klarise, dumating ang buong entourage—ang dalawang pamilya na parang sabik na sabik na sa pag-uwi nila. Si Georgina ang unang sumalubong, halos maiyak sa tuwa nang makita si Luna.“Ay,

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 131

    Makalipas ng ilang buwan ay kabuwanan.Malakas ang ulan sa labas. Bawat patak nito sa bubong ng mansiyon nina Louie at Klarise ay tila kasabay ng kaba sa dibdib ni Louie. Makalipas ang walong buwan at dalawampu’t walong araw ng paghihintay, narito na sila—sa huling sandali bago dumating ang pinakaimportanteng tao sa kanilang buhay: si Luna.“Ayoko na ng pakwan,” reklamo ni Klarise habang nasa sofa, hawak ang tiyan na halos sumakop na sa kalahati ng kanyang katawan. “Ang init. Ang bigat. At ang pakwan, Louie, bakit ba ‘yan lagi ang pinapabili mo sa akin?”“Love,” sabay upo ni Louie sa tabi niya at hinagod ang kanyang likod, “dati sabi mo gusto mo ng pakwan. Baka lang kasi gusto mo ulit.”“Yung dati, three weeks ago ‘yon. Ngayon, gusto ko ng tahimik. Gusto ko ng malamig na simoy ng hangin. Gusto ko ng—” bigla siyang napahinto at napatigil ang hininga.“Okay ka lang?” agad ang tanong ni Louie, kitang-kita sa mukha ang pag-aalala.“Teka lang…” napapikit si Klarise. “Louie… I think—oh my G

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 130

    Maaga pa lang ng Sabado, nasa isang mamahaling baby store na sina Klarise at Louie kasama ang kanilang mga magulang. Halata ang kasabikan ng mga ito habang nag-iikot sa mga aisle, tila ba sila ang magkakaanak.“Grabe, Klarise,” wika ni Mommy Pilita habang may hawak na apat na pirasong baby onesie na puro ruffles at may print na ‘Little Princess.’ “Ang tagal ko nang hinihintay na magkaroon ng babaeng apo. Sa wakas, may Luna na tayo!”“Mama,” natatawang sagot ni Klarise, “isang baby lang po, hindi po fashion show.”“Excuse me,” sagot ni Pilita habang tinutupi ang damit para i-test kung gaano kalambot. “Ang baby, parang bahay. Kailangan kompleto. May wardrobe, may furniture, may chandelier.”“Chandelier?” napabulalas si Louie. “Sa nursery?”“Oo naman,” sabat ni Mommy Georgina na kasalukuyang nakatuon sa section ng mga bote. “Hindi pwedeng basta ilawan lang. Apo ng trillionaire ‘yan. Dapat sosyal.”“Baka gusto niyong magpalagay na rin ng red carpet sa crib,” ani Klarise habang umiiwas sa

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 129

    Hindi pa rin makapaniwala si Klarise habang yakap ang isang pink na stuffed bear.“Grabe,” bulong niya. “Hindi pa rin ako makapaniwala. Baby girl nga talaga. Si Luna. Si baby Luna.”Umupo si Louie sa tabi niya, pinisil ang kamay ng asawa. “Parang kahapon lang sinusukat ko kung kakasya ba ‘yung maliit na bassinet sa tabi ng kama natin.”“Ngayon may pangalan na siya,” sagot ni Klarise, punong-puno ng emosyon ang tinig. “May identity na. May pink closet na nga rin siya. Apat na drawer puro booties at headbands.”“‘Yung isa doon, puro milk bottles,” natatawang tugon ni Louie. “Ang dami, akala ko may milk factory ka sa loob.”“Kasalanan mo ‘yun,” umirap si Klarise pero nakangiti. “Ikaw bumili ng apat na set ng bottle warmer. Para raw hindi na ako maglalakad-lakad sa gabi.”“Syempre. Ayoko nang pinapawisan ka kahit midnight. Ako na ang taga-init. Ako na rin ang taga-burp. Ako na rin ang yaya. Basta ikaw, pahinga lang.”“Pangako mo ‘yan ha.”“Pangako ko ‘yan. Basta pangako mo rin, huwag mo n

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 128

    “Pero Mahal, please, ‘wag mong kagatin agad ang cake bago ko sabihin ang line,” warning ni Klarise.“Eh kung gutom na ako?” biro ni Louie.“Makakalimutan ko talaga ‘yung gender, ikaw talaga.”Sa gabi bago ang party…Magkayakap sina Klarise at Louie sa kama, nakatingin sa kisame.“Bukas na…” bulong ni Klarise. “Malamang ilang oras na lang, malalaman na natin kung little princess or little prince.”“Kahit sino pa siya, Mahal, ang mahalaga… ikaw ang mommy niya. At ako ang daddy. That’s already perfect.”“May kaba ka pa ba?” tanong ni Klarise.“Meron. Pero mas excited ako.”“Same. Sobrang saya ko, Mahal. Kasi dati akala ko… wala na tayong chance.”“Ngayon, may isa na tayong buong mundo na sabay nating bubuuin.”Kinabukasan ay araw na Gender Reveal Party.“Okay, Klarise, last touch na lang!” sigaw ni Jenna, ang ever energetic na kaibigan niya habang inaayos ang blue and pink tassels sa veranda ng venue.“Feeling ko parang kasal ulit ‘to,” natatawang sabi ni Klarise habang nakaupo sa isang

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 127

    Naka-upo sila sa couch ng condo, napapalibutan ng sample invitation cards, fabric swatches, at cake design pegs na may nakasulat na “Team Girl” o “Team Boy.”“Copy. No spoilers. Pero paano natin pipigilan si Tita Rowena na hindi magdala ng pink na balloons sa party? Alam mong may ‘instinct’ daw siya, ‘di ba?”“Ugh! Hindi ko makakalimutan ‘yon!” tawa ni Klarise. “Noong baby shower ni Cams, may dala na agad siyang onesie na may embroidery na ‘It’s a girl!’ Eh lalaki pala!”“Classic Rowena. Siguro ang strategy natin… distraction,” sagot ni Louie, sabay kindat.“Like what?” kunot-noong tanong ni Klarise habang sinisimsim ang mainit na gatas.“Tayo mismo ang gumawa ng fake hula! Parang ‘hmm feeling ko boy to, grabe akong magsuka eh’ tapos sasabihin ko naman ‘siguro girl, sobrang clingy ka lately.’ Tapos sila na mismo ang malilito!”Natawa si Klarise. “Ay gusto ko ‘yan. Psychological warfare!”“Exactly. Labas ang pagka-Dr. Strange natin. Multiverse of gender confusion!”Sumunod na araw, sa

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 126

    Kinabukasan. “Love, siguradong may parking dito?” tanong ni Klarise habang nakasandal sa passenger seat, suot ang komportableng maternity dress at light pink cardigan. Bitbit ang folder ng mga prenatal records.“Meron, Mahal. Maaga tayong umalis ‘di ba? Para sayo, laging may reserved spot sa puso ko—at sa parking,” sabay kindat ni Louie habang pinapihit ang manibela.“Corny,” sabay ngiti ni Klarise. “Pero cute ka pa rin.”Pagkarating sa clinic ni Dr. Angelica Rosales, ang OB-GYN nila, agad silang pinaupo ng assistant at binigyan ng tubig. Panay ang tapik ni Louie sa hita ni Klarise habang naghihintay.“Excited ka?” tanong niya habang minamasahe ang likod ng kamay nito.“Super. Pero kabado rin. Lalo na’t second trimester na,” sagot ni Klarise habang hawak ang tiyan. “Sana okay si baby…”“Si baby Luna o baby Liam…” pahabol ni Louie.“Wala pang pangalan ang opposite, Mahal. Huwag mo munang i-claim,” natatawang singit ni Klarise.Ilang saglit pa, tinawag na sila ng nurse. “Mr. and Mrs. R

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status