Beranda / Romance / THE WEIGHT OF THE VEIL / THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 3

Share

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 3

Penulis: MIKS DELOSO
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-10 17:37:04

Pero para kay Klarise, wala siyang pinagkaiba sa isang bangungot na nagkatawang-tao. "Dapat ikaw ang sumuko muna, hindi ako!" mariin niyang sagot, pilit pinipigil ang galit. Napailing siya. "Oh, so ganito na lang? Pataasan tayo ng pride?"

 "Exactly! Kung sino ang unang sumuko, talo!"

 "Alam mo, nakakabaliw ka." "Salamat! At kung susuko ka na, mas lalo akong matutuwa!" Biglang umubo ang pari sa harapan namin, halatang naguguluhan. 

"Tuloy pa ba ang kasal?" Saglit na napalingon sa paligid si Klarise. Ang buong cathedral ay tahimik, puno ng tensyon. Ang mga bisita ay hindi kumikibo, hinihintay ang susunod na mangyayari. Ilang dekada nang pinlano ng mga pamilya namin ang kasal na ito, at ngayon, lahat sila'y nakatingin sa kanilang dalawa, parang nanonood ng isang scandalous live show. 

Pero bago pa kami makasagot ni Louie— "Tuloy po, Father, ang kasal nila." Sabay pang nagsalita ang mga magulang nila. "ANO?!" sabay nilang sigaw ni Louie. Napanganga si Klarise na hindi makapaniwala. "Mommy, Daddy, please tell me this is a prank!"

Napalingon naman si Louie sa mga magulang niya. "Dad, Mom, seryoso?!" Pero seryoso ang mukha ng mga magulang nila. Para bang kahit anong sigaw nila, wala silang pakialam. "Hijos, we did this for you," malambing pero matigas ang boses ng daddy ni Louie. "This marriage will make both our families stronger."

Napailing si Louie. "So basically, business lang 'to. Hindi niyo man lang inisip kung gusto namin?" "Basta magpakasal na kayo," sabat ng mommy niya, walang bahid ng awa. "You’ll learn to love each other in time." 

"Tama na ang drama, Louie, Klarise," dagdag pa ng daddy ni Klarise. "The ceremony must go on." "The hell it will!" halos pasigaw na sagot ni Louie. "Hindi ako pumapayag!"

 "Ako rin!" bumwelta niya. 

"Walang-wala kayong makukuha sa akin kung akala ninyo magpapakasal ako ng ganito!"

Nakita niyang kumindat ang daddy niya sa mga bodyguard. At bago pa siya makatakbo, bigla na lang naramdaman ang mabibigat na kamay na humawak sa magkabilang braso niya. "Oh, come on!" sigaw ni Louie. Napalingon sa kanya si Klarise, at pareho silang nakulong sa bisig ng mga bodyguard.

 "This is kidnapping!" sigaw niya. "We can sue you for this!" 

"Oh, siya," sagot ng mommy niya. 

"Idemanda mo kami. Pero pagkatapos ng kasal, ha?"

Wala kaming nagawa kundi magpatianod sa sitwasyon. Pareho sila ni Louie na pilit na dinala sa altar, habang ang mga bisita ay nagbubulungan, tila nag-e-enjoy sa kahihiyan nila. Tiningnan ni Klarise si Louie. Mas lalo siyang gumwapo sa inis, pero kahit gaano pa siya kagwapo, hindi nito binabago ang katotohanang wala siyang balak pakasalan ito.

"We are gathered here today to witness the union of Louie Ray and Klarise Olive," panimula ng pari. "In the presence of God, family, and friends—" 

"Father, wait!" singit ni Louie, halos desperado. "Hindi ba pwedeng pag-isipan muna ‘to? One year? Two years? Mga ten years, gano’n?"

 "Father, may annulment form po ba kayo?" sabat ni Klarise. Napapikit ang pari at tila napabuntong-hininga bago nagsalita ulit. 

"I will now ask both parties... Do you, Louie Ray, take Klarise Olive to be your lawfully wedded wife?" Napatingin si Klarise kay Louie. Nakita niya sa mukha nito ang matinding pagtutol. Gusto ni Klarise na sumigaw ng HINDI! Pero nakita niyang hawak ng daddy niya ang cellphone niya, at alam niyang ang laman ng text message niya ay isang bagay na ayaw niyang basahin. Malamang nakasulat doon: "Say no, and say goodbye to your entire fortune."

Huminga siya ng malalim. "I do." Naramdaman niya ang panghahamak sa titig nito. "Kapal ng mukha mo," bulong niya. "Ikaw na ang susunod," balik-bulong niya. Halos manigas siya sa galit. Tiningnan niya ang mga magulang niya, pero malamig ang tingin nila na tila sinasabi, "Subukan mong hindi sumagot nang tama, at malalaman mong galit namin ang pinakamalaking parusa." Huminga siya ng malalim. "I… do."

The Kiss From Hell Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga tao. At doon siya kinabahan. 

"You may now kiss the bride," sabi ng pari. "ANO?!" sabay silang sigaw ulit ni Louie. Lumingon ito sa kanya, gulat at takot sa mata nito. Siya naman, tila gustong iuntog ang ulo sa altar. Lumapit ito sa kanya, kita ang kaba sa mukha niya. "Huwag kang magkakamali, Louie." Babala niya, nakatingala sa kanya. "Ikaw rin," sagot niya, nakatingin sa labi ni Klarise.

"Then let’s get this over with." Dahan-dahan itong yumuko, at napapikit na lang si Klarise, pilit nilalabanan ang inis. 

At— Isang mabilis at pilit na halik. Isang halik na parang parusa. Isang halik na nagpapatunay kung gaano nila kinasusuklam ang sitwasyong ito. Ngunit kahit ganoon, may kakaibang spark na dumaloy sa katawan niya. At doon niya napagtanto—kahit gaano niya kamuhian ngayon… delikado ang halik na ito. Dahil may isang parte sa kanya na gustong ulitin ito.

Pagkatapos ng halik, ang katahimikan sa paligid ay naputol ng matinding palakpakan. Ang mga magulang nila, si Philip at Georgina Ray, at si Pilita at Hilirio Olive, ay nagkatinginan, at hindi nila napigilang magtagumpay ng ngiti. Ang kanilang mga anak ay, sa wakas, magkasama sa isang kasunduan na pinili nilang huwag labanan, at sa kanilang mga mata, ito ay tagumpay.

Si Philip at Georgina, na may mga matang naglalaman ng pagpapala at kasiyahan, ay hindi naitago ang labis na kaligayahan. Ang mga magulang ni Louie ay tumayo at nagpalakpakan, ang bawat palakpak ay may kasamang malalaking ngiti ng tagumpay at pagtatagumpay ng kanilang plano. Si Pilita at Hilirio naman ay halos magka-tinging puno ng kasiyahan, ang kanilang mga mukha ay naglalaman ng pride at sigurado sa kanilang mga anak.

"At last," sabi ni Pilita, sabay niyakap si Klarise at Louie. "Ang mga anak natin, magkasama na."

Habang ang buong paligid ay punong-puno ng palakpakan, ang mga mata ni Klarise at Louie ay hindi nagtaglay ng kagalakan na inaasahan ng lahat. Wala silang halakhak o saloobin na gaya ng iba. Ang mga mata nila ay puno ng kalituhan, ng pag-aalangan. Ngunit para sa kanilang mga magulang, isang napakagandang sandali ito.

"Ngayon, pwede na kayong magsimula ng bagong buhay," sabi ni Hilirio, ang boses niya puno ng kasiyahan. "Walang makakapigil sa inyo."

Si Louie at Klarise, bagamat magkahalong emosyon, ay tumingin sa isa't isa. Alam nila na ang tunay na buhay nila ay nagsisimula ngayon, kahit pa ang kaligayahan ng iba ay hindi tumugma sa kung ano ang nararamdaman nila sa kaloob-looban.

"Magandang simula," bulong ni Louie, ngunit ang mga salitang iyon ay may kalungkutan sa tono.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang mga palakpak at saya ng lahat ay patuloy. Sa mga mata ng kanilang mga magulang, si Louie at Klarise ay parehong bagong mag-asawa—bagong kasunduan, bagong pag-asa—subalit ang tanong ay kung hanggang kailan nila magagampanan ang papel na ipinataw sa kanila ng mga ito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
belledavid42m
Kakakilig ...️...️...️...️
goodnovel comment avatar
Trish
nakakatuwa
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 181

    Hindi agad sumagot si Louie. Tinanggap niya ang singsing, pinagmasdan ito. Tila binabasa niya ang bigat ng bawat pagkakabuo nito—ang pangakong nakaukit sa ginto, kahit hindi niya maalala ang mismong araw.“Sa puso ko… pakiramdam ko, hindi ko ito inalis,” sabi niya, sabay suot ng singsing sa sarili niyang daliri. “Ngayon… isusuot ko na uli. Sa buhay ko.”Napaluha si Klarise. Lumapit siya, at sa harap ng kama nilang dalawa, walang sinuman kundi sila, hinalikan niya ang noo ng asawa.“Welcome home, mahal ko.”Tumayo si Louie sa wheelchair, pinilit kahit manghina. Hinawakan niya ang kamay ni Klarise.“Ako naman. Ako ang dapat magsabi niyan.”Lumuhod si Louie. “Klarise Olive Ray… salamat. Sa lahat. Sa pagkapit. Sa pagmamahal. Sa pagpilit sa’kin kahit wala akong maibalik. Ngayon, handa na akong ibalik lahat. Handa na akong maging asawa mo, tatay ni Luna, at lalaking muling pipili ng tahanang ito… araw-araw.”Napayuko si Klarise at niyakap siya nang mahigpit. Hindi na sila nagsalita. Niyakap

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 180

    “Louie…” sabi ni Klarise, dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa tenga nito. “Kung naririnig mo ako… sabihin mo lang ang pangalan ko. Kahit pabulong. Kahit sa isip mo lang.”Tahimik na ilang segundo.Hanggang sa…“...Kla…”Mala-hiningang tunog. Halos hindi marinig. Pero dumaan sa pandinig ni Klarise na parang kulog mula sa langit.Napasinghap siya. “Louie?!”Nanginig ang mga labi ni Louie. Nakapikit pa rin ang mga mata, pero gumalaw ang bibig.“...Klarise…”Parang huminto ang mundo.Tumulo ang luha ni Georgina. Si Philip ay napaupo, natulala. Si Pilita ay napahawak sa puso niya. Si Hilirio ay hindi na nakapagsalita, nakatingin lang sa anak ng anak niya na—sa wakas—bumalik.Klarise, nanginginig, yumakap sa dibdib ni Louie.“Diyos ko… bumalik ka…”“...Sabi ko naman sa’yo…” mahinang tinig ni Louie. “...hindi ko kayo iiwan…”“Louie…” lumuluhang bulong ni Klarise. “Mahal na mahal kita…”At sa wakas, dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Louie. Mahina, nanlalabo, ngunit nakatuon lamang sa i

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 179

    Bumaligtad ang mundo. Nawala sa linya ang langit. Nalubog sila sa malamig at malakas na agos ng tubig.Tubig. Hangin. Sigaw.“KLARISE!” sigaw ni Louie mula sa ilalim ng dagat, habang sinisid niya ang pamilyar na aninong lumubog. Hinanap niya ang kamay nito sa gitna ng bula at alon. Lumalaban siya sa hampas ng tubig, hanggang sa maabot niya ito.“Nandito ako!” sigaw niya, hinila si Klarise pataas.Pag-angat nila sa ibabaw, habol-hininga si Klarise, nanginginig, naluluha. “Louie…!”“Okay ka lang?” tanong niya, yakap siya ng mahigpit habang tinatahak ang bangka ng mga rescue personnel mula sa isa pang isla. Ngunit isang alon pa ang humampas.“Louie!”Ngunit sa isang iglap, si Louie ang nawalan ng balanse. Bumitaw siya upang itulak si Klarise papalayo sa banggaan ng mga kahoy na bahagi ng bangka.Nakita ni Klarise kung paanong nilamon ng alon si Louie—wala nang salbabida, wala nang mahawakan.“LOUIE!” sigaw niya, nanginginig ang buong katawan. “LOUIE, HUWAG MONG IIWAN!”Mabilis ang mga pa

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 178

    Kinabukasan – Bandang alas-otso ng umagaLa Verda Beach Resort Pier, Batangas“Sure kayo po, Ma? Hindi po kayo mahihirapan kay Luna?” tanong ni Klarise habang yakap si Baby Luna, na ngayon ay gising na at ngumanganga habang sinisipsip ang sariling hinlalaki.“Anak naman!” sabat ni Pilita Olive, sabay agaw ng sanggol. “Hinintay ko ‘to buong buhay ko. Ako pa ba ang mahihirapan sa apo ko?”“Hayaan mo na ang Mama mo, iha,” dagdag ni Hilirio Olive, na hawak ang isang bote ng baby lotion. “Kanina pa ‘yan gising. Pati ako sinabihan nang, ‘Hil, kumuha ka ng gatas!’ Ni hindi ko alam kung anong formula ang tama, pero pinilit ko. Ganyan ang epekto ng apo—napapag-aralan kahit ang imposible.”Tawanan.Lumapit si Georgina Ray, naka-shades at nakabikining may cover-up. “At huwag mong kalimutan, Klarise, pediatrician ako. Hindi lang basta lola. Ang apo ko… nasa kamay ng isang propesyonal.”“Grabe kayo, Ma,” natatawang sabi ni Louie habang inaayos ang life vest ni Klarise. “Parang isang team of doctor

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 177

    Maagang sumilip ang araw sa kawalan, sumayaw sa puting kurtina ng kubo, at marahang dumapo sa pisngi ni Klarise. Nakahiga siya sa kama, nakatalikod kay Louie, yakap ang unan, at may banayad na paghinga. Tahimik ang paligid—tanging huni ng alon at ang mahinang ihip ng hangin ang nangingibabaw.Sa likod niya, si Louie—nakadilat, gising, ngunit hindi gumagalaw. Takot na baka magising si Klarise, takot na baka mawala ang payapang sandaling ito. Ngunit sa kanyang puso, may init—hindi init ng alaala, kundi ng damdamin na unti-unting sumusulpot. Buong gabi silang magkatabi, hindi para balikan ang nakaraan, kundi para damhin ang kasalukuyan.Hinayaan siyang manatili ni Klarise. Walang tanong, walang kondisyong inilagay sa pagitan nila. Kaya ngayon, heto siya—hindi bilang doktor, hindi bilang estranghero, kundi bilang Louie… ang lalaking muling natututo kung paano magmahal.Dahan-dahan siyang gumalaw, marahang inilapit ang sarili sa likod ni Klarise. Inabot niya ang buhok nito at maingat na in

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 176

    Humagulhol na si Klarise. “Hindi mo kailangang ligawan ako ulit. Mahal kita, Louie. Kahit ilang beses pa akong masaktan sa pagkawala mo, pipiliin pa rin kita.”Nagpalakpakan si Hilirio. “Ayos! Ibalik ang kasalan!”Tumawa si Philip. “Baka pwedeng sa susunod, mag-cruise wedding naman kayo!”“Hoy,” singit ni Pilita, “huwag muna nating ipressur—”Pero bago pa matapos, si Georgina na ang lumapit kay Klarise at niyakap siya ng mahigpit.“Salamat,” bulong niya. “Sa pagmamahal mo sa anak ko. Sa katatagan mo. Sa pagiging ilaw sa panahong wala siyang makita.”Umiyak si Klarise, yakap ang biyenan.At sa gitna ng tawanan, luha, at muling pagkilala, sumisikat ang araw sa harap nila—liwanag na nagsasaad ng bagong umaga.Hindi pa tapos ang laban, ngunit buo na ulit ang pamilyang minsang winasak ng isang trahedya.Tahimik ang dalampasigan, at ang mga alon ay tila nagkukuwento ng matatandang pangarap na muling binubuhay. Nakalapag ang mga ilaw sa paligid ng kubo sa tabi ng baybayin—maliliit, dilaw, at

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status