Ang ganda ng lakad ni Rena habang pababa sa may hagdan. Natatanaw niya ang mga tao sa baba. Ang mga bisita na naghihintay sa pagbaba ng nag-iisang anak ni Zack. Ngunit mula sa baba ay maririnig ang matinis na pag-iyak ni Zayn na pumukaw sa atensyon ng mga bisita na naroon.
“Wala bang balak na tumigil sa pag-iyak ang batang ito? Sa totoo lang ay naiirita na tainga ko sa kanya. Wala siyang pagkakaiba sa tunay niyang ina. Nakakaubos siya ng pasensya. Isa rin siyang basura.” saad ni Wanda.
“Mom, hindi mo dapat sinasabi ang mga kalokohan na iyan. Wala siyang kinalaman sa basurang ‘yon dahil anak siya ng kapatid ko. Si Zayn ay anak ng ate ko,” saad ni Rena sa kanyang ina.
Kaagad namang natigilan si Wanda nang marealize niya na dapat hindi niya sinasabi ang mga ganoong salita. Kaagad siyang tumingin sa paligid at mabuti na lang ay walang nakarinig sa kanya. Ayaw rin naman niya na malaman ng ibang tao ang tunay na pagkatao ni Zayn. Dahil magiging katapusan ito ng pamilya nila.
“Wala pa ba siya? Ano oras ba darating si Zack? Ano oras ka niya susundin, kayo ng bugwit na ‘yon?”
“Handa na ako pero ang problema ko ngayon ay ayaw makisama sa akin ni Zayn. Masyado niya akong pinapahirapan. Ngayon pa talaga siya nag-inarte,” saad ni Rena.
“Sa tingin ko ay wala siyang balak na tumigil sa pag-iyak kaya mas mabuti na turuan na natin siya ng leksyon. Para alam niya kung ano ba talaga ang tunay niyang katayuan dito.” dagdag pa ni Wanda.
“Hindi puwede, mommy. Hindi tayo puwedeng makita ng ibang tao na sinasaktan natin siya. Dahil kapag nagkataon na makita nila ay ano na lang ang sasabihin nila sa atin. Alam naman natin na hindi mahal ni Zack si Selina pero tunay niya anak si Zayn at tagapagmana niya ito. Kaya dapat tayong maging maingat.”
Kinamumuhian man ni Rena ang bata ngunit hindi niya mababago na isa itong heir ng pamilya Miranda. At ito ang magiging stepping stone sa mga plano niya. Hahayaan nila ito sa ngayon pero kapag hindi pa rin ito nakisama sa araw ng birthday niya ay babalikan niya ito para sa parusa na kanyang ibibigay.
Habang abala sila sa pag-uusap ay hindi nila namalayan na umaakyat na pala si Zayn sa may bintana.. Nais nitong lumabas sa madilim na silit. At isang malakas na tunog ang kanilang narinig na kumuha sa kanilang atensyon.
“Ano ang tunog na ‘yon?!” kaagad na tanong ni Rena.
“Nahulog si Senyorito Zayn!” sigaw nang tao sa labas.
“Ano? Nahulog? Nahulog mula sa taas ng bintana?” nanlaki ang mga mata ni Rena sa narinig at bigla na lang itong namutla sa takot.
Mabilis siyang lumabas para kumpirmahin ang nangyari at bumungad sa kanya ang nakahandusay na bata sa may sahig. Walang iba kundi si Zayn na nahulog mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Nakita niya na nagkalat ang dugo nito sa simento.
“Ano ang gagawin ko?! Ano?! Paparating na si Mr. Zack. Ano na ang gagawin ko, mommy?” natataranta na bulalas ni Rena.
Habang napapalibutan ng mga tao ni Zayn na nakahandusay sa sahig ay siya namang paparating na si Mr. Zack. Hindi alam ng pamilya Ramirez ang kanilang dapat gawin. At isa na doon si Rena na namumutla at pinagpapawisan ng malamig dahil sa hindi niya alam ang kanyang gagawin. Kilala niya si Zack at alam niya kung paano ito magalit.
Mabilis na tumakbo si Rena nang makita niya na papalapit na si Zack. sinalubong niya ito para ipaalam ang nangyari.
“Mr. Zack, si Zayn po ay nahulog sa bintana.” kaagad na saad niya.
Kaagad na nakita ni Rena ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Zack na siyang nagbibigay sa kanya ng kakaibang kilabot. Kaya kaagad siyang nag-isip ng puwede niyang sabihin sa lalaki. At bigla ring tumulo ang kanyang mga luha.
“Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari sa kanya. Nagkulong siya sa silid niya at ayaw niya akong kausapin. Hindi ko inaasahan na gagawin niya ang bagay na ito. Ako ang dapat sisihin dahil naging pabaya ako sa kanya. Sana ay hindi ko siya hinayaan na magkukong sa silid niya.”
“Nasaan siya?!” tanong ni Zack habang makikita sa mga mata niya ang labis na galit.
Kaagad namang tinuro ni Rena kay Zack ang bata na nakahandusay sa may sahig na naliligo sa sarili nitong dugo. Mabilis naman na lumapit si Zack sa kanyang anak. Naging tahimik ang buong paligid. Walang may gustong magsalita.
“Papatayin kita kapag may mangyari na masama sa anak ko! Tandaan mo ‘yan!” nanggigil sa galit na pagbabanta ni Zack kay Rena.
Sa sobrang takot ni Rena ay bumuhos ang luha nito.
Mabilis na binuhat ni Zack ang kanyang anak at isinakay sa kotse. Wala na siyang pakialam sa iba kundi tanging sa anak lamang niya. Mabilis niyang inutusan ang kanyang mga tauhan na dalhin sila sa ospital.
Dahil sa kilalang pangalan ni Zack ay ang mismong director ng ospital ang nag-alok sa kanya na ang bagong magaling na doktor ang mag-aasikaso at mag-oopera kay Zayn. Kahit pa maraming doktor ang naka-duty sa gabing iyon ay ang bagong magaling na doktor na nais nito.
“Dok Enna, may bagong dating na pasyente. Apat na taong gulang ito at kritikal ang lagay niya. Ngunit kailangan rin na maging successful ang operation niya dahil kung hindi ay magiging panganib sa buong ospital ito. Nag-iisang anak lang po ito ni Mr. Miranda,” saad ng isang nurse.
Humarap sa kanya ang babaeng nakasuot ng uniporme ng isang doktor. Walang ekspresyon sa mga mata nito. May suot itong balabal na nakatakip sa buo nitong mukha at ang tanging makikita lamang ay ang mga mata nito.
Hawak na nito ngayon ang test results ng bata na tinutukoy ng nurse.
“Mr. miranda? Ang lahat ay pantay-pantay ko na ginagamot at ginagawa ko ang trabaho ko ng maayos. Ginagawa ko ang lahat para sa mga pasyente ko.” malamig na turan nito.
“Ang nag-iisang anak ng pinakamayaman na pamilya. Si Zack Miranda.”
Hindi pinahalata ni Selina na nagulat siya sa kanyang narinig.
“May anak siya?”
“Oo, isang batang lalaki na ngayon ay four years old na.” ang Director na mismo ang sumagot sa tanong ni Selina siyang ikinagulat niya.
“Apat na taong gulang? Diba patay na ang dati niyang asawa?” nagtataka na tanong ni Selina.
“Ang batang tinutukoy ko ay anak ni Sarah at hindi sa dati niyang asawa. Sa pagkakaalam ko ay limang taon ng patay ang dating asawa ni Mr. Miranda. At si Sarah ay nanganak sa kanilang anak na ngayon ay apat na taong gulang na.” paliwanag ng direktor.
Biglang nagbago ang kanyang nararamdaman dahil sa kanyang narinig. Hindi niya inaasahan na nagkaanak pala si Sarah kay Zack. May kung anong kumirot sa kanyang puso.
“Hindi ko po magagawa ang operasyon na ito.” biglang saad ni Selena.
“Ano? Bakit? Bakit hindi mo gagawin? May problema ba?” kabado at nagtataka na tanong ng direktor sa kanya.
Pilit na pinapakalma ni Selena ang kanyang sarili at para walang makapansin sa kanyang tunay na nararamdaman.
“Kakatapos ko lang sa isa sa pinakamahabang operasyon na ginawa ko. Pagod ako at kailangan ko munang magpahinga. Si Dok Jerrick na lang ang gagawa ng operasyon ng bata.” mahinahon na sagot ni Selena at tumalikod na para umalis.
Para sa kanya ay pantay-pantay ang lahat ng kanyang pasyente pero hindi niya kayang gamutin ang anak ni Sarah. Marami ng mga tao ang ginamot niya ng walang pag-aalinlangan pero iba ang sitwasyon ngayon. Nagiging unprofessional siya sa tingin ng iba pero hindi niya talaga kaya.
Hinabol siya ng direktor at balak ulit na paki-usapan.
****
Sa operating room ay naiinip na naghihintay si Zack. Naiinis na siya at makikita na ang galit sa mga mata niya. At nang marinig niya na ayaw ng gamutin ng doktor ang kanyang anak ay mabilis niyang inutusan ang kanyang mga tauhan na harangin ito.
“Huwag niyong hayaan na makaalis siya dito.”
Tahimik ang hallway at narinig ni Selina ang yapag ng mga tao na nasa kanyang likuran. At may hula na siya kung sino ang mga ito. Ang mga lalaki na anumang oras ay nakaabang lang para saktan siya.
Pero ano nga ba ang magagawa niya. Biglang bumalik sa alaala niya ang mga panahon na tinatawagan niya si Zack. Ang panahon na nasa bingit na siya ng kamatayan pero hindi man nito magawang makontak. At ngayon nais nitong iligtas niya ang anak nito? Kaya tinanong niya ang sarili niya kung bakit niya ito kailangan gawin?
Nang tuluyang lumingon si Selina ay bumungad sa kanya ang lalaki na matagal na niyang hindi nakita.
Nagtagpo ang mga mata nila. Hanggang ngayon ay walang pagbabago sa tindig nito. Intimidating pa rin ito at nagsusumigaw ang kapangyarihan sa mga mata nito.
Halos nakalimutan na niya kung paano ba niya minahal ang lalaking ito noon. Ang pagmamahal na napalitan na ng pagkamuhi. Wala na siyang ibang nararamdaman kundi galit. Dahil tuluyan ng nawala ang pagmamahal niya sa lalaki.
“Mr. Miranda, si Doctor Jerrick na ang gagawa ng operation sa anak mo. Hindi po maganda ang pakiramdam ko. But I assure you na magiging maayos ang lahat dahil magaling na doktor si Dok Jerrick.” Saad ni Selina sa lalaki.
Lalong naging mabagsik ang tingin nito at dahan-dahan na naglalakad papunta sa kinatatayuan niya.
“Kahit pa pilitin kita ngayon?” tiim bagang na tanong ni Zack sa kanya. At kaagad siyang pinalibutan ng mga tauhan nito upang hindi siya makaalis.
“Pilitin mo man ako, hindi ko gagawin ang operasyon ng anak mo!” nakakuyom ang mga palad ni Selina habang sinasambit ang mga katagang iyon.
“Hindi ikaw ang kuya ko,” sabi ni Trina.“W–What are you talking about?” kunot noo na tanong ni Zayn kahit na ang totoo ay kinakabahan talaga siya.“Ang sabi ko hindi ikaw ang kuya ko.” sabi ni Trina kay Zayn habang seryoso ang mukha nito.“Ako ang–”“Sa tingin mo ba talaga ay maloloko mo ako? Kilala ko ang kuya ko. Kaya hindi mo ako maloloko, Zayn.” saad pa nito sa kanya.“Trina, sorry.” Biglang umiyak si Zayn sa harap ni Trina dahil hindi na niya kayang magsinungaling pa. Alam niya na hindi niya ito maloloko lalo na magkasamang lumaki ang dalawa. Alam niya na kilalang-kilala nito si Tristan kaya hindi niya ito mapapaniwala kahit pa ipilit niya na siya si Tristan. “Nasaan ang kuya ko? Ilabas mo ang kuya ko,” galit na tanong ni Trina.“Nasa bahay siya, naiwan siya doon. Nagpalit kaming dalawa dahil hinahanap niya ang mommy mo at talagang nahanap niya ito kaya nakauwi na ito.” malungkot na sabi ni Zayn.“Kung nakauwi na si mommy ay nasaan ang kuya ko? Bakit wala pa siya dito?” tanong
Nang makarating na sina Selina sa bahay ay kaagad silang sinalubong ni Zayn. Pumatak ang luha sa mga mata niya dahil kailangan niyang magpanggap na hindi niya alam ang totoo. Na hindi niya alam na si Zayn ang nasa harapan niya.“Tristan,” umiiyak niya itong niyakap.“Mommy, nasaan po si Zayn?” “Naiwan na siya sa daddy niya. Ginawa niya ang lahat para makabalik ako dito at makasama ko kayo. Nagpakabait ka ba habang wala ako?” tanong ni Selina sa bata.“Opo, nagpakabait po ako. I miss you po, mommy. I miss you so much po,” sabi nito sa kanya.“I miss you too, anak.” umiiyak na sambit niya.Aaminin ni Selina na pangarap niyang makasama ang anak niya ngunit hindi niya pinangarap na isa sa mga anak niya ang mawawala sa kanya. Sobrang sakripisyo ang ginawa ni Tristan para lang makasama niya ngayon si Zayn. Pero hindi niya dapat hayaan na mawala ng tuluyan sa kanya ang kanyang anak. Pinapangako niya sa sarili niya na babawiin niya ito mula kay Zack.“Mommy, saan ka po galing? Sinaktan ka po
“Ako miserable?” tanong ni Zack sa kanyang sarili dahil sa narinig niya mula sa bata na nasa kanyang harap.“Oo, miserable ka! Hindi ka masaya sa buhay mo kaya gusto mo rin na ganun ang mommy ko. Na ganun kami, pinapaniwala mo si Zayn sa isang kasinungalingan kahit pa ang totoo ay ang mommy ko ang mommy niya. Makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo at mahalaga sa ‘yo. I hate you! I hate you so much!” sigaw nito sa kanya.“Tristan,” may diin na sambit ni Zack sa pangalan nito.“Kung iniisip mo na sasabihin ko sa ‘yo kung nasaan si Zayn ay hindi ko ‘yun gagawin. Mas gugustuhin ko pa na mabulok dito para naman makasama ng mommy ko ang kapatid ko. Ang anak na ipinagkait mo sa kanya. Isa kang masamang tao, makasarili at madamot ka.”“Tristan, I’m still your father.” saad niya.“You’re not my dad. Wala akong daddy na kasing sama mo. Kinamumuhian kita, mas gugustuhin ko pa na lumaki na walang daddy kaysa ikaw ang maging daddy ko. Si Zayn lang ang anak mo at hindi mo ako anak,” sambit ni
“Go na, mom.” sabi ni Tristan kay Selina.“I can’t, hindi kita iiwan dito.” sambit ni Selina.“Umalis ka na, mom. Trust me, hahanapin kita. Mahal na mahal kita, mommy. Sabihin mo rin kay Trina na mahal ko siya.” nakangiti na sabi ni Tristan ngunit may luha ang kanyang mga mata.“Tristan, don’t do this.” sabi ni Selina.“I have to do this mom. Tama na po, tama na po na nahihirapan ka. Simula noon hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa rin ng dahil sa amin. Kaya tama na po,” umiiyak na sabi ni Tristan.“Baby, don’t say that. Mas mahalaga pa rin sa akin na safe kayo. Dibale ng ako ang mahirapan. Huwag lang kayo, i’m sorry Tristan. I’m sorry, anak.”“Mom, alis ka na po please.” “What are you waiting for? Leave now,” sabi ni Zack na kakapasok lang ulit sa silid.Ilang minuto na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Selina kaya muli na naman siyang umakyat sa silid nito.“Hindi ako aalis, hayaan mong umalis ang anak ko. Ako na lang ang pahirapan mo pero hindi ko hahayaan na maiwa
“What are you talking about? Anong hindi ikaw si Zayn? Itigil mo na ito—”“You heard me. Hindi ako si Zayn at kahit kailan ay hindi ako si Zayn. Dahil ako si—”“Ano bang sinasabi mo? Tanong ni Zack sa kanyang anak dahil naguguluhan siya.“Hindi ako si Zayn.”“Tigilan mo na ito,” sabi ni Zack.“I’m telling the truth, hindi ako si Zayn.”“Tristan, stop it.” umiiyak na sambit ni Selina sa kanyang anak.“No, mom. I think it’s time for him to know the truth. I’m sorry, mom pero ginagawa ko ito para sa ‘yo.” umiiyak na sambit ni Tristan.“Please, don’t do this.” sambit ni Selina pero wala ng balak na umatras si Tristan.“What are you talking about? Stop this nonsense now.” sabi niya.“Hindi ako si Zayn dahil isa lang naman ako sa mga anak mo na inabandona mo.”“What the–”“Hindi ka naniniwala? Sa tingin mo magaling na talaga ang tunay na Zayn. Ang anak mong iyakin na inaapi ng tiyahin niya. Sa tingin mo ako talaga siya? Hindi ako si Zayn dahil ako si Tristan. Tristan ang tunay kong pangalan.
“Tristan?” sambit ni Selina dahil nakita niya ang kanyang anak.Hindi siya nagkakamali dahil si Tristan ang nakikita niya ngayon. Mabilis siyang lumapit sa may mini balcony. Nais niyang kumpirmahin kung si Tristan ba talaga ang nakikita niya at hindi si Zayn. pinagmasdan niya ito ng mabuti at hindi talaga siya makapaniwala na narito ang anak niya.“Tristan, ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak. Nag-unahan rin na pumatak ang kanyang mga luha. Nais niya itong yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil nakakulong siya dito.“Mommy,” umiiyak na sambit nito.“Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka niy–”“Shh… ‘wag ka pong maingay, mommy.” sabi nito sa kanya.“Umalis ka na dito. Baka makita ka niya, hindi ka niya puwedeng makita. Please, umalis ka na anak.” pagtataboy niya sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka makita ito ni Zack at tuluyan ng mawala sa kanya ang dalawa niyang anak. Hindi na niya kakayanin pa kapag lahat ng anak niya ay nawala sa kanya