Napasinghap ang mga tao sa paligid. Hindi sila makapaniwala sa mga tinuran ni Selina. Hindi inaakala ng direktor na ganitong mga salita ang lalabas sa bibig ng isa sa mga mahusay nilang doktor. The highest paid doctor of this hospital is careless about her words.
Kahit si Rena ay hindi makapaniwala sa kanyang narinig mula sa mapangahas na babae. Hindi niya inakala na may naglalakas ng loob na kumalaban kay Zack.
“Sino ka sa tingin mo para kausapin ng ganito si Mr. Zack? Hindi mo ba siya kilala? At bakit mo ba inaantala ang operasyon sa senyorito? Kapag may mangyari sa kanya ay hindi sapat ang buhay mo para maging kabayaran sa buhay niya.” matapang na saad ni Rena sa doktor.
“Kung gusto mo ay ikaw na ang gumawa. Kung kaya mo lang naman.” kaagad naman na sagot ni Selina na may kasamang pang-uuyam.
Hindi naman makapaniwala si Rena sa kanyang narinig kaya mabilis niyang hinawakan ang braso ni Zack.
“Mr. Zack, narinig mo ba ang sinabi ng babaeng ito? Kapag may mangyari na masama kay Zayn ay siya ang dapat na sisihin. Ang arte niya na para bang may iba pa siyang gusto.”
“Ako? Bakit ako? Eh hindi naman ako ang nagkulong sa silid niya.” natatawa na lang si Selena dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.
Bigla namang kinabahan si Rena sa kanyang rinig kaya kaagad itong nagpaliwanag kay Zack.
“Mr. Zack, hindi po totoo ang mga sinabi niya. Doctor ka ba talaga? Saan ang ethics mo? Nasa loob na ang bata at nasa kritikal na lagay pero ayaw mo siyang iligtas! Talagang nag-iinarte ka pa!”
Nang matapos na sa pagsasalita si Rena ay humarap ito sa direktor.
“Anong klaseng hospital ba kayo? At bakit niyo tinanggap ang babaeng ito para maging doktor dito?! Kapag may mangyari kay Zayn ay idedemanda ko kayong lahat! Hindi ako nagbibiro!”
“Pasensya na po,” hindi ng paumanhin ng direktor.
Mabilis niyang inutusan si Doktor Jerrick na pumasok na sa loob ng operating room pero pinigilan ito ni Zack.
Nagkatinginan si Zack at Selina ng mata sa mata. Kahit pa mata lang ang naka-exposed ay hindi nito maiwasan a hindi mapalunok. Dahil sa kakaibang tingin nito sa kanya.
“Gawin mo na ang trabaho mo,” malamig at puno ng awtoridad na utos ni Zack sa kanya.
“I have a freedom to refused,” tanging sambit ni Selena at naglakad na siya palayo.
Pero bigla itong hinila ni Zack at mabilis na sinakal sa leeg.
“Fvck you, Zack! Let me go!” sigaw ni Selina.
Hindi nagbago ang malamig na ekspresyon ng mukha ni Zack. Iilan lang ang may lakas ng loob na kausapin siya ng ganito at isa na doon ang kanyang dating asawa. At ngayon na nakatingin siya sa babaeng doktor na nasa kanyang harapan ay hindi niya maiwasan na maalala ang taong matagal ng wala sa mundo.
“Huwag mong hintayin na pagbayaran ng ospital na ito ang kasalanan mo. Wala akong pakialam kung pagod ka at dapat mong gawin ay iligtas ang anak ko,” malamig na turan niya bago niya ito binitawan ng pabalibag sa pader.
Tumingin si Selina sa lalaki ng malamig.
“Hindi mo sana pagsisihan ito.”
Tagos hanggang buto ang galit niya sa lalaking nasa kanyang harapan ngayon. Pero hindi rin niya kaya na nasa loob ng operating room ang isang bata. Kaya nang makapasok na siya sa loob ng operating room ay ginawa niya ang kailangan niyang gawin. She needs to be professional para maiwasan niyang maibuntong sa bata ang galit niya sa ama nito. Hindi niya isusugal ang lisensya niya para lang dito.
Habang nakatingin sa bata na nakahiga sa operating room na walang malay at may mga dugo sa buong mukha nito ay masasabi niya na parang pamilyar ito sa kanya. At masasabi niya na isang gwapong bata ito. Pero wala na siyang oras para pagmasdan ang bata dahil kailangan na niyang isagawa ang operasyon sa lalong madaling panahon.
Tumagal ng halos apat na oras ang operasyon. It was successful at masaya ang lahat maliban kay Selena. Napatingin siya sa bata at nakita niya na madungis ito kaya naman kinuha niya ang panlinis at sinimulan na linisin ang mukha ng bata. Ang batang ito ay ang tagapagmana ng mga Miranda kaya hindi naman maaari na maging madungis ito.
Bigla siyang natigilan. Biglang nanginig ang mga kamay niya dahil nang tuluyan niyang malinis ang mukha ng bata ay bumungad sa kanya ang mukha nito. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya dahil sa hindi siya makapaniwala.
“Paano ito nangyari?” Tanong ni Selina sa kanyang sarili habang hindi inaalis ang mga mata sa bata.
“Sino siya?” Wala sa sarili na tanong niya.
“Siya ang nag-iisang tagapagmana ng mga Miranda. Ang pangalan niya ay Zayn.” Sagot ng katabi niya.
“Zayn? This can't be!”
Ang namumutla na mukha ni Selena ay napalitan ng kakaibang saya. Ang batang nasa kanyang harapan ay kamukhang-kamukha ni Tristan. Ang isa sa kambal niyang anak. Ang buong akala niya ay isa lang ang ipinagbubuntis niya pero kambal ito. Isang babae at isang lalaki.
Hindi siya mapakali dahil ang alam niya na si Tristan ang batang ipinanganak niya noon. Ang ibig bang sabihin nito ang tatlo ang iniluwal niya? Ang batang ipinakilala nila sa buong mundo ay hindi tunay na anak ni Sarah kundi anak niya. Siya ang tunay nitong ina.
“Bakit nagsinungaling sa akin ang kapatid ko?” Tanong ni Selena sa kanyang sarili.
Habang nakatingin sa bata na nakahiga dito sa loob ng operating room ay hindi niya maiwasan na hindi makaramdam ng awa sa bata. Sa murang edad nito ay naranasan na nito ang mga ganitong bagay. Galit na galit ba talaga si Zack sa kanya kaya ganito ang ginawa nito sa anak niya.
Mabilis na dinampot ni Selena ang matalas na gunting. Namumula ang kanyang mga mata sa galit at parang hindi niya kayang pigilan ang galit sa kanyang puso. Mabilis siyang lumabas sa operating room na may hawak na gunting.
“Doc, kumusta na po ang lagay ni Zayn?” umiiyak na tanong ni Rena kay Selena ng tuluyan itong makalabas.
“Tabi!” may diin na utos ni Selena habang nakakatakot ang mga mata nito.
Kaagad naman napansin ni Rena ang hawak na gunting ni Selena kaya napalunok ito ng wala sa oras.
Kaagad namang hinanap ng mga mata ni Selena si Zack. Sa loob ng limang taon na hindi sila nagkita ay hindi man lang siya nakilala ng lalaki. Nagsama sila sa iisang bubong sa loob ng tatlong taon at araw-araw na magkatabi sa kama. Pero kahit na ganoon ay wala pa ring tatalo sa salita ni Sarah na napapasunod si Zack. Napakalupit nito para tratuhin nito ng ganito ang kanyang anak.
Nagkalat sa bawat sulok ng hospital ang bodyguards ni Zack. At ngayon ay pilit na pinapakalma ni Selena ang kanyang sarili. Pinipigilan niya ang puot sa kanyang puso dahil naisip niya na isa pa rin siyang doktor. At hindi nito maaring malaman na buhay pa rin siya.
“Successful ang operation ng bata. Sa ngayon ay kailangan na niyang ilipat sa intensive care unit. Pamilya lamang ang puwedeng dumalaw. At isa pa may tulog pa ito ngayon. He’s under observation,” utos ni Selina sa nurse na nasa kanyang harapan.
Nang dahil sa narinig ay nakahinga naman ng maluwag ang direktor at pinuri siya nito. Pero wala siyang pakialam sa mga papuri nito.
“Doktor ako at ginagawa ko lang ang trabaho ko.” kalmado na saad ni Selina sa direktor at kaagad na itong tumalikod para umalis.
****
Kahit na walang emosyon na makikita sa mga mata ni Zack ay mapapansin pa rin na nakatingin siya sa babaeng doktor na papalayo. Ang babaeng nakasuot nang uniporme ng pang-doktor at ang mga mata ng babae ay pagpapabalik sa mga alaala niya tungkol sa isang babae na matagal na niyang hindi nakikita.
“Parang may kakaiba sa doktor na ‘yon?” wala sa sarili na saad ni Rena na nakatingin rin pala sa babae.
“Sino siya?” malamig na tanong ni Zack.
“Sa pagkakaalam ko ay isa siyang general surgeon na galing pa sa ibang bansa. Bakit? Attracted ka ba sa kanya? Gusto mo ba siya? Bakit nakatingin ka sa kanya? Maganda ba siya para sa ‘yo kahit na mata lang naman ang kita sa kanya?” sunod-sunod na tanong ni Rena.
“Tapos kana ba mga sasabihin mo?” malamig na tanong ni Zack sa kanya.
Kaagad naman na tinikom ni Rena ang kanyang bibig. Alam niya na kapag kasama niya si Zack ay wala siyang karapatan na magtanong. Dahil balewala lang siya sa lalaki. Dahil ang tanging tingin nito sa kanya ay isa lamang siyang tagapag-alaga ng anak nito.
“Ngayon pa lang ay magdasal kana.”
“Kuya Zack, alam naman natin na makulit na bata si Zayn. Kaya alam natin pareho na wala akong kasalanan. Hindi ko siya kinulong. Ginagawa ko lang ang alam ko na makabubuti sa pamangkin ko. Sa loob ng maraming taon ay tinuring ko siyang tunay na anak dahil na rin sa pagmamahal ko sa ate ko at nasasaktan akong makita siya sa ganitong sitwasyon. Kaya sana ‘wag mo naman akong takutin ng ganito.”
“Makakaalis kana.”
Tumayo si Zack at hindi man lang tinapunan ng tingin si Rena na patuloy pa rin sa pag-iyak. Naglakad ito hanggang sa may nakita itong isang doktor.
“Where is the office of Dr. Enna?”
“Dok Enna po?”
“Yes!” naiinis na sagot ni Zack sa doktor.
Kaagad naman na tinuro ng doktor ang direksyon ng opisina ng magaling na doktor. Kaya mabilis na binitawan ni Zack ang kamay ng babae at naglakad na siya papunta sa direksyon ng opisina ng doktor na si Enna.
“Hindi ikaw ang kuya ko,” sabi ni Trina.“W–What are you talking about?” kunot noo na tanong ni Zayn kahit na ang totoo ay kinakabahan talaga siya.“Ang sabi ko hindi ikaw ang kuya ko.” sabi ni Trina kay Zayn habang seryoso ang mukha nito.“Ako ang–”“Sa tingin mo ba talaga ay maloloko mo ako? Kilala ko ang kuya ko. Kaya hindi mo ako maloloko, Zayn.” saad pa nito sa kanya.“Trina, sorry.” Biglang umiyak si Zayn sa harap ni Trina dahil hindi na niya kayang magsinungaling pa. Alam niya na hindi niya ito maloloko lalo na magkasamang lumaki ang dalawa. Alam niya na kilalang-kilala nito si Tristan kaya hindi niya ito mapapaniwala kahit pa ipilit niya na siya si Tristan. “Nasaan ang kuya ko? Ilabas mo ang kuya ko,” galit na tanong ni Trina.“Nasa bahay siya, naiwan siya doon. Nagpalit kaming dalawa dahil hinahanap niya ang mommy mo at talagang nahanap niya ito kaya nakauwi na ito.” malungkot na sabi ni Zayn.“Kung nakauwi na si mommy ay nasaan ang kuya ko? Bakit wala pa siya dito?” tanong
Nang makarating na sina Selina sa bahay ay kaagad silang sinalubong ni Zayn. Pumatak ang luha sa mga mata niya dahil kailangan niyang magpanggap na hindi niya alam ang totoo. Na hindi niya alam na si Zayn ang nasa harapan niya.“Tristan,” umiiyak niya itong niyakap.“Mommy, nasaan po si Zayn?” “Naiwan na siya sa daddy niya. Ginawa niya ang lahat para makabalik ako dito at makasama ko kayo. Nagpakabait ka ba habang wala ako?” tanong ni Selina sa bata.“Opo, nagpakabait po ako. I miss you po, mommy. I miss you so much po,” sabi nito sa kanya.“I miss you too, anak.” umiiyak na sambit niya.Aaminin ni Selina na pangarap niyang makasama ang anak niya ngunit hindi niya pinangarap na isa sa mga anak niya ang mawawala sa kanya. Sobrang sakripisyo ang ginawa ni Tristan para lang makasama niya ngayon si Zayn. Pero hindi niya dapat hayaan na mawala ng tuluyan sa kanya ang kanyang anak. Pinapangako niya sa sarili niya na babawiin niya ito mula kay Zack.“Mommy, saan ka po galing? Sinaktan ka po
“Ako miserable?” tanong ni Zack sa kanyang sarili dahil sa narinig niya mula sa bata na nasa kanyang harap.“Oo, miserable ka! Hindi ka masaya sa buhay mo kaya gusto mo rin na ganun ang mommy ko. Na ganun kami, pinapaniwala mo si Zayn sa isang kasinungalingan kahit pa ang totoo ay ang mommy ko ang mommy niya. Makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo at mahalaga sa ‘yo. I hate you! I hate you so much!” sigaw nito sa kanya.“Tristan,” may diin na sambit ni Zack sa pangalan nito.“Kung iniisip mo na sasabihin ko sa ‘yo kung nasaan si Zayn ay hindi ko ‘yun gagawin. Mas gugustuhin ko pa na mabulok dito para naman makasama ng mommy ko ang kapatid ko. Ang anak na ipinagkait mo sa kanya. Isa kang masamang tao, makasarili at madamot ka.”“Tristan, I’m still your father.” saad niya.“You’re not my dad. Wala akong daddy na kasing sama mo. Kinamumuhian kita, mas gugustuhin ko pa na lumaki na walang daddy kaysa ikaw ang maging daddy ko. Si Zayn lang ang anak mo at hindi mo ako anak,” sambit ni
“Go na, mom.” sabi ni Tristan kay Selina.“I can’t, hindi kita iiwan dito.” sambit ni Selina.“Umalis ka na, mom. Trust me, hahanapin kita. Mahal na mahal kita, mommy. Sabihin mo rin kay Trina na mahal ko siya.” nakangiti na sabi ni Tristan ngunit may luha ang kanyang mga mata.“Tristan, don’t do this.” sabi ni Selina.“I have to do this mom. Tama na po, tama na po na nahihirapan ka. Simula noon hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa rin ng dahil sa amin. Kaya tama na po,” umiiyak na sabi ni Tristan.“Baby, don’t say that. Mas mahalaga pa rin sa akin na safe kayo. Dibale ng ako ang mahirapan. Huwag lang kayo, i’m sorry Tristan. I’m sorry, anak.”“Mom, alis ka na po please.” “What are you waiting for? Leave now,” sabi ni Zack na kakapasok lang ulit sa silid.Ilang minuto na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Selina kaya muli na naman siyang umakyat sa silid nito.“Hindi ako aalis, hayaan mong umalis ang anak ko. Ako na lang ang pahirapan mo pero hindi ko hahayaan na maiwa
“What are you talking about? Anong hindi ikaw si Zayn? Itigil mo na ito—”“You heard me. Hindi ako si Zayn at kahit kailan ay hindi ako si Zayn. Dahil ako si—”“Ano bang sinasabi mo? Tanong ni Zack sa kanyang anak dahil naguguluhan siya.“Hindi ako si Zayn.”“Tigilan mo na ito,” sabi ni Zack.“I’m telling the truth, hindi ako si Zayn.”“Tristan, stop it.” umiiyak na sambit ni Selina sa kanyang anak.“No, mom. I think it’s time for him to know the truth. I’m sorry, mom pero ginagawa ko ito para sa ‘yo.” umiiyak na sambit ni Tristan.“Please, don’t do this.” sambit ni Selina pero wala ng balak na umatras si Tristan.“What are you talking about? Stop this nonsense now.” sabi niya.“Hindi ako si Zayn dahil isa lang naman ako sa mga anak mo na inabandona mo.”“What the–”“Hindi ka naniniwala? Sa tingin mo magaling na talaga ang tunay na Zayn. Ang anak mong iyakin na inaapi ng tiyahin niya. Sa tingin mo ako talaga siya? Hindi ako si Zayn dahil ako si Tristan. Tristan ang tunay kong pangalan.
“Tristan?” sambit ni Selina dahil nakita niya ang kanyang anak.Hindi siya nagkakamali dahil si Tristan ang nakikita niya ngayon. Mabilis siyang lumapit sa may mini balcony. Nais niyang kumpirmahin kung si Tristan ba talaga ang nakikita niya at hindi si Zayn. pinagmasdan niya ito ng mabuti at hindi talaga siya makapaniwala na narito ang anak niya.“Tristan, ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak. Nag-unahan rin na pumatak ang kanyang mga luha. Nais niya itong yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil nakakulong siya dito.“Mommy,” umiiyak na sambit nito.“Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka niy–”“Shh… ‘wag ka pong maingay, mommy.” sabi nito sa kanya.“Umalis ka na dito. Baka makita ka niya, hindi ka niya puwedeng makita. Please, umalis ka na anak.” pagtataboy niya sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka makita ito ni Zack at tuluyan ng mawala sa kanya ang dalawa niyang anak. Hindi na niya kakayanin pa kapag lahat ng anak niya ay nawala sa kanya