Share

KABANATA 5

NANG sumunod na araw matapos ang reporting nilang dalawa ay kapansin-pansin ang naging pag-iwas ni Tristan kay Lawrence. Naguguluhan man pero minabuti niyang hayaan nalang ito. Isang linggo ang nakalipas at ipinagtaka niya ng husto ang magkakasunod na absenses nito. Sinubukan niya itong tawagan pero palagi na’y naka-off ang cellphone nito.

Pauwi na siya noon nang marinig ang isang pamilyar na tinig na tumawag ng pangalan niya. Napangiti siya nang makita itong nakatayo sa may gate ng university saka nagmamadaling lumapit sa kanya.

“Hi,” hindi niya hinihiwalayan ng tingin ang mukha ni Anya nang makalapit ito sa kanya.

Matamis ang ngiting sumagot ito. “Hello, pauwi kana ba?”

Tumango siya. “Bakit?”

Nagkibit ito ng balikat. “Wala lang, ayoko pa kasing umuwi, saan ka ba nakatira?”

“Diyan lang sa may pagliko, teka, gusto mo bang pumasyal sa bahay?” naisip niyang itanong.

Jessica Adams

“Believe me, kung minsan mas mabuti pang magtiwala sa isang estranghero kaysa matagal ng kaibigan na hindi mo naman talagang kilala,”-LAWRENCE-

| 1
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status