分享

Chapter 4

last update publish date: 2026-06-15 06:01:02

Hindi maipaliwanag na init ang dahan-dahang gumapang mula sa labi ng lalaki ng dumampi ito sa kanyang balat. Ang paghinga ni Althea ay naging matalim. Gusto niya itong itulak, gusto niyang tumakbo palayo sa lalaki ngunit parang may kung anong pwersa na pumipigil sa kaniya.

Dahan-dahang umakyat ang labi nito sa kanyang leeg kung saan ay halos mapigtas ang kanyang paghinga. Kasabay nito ay halos manginig ang buong katawan niya. Parang bigla siyang bumalik noong gabing iyon. Ang nakalimutan niya ng nangyari sa pagitan nilang dalawa ay unti-unting bumalik sa isipan niya. Ang bawat halik at haplos, ang bawat pag-ulos nito sa ibabaw niya at ang paulit-ulit na pagbulong nito sa kaniya ng mga salitang halos hindi niya makalimutan.

“See… your body is reacting… as if you were waiting and longing for me also…” panunukso nito sa kaniya. Dahil dito ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng wala sa oras at natauhan. Ilang sandali pa ay mabilis niyang itinulak ito pagkatapos ay sinampal.

“How dare you! Pwede bang huwag ka ng magpapakita pa sa akin!” sigaw niya at mabilis na tinalikuran ito habang malakas ang tibok ng kanyang puso. Nagmamadali siyang lumayo sa lalaki at mabuti na lang ay hindi na siya nito sinundan pa dahil kung sakali man na i-corner na naman siya nito ay baka hindi na siya magawang tumakas pa.

Sa labas ng bar ay nakita niya ang kanyang kaibigan dahilan para hindi na siya mag-aksaya pa ng oras at kaagad itong hinila at umalis na doon bago pa siya muling habulin ng lalaking iyon.

Samantala, hindi naman makapaniwala si Killian na sinampal siya ng babae. Sa buong buhay niya ay walang nagtangkang manampal sa kaniya o manakit man lang ngunit ito ay napakalakas ng loob na sampalin siya. Hindi niya akalain na makikita niya ang babae sa bar ngayon. 

Nang makita niya ito ay hindi na niya ito tinigilan pang tingnan. Kanina niya pa ito gustong lapitan ngunit hindi niya lang magawa kaya sa huli ay hinintay niyang magkaroon siya ng pagkakataon. Wala siyang ideya na parang ayaw na siya nitong makita pa. Napakagat labi siya, pilit niyang kinokontrol ang init sa kanyang katawan ng mga oras na iyon na kanina pa unti-unting lumulukob sa buong pagkatao niya.

“Gusto niyo bang habulin namin siya sir?” tanong sa kaniya ng kanyang assistant ngunit mabilis siyang umiling.

Hindi na niya kailangan pang habulin ito dahil tiyak na sa mga susunod na araw o linggo ay paniguradong hindi na siya matatakasan pa. Sinisiguro niya na hindi na ito makakawala pa sa kamay niya. 

Nalaman niya na ang ama ni Althea ay ang taong pinaka kinamumuhian niya pala. Ito ang dahilan kung bakit siya nagsikap na makarating kung nasaan man siya ngayon dahil wala siyang ibang gusto kundi ang makapaghiganti rito. He loses everything. Nawala sa kaniya ang lahat, pamilya niya at mga ari-arian nila ng dahil lang sa taong ito.

Walang natira kahit na isa kaya ipinangako niya sa sarili niya na darating ang araw ay maghihiganti siya rito. Inihanda na niya ang lahat ng kailangan niya. Wala siyang balak na umatras kahit na anak pa nito ang babaeng kinahuhumalingan niya. Kung kinakailangan niyang gumawa ng mabuting bagay sa mga mata nito ay gagawin niya para lang magmukhang santo siya sa mga mata nito, ngunit hindi nangangahulugan na hindi niya maisasakatuparan ang paghihiganti niya.

He wants to destroy everything about that man. Kung ano ang ginawa nito sa pamilya niya ay ganun din ang gagawin niya rito. Pababagsakin niya ito parang ginawa nito sa kanila hanggang sa wala ng matira pa.

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Let the game begin.

********

Pagkauwi ni ALthea sa bahay niya ay malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya. Hanggang sa mga oras na iyon ay nananatili pa rin sa isip niya ang labi ng lalaking iyon, kung paano nito hinalikan ang leeg niya. Ibinagsak niya ang sarili sa sofa at pagkatapos ay napapikit bago siya napahawak sa kanyang leeg ng wala sa oras. Mainit pa rin ang parteng iyon na para bang naiwan doon ang labi nito.

Napabuga siya ng hangin bago napasabunot sa kanyang buhok. Ano bang pumasok sa isip niya noong gabing iyon para gawin ang bagay na iyon? Tyaka isa pa, ano bang problema ng lalaking iyon? Ang mga mata nito ay kakaiba, napakalamig.

Kay Bran ay wala siyang ganung init na naramdaman. Ngunit pagdating sa lalaking iyon, kaunting haplos lang nito ay para ng sinisilaban kaagad ang buong pagkatao niya. 

Natigil lang siya sa pag-iisip nang bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone. Nang kuhanin niya ito ay nakita niya ang number ni Bran na naka-flash sa screen ng cellphone niya. Wala siyang balak na sagutin ito at ni wala na siyang balak pa na kausapin ito kahit na kailan. Tapos na ang relasyon nila. 

Hindi na siya ganun katanga para tanggapin pa ang kahit na anong paliwanag nito o ang paghingi nito sa kaniya ng tawad. Tapos na siya sa pagpapakatanga. 

Hinayaan niyang mag-ring ito ng mag-ring bago siya nainis at tuluyan na itong pinatay. Bukod pa doon ay umalis na siya sa bahay kung saan sila nakatirang dalawa ni Bran at lumipat sa bahay na binili sa kaniya noon ng kanyang ama. Mas mainam na doon na lang siya tumira kaysa tumira pa kaysa kasama ang manlolokong iyon. Tumayo siya mula sa sofa at umakyat para magtungo sa kanyang silid para magpahinga na.

Pakiramdam niya ay naubos na ang lakas niya dahil sa lalaking iyon. Sana lang ay hindi na muling mag-krus pa ang landas nilang dalawa.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • TOO LATE TO ESCAPE: THE ZILLIONAIRE'S OBSESSION   Chapter 5

    Ngumiti si Killian nang ibigay sa kaniya ng kanyang assistant ang report tungkol sa naging hakbang nila patungkol sa kanyang paghihiganti. “Good, siguradong pagkatapos nito ay hindi na siya makakabawi pa.” sabi niya at humarap sa floor-to-ceiling-window sa likuran niya.Wala ng sasaya pa kung makita niyang ang taong kinamumuhian niya na napakataas ng tingin sa sarili ay tuluyan ng babagsak ng dahil lang sa kaniya. Napakatagal ng panahon na pinaghandaan niya iyon. “Ano pong balak niyo sa anak niya sir?” tanong nito sa kaniya. Alam nito kung anong balak niya kay ALthea dahil ito ang nag-provide ng impormasyon tungkol dito.Nalaman niya rin na naka-file na pala ng divorce para sa kasal ng dalawa at malapit na itong tuluyang maghiwalay na pabor na rin sa gusto niya.“That can wait.” sagot niya rito. Kahit na gusto na niyang pumasok sa eksena ay hindi pa ito ang tamang oras. Kailangan niyang maghintay ng pinaka the best na oras para sa kanyang pag arte. Isang ngiti ang sumilay sa mga lab

  • TOO LATE TO ESCAPE: THE ZILLIONAIRE'S OBSESSION   Chapter 4

    Hindi maipaliwanag na init ang dahan-dahang gumapang mula sa labi ng lalaki ng dumampi ito sa kanyang balat. Ang paghinga ni Althea ay naging matalim. Gusto niya itong itulak, gusto niyang tumakbo palayo sa lalaki ngunit parang may kung anong pwersa na pumipigil sa kaniya.Dahan-dahang umakyat ang labi nito sa kanyang leeg kung saan ay halos mapigtas ang kanyang paghinga. Kasabay nito ay halos manginig ang buong katawan niya. Parang bigla siyang bumalik noong gabing iyon. Ang nakalimutan niya ng nangyari sa pagitan nilang dalawa ay unti-unting bumalik sa isipan niya. Ang bawat halik at haplos, ang bawat pag-ulos nito sa ibabaw niya at ang paulit-ulit na pagbulong nito sa kaniya ng mga salitang halos hindi niya makalimutan.“See… your body is reacting… as if you were waiting and longing for me also…” panunukso nito sa kaniya. Dahil dito ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng wala sa oras at natauhan. Ilang sandali pa ay mabilis niyang itinulak ito pagkatapos ay sinampal.“How

  • TOO LATE TO ESCAPE: THE ZILLIONAIRE'S OBSESSION   Chapter 3

    Ang malalamig na mga mata ng isang lalaki ang bumungad sa kaniya. Pakiramdam ni Althea ay parang nanuyo bigla ang kanyang bibig. Ang mga mata nito, ang titig nito na nanunuot hanggang sa kaloob-looban niya. Hindi kaya ito ang taong kanina pa nakitingin sa kaniya?Ang katawan nila ay halos magdikit at wala ng distansya. Ang mainit nitong paghinga ay tumatama sa kanyang mukha kung saan ay naaamoy niya ang mabango nitong hininga. Ang kamay nito ay napakainit kung saan ay halos magliyab ang pakiramdam niya. Bukod pa doon ay naramdam niya ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso niya.Hindi siya kaagad nakagalaw dahil para siyang na estatwa, nagulat siya dahil sa bigla nitong paghila sa kaniya ngunit hindi nagtagal ay tuluyan din siyang nakabawi. Nagpumiglas siya. Sinubukan niyang tanggalin ang kamay nitong nakatakip sa kanyang bibig. Ilang sandali pa ay dahan-dahang kumurba ang labi nito at sumilay ang isang ngiti. Dahan-dahan nitong tinanggal ang kamay sa bibig niya. “Sino ka ba?! Bita

  • TOO LATE TO ESCAPE: THE ZILLIONAIRE'S OBSESSION   Chapter 2

    Ngumiti si Killian habang nakatingin sa ibinigay sa kaniya ng kanyang assistant. Iyon ang files na nakuha nito sa babaeng pumasok sa kanyang silid noong nakaraang linggo pa.“Althea Singson.” sambit niya sa pangalan nito at sa pagbanggit pa lang niya sa pangalan nito ay muli na namang bumalik sa kaniya ang mga nangyari noong gabing iyon. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.Sa tagal ng panahon na nawalan siya ng interes sa mga babae ay ngayon lang ulit siya nagkaroon muli ng interes at mukhang magkakaroon pa siya ng problema dahil ayon sa papeles na binigay sa kaniya ng kanyang assistant ay kasal ito.Napahilot siya sa kanyang sentido. Kung may asawa naman pala ito ay bakit nito nagawang pumasok sa isilid ng iba? Hindi lang iyon, napaka wild nito sa kama.“Gusto niyo bang gumawa ako ng paraan sir para magkita kayo?” tanong nitong muli sa kaniya ngunit umiling lang siya.“Magsasabi na lang ako sayo.” sabi niya at pagkatapos ay pinaikot ang kanyang swivel chair at tumanaw sa lab

  • TOO LATE TO ESCAPE: THE ZILLIONAIRE'S OBSESSION   Chapter 1

    IPINULUPOT ni Althea ang kanyang mga kamay sa leeg ng lalaking nasa harapan niya. Sa nanlalabo niyang mga mata ay nakuha niya pang ngumiti rito. “I want to be happy tonight, you can do it for me right?” tanong niya sa lalaking kinakakandungan niya.She hired a gigolo para kahit papano ay mabawasan ang sama ng loob niya sa asawa niyang gunggong. Wala pa silang isang buwan na kasal pero kanina lang ay nahuli niyang kausap nito ang babaeng tunay nitong mahal at narinig niya na sinabi nito mismo na kaya lang pala siya nito pinakasalan ay dahil sa gusto lang nitong makakuha ng investment sa kanyang ama.Akala niya ay natagpuan na niya ang lalaking makakasama niya habang buhay sa katauhan ng kanyang asawa ngunit laking pagkakamali niya dahil peke lang pala ang pagmamahal na ipinakita nito sa kaniya. Damn him! Damn him!“Miss, are you really—” bago pa nito matapos ang sasabihin ay bigla na lang niyang inilagay ang kamay niya sa bibig nito. “I don’t want you to talk. Why don’t you kiss me in

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status