分享

Chapter 2

last update publish date: 2026-06-15 05:59:32

Ngumiti si Killian habang nakatingin sa ibinigay sa kaniya ng kanyang assistant. Iyon ang files na nakuha nito sa babaeng pumasok sa kanyang silid noong nakaraang linggo pa.

“Althea Singson.” sambit niya sa pangalan nito at sa pagbanggit pa lang niya sa pangalan nito ay muli na namang bumalik sa kaniya ang mga nangyari noong gabing iyon. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.

Sa tagal ng panahon na nawalan siya ng interes sa mga babae ay ngayon lang ulit siya nagkaroon muli ng interes at mukhang magkakaroon pa siya ng problema dahil ayon sa papeles na binigay sa kaniya ng kanyang assistant ay kasal ito.

Napahilot siya sa kanyang sentido. Kung may asawa naman pala ito ay bakit nito nagawang pumasok sa isilid ng iba? Hindi lang iyon, napaka wild nito sa kama.

“Gusto niyo bang gumawa ako ng paraan sir para magkita kayo?” tanong nitong muli sa kaniya ngunit umiling lang siya.

“Magsasabi na lang ako sayo.” sabi niya at pagkatapos ay pinaikot ang kanyang swivel chair at tumanaw sa labas ng floor to ceiling window na salamin. Nagbuga siya ng usok. Hindi niya kailangan ng distraction sa ngayon dahil kailangan niyang mag-focus sa ginagawa niya. Kailangan niyang mapabagsak ang taong iyon dahil kung hindi ay hindi siya matatahimik.

~~~~

“What?!” hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan niyang hindi niya nakausap ng halos mag-iisang taon na. Nilakasan niya ang kanyang loob para pumunta sa bahay nito at humingi ng tawad.

Tumango siya. “You were right all along. Isa siyang malaking gago!” puno ng galit na sambit niya.

Narinig niya ang pagpapakawala nito ng isang malalim na buntong hininga. “Hindi ko akalain na maloloko ka talaga ng gunggong na iyon in the first place dahil matalino ka naman sana.” sabi nito.

“Kahit na sermonan pa kita ngayon e wala ng mangyayari, tapos na. Kaya kung ako sayo, bakit hindi na lang tayo pumunta sa bar at mag-enjoy?” tanong nito sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali.

Sa puntong iyon ay biglang bumalik sa kanyang alaala ang tagpong iyon noong huli siyang magpunta sa bar. Noong gabing pansamantala siyang nakalimot sa sakit na naramdaman niya dahil sa lalaking iyon. Masasabi niyang magaling ito at talaga namang na-satisfied siya, yun nga lang ay talagang namaga ang kifay niya dahil sa matinding ginawa nito sa kaniya.

“Huy! Nakikinig ka ba sa akin? Tara na, isa pa, bonding na rin natin iyon ‘no! Ang tagal nating hindi nagkasamang dalawa. Loka-loka ka kasi!” sabi ng kaibigan niya sa kaniya na ikinapilig ng kanyang ulo tyaka lang siya napangiti. Totoo naman ang sinabi nito na napakatagal na noong huli silang nag-bonding dahil nga simula ng piliin niya ang asawa niya ay nagkalabuan na rin sila ng kaibigan niya.

“Fine, isa pa kailangan ko rin naman talagang libangin ang sarili ko. Hindi ako dapat magmukmok dahil lang sa walang kwentang lalaking iyon!” sagot niya sa kaibigan na ikinangisi nito.

“Yan, yan ang gusto ko. Ganyan nga Althea, ipakita mo sa lalaking iyon na hindi siya kawalan.” nakangising sabi nito.

********

Sa bar, nakailang baso na ng alak ang kaibigan niya. Lasing na ito pero siya ay hindi. Ayaw niyang magpakalasing lalo na at pareho silang babae. Baka mamaya ay kung anong mangyari sa kanila. Gusto niya na makakauwi pa rin sila ng safe.

“Althea… inom ka pa, bakit ba parang hindi ka naman nag-eenjoy?” papikit-pikit ng tanong sa kaniya ng kaibigan niya. Napa buntong hininga lang siya at inalog ang laman ng kanyang baso tyaka ngumiti rito.

“Okay lang ako, tyaka kung magpapakalasing ako. Paano tayo uuwing dalawa?” 

Umirap ito at pagkatapos ay tumayo. “Basta ako, gusto kong mag-enjoy dahil sa wakas ay natauhan na rin ang kaibigan ko!” masayang bulalas nito at pagkatapos ay itinaas nito ang baso tyaka sinaid. “Sasayaw muna ako, ikaw ayaw mo ba?”

Umiling siya. “Dito na lang muna ako.” sabi niya sa kanyang kaibigan.

Sa totoo lang, kaya ayaw niya ring magpakalasing ay dahil kanina niya pa nararamdaman na parang may nakatitig sa kaniya. Kanina niya pa iniiikot ang kanyang mga mata para tingnan kung sino ito ngunit wala siyang makita. Para bang nanunuot ang mga titig nito sa kaloob-looban niya at hindi siya mapakali.

Ewan niya ba pero parang kakaiba ang pakiramdam niya. Isa pa, kanina niya pa gustong ayain ang kaibigan niya na umuwi ngunit enjoy na enjoy naman ito kaya hindi niya magawang yayain ito. Pero baka pagbalik na lang siguro nitong magsayaw ay uuwi na sila talagang hindi na siya komportable pa.

“You’re here alone Miss?” tanong ng isang tinig sa harap niya dahilan para mabalik siya sa kanyang katinuan. Nakita niya ang isang lalaking nakatayo sa harap niya, nakangiti ngunit ang mga mata nito ay punong-puno ng kalaswaan. Alam na niya kaagad kung ano ang hinahanap nito. Naghahanap ito ng babaeng makaka-one night stand nito at sorry na lang ito ngunit hindi siya desperada. Isa pa, kung hindi lang din naman ito ang lalaking nakaniig niya noong mga nakaraang gabi ay hindi na.

Naipilig niya ang kanyang ulo nang muli na namang pumasok sa isip niya ang lalaking iyon. Bakit ba palagi niya na lang itong naiisip? Hindi niya na sigurado pa. Muli niyang ibinalik ang kanyang tingin sa lalaking nasa harap niya. “Sorry, but I am with my friend.” sagot niya at pagkatapos ay ibinaling ang tingin sa dance floor kung saan nagtungo ang kanyang kaibigan ngunit napatayo siya mula sa kanyang kinauupuan ng hindi na niya makita pa ang kaibigan niya sa gitna.

Nasaan na siya? Saan siya nagpunta?

Wala sa sariling naglakad siya para hanapin ito. Lasing na ang kaibigan niya at kung may mangyari man dito ay kasalanan niya. Shit. nawala lang sandali ang tingin niya rito ngunit naglaho na ito. Iniikot niya ang kanyang paningin sa loob ngunit wala talaga ito. Diniretso niya ang makipot na eskinita papunta sa likod dahil baka bigla lang nakaramdam ito na gustong masuka at naghanap ng pwede nitong pagsukahan. 

Nasaan na ba siya?

Habang naglalakad ay patingin tingin siya sa kanyang paligid, hinahanap ang kaibigan niya ngunit isang kamay ang biglang humila sa kaniya dahilan para mamilog ang kanyang mga mata sa gulat. Hindi na rin siya nakasigaw pa dahil mabilis nitong tinakpan ang bibig niya gamit ang malaki nitong kamay at pagkatapos ay isinandal siya sa malamig na pader.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • TOO LATE TO ESCAPE: THE ZILLIONAIRE'S OBSESSION   Chapter 5

    Ngumiti si Killian nang ibigay sa kaniya ng kanyang assistant ang report tungkol sa naging hakbang nila patungkol sa kanyang paghihiganti. “Good, siguradong pagkatapos nito ay hindi na siya makakabawi pa.” sabi niya at humarap sa floor-to-ceiling-window sa likuran niya.Wala ng sasaya pa kung makita niyang ang taong kinamumuhian niya na napakataas ng tingin sa sarili ay tuluyan ng babagsak ng dahil lang sa kaniya. Napakatagal ng panahon na pinaghandaan niya iyon. “Ano pong balak niyo sa anak niya sir?” tanong nito sa kaniya. Alam nito kung anong balak niya kay ALthea dahil ito ang nag-provide ng impormasyon tungkol dito.Nalaman niya rin na naka-file na pala ng divorce para sa kasal ng dalawa at malapit na itong tuluyang maghiwalay na pabor na rin sa gusto niya.“That can wait.” sagot niya rito. Kahit na gusto na niyang pumasok sa eksena ay hindi pa ito ang tamang oras. Kailangan niyang maghintay ng pinaka the best na oras para sa kanyang pag arte. Isang ngiti ang sumilay sa mga lab

  • TOO LATE TO ESCAPE: THE ZILLIONAIRE'S OBSESSION   Chapter 4

    Hindi maipaliwanag na init ang dahan-dahang gumapang mula sa labi ng lalaki ng dumampi ito sa kanyang balat. Ang paghinga ni Althea ay naging matalim. Gusto niya itong itulak, gusto niyang tumakbo palayo sa lalaki ngunit parang may kung anong pwersa na pumipigil sa kaniya.Dahan-dahang umakyat ang labi nito sa kanyang leeg kung saan ay halos mapigtas ang kanyang paghinga. Kasabay nito ay halos manginig ang buong katawan niya. Parang bigla siyang bumalik noong gabing iyon. Ang nakalimutan niya ng nangyari sa pagitan nilang dalawa ay unti-unting bumalik sa isipan niya. Ang bawat halik at haplos, ang bawat pag-ulos nito sa ibabaw niya at ang paulit-ulit na pagbulong nito sa kaniya ng mga salitang halos hindi niya makalimutan.“See… your body is reacting… as if you were waiting and longing for me also…” panunukso nito sa kaniya. Dahil dito ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng wala sa oras at natauhan. Ilang sandali pa ay mabilis niyang itinulak ito pagkatapos ay sinampal.“How

  • TOO LATE TO ESCAPE: THE ZILLIONAIRE'S OBSESSION   Chapter 3

    Ang malalamig na mga mata ng isang lalaki ang bumungad sa kaniya. Pakiramdam ni Althea ay parang nanuyo bigla ang kanyang bibig. Ang mga mata nito, ang titig nito na nanunuot hanggang sa kaloob-looban niya. Hindi kaya ito ang taong kanina pa nakitingin sa kaniya?Ang katawan nila ay halos magdikit at wala ng distansya. Ang mainit nitong paghinga ay tumatama sa kanyang mukha kung saan ay naaamoy niya ang mabango nitong hininga. Ang kamay nito ay napakainit kung saan ay halos magliyab ang pakiramdam niya. Bukod pa doon ay naramdam niya ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso niya.Hindi siya kaagad nakagalaw dahil para siyang na estatwa, nagulat siya dahil sa bigla nitong paghila sa kaniya ngunit hindi nagtagal ay tuluyan din siyang nakabawi. Nagpumiglas siya. Sinubukan niyang tanggalin ang kamay nitong nakatakip sa kanyang bibig. Ilang sandali pa ay dahan-dahang kumurba ang labi nito at sumilay ang isang ngiti. Dahan-dahan nitong tinanggal ang kamay sa bibig niya. “Sino ka ba?! Bita

  • TOO LATE TO ESCAPE: THE ZILLIONAIRE'S OBSESSION   Chapter 2

    Ngumiti si Killian habang nakatingin sa ibinigay sa kaniya ng kanyang assistant. Iyon ang files na nakuha nito sa babaeng pumasok sa kanyang silid noong nakaraang linggo pa.“Althea Singson.” sambit niya sa pangalan nito at sa pagbanggit pa lang niya sa pangalan nito ay muli na namang bumalik sa kaniya ang mga nangyari noong gabing iyon. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.Sa tagal ng panahon na nawalan siya ng interes sa mga babae ay ngayon lang ulit siya nagkaroon muli ng interes at mukhang magkakaroon pa siya ng problema dahil ayon sa papeles na binigay sa kaniya ng kanyang assistant ay kasal ito.Napahilot siya sa kanyang sentido. Kung may asawa naman pala ito ay bakit nito nagawang pumasok sa isilid ng iba? Hindi lang iyon, napaka wild nito sa kama.“Gusto niyo bang gumawa ako ng paraan sir para magkita kayo?” tanong nitong muli sa kaniya ngunit umiling lang siya.“Magsasabi na lang ako sayo.” sabi niya at pagkatapos ay pinaikot ang kanyang swivel chair at tumanaw sa lab

  • TOO LATE TO ESCAPE: THE ZILLIONAIRE'S OBSESSION   Chapter 1

    IPINULUPOT ni Althea ang kanyang mga kamay sa leeg ng lalaking nasa harapan niya. Sa nanlalabo niyang mga mata ay nakuha niya pang ngumiti rito. “I want to be happy tonight, you can do it for me right?” tanong niya sa lalaking kinakakandungan niya.She hired a gigolo para kahit papano ay mabawasan ang sama ng loob niya sa asawa niyang gunggong. Wala pa silang isang buwan na kasal pero kanina lang ay nahuli niyang kausap nito ang babaeng tunay nitong mahal at narinig niya na sinabi nito mismo na kaya lang pala siya nito pinakasalan ay dahil sa gusto lang nitong makakuha ng investment sa kanyang ama.Akala niya ay natagpuan na niya ang lalaking makakasama niya habang buhay sa katauhan ng kanyang asawa ngunit laking pagkakamali niya dahil peke lang pala ang pagmamahal na ipinakita nito sa kaniya. Damn him! Damn him!“Miss, are you really—” bago pa nito matapos ang sasabihin ay bigla na lang niyang inilagay ang kamay niya sa bibig nito. “I don’t want you to talk. Why don’t you kiss me in

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status