分享

Chapter 5

last update publish date: 2026-06-15 06:01:42

Ngumiti si Killian nang ibigay sa kaniya ng kanyang assistant ang report tungkol sa naging hakbang nila patungkol sa kanyang paghihiganti. “Good, siguradong pagkatapos nito ay hindi na siya makakabawi pa.” sabi niya at humarap sa floor-to-ceiling-window sa likuran niya.

Wala ng sasaya pa kung makita niyang ang taong kinamumuhian niya na napakataas ng tingin sa sarili ay tuluyan ng babagsak ng dahil lang sa kaniya. Napakatagal ng panahon na pinaghandaan niya iyon. 

“Ano pong balak niyo sa anak niya sir?” tanong nito sa kaniya. Alam nito kung anong balak niya kay ALthea dahil ito ang nag-provide ng impormasyon tungkol dito.

Nalaman niya rin na naka-file na pala ng divorce para sa kasal ng dalawa at malapit na itong tuluyang maghiwalay na pabor na rin sa gusto niya.

“That can wait.” sagot niya rito. Kahit na gusto na niyang pumasok sa eksena ay hindi pa ito ang tamang oras. Kailangan niyang maghintay ng pinaka the best na oras para sa kanyang pag arte. 

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Killian, tiyak na kapag nagkataon ay hindi na siya nito kayang tanggihan pa.

*******

“What? What do you mean?” puno ng pag-aalalang tanong ni Andrew ng marinig niya ang sinabi ng kanyang mga investors na hindi na sila magre-renew pa ng kontrata. Bukod pa doon ay napakarami niyang lumabas na utang na hindi niya alam kung saan nanggaling.

Idagdag pa na lumabas ang totoo na may empleyado siyang ilang taon na palang nagkukubra ng pera mula sa kumpanya ngunit hindi nila nahuli at ngayon lang lumabas ang totoo. At sa estado ng kumpanya niya ngayon ay hindi na nito makakayanan ang dagok na iyon lalo na at isa-isa ng nagsisi atrasan ang mga investors niya.

“Mr. Lopez, Mr. Enriquez… pwede ko bang malaman kung anong dahilan bakit kayo aatras? May, may problema ba? May nakita ba kayong hindi maganda sa kumpanya?” halos magmakaawa na siya sa mga ito.

Narinig niya ang paghugot ng mahabang buntong hininga ng mga ito bago nagkatinginan. “I’m so sorry Mr. Singson but we can see that your company has no future now…” malungkot na sabi nito sa kaniya. “Huwag ka sanang magalit sa amin pero syempre ay doon pa rin namin gustong mag-invest sa sure na kikita kami.” paliwanag nito sa kaniya bago tuluyang nagpaalam sa kaniya.

Sinubukan niya pang habulin ang mga ito to the point na lumuhod na siya sa mga ito. “Please, pakinggan niyo muna ako—”

Bumukas ang pinto at pumasok si Althea. Iyon ang naabutan niyang eksena. “Dad!” sigaw niya at dali-daling lumapit sa kanyang ama. Inalalayan niya itong tumayo. 

“I’m really sorry Mr. Singson.” puno ng paghingi na paumanhin na sabi sa kaniya ni Mr. Lopez bago tuluyang lumabas ng kanyang opisina.

Inalalayan ni Althea ang kanyang ama at pinaupo sa sofa. Binigyan niya rin ito ng tubig. “Dad, bakit anong nangyari? Bakit kayo nakaluhod sa harapan nila?” puno ng pagtatakang tanong niya rito. Ni minsan ay hindi niya pa nakitang lumuhod ang kanyang ama sa ibang tao, ngayon pa lang.

Napahilamos ang kanyang ama bago napailing. “I don’t know…” mahina nitong sabi sa kaniya at pagkatapos ay halos umuga ang balikat. “I think, I think babagsak na ang kumpanya.” halos bulong na lang iyon.

Nagsalubong ang mga kilay ni ALthea ng mga oras na iyon ng marinig niya ang sinabi nito. “Anong ibig niyong sabihin Dad?”

Muli itong umiling. “Hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.” ang boses nito ay sobrang nanlulumo at nahihirapan. “Nitong mga nakaraang buwan ay ginawa ko ang lahat, sinubukan ko ang lahat ng kaya ko para lang maisalba ang kumpanya dahil ayokong mawala ito sa akin pero…” napailing itong muli. Parang dinudurog ang puso niya ng mga oras na iyon habang nakatingin siya sa kanyang ama. 

“Pero walang silbi. Hindi ko na alam pa ang gagawin ko…” 

Bigla niyang niyakap ang kanyang ama. Ni hindi niya ito nakitang ganito simula noon. Palagi itong nakataas noo, palaging may matapang at eleganteng anyo. Yung tipong kapag nakikita mo ay respreto kaagad ang maiisip mo ngunit ng mga oras na iyon ay wala ang maskara nito, he look so helpless and devastated. Sa unang pagkakataon ay nakita niya ang paghihirap ng kanyang ama.

Ibig sabihin ay matagal na nitong kinikimkim ang lahat. Matagal na nitong sinusubukang maging malakas ngunit talagang hindi na nito kaya pang pigilan ang sarili. Talagang mabigat na ang dala nito. Hindi niya namamalayan ay nag-iinit na pala ang sulok ng kanyang mga mata.

Ngunit bago pa man bumagsak ang luha sa kanyang mga mata ay pinigil niya ito. Ayaw niyang makita siya ng kanyang ama na ganito, na naawa siya rito dahil baka mas ma-depress lang ito. Hinagod niya ang likod nito at bahagyang inaliw. “Dad…” pilit niyang pinatatag ang kanyang boses. Palagi itong nakaalalay sa kaniya ngunit ngayon ay siya naman ang dapat na umalalay dito.

“Huwag kang mag-alala okay? Baka pwede pa nating magawan ng paraan?” tanong niya rito at bumitaw sa pagkakayakap sa kanyang ama. Alam niya kung gaano kahalaga dito ang kumpanya, dugo at pawis nito ang ipinuhunan nito doon kaya kung mawawala ang kumpanya ay tiyak na ito ang unang malulungkot.

Kaya kung anuman ang pwede niyang gawin ay handa siyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya.

“Dad, gagawa tayo ng paraan okay? Huwag kang mawalan ng pag-asa… kaya natin ito.” muli niyang sabi sa kanyang ama upang lumakas ang loob nito na ikinatango na lang nito.

*****

Halos mawalan ng lakas ang mga tuhod ni Althea. Kalalabas niya lang ng kumpanya ng kanyang ama. Wala itong ideya na darating siya doon kaya siguro hindi na nito naitago pa ang totoong kalagayan ng kumpanya nila. Halos dalawang buwan na rin kasi simula noong huli siyang pumunta doon. Simula kasi noong ikasal sila ni Bran ay hindi na siya lumalabas pa at nananatili na lang sa bahay kaya wala siyang ideya sa kung anuman ang nangyayari sa paligid niya.

Napatingala siya, sinusubukang supilin ang luha na bumagsak sa kanyang mga mata ngunit gaano pa siya katatag ay hindi niya iyon kinaya, bumagsak ito na dali-dali niya namang pinunas. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili niya.

“Kaya mo ito Althea, kaya mo ito…” ilang beses siyang humugot ng malalim na buntong hininga ngunit nagulat na lang siya ng isang pigura ang biglang lumitaw sa harapan niya.

Nakasuot ang lalaki ng isang kulay abong suit, may malamig na mga mata na nakatingin sa kaniya. Noong una ay hindi niya ito nakilala, ngunit nang tumitig ito sa kaniya ay doon na niya ito tuluyang nakilala. It was him.

Dahan-dahan itong ngumiti sa kaniya. “Look who’s crying… don’t you know it really breaks my heart to see you cry…” mahina nitong bulong sa kaniya dahilan para mapakuyom ang kanyang mga kamay.

Paano siya nito nahanap? Sinusundan ba siya nito? At habang sinusuyod niya ito ng tingin ay doon niya napagtanto na hindi lang ito simpleng tao at higit sa lahat ay hindi ito isang gigolo! Was she mistaken that night?

Napalunok siya. Sinulubong niya ang mga mata nitong puno ng panunuya. “Who says I am crying?” matapang na balik niyang tanong dito.

Ngumisi ito. “Bakit hindi ka na lang sumama sa akin? Pag-usapan natin ang problema mo, baka sakaling kaya nating solusyunan.” sabi nito sa kaniya at humakbang para umalis sa harapan niya kung saan sa likod nito ay may isang luxury car na naghihintay sa kanila. 

Sinamaan niya ito ng tingin. Nagtatalo ang isip at puso niya kung sasama ba siya sa lalaking hindi niya alam ang pagkatao pero habang naiisip niya ang sitwasyon ng kumpanya ng kanyang ama ay nagdadalawang isip siya.

Sasama ba siya rito o hindi? Nalilito siya!

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • TOO LATE TO ESCAPE: THE ZILLIONAIRE'S OBSESSION   Chapter 5

    Ngumiti si Killian nang ibigay sa kaniya ng kanyang assistant ang report tungkol sa naging hakbang nila patungkol sa kanyang paghihiganti. “Good, siguradong pagkatapos nito ay hindi na siya makakabawi pa.” sabi niya at humarap sa floor-to-ceiling-window sa likuran niya.Wala ng sasaya pa kung makita niyang ang taong kinamumuhian niya na napakataas ng tingin sa sarili ay tuluyan ng babagsak ng dahil lang sa kaniya. Napakatagal ng panahon na pinaghandaan niya iyon. “Ano pong balak niyo sa anak niya sir?” tanong nito sa kaniya. Alam nito kung anong balak niya kay ALthea dahil ito ang nag-provide ng impormasyon tungkol dito.Nalaman niya rin na naka-file na pala ng divorce para sa kasal ng dalawa at malapit na itong tuluyang maghiwalay na pabor na rin sa gusto niya.“That can wait.” sagot niya rito. Kahit na gusto na niyang pumasok sa eksena ay hindi pa ito ang tamang oras. Kailangan niyang maghintay ng pinaka the best na oras para sa kanyang pag arte. Isang ngiti ang sumilay sa mga lab

  • TOO LATE TO ESCAPE: THE ZILLIONAIRE'S OBSESSION   Chapter 4

    Hindi maipaliwanag na init ang dahan-dahang gumapang mula sa labi ng lalaki ng dumampi ito sa kanyang balat. Ang paghinga ni Althea ay naging matalim. Gusto niya itong itulak, gusto niyang tumakbo palayo sa lalaki ngunit parang may kung anong pwersa na pumipigil sa kaniya.Dahan-dahang umakyat ang labi nito sa kanyang leeg kung saan ay halos mapigtas ang kanyang paghinga. Kasabay nito ay halos manginig ang buong katawan niya. Parang bigla siyang bumalik noong gabing iyon. Ang nakalimutan niya ng nangyari sa pagitan nilang dalawa ay unti-unting bumalik sa isipan niya. Ang bawat halik at haplos, ang bawat pag-ulos nito sa ibabaw niya at ang paulit-ulit na pagbulong nito sa kaniya ng mga salitang halos hindi niya makalimutan.“See… your body is reacting… as if you were waiting and longing for me also…” panunukso nito sa kaniya. Dahil dito ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng wala sa oras at natauhan. Ilang sandali pa ay mabilis niyang itinulak ito pagkatapos ay sinampal.“How

  • TOO LATE TO ESCAPE: THE ZILLIONAIRE'S OBSESSION   Chapter 3

    Ang malalamig na mga mata ng isang lalaki ang bumungad sa kaniya. Pakiramdam ni Althea ay parang nanuyo bigla ang kanyang bibig. Ang mga mata nito, ang titig nito na nanunuot hanggang sa kaloob-looban niya. Hindi kaya ito ang taong kanina pa nakitingin sa kaniya?Ang katawan nila ay halos magdikit at wala ng distansya. Ang mainit nitong paghinga ay tumatama sa kanyang mukha kung saan ay naaamoy niya ang mabango nitong hininga. Ang kamay nito ay napakainit kung saan ay halos magliyab ang pakiramdam niya. Bukod pa doon ay naramdam niya ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso niya.Hindi siya kaagad nakagalaw dahil para siyang na estatwa, nagulat siya dahil sa bigla nitong paghila sa kaniya ngunit hindi nagtagal ay tuluyan din siyang nakabawi. Nagpumiglas siya. Sinubukan niyang tanggalin ang kamay nitong nakatakip sa kanyang bibig. Ilang sandali pa ay dahan-dahang kumurba ang labi nito at sumilay ang isang ngiti. Dahan-dahan nitong tinanggal ang kamay sa bibig niya. “Sino ka ba?! Bita

  • TOO LATE TO ESCAPE: THE ZILLIONAIRE'S OBSESSION   Chapter 2

    Ngumiti si Killian habang nakatingin sa ibinigay sa kaniya ng kanyang assistant. Iyon ang files na nakuha nito sa babaeng pumasok sa kanyang silid noong nakaraang linggo pa.“Althea Singson.” sambit niya sa pangalan nito at sa pagbanggit pa lang niya sa pangalan nito ay muli na namang bumalik sa kaniya ang mga nangyari noong gabing iyon. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.Sa tagal ng panahon na nawalan siya ng interes sa mga babae ay ngayon lang ulit siya nagkaroon muli ng interes at mukhang magkakaroon pa siya ng problema dahil ayon sa papeles na binigay sa kaniya ng kanyang assistant ay kasal ito.Napahilot siya sa kanyang sentido. Kung may asawa naman pala ito ay bakit nito nagawang pumasok sa isilid ng iba? Hindi lang iyon, napaka wild nito sa kama.“Gusto niyo bang gumawa ako ng paraan sir para magkita kayo?” tanong nitong muli sa kaniya ngunit umiling lang siya.“Magsasabi na lang ako sayo.” sabi niya at pagkatapos ay pinaikot ang kanyang swivel chair at tumanaw sa lab

  • TOO LATE TO ESCAPE: THE ZILLIONAIRE'S OBSESSION   Chapter 1

    IPINULUPOT ni Althea ang kanyang mga kamay sa leeg ng lalaking nasa harapan niya. Sa nanlalabo niyang mga mata ay nakuha niya pang ngumiti rito. “I want to be happy tonight, you can do it for me right?” tanong niya sa lalaking kinakakandungan niya.She hired a gigolo para kahit papano ay mabawasan ang sama ng loob niya sa asawa niyang gunggong. Wala pa silang isang buwan na kasal pero kanina lang ay nahuli niyang kausap nito ang babaeng tunay nitong mahal at narinig niya na sinabi nito mismo na kaya lang pala siya nito pinakasalan ay dahil sa gusto lang nitong makakuha ng investment sa kanyang ama.Akala niya ay natagpuan na niya ang lalaking makakasama niya habang buhay sa katauhan ng kanyang asawa ngunit laking pagkakamali niya dahil peke lang pala ang pagmamahal na ipinakita nito sa kaniya. Damn him! Damn him!“Miss, are you really—” bago pa nito matapos ang sasabihin ay bigla na lang niyang inilagay ang kamay niya sa bibig nito. “I don’t want you to talk. Why don’t you kiss me in

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status