分享

CHAPTER NINE

last update publish date: 2026-11-07 03:23:52

CHAPTER NINE - CARROTS

ATHENA'S POV

'Let's see if you'll still say that when you know the truth.'

Naalala kong sabi ni Alexa, bago ko siya talikuran.

Hindi ko alam kung anong gusto niyang i-punto, pero alam kong may mas malalim na kahulugan ang sinabi niya. Lalo na nang makita ko ang ekspresyon ng mukha niya, mas lalong nagpapagulo sa isip ko. May sekreto ba ang mga ito na dapat kong malaman?

Naiinis ako; pakiramdam ko pinagkakaisahan nila ako. Hindi ko maiwasang maalala ang mga cookies, ang e
在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
已鎖定章節

最新章節

  • TOO LATE TO LOVE ME   CHAPTER NINE

    CHAPTER NINE - CARROTSATHENA'S POV'Let's see if you'll still say that when you know the truth.' Naalala kong sabi ni Alexa, bago ko siya talikuran.Hindi ko alam kung anong gusto niyang i-punto, pero alam kong may mas malalim na kahulugan ang sinabi niya. Lalo na nang makita ko ang ekspresyon ng mukha niya, mas lalong nagpapagulo sa isip ko. May sekreto ba ang mga ito na dapat kong malaman?Naiinis ako; pakiramdam ko pinagkakaisahan nila ako. Hindi ko maiwasang maalala ang mga cookies, ang effort na ginagawa ko para lang ipakita sa kanya ang pagpapahalaga ko sa kanya noon.Gusto ko pa bang malaman kung ano ang nasa likod ng nakaraan namin ni Akhiro? O mag-moving forward na lang ako, at ituloy ang buhay na ginagalawan ko ngayon?“Kainis!” napabuga ako ng hangin dahil sa frustration.Hindi ako umuwi ng bahay; sa condo ako dumiretso para makapagpahinga. Ayokong makita rin si Alexa. Inayos ko na lang ang mga pinamili at ihahanda ko na rin ang mga gamit ko na gagamitin para bukas.Katat

  • TOO LATE TO LOVE ME   CHAPTER 8

    CHAPTER EIGHT: THE SILENT ATHENA'S POVNgayong araw na iyon, hindi kami nagkita ni Akhiro dahil wala akong pasok sa ospital. Kaya naman naisipan kong maglibang muna at mag-ikot sa mall para bumili ng mga kailangan ko sa bahay, pati na rin ng ilang grocery items na matagal ko nang ipinagpapaliban.Pagkatapos mamili, nagpasya akong kumain muna sa isang pamilyar na restaurant.T.G.I. Friday's.Umorder ako ng pasta at pizza. Nagpa-takeout na rin ako ng isa pang serving para may makain ako mamaya kapag nagutom ulit. Sa wakas, kahit paano, nagkaroon din ako ng oras para sa sarili ko.Habang hinihintay ang order ko, inilabas ko ang cellphone ko at sinilip ang mga mensahe.Walang bago.Hindi ko alam kung bakit, pero ilang beses kong binuksan ang conversation namin ni Akhiro. May parte sa akin na naghihintay na baka mag-message siya, kahit simpleng pangungumusta lang.Napabuntong-hininga ako.Athena, hindi mo kailangang hintayin ang bawat mensahe niya.Inilapag ko ang cellphone at saka kinuha

  • TOO LATE TO LOVE ME   CHAPTER 7

    CHAPTER SEVEN – MAPIPIGILAN BA NI AKHIRO ANG SARILI? ATHENA'S POV “Okay, Miss Independent,” natatawang sabi ni Camil. “Sige na nga. Kain na tayo bago lumamig ang pagkain.” Ngunit kahit nakabalik na kami sa pagkain, hindi pa rin mapakali ang isip ko. Sinubukan kong huwag siyang tingnan. Pinilit kong makisali sa usapan at tumawa sa mga biro ni Camil. Pero may mga pagkakataong kusang lumilihis ang mga mata ko sa kinaroroonan niya. At sa isa sa mga sandaling iyon, nagkamali ako. Dahan-dahan akong napalingon. Nakatitig din siya sa akin. Hindi ko matukoy kung gaano na siya katagal nakatingin, ngunit nang magtama ang aming mga mata, para akong nawalan ng kakayahang huminga. Walang ngiti sa kaniyang mukha. Wala ring pagtataka. Sa halip, may kung anong lungkot sa mga mata niyang hindi ko na gustong unawain. Para siyang may gustong sabihin. Para siyang matagal nang may hinahanap, at sa wakas ay natagpuan niya iyon sa harap niya. Ako. Agad akong nagbawi ng tingin.

  • TOO LATE TO LOVE ME   CHAPTER 6 - ANG PAGTATAGPO

    CHAPTER SIX – ANG PAGTATAGPOATHENA'S POVDumating din ang araw na matagal kong pinaghandaan—ang unang araw ko bilang intern sa isang ospital sa Global City.Ilang taon kong pinangarap na makarating sa puntong ito. Ilang gabing puyat, pagod, at sakripisyo ang pinagdaanan ko bago ko tuluyang mahawakan ang pagkakataong matagal kong ipinagdasal. Dapat ay puno ako ng pananabik sa araw na iyon, ngunit hindi ko maikakaila na may halong kaba ang nararamdaman ko. Bawat pintig ng puso ko ay halos gustong kumawala sa dibdib ko.Bagong lugar. Bagong mga mukha. Bagong responsibilidad.At higit sa lahat, isang panibagong yugto ng buhay na kailangan kong harapin nang mag-isa.Hindi ko alam kung anong mga pagsubok ang naghihintay sa akin sa loob ng ospital. Ang alam ko lamang, kailangan kong maging matatag. Hindi na ako ang dating Athena na madaling masaktan at hinahayaang idikta ng nakaraan ang bawat desisyon ko.Matagal ko nang ipina

  • TOO LATE TO LOVE ME   Chapter 5

    CHAPTER 5- ANG MULING PAGKIKITAATHENA'S POVPaglapag ng eroplano sa airport, makalipas ang ilang taon, sa wakas ay nakauwi rin ako sa Pilipinas upang makasama ang pamilya ko sa pagdiriwang ng aking pagtatapos.Hindi naging madali ang lahat. Maraming gabing kulang ako sa tulog, maraming araw na gusto ko nang sumuko, at maraming pagkakataong kinailangan kong labanan ang sarili kong pagod at panghihina.Pero heto ako ngayon.Nakatayo sa harap ng salamin, nakasuot ng simpleng damit habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksiyon.Athena Buenaventura.Ang dating babaeng madaling umiyak dahil sa pag-ibig ay unti-unti nang nagiging isang babaeng marunong tumayo sa sarili niyang mga paa.Akala ko, sa pagbabalik ko, ang pamilya ko lamang ang kailangan kong harapin.Hindi ko inaasahang makikita ko rin ang lalaking matagal ko nang pilit na kinakalimutan.Si, Akhiro Fuentes.Ang lalaking minsan kong minahal nang higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Ang lalaking ilang beses kong ipinaglaban k

  • TOO LATE TO LOVE ME   Chapter 4

    Chapter 4 – Ang Huling MensaheATHENA’S POVIlang araw akong hindi pumapasok.Hindi ko kayang makita si Akhiro.Hindi ko kayang umupo sa tabi niya na para bang walang nangyari.Hindi ko kayang marinig ang boses niya at magpanggap na hindi ko alam ang katotohanan.Kaya may desisyong pumasok sa isip ko upang tuluyan akong makawala sa sakit na nararamdaman ko.Pakiramdam ko, ayokong mabuhay. Ang daming tanong sa utak ko na naghahalo-halo.Puro tanong.Bakit ako?Bakit niya ginawa iyon sa akin?Bakit mas pinili niyang gamitin ako para sa kapatid ko?Bakit si Alexa pa? Bakit?Sabay ang pag-agos ng luhang hindi ko mapigilan dahil sa sakit na nararamdaman ko noong mga oras na iyon, kaya minabuti kong gawin ang desisyong pumasok sa isip ko.Nang magdesisyon akong lumipat ng paaralan, pumayag sina Mama at Papa. Hindi ko sinabi sa kanila ang buong dahilan. Sinabi ko lamang na gusto kong magsimula sa ibang lugar.At bago ako umalis, nagpadala ako kay Akhiro ng huling mensahe.'Akhiro, pasensya n

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status