LOGINCHAPTER 5- ANG MULING PAGKIKITA
ATHENA'S POV Paglapag ng eroplano sa airport, makalipas ang ilang taon, sa wakas ay nakauwi rin ako sa Pilipinas upang makasama ang pamilya ko sa pagdiriwang ng aking pagtatapos. Hindi naging madali ang lahat. Maraming gabing kulang ako sa tulog, maraming araw na gusto ko nang sumuko, at maraming pagkakataong kinailangan kong labanan ang sarili kong pagod at panghihina. Pero heto ako ngayon. Nakatayo sa harap ng salamin, nakasuot ng simpleng damit habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksiyon. Athena Buenaventura. Ang dating babaeng madaling umiyak dahil sa pag-ibig ay unti-unti nang nagiging isang babaeng marunong tumayo sa sarili niyang mga paa. Akala ko, sa pagbabalik ko, ang pamilya ko lamang ang kailangan kong harapin. Hindi ko inaasahang makikita ko rin ang lalaking matagal ko nang pilit na kinakalimutan. Si, Akhiro Fuentes. Ang lalaking minsan kong minahal nang higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Ang lalaking ilang beses kong ipinaglaban kahit ako na mismo ang nauubos. At ang lalaking naging dahilan kung bakit natutuhan kong ang pagmamahal ay hindi palaging sapat upang manatili ang isang tao. Pagdating ko sa lugar ng celebration, agad kong napansin ang dami ng mga bisita. Maririnig ang masasayang kuwentuhan at tawanan ng aming mga kamag-anak. Ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko nang bigla akong natigilan. Naroon siya. Nakatayo malapit sa pintuan, nakatingin sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Saglit na nagtagpo ang aming mga mata. At sa isang iglap, tila bumalik ang lahat ng alaala na matagal kong ikinulong sa pinakamalalim na bahagi ng puso ko. “Athena…” Mahina ang pagkakabigkas niya sa pangalan ko. Hindi ako sumagot. “Athena, please. Can we talk?” Naglakad siya palapit sa akin, ngunit agad akong umatras. “Akhiro, I'm here for my family, not for you. So stop doing this.” “Yeah, I know. I'm sorry, pero please…” Halata sa kaniyang mukha ang desperasyon. “Makinig ka muna sa sasabihin ko.” Umiling ako. “Akie, sorry, pero wala na tayong dapat pag-usapan.” “Athena, I'm really sorry.” Para bang hindi niya matanggap ang sinabi ko. Napapikit ako sandali. Ilang taon kong hinintay na marinig ang mga salitang iyon mula sa kaniya. Ilang taon kong inasam na sana ay bumalik siya at ipaliwanag kung bakit niya hinayaang masira ang lahat sa pagitan namin. Pero ngayong nasa harap ko na siya, hindi na sapat ang simpleng paghingi niya ng tawad upang burahin ang sakit na pinagdaanan ko. “I'm sorry, Akhiro,” mahina kong sabi. “Pero hindi na ako ang taong naghihintay sa iyo.” Hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot. Tinalikuran ko siya at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay. Hindi ko alam kung sinundan niya ako ng tingin, at hindi ko rin gustong lumingon upang alamin iyon. Ang alam ko lang, kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagpasok ko, agad kong nakita sina Mama at Papa. Naroon din ang iba pa naming mga kamag-anak na masayang naghihintay upang batiin ako. “Oh! Buti naman at dumating ka na, anak!” masayang bati ni Mama. “Ma!” bulalas ko, sabay yakap nang mahigpit. “I miss you!” “I miss you too, anak!” sagot niya habang hinahaplos ang buhok ko. Sunod kong niyakap si Papa. “I'm home, Pa.” Mahigpit niya akong niyakap at marahang tinapik ang likod ko. “Welcome home, anak. We're so proud of you.” Napangiti ako. “Thank you, Pa.” “Hindi mo kami binigo, Athena,” sabi ni Mama habang pinagmamasdan ako. “Ang gaganda ng mga grado mo. Pagkatapos ng lahat ng paghihirap mo, nakapagtapos ka rin nang may karangalan.” “Thank you so much, Ma, Pa. Hindi ko mararating ito kung hindi dahil sa inyo.” Muli ko silang niyakap. Sa mga sandaling iyon, naramdaman kong sulit ang lahat ng pagod ko. Sa kabila ng mga problemang pinagdaanan ko, narito pa rin ang mga taong hindi kailanman tumigil sa pagmamahal sa akin. “Tara na, anak. Umupo ka muna at magpahinga,” sabi ni Mama. Tumango ako at sumunod sa kanila. Maya-maya, nakita ko si Alexa, ang kambal kong kapatid, na papalapit sa akin. “Congratulations, sis! Buti nakauwi ka na!” Nakangiti siyang lumapit at niyakap ako. “Thank you, Alexa,” sagot ko. Ngunit habang yakap niya ako, hindi ko maiwasang maalala ang isang katotohanang matagal nang nagbibigay sa akin ng sakit. Si Alexa ang babaeng minahal ni Akhiro. Ang mismong lalaking ilang sandali lamang ang nakalipas ay nagmamakaawang makausap ako. Hindi ko masisisi si Alexa sa lahat ng nangyari. May sarili rin siyang buhay at mga damdamin. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili kong tanggap ko na ang lahat, may mga sugat na hindi madaling maghilom. Kaya dahan-dahan akong kumawala sa yakap niya at naupo sa bakanteng upuan. Ilang saglit pa, lumapit sina Tito at Tita upang batiin ako. “Congratulations, Athena!” “Thank you po,” magalang kong sagot. Patuloy ang pagbati ng mga kamag-anak ko. Sinubukan kong makisabay sa kanilang masasayang kuwentuhan, kahit paminsan-minsan ay bumabalik sa isip ko ang mukha ni Akhiro. Hanggang sa makita ko sina Mavel at Wen sa kabilang bahagi ng silid. “Ma, Pa, doon muna ako kina Mavel at Wen, ha?” “Sige, anak. Magkuwentuhan muna kayo,” sagot ni Mama. Paglapit ko pa lamang sa dalawa, agad nila akong sinalubong ng mahigpit na yakap. “OMG! Kamusta na ang pinakamagandang Athena, the goddess?” masayang bati ni Mavel. Napatawa ako. “HAHAHA! Pasaway talaga kayo! How are you guys?” “Good!” sabay nilang sagot. “Talaga lang, ha? Parang walang problema sa buhay!” “Eh, ikaw nga itong lalo pang gumanda!” pang-aasar ni Wen. “Ano ba ang sikreto mo?” “Haaays, kayo talaga! Eto, pretty pa rin as usual!” natatawa kong sagot. Sabay-sabay kaming nagtawanan. “Pero guys,” sabi ko matapos humupa ang tawanan namin, “I really missed you both.” “Kami rin, no!” sagot ni Mavel. “Akala mo ba makakalimutan ka namin?” dagdag ni Wen. “Kahit saan ka pa mapunta, kami pa rin ang mga kaibigan mong hindi mo matatakasan.” “Grabe naman sa hindi matatakasan!” “Truth hurts, bestie!” Muli kaming nagtawanan bago sabay-sabay na umupo. Sa piling nila, kahit sandali, nakalimutan ko ang bigat ng lahat ng nangyari sa buhay ko. Ngunit hindi nagtagal, biglang nagtanong si Wen. “By the way, Athena, nakita mo ba siya?” Kumunot ang noo ko. “Sino?” Napairap si Mavel. “Sino pa ba? Eh, di iyong ex mo, baliw!” Agad akong nagkibit-balikat. “I don't care about him. Hindi na siya ang dapat kong paglaanan ng oras ko ngayon. This day is for my family and for me.” Nagkatinginan ang dalawa. “Sabagay,” sabi ni Wen. “Panahon na para sa sarili mo naman ang unahin mo.” “Exactly!” dagdag ni Mavel. “At saka, pagkatapos nito, siguradong maraming lalaki ang magkakagusto sa iyo!” “Grabe kayo! Hindi naman ako naghahanap ng lalaki.” “Hindi pa!” pang-aasar ni Wen. “Malay mo, may dumating na mas deserving kaysa sa kaniya.” Umiling ako habang nakangiti. Sa totoo lang, hindi ko alam kung handa na akong magmahal muli. Sa ngayon, mas gusto kong magpokus sa sarili ko, sa pamilya ko, at sa trabahong naghihintay sa akin. “Anyway, guys,” sabi ko, “Kailangan ko nang maghanda para sa hospital. For training pa kasi ako. Marami pa akong kailangang matutuhan bago ako tuluyang makapagtrabaho bilang doktor.” “Ah, oo nga pala!” sagot ni Mavel. “May plano ka na ba kung saang hospital ka magtatrabaho pagkatapos ng training?” “Hindi pa ako nakapagdedesisyon. Pag-iisipan ko muna kung saan ako mas matututo at kung saan ako makapagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga pasyente.” “Good luck, best friend! Alam kong kaya mo iyan.” “Thank you! Eh, ikaw, Mavel? Ano naman ang plano mo?” “Sa company ni Papa sa Makati muna ako. Kailangan ko ring matutuhan ang pagpapatakbo ng negosyo namin.” “Nice! Ikaw naman, Wen?” “As usual, sa Baguio. Sasaluhin ko rin ang negosyo ng parents ko roon. Sayang naman ang staycation namin kung hindi ko rin magagamit habang nagtatrabaho!” Napatawa ako. “Oo nga! Alam kong malaki ang lugar ninyo roon. Ang ganda pa ng paligid!” “Ha, oo, medyo!” natatawang sagot niya. Ilang saglit pa, tinanong ako ni Mavel. “Eh, ikaw, Athena? Dito ka na ba ulit titira sa bahay ninyo?” Tumingin ako sa paligid. Sa bahay na kinalakihan ko. Sa mga taong patuloy na nagmamahal sa akin. Sa pamilyang naging sandigan ko sa mga panahong pakiramdam ko ay wala na akong ibang matatakbuhan. “Yes. Dito muna ako titira habang inaayos ko ang mga susunod kong hakbang sa trabaho.” “Good!” masayang sabi ni Wen. “At least, magkikita-kita pa rin tayo!” “Oo naman. Hindi ko kayo basta-bastang matatakasan,” natatawa kong sagot. “Dapat lang!” Napangiti ako habang pinagmamasdan ang dalawa kong kaibigan. Sa gabing iyon, unti-unti kong napagtanto na marami pa pala akong dahilan upang magpatuloy. May pamilya akong nagmamahal sa akin, mga kaibigang handang sumuporta sa akin, at mga pangarap na kailangan ko pang abutin. Hindi man madaling kalimutan ang nakaraan, maaari ko namang piliing huwag nang manatili roon. Ngunit habang nakikipagtawanan ako kina Mavel at Wen, hindi ko maiwasang maramdaman na may isang pares ng matang patuloy na nakatingin sa akin mula sa malayo. Hindi ko na kailangang lumingon upang malaman kung sino iyon. Si Akhiro.CHAPTER SEVEN – MAPIPIGILAN BA NI AKHIRO ANG SARILI?ATHENA'S POV“Okay, Miss Independent,” natatawang sabi ni Camil. “Sige na nga. Kain na tayo bago lumamig ang pagkain.”Ngunit kahit nakabalik na kami sa pagkain, hindi pa rin mapakali ang isip ko.Sinubukan kong huwag siyang tingnan. Pinilit kong makisali sa usapan at tumawa sa mga biro ni Camil.Pero may mga pagkakataong kusang lumilihis ang mga mata ko sa kinaroroonan niya.At sa isa sa mga sandaling iyon, nagkamali ako.Dahan-dahan akong napalingon.Nakatitig din siya sa akin.Hindi ko matukoy kung gaano na siya katagal nakatingin, ngunit nang magtama ang aming mga mata, para akong nawalan ng kakayahang huminga.Walang ngiti sa kaniyang mukha.Wala ring pagtataka.Sa halip, may kung anong lungkot sa mga mata niyang hindi ko na gustong unawain.Para siyang may gustong sabihin.Para siyang matagal nang may hinahanap, at sa wakas ay natagpuan niya iyon sa harap niya.Ako.Agad akong nagbawi ng tingin.Huwag, Athena.Huwag mong bigya
CHAPTER SIX – ANG PAGTATAGPOATHENA'S POVDumating din ang araw na matagal kong pinaghandaan—ang unang araw ko bilang intern sa isang ospital sa Global City.Ilang taon kong pinangarap na makarating sa puntong ito. Ilang gabing puyat, pagod, at sakripisyo ang pinagdaanan ko bago ko tuluyang mahawakan ang pagkakataong matagal kong ipinagdasal. Dapat ay puno ako ng pananabik sa araw na iyon, ngunit hindi ko maikakaila na may halong kaba ang nararamdaman ko. Bawat pintig ng puso ko ay halos gustong kumawala sa dibdib ko.Bagong lugar. Bagong mga mukha. Bagong responsibilidad.At higit sa lahat, isang panibagong yugto ng buhay na kailangan kong harapin nang mag-isa.Hindi ko alam kung anong mga pagsubok ang naghihintay sa akin sa loob ng ospital. Ang alam ko lamang, kailangan kong maging matatag. Hindi na ako ang dating Athena na madaling masaktan at hinahayaang idikta ng nakaraan ang bawat desisyon ko.Matagal ko nang ipina
CHAPTER 5- ANG MULING PAGKIKITAATHENA'S POVPaglapag ng eroplano sa airport, makalipas ang ilang taon, sa wakas ay nakauwi rin ako sa Pilipinas upang makasama ang pamilya ko sa pagdiriwang ng aking pagtatapos.Hindi naging madali ang lahat. Maraming gabing kulang ako sa tulog, maraming araw na gusto ko nang sumuko, at maraming pagkakataong kinailangan kong labanan ang sarili kong pagod at panghihina.Pero heto ako ngayon.Nakatayo sa harap ng salamin, nakasuot ng simpleng damit habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksiyon.Athena Buenaventura.Ang dating babaeng madaling umiyak dahil sa pag-ibig ay unti-unti nang nagiging isang babaeng marunong tumayo sa sarili niyang mga paa.Akala ko, sa pagbabalik ko, ang pamilya ko lamang ang kailangan kong harapin.Hindi ko inaasahang makikita ko rin ang lalaking matagal ko nang pilit na kinakalimutan.Si, Akhiro Fuentes.Ang lalaking minsan kong minahal nang higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Ang lalaking ilang beses kong ipinaglaban k
Chapter 4 – Ang Huling MensaheATHENA’S POVIlang araw akong hindi pumapasok.Hindi ko kayang makita si Akhiro.Hindi ko kayang umupo sa tabi niya na para bang walang nangyari.Hindi ko kayang marinig ang boses niya at magpanggap na hindi ko alam ang katotohanan.Kaya may desisyong pumasok sa isip ko upang tuluyan akong makawala sa sakit na nararamdaman ko.Pakiramdam ko, ayokong mabuhay. Ang daming tanong sa utak ko na naghahalo-halo.Puro tanong.Bakit ako?Bakit niya ginawa iyon sa akin?Bakit mas pinili niyang gamitin ako para sa kapatid ko?Bakit si Alexa pa? Bakit?Sabay ang pag-agos ng luhang hindi ko mapigilan dahil sa sakit na nararamdaman ko noong mga oras na iyon, kaya minabuti kong gawin ang desisyong pumasok sa isip ko.Nang magdesisyon akong lumipat ng paaralan, pumayag sina Mama at Papa. Hindi ko sinabi sa kanila ang buong dahilan. Sinabi ko lamang na gusto kong magsimula sa ibang lugar.At bago ako umalis, nagpadala ako kay Akhiro ng huling mensahe.'Akhiro, pasensya n
CHAPTER THREE- ANG MASAKIT NA KATOTOHANANATHENA'S POVMay mga sandaling hindi mo alam na iyon na pala ang huling pagkakataong magiging masaya ka nang walang inaalala.Huling pagkakataon mong maniniwala sa mga pangakong hindi mo alam na kasinungalingan lang pala ang lahat. At huling pagkakataong tatawagin mong pag-ibig ang isang bagay na maaaring hindi naman pala naging totoo.Noong araw na iyon, hinahanap ko si Akhiro. May dala akong maliit na lalagyan ng cookies na ako mismo ang gumawa noong nakaraang gabi.Ilang oras ko iyong pinaglaanan. Ilang beses akong nagkamali sa unang batch, pero hindi ako sumuko. Gusto kong maibigay sa kaniya ang pinakamagandang cookies na kaya kong gawin.Gusto kong mapasaya siya. Gusto kong makita ang ngiti niya habang kinakain ang mga iyon.Habang naglalakad papunta sa faculty room, hindi ko mapigilang ngumiti. Iniisip ko kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nakita niya ang dala ko.Baka asarin niya ako. Baka sabihin niyang masarap. O baka simplen
CHAPTER TWO - GUSTO KITA ATHENA'S POV Hindi ko inaasahang darating ang araw na ang simpleng paghanga ko ay mas lalalim at hihigit pa doon. Mula sa mga simpleng usapan namin, hanggang sa mga tingin na mabilis ko ring iniiwasan lalo na kapag nahuhuli niya akong nakatingin. Dahilan para lalo akong mahulog sa kanya. Tulad ngayong hapon. Matapos ang klase namin, nasa corridor kami nang hinawakan niya ako sa braso. “Athena, may sasabihin sana ako.” Napatingin ako sa kaniya. Binitawan niya ang braso ko. Sa loob-loob ko, nakaramdam ako ng kakaiba. Malakas ang tibok ng puso ko “Bakit?” Sandali siyang natahimik bago huminga nang malalim. “Gusto kita.” Diretso siya nakatingin sa akin. Parang huminto ang mundo ko. Totoo ba ang naririnig ko? Hindi ba ito isang panaginip? “Ano?” sabi ko, habang namumula ang aking mukha. “Sabi ko, gusto kita,” ulit niya. “Actually, matagal na.” Hindi ako agad nakasagot. Ang dami kong gabing ipinagdasal na sana, kahit minsan lang, maki







