Share

Chapter 4

last update publish date: 2026-10-26 02:01:04

Chapter 4 – Ang Huling Mensahe

ATHENA’S POV

Ilang araw akong hindi pumapasok.

Hindi ko kayang makita si Akhiro.

Hindi ko kayang umupo sa tabi niya na para bang walang nangyari.

Hindi ko kayang marinig ang boses niya at magpanggap na hindi ko alam ang katotohanan.

Kaya may desisyong pumasok sa isip ko upang tuluyan akong makawala sa sakit na nararamdaman ko.

Pakiramdam ko, ayokong mabuhay. Ang daming tanong sa utak ko na naghahalo-halo.

Puro tanong.

Bakit ako?

Bakit niya ginawa iyon sa akin?

Bakit mas pinili niyang gamitin ako para sa kapatid ko?

Bakit si Alexa pa? Bakit?

Sabay ang pag-agos ng luhang hindi ko mapigilan dahil sa sakit na nararamdaman ko noong mga oras na iyon, kaya minabuti kong gawin ang desisyong pumasok sa isip ko.

Nang magdesisyon akong lumipat ng paaralan, pumayag sina Mama at Papa. Hindi ko sinabi sa kanila ang buong dahilan. Sinabi ko lamang na gusto kong magsimula sa ibang lugar.

At bago ako umalis, nagpadala ako kay Akhiro ng huling mensahe.

'Akhiro, pasensya na. Hindi ko na kayang ituloy ang relasyon natin. Sana maintindihan mo. Ingatan mo sana ang sarili mo. Salamat sa mga alaala na binigay mo sa mga oras na kasama kita . I can't hold this relationship anymore. I'm sorry.

PS: My love and only. '

Ilang beses kong binasa ang mensaheng iyon bago ko tuluyang ipinadala.

Gusto kong magsulat ng mas mahaba.

Gusto kong itanong kung bakit.

Gusto kong sabihin sa kanya na narinig ko ang lahat, na minahal ko siya.

Hindi ko ginustong maging bahagi ng laro niya.

Pero sa huli, binura ko ang lahat ng salitang iyon.

Dahil pagod na akong humingi ng pagmamahal sa isang taong hindi naman kusang nagbigay nito sa akin.

Ilang minuto ang lumipas bago nag-reply si Akhiro.

'Athena, what do you mean? Can we talk?'

Napahagulgol ako. Hindi ko na kayang mag-reply pa sa mga chat niya.

'Athena, what happened? Tell me.'

'Athena, pleaseee.'

'Is this a joke? Please, answer me, Athena.'

Pinipigilan ko ang sarili kong sagutin ang bawat chat niya, dahil kahit nasasaktan ako sa mga oras na iyon, gustong-gusto ko pa rin siyang kausapin.

Gusto ko pa rin siyang makita.

Gusto ko pa ring marinig ang mga paliwanag niya.

Pero alam kong kapag hindi ko pinigilan ang sarili ko, babalikan ko siya. Kaya pinatay ko ang screen ng cellphone ko.

Noong araw ding iyon, bumili ako ng bagong SIM at gumawa ng bagong account para na rin sa mga kaibigan ko. Lalo na para kina Mavel at Wen.

Nang maayos ko na ang lahat, agad ko silang kinontak.

Mavel: Hello, Athena. Oh, ikaw pala. Ano ka ba, girl? Ilang araw ka nang wala, ha? Ano bang meron? Asan ka ba? Hinahanap ka na rin ni Wen.

Athena: Okay lang naman ako. Wait, gagawa ako ng GC. Doon tayo mag-usap.

Mavel: Ok, girl, sige sige.

(Best Friend Smile)

Mavel: Oh, ayos ang name ng GC, ha.

Wen: Wait, tell me what happened. Why is your mom telling me you’re not going to school? What happened?

Mavel: Kaya nga, Athena. Ano ba kasing meron? Kanina hinahanap ka ni Akhiro sa amin. Tanong siya nang tanong kung nag-chat ka ba sa amin.

Athena: Guys, sorry for this. Miss ko na kayo.

Mavel: Ha? Bakit? Ano ba meron?

Athena: Yeah, I’m transferring now.

Wen: Ha, why? What happened to you?

Athena: Kasi, guys, nalaman ko na niloloko lang ako ni Akhiro. Ginawa lang pala niya iyon para pagselosin ang kambal ko.

Mavel: Ha, what the fuck? Is it true?

Athena: Yes.

Mavel: Ang loko na iyon, napakasama niya! Wala kang ginawang masama. Bakit niya ginawa ito sa iyo? At sa salbahe mong kapatid, pumatol pa talaga siya, ha!

Athena: Guys, ang sakit, sobra. Hindi ko na alam.

Wen: Haaays, huwag ka nang umiyak, okay? Andito lang kami.

Mavel: Oo, kami na ang bahala sa iyo.

Athena: Thanks again. Alam kong lagi kayong andiyan para sa akin. Salamat.

Matapos ang usapan namin sa bagong GC, tinanong nila kung saan ako lilipat. Dahil sa kanila, saglit kong nakalimutan si Akhiro.

LUMIPAS ANG MGA TAON

Nagtapos ako sa bagong paaralan at sinimulan kong buuin ang buhay na matagal kong ipinagkait sa sarili ko habang umiibig ako kay Akhiro.

Akala ko, tuluyan na akong nakalayo.

Pero isang araw, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Mavel.

'Mavel: Athena, may kailangan kang malaman tungkol kay Akhiro.'

Hindi ko alam kung bakit nanginig ang mga kamay ko habang binabasa ko iyon.

Ayon kay Mavel, hindi pala tumigil si Akhiro sa paghahanap sa akin. Noong una, inakala raw niyang kailangan ko lang ng panahon.

Pagkatapos, sinubukan niya akong tawagan. Nagpadala siya ng napakaraming mensahe. Nagtanong siya sa mga kakilala namin, pero wala siyang natanggap na sagot.

Unti-unti raw akong nawala sa mundong nakasanayan niya.

At sa pagkawala ko, nagsimulang magbago ang lahat sa kanya.

Hindi na raw siya nasasabik kapag may natatanggap na cookies.

Hindi na raw siya napapangiti sa mga sulat na hindi niya alam kung kanino galing.

Dahil sa bawat maliit na bagay na dati niyang tinatanggap nang walang tanong, naaalala raw niya ang babaeng hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataong magpaliwanag.

Hanggang sa isang araw, nalaman niya ang katotohanan.

Ang cookies.

Ang sticky notes.

Ang mga sulat.

Lahat iyon ay galing sa akin.

Hindi kay Alexa.

Napatigil ako sa pagbabasa.

Alam ko ang lahat ng iyon. Ako ang nag-iwan ng mga iyon sa mesa niya. Ako ang nag-aalala kung kumakain ba siya. Ako ang sumusulat ng mga salitang pampalakas ng loob kapag pagod na siya.

Ako ang babaeng matagal nang nasa tabi niya, at ako rin ang babaeng sinaktan niya nang sobra.

Ikinuwento ni Mavel na may hawak daw na lumang sulat si Akhiro nang malaman niya iyon. Nanginginig daw ang mga kamay niya.

Habang nagkukuwento si Mavel, parang nakikita ko na rin ang nangyari. Nang malaman ni Akhiro ang lahat, wala na ako.

Pinatay ko ang screen ng cellphone ko at tumingin sa kawalan.

Naisip ko si Akhiro, na ngayon ay nakaupo sa isang tahimik na silid, umiiyak habang hawak ang dibdib niya. Umiiyak nga ba talaga siya?

Pero sa ngayon, wala na akong pakialam. Hindi ako masaya, pero hindi na rin ako nanghihinayang.

Dahil alam ko ang sakit na ibinigay niya noon sa akin. Matagal ko nang pilit na ibinabaon iyon sa limot.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • TOO LATE TO LOVE ME   CHAPTER SEVEN

    CHAPTER SEVEN – MAPIPIGILAN BA NI AKHIRO ANG SARILI?ATHENA'S POV“Okay, Miss Independent,” natatawang sabi ni Camil. “Sige na nga. Kain na tayo bago lumamig ang pagkain.”Ngunit kahit nakabalik na kami sa pagkain, hindi pa rin mapakali ang isip ko.Sinubukan kong huwag siyang tingnan. Pinilit kong makisali sa usapan at tumawa sa mga biro ni Camil.Pero may mga pagkakataong kusang lumilihis ang mga mata ko sa kinaroroonan niya.At sa isa sa mga sandaling iyon, nagkamali ako.Dahan-dahan akong napalingon.Nakatitig din siya sa akin.Hindi ko matukoy kung gaano na siya katagal nakatingin, ngunit nang magtama ang aming mga mata, para akong nawalan ng kakayahang huminga.Walang ngiti sa kaniyang mukha.Wala ring pagtataka.Sa halip, may kung anong lungkot sa mga mata niyang hindi ko na gustong unawain.Para siyang may gustong sabihin.Para siyang matagal nang may hinahanap, at sa wakas ay natagpuan niya iyon sa harap niya.Ako.Agad akong nagbawi ng tingin.Huwag, Athena.Huwag mong bigya

  • TOO LATE TO LOVE ME   CHAPTER 6 - ANG PAGTATAGPO

    CHAPTER SIX – ANG PAGTATAGPOATHENA'S POVDumating din ang araw na matagal kong pinaghandaan—ang unang araw ko bilang intern sa isang ospital sa Global City.Ilang taon kong pinangarap na makarating sa puntong ito. Ilang gabing puyat, pagod, at sakripisyo ang pinagdaanan ko bago ko tuluyang mahawakan ang pagkakataong matagal kong ipinagdasal. Dapat ay puno ako ng pananabik sa araw na iyon, ngunit hindi ko maikakaila na may halong kaba ang nararamdaman ko. Bawat pintig ng puso ko ay halos gustong kumawala sa dibdib ko.Bagong lugar. Bagong mga mukha. Bagong responsibilidad.At higit sa lahat, isang panibagong yugto ng buhay na kailangan kong harapin nang mag-isa.Hindi ko alam kung anong mga pagsubok ang naghihintay sa akin sa loob ng ospital. Ang alam ko lamang, kailangan kong maging matatag. Hindi na ako ang dating Athena na madaling masaktan at hinahayaang idikta ng nakaraan ang bawat desisyon ko.Matagal ko nang ipina

  • TOO LATE TO LOVE ME   Chapter 5

    CHAPTER 5- ANG MULING PAGKIKITAATHENA'S POVPaglapag ng eroplano sa airport, makalipas ang ilang taon, sa wakas ay nakauwi rin ako sa Pilipinas upang makasama ang pamilya ko sa pagdiriwang ng aking pagtatapos.Hindi naging madali ang lahat. Maraming gabing kulang ako sa tulog, maraming araw na gusto ko nang sumuko, at maraming pagkakataong kinailangan kong labanan ang sarili kong pagod at panghihina.Pero heto ako ngayon.Nakatayo sa harap ng salamin, nakasuot ng simpleng damit habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksiyon.Athena Buenaventura.Ang dating babaeng madaling umiyak dahil sa pag-ibig ay unti-unti nang nagiging isang babaeng marunong tumayo sa sarili niyang mga paa.Akala ko, sa pagbabalik ko, ang pamilya ko lamang ang kailangan kong harapin.Hindi ko inaasahang makikita ko rin ang lalaking matagal ko nang pilit na kinakalimutan.Si, Akhiro Fuentes.Ang lalaking minsan kong minahal nang higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Ang lalaking ilang beses kong ipinaglaban k

  • TOO LATE TO LOVE ME   Chapter 4

    Chapter 4 – Ang Huling MensaheATHENA’S POVIlang araw akong hindi pumapasok.Hindi ko kayang makita si Akhiro.Hindi ko kayang umupo sa tabi niya na para bang walang nangyari.Hindi ko kayang marinig ang boses niya at magpanggap na hindi ko alam ang katotohanan.Kaya may desisyong pumasok sa isip ko upang tuluyan akong makawala sa sakit na nararamdaman ko.Pakiramdam ko, ayokong mabuhay. Ang daming tanong sa utak ko na naghahalo-halo.Puro tanong.Bakit ako?Bakit niya ginawa iyon sa akin?Bakit mas pinili niyang gamitin ako para sa kapatid ko?Bakit si Alexa pa? Bakit?Sabay ang pag-agos ng luhang hindi ko mapigilan dahil sa sakit na nararamdaman ko noong mga oras na iyon, kaya minabuti kong gawin ang desisyong pumasok sa isip ko.Nang magdesisyon akong lumipat ng paaralan, pumayag sina Mama at Papa. Hindi ko sinabi sa kanila ang buong dahilan. Sinabi ko lamang na gusto kong magsimula sa ibang lugar.At bago ako umalis, nagpadala ako kay Akhiro ng huling mensahe.'Akhiro, pasensya n

  • TOO LATE TO LOVE ME   Chapter 3

    CHAPTER THREE- ANG MASAKIT NA KATOTOHANANATHENA'S POVMay mga sandaling hindi mo alam na iyon na pala ang huling pagkakataong magiging masaya ka nang walang inaalala.Huling pagkakataon mong maniniwala sa mga pangakong hindi mo alam na kasinungalingan lang pala ang lahat. At huling pagkakataong tatawagin mong pag-ibig ang isang bagay na maaaring hindi naman pala naging totoo.Noong araw na iyon, hinahanap ko si Akhiro. May dala akong maliit na lalagyan ng cookies na ako mismo ang gumawa noong nakaraang gabi.Ilang oras ko iyong pinaglaanan. Ilang beses akong nagkamali sa unang batch, pero hindi ako sumuko. Gusto kong maibigay sa kaniya ang pinakamagandang cookies na kaya kong gawin.Gusto kong mapasaya siya. Gusto kong makita ang ngiti niya habang kinakain ang mga iyon.Habang naglalakad papunta sa faculty room, hindi ko mapigilang ngumiti. Iniisip ko kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nakita niya ang dala ko.Baka asarin niya ako. Baka sabihin niyang masarap. O baka simplen

  • TOO LATE TO LOVE ME   Chapter 2

    CHAPTER TWO - GUSTO KITA ATHENA'S POV Hindi ko inaasahang darating ang araw na ang simpleng paghanga ko ay mas lalalim at hihigit pa doon. Mula sa mga simpleng usapan namin, hanggang sa mga tingin na mabilis ko ring iniiwasan lalo na kapag nahuhuli niya akong nakatingin. Dahilan para lalo akong mahulog sa kanya. Tulad ngayong hapon. Matapos ang klase namin, nasa corridor kami nang hinawakan niya ako sa braso. “Athena, may sasabihin sana ako.” Napatingin ako sa kaniya. Binitawan niya ang braso ko. Sa loob-loob ko, nakaramdam ako ng kakaiba. Malakas ang tibok ng puso ko “Bakit?” Sandali siyang natahimik bago huminga nang malalim. “Gusto kita.” Diretso siya nakatingin sa akin. Parang huminto ang mundo ko. Totoo ba ang naririnig ko? Hindi ba ito isang panaginip? “Ano?” sabi ko, habang namumula ang aking mukha. “Sabi ko, gusto kita,” ulit niya. “Actually, matagal na.” Hindi ako agad nakasagot. Ang dami kong gabing ipinagdasal na sana, kahit minsan lang, maki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status