LOGIN
Lagaslas ng tubig ang maririnig sa loob ng banyo.
Alas tres na ng madaling araw, kababalik lang ni Noah at ito ang naliligo sa banyo.
Tumayo si Agatha sa pintuan ng banyo.
Mayroon siyang gustong sabihin kay Noah. Medyo kinakabahan siya, hindi sigurado kung papayag ba ito sa sasabihin niya dito.
Habang nag iisip siya kung paano iyon sasabihin, may kakaibang tunog ang narinig niya mula sa loob kasabay ng lagaslas ng tubig…
Mga hingal at daing ang narinig niya, hindi siya pwedeng magkamali. Sa narinig niya ay parang isang mabigat na martilyo ang tumatama sa kanyang puso. Para siyang sinasakal at hindi siya makahinga ng maayos.
Sa katunayan, ngayon ang ikalimang anibersaryo nila ni Noah. Ikalimang taon na silang kasala pero hindi pa sila nagiging ganap na mag asawa.
Mas gugustuhin nitong magsarili at paligayahin ang sarili kaysa ang hawakan at galawin siya.
Habang naririnig niya ang daing mula sa loob, pabilis ng pabilis ang paghingal nito saka isang pangalan ang binanggit ni Noah kasabay ng pag ungol nito.
“Ahhh! Nica, hmm.”
Pagkarinig ni Agatha ang pangalang binanggit ni Noah kasabay ng ungol nito, para siyang binuhusan ng malamig na tubig at para siyang binigyan ng malakas at nakakamatay na suntok.
Bumilis ang pagtibok ng puso niya, parang dinudurog siya.
Sinubukan niyang takpan ang bibig para pigilan ang sarili sa pag iyak ng malakas, tumalikod siya at sinubukang tumakbo, ngunit natisod siya sa unang hakbang, nauntog siya sa lababo, at diretsong bumagsak sa sahig.
“Agatha?” tanong mula sa loob ng banyo, kahit na halata sa boses ni Noah ang hinihingal at mabigat parin ang paghinga.
“I… Gusto ko sanang gumamit ng banyo. Hindi ko alam na naliligo ka…” Pagsisinungaling niya at nagmamadaling humawak sa lababo para tumayo.
Sa sobrang pagkabalisa niya lalo siyang hindi makatayo ng maayos. May tubig sa sahid at lababo. Nadudulas siya.
Ilang sandali pa ay nakatayo na rin siya, ngunit lumabas na si Noah sa shower. Mabilis na kinuha ang bathrobe at isinuot, mahigpit na itinali.
“Anong nangyari? Nahulog ka ba?”
Sa kilos ni Noah ay may pagkukunwari na tutulungan siya.
Kahit na nasaktan at napaluha sa sakit dahil sa pagkakauntog si Agatha, itinulak niya ang kamay ni Noah, nahihirapan ngunit determinado siyang makatayo sa sarili niyang mga paa.
“Salamat, pero kaya ko ang sarili ko.” pagtanggi niya sa pag alalay nito.
Kahit na nahihirapan at muntik na nadulas ulit, nagawa niyang makalabas ng banyo pabalik sa kwarto.
Ito ang salitang pagtakas para sa kanya.
Gusto niyang takasan ang nangyari limang taon na ang nakakalipas. Tumakas sa limang taon nilang mag asawa ni Noah.
Ang tumakbo palayo sa labas ng mundo, tumakas sa mapag matang tingin ng lahat, at higit sa lahat ay tumakas sa nakikitang awa sa kanya ni Noah, takasan ang katotohanan na asawa siya ni Noah.
Paanong siya magiging karapat dapat na isang lumpo sa isang gwapo at matagumpay na Noah Villanueva?
Mayroon din naman siyang balingkinitang pares ng mga paa ngunit…
Lumabas na rin si Noah, nakasunod sa kanya, nagtanong sa banayad na tono at puno naman ng pag aalala.
“Nasaktan ka ba? Halika at tignan ko.”
“Hindi, okay lang ako.” pagtanggi niya saka humiga sa kama na agad niyang binalot ang sarili sa kubrekama.
“Okay ka lang ba talaga?” nag aalala na tanong pa ulit nito sa kanya.
“Oo.” sagot ni Agatha kay Noah at mariing tumango. Tumalikod siya ng higa dito.
“Hindi ka na ba gagamit ng banyo?”
“Hindi na, matulog na lang tayo.” mahina niyang sagot.
“Ikaw ang bahala. Anibersaryo natin ngayon, mayroon akong binili na regalo sayo. Buksan mo na lang iyon bukas.”
“Okay.”
Nasa gilid ng kama sa ibabaw ng bedside table ang regalo nito sa kanya. Nakita na niya kanina iyon. Ngunit hindi niya kailangang buksan dahil alam niya kung ano ang laman ng regalo nito.
Bawat taon, sa araw ng kanilang anibersaryo, sa parehong laki ng kahon ay alam niya na isa na naman iyong relo tulad ng iba na nitong naibibigay sa kanya. Kasama na rin ang regalo nito sa kanyang kaarawan. May siyam ng piraso sa drawer at ito ang ikasampu.
Doon na natapos ang kanilang usapan. Pinatay na nito ang ilaw at nahiga na rin. Naramdaman niya ang paglubog ng kama. Kasabay ng pagsama ng hangin sa amoy na shower gel na ginamit nito kanina.
Kasama niyang nahihiga si Noah sa dalawang metrong lapad ng kama, siya ay nakahiga sa kaliwa sa gilid at may tamang espasyo sa pagitan nila na kasya pa ang tatlong tao sa gitna.
Hindi na niya inusisa ang pagkarinig niya ng pangalan ni Nica at hindi na tinanong kung ano ang ginagawa nito kanina sa banyo. Pumikit na siya, na parang walang nangyari.
Nakatalikod siya kay Noah, nanlalamig. Nagmulat na may nanlilisik na mga mata.
Si Nica Mateo, kaklase niya noong kolihiyo, ang unang pag ibig ni Noah, ang diyosa sa mga mata at sa puso nito.
Pagkatapos makapagtapos ng kolihiyo, nagpasyang mangibang bansa si Nica at naghiwalay sila ni Noah. Nahulog sa matinding depresyon noon si Noah, nalulong sa alak at araw araw umiinum dahil hindi matanggap ang pag alis ni Nica na mas pinili nito ang mangibang bansa kaysa ang makasama si Noah.
Siya, si Agatha, kaklase niya si Noah noong middle school, at inaamin niya sa sarili na may gusto siya noon kay Noah sa mga panahong iyon.
Isang school hunk, isang cool at academically gifted na tao, samantalang siya ay isang arts student lang. Bagaman maganda siya, marami ding magagandang babae at higit sa lahat magaganda ang grado hindi tulad niya. Na hindi biniyayaan ng talino, at ang napili niyang daan ay ang sining na hindi kailangan ng talino. Pero sa tinahak niyang iyon ay hindi naman napapansin, at minsan pa ay palaging tinatanggihan ang isang tulad nila.
Kaya noon, lihim lang ang pagtangi niya kay Noah, hindi na siya nangarap na matapos ang middle high ay magkiita pa sila. Hanggang sa natapos siya sa dance academy at umuwi para sa summer vacation ay muli niya itong nakita. Isang lalaking nasuraysyray ang lakad.
Nang gabing iyon, nakainum din siya, naglalakas sa pakurbang kalsada, at ng tumawid siya sa kabila, hindi na niya tinignan ang ilaw trapiko.
Isang sasakyan ang mabilis na parating. Sa pag aalala niya ay itinulak niya si Noah para hindi masagasahan, ngunit siya ang nahagip ng kotse.
Siya bilang isang mananayaw, ay mahalaga sa kanya ang kanyang mga paa.
Gayunpaman, nabalian siya ng paa dahil sa pagligtas niya kay Noah.
Hindi na siya makasayaw ng maayos dahil sa pilay niya at hindi na makalakad ng maayos.
Nang naglaon, huminto na rin si Noah sa pag inum at inako ang responsibilidad sa kanya dahil sa pagligtas niya dito at pinakasalan siya.
Palaging nagpapasalamat ito sa kanya, ipinapaala nito ang pagligtas niya dito. Ngunit hanggang doon lang iyon, kahit na pinakasalan siya nito, malamig ang pagtrato nito sa kanya, gayunpaman ay palagi naman itong nagbibigay ng regalo at hindi nakakalimutan ang anibersaryo nila at ang kaarawan niya.
Kaya nitong ibigay lahat sa kanya, ngunit hindi ang pagmamahal nito sa kanya.
Naisip niya na darating ang araw na mamahalin siya nito kaya nagtiis siya, pero lumipas na ang maraming taon ay hindi parin nito nakalimutan si Nica. Kahit na ginagawa naman niya ang lahat para dito, ang maging mabuting may bahay, pagsilbihan ito ngunit si Nica pa rin ang laman ng puso’t isipan nito.
Habang siya, masasabing isa siyang martir at masyadong nagpapakatanga…
Hindi na siya nakatulog magdamag, nagbasa na lang siya ng email sa kanyang cellphone sa mga mensahe na hindi bababa sa isang daan.
Mga alok iyon sa kanya mula sa dayuhang Unibersidad, at iyon ang nais niyang sabihin kay Noah kanina, kung ayos lang ba na magpatuloy siya sa pag aaral sa ibang bansa?
Ngunit ngayon ay tila hindi na iyon kailangang tukuyin dito.
Limang taon na silang kasal, hindi mabilang ang gabing hindi siya mapakali, sa wakas ay dumating ang sandaling ito.
…..
Bumangon si Noah, habang siya ay tahimik lang na nakahiga.
Narinig niyang nakikipag usap ito sa isang katulong, si tita Sheena.
“May appointment ako ngayong gabi. Sabihan ang aking asawa na huwag na akong hintayin at matulog siya ng maaga.”
Matapos ibigay ang bilin na iyon, bumalik pa si Noah sa loob para tignan siya. Nakatakip siya ng kumot, basang basa na luha ang kanyang unan.
Kadalasan, kapag pupunta ito sa opisina, lagi na niyang inihahanda ang mga susuutin nito sa umaga, para isuot na lang niya ito.
Ngunit hindi ngayon, dahil ito na mismo ang tumingin ng maisusuot bago nagpunta sa kompanya.
Ilang sandali pa, iminulat na niya ang kanyang mga mata, mabuti na lang at hindi masyadong namaga ang kanyang mga mata.
Pagbangon niya, tamang tumunog ang alarm ng phone niya.
Ito na ang oras ng pag aaral niya ng Ingles.
Pagkatapos nilang magpakasal, dahil sa problema niya sa binti, hindi na siya lumalabas at nagkulong na lang sa bahay, at ang oras niya ay inilaan niya doon.
Bago tuluyang gawin ang kanyang pag aaral, nag scrool na muna siya sa kanyang cellphone.
Hindi siya mapakali, kung saan saang site siya nagpunta para maabala ang kanyang isip.
Hanggang sa mapunta siya sa site kung saan may makikita siyang video.
Napakapamilyar sa kanya ng larawan, tinignan niya ang pangalan ng account na iyon.
Nica Mateo (NM).
Ang video na iyon ay kuha kagabi.
Nausisa siyang panuurin ang video. Nang buksan niya iyon, ay agad siyang nakarinig ng masiglang musika, at pagkatapos ay may sumigaw: Isa, dalawa, tatlo, Welcome back, Nica! Cheers!
Hindi siya pwedeng magkamali, boses iyon ni Noah!
Sa pagkakataong iyon, si Agatha at tita Sheena na lang ang naiwan sa bahay. Sobrang lungkot ni tita Sheena, ang mga mata niya ay namumula, pinahid niya ang mga luha niya at humingi ng tawad kay Agatha, “Madam, sorry po, kasalanan ko ang lahat ng ito,kung hindi sana ako naging impulsive masyado ay hindi kayo mapipilitang iurong ang kaso.”Ngumiti naman si Agatha, “walang kinalaman iyon sayo. Hindi ko na rin naman gustong ituloy pa iyon and on the contrary, talagang masaya ako na kahit na sa sitwasyon ko ngayon ay may mga tao pa rin pala na pumapanig sa akin.” “Pero Madam, muntik ka ng mapahamak!” saad ni tita Sheena na parang naargabyado pa rin. “Okay lang naman ako, diba?” kumislap ang mga mata ni Agatha. “Pero tita SHeena, kailangan mo na talagang i-consider kung anong gagawin mo sa hinaharap.”“Madam?” gulat na tanong ni tita Sheena. Hindi na nagsalita pa si Agatha ng kahit ano dahil hindi pwedeng malaman ng kahit sino ang binabalak niya bago pa man siya makaalis sa pamilyang ‘t
“Una, kailangang umalis ni Nica sa kumpanya mo. hindi na siya pwedeng magtrabaho sayo kahit kailan, bawal siyang humawak ng shares sa company mo at hindi ka pwedeng mag-open ng branch company para sa kanya.” Tila walang threat ang kondisyon na iyon para kina Noah at Nica, kaya agad na sumang-ayon si Noah, “Sige.” “Pangalawa, lahat ng ginastos mo kay Nica– simula sa mga luxury goods hanggang sa bahay– ay marital property, kailangan kong mabawi lahat iyon, Noah. Bukod pa doon, simula ngayong araw, hindi mo na pwedeng bigyan si Nica ng kahit anong pera sa kahit anong dahilan.” Iyon ang ikamamatay ni Nica. Lagi niyang sinasabing para iyon sa pag-ibig, pero kung si Noah ay isang binatang wala ng pera, papansinin niya pa kaya ito? “Noah! Hindi pwede!” biglang sigaw ni Nica. Matapos sabihin iyon ni Agatha, narealize ni Nica na sumobra siya sa reaksyon niya kaya agad siyang bumawa, “Regalo mo iyon lahat sa akin, may mga sentimental value iyon, hindi ko kayang mawalay sa mga iyon… bukod
Mas madrama si Nica sa kahit sino habang hawak ng mahigpit ang manggas ni Noah at hinahatak iyon, “Noah, hindi… ayokong mag sorry si Agatha sa akin, paano ko naman maaatim na mag sorry siya? Pumunta ako dito para ako ang humingi ng tawad sa kanya! Noah, wag na kayong mag-away ni Agatha, ayokong nag-aaway kayo…”“Oo!” saad ni Agatha, “Ayaw mo kaming mag-away, gusto mo lang akong mamatay!”“Agatha!” matalim na sigaw ni Noah. “Alam mo ba kung gaano kabigat na krimen ang paggpatay? Paano mo nasisikmura na ibintang ang ganyang klaseng kabigat na bagay kay Nica?”Ngumisi ng mapait si Agatha. “Nagawa niya nga akong tangkaing sunugin ng buhay, bakit hindi ko magagawang pagbintangan siya?” “Isang libong beses ko ng sinabing aksidente iyon, aksidente lang! Hanggang ngayon ba naman ay yan pa rin ang iniisip mo?” muling uminit ang ulo ni Noah. “Nagpunta siya dito para mag sorry sayo, ano pa bang gusto mo?”“Magso-sorry?” tinignan ng diretso ni Agatha si Nica. “Sinasabi mong pumunta ka dito para
Nakatitig si Nica sa phone ni Agatha, nag-aalalang baka na-record nga nito ang lahat. “Burahin mo yang recording sa phone mo!”Ibinalik ni Agatha ang phone niya sa bag niya, may record man o wala, hindi niya ito ipapakita kay Nica. Dahil doon, nataranta si Nica. sa pag-aakalang mas malakas siya dahil pilay si Agatha, sumugod siya para agawain ang bag nito. Syempre, hindi iyon ibinigay ni Agatha. Si tita Sheena naman, nang makitang dehado ang amo niya ay mabilis na lumapit para tumulong. Eksakto namang tumunog ang doorbell. Sa pagkakataong iyon, si Noah na talaga ang dumating. Nang bumukas ang pinto, biglang natumba si Nica sa sahig. Pagkakita ni Noah, humiga siya at umiyak ng may mapupulang mata. “Noah…”Kasama ni Noah ang guard ng subdivision. Si Agatha ang nag-utos kay tita Sheena na tumawag ng guard dahil ine-expect niya na ang pagwawala ni Nica, ngunit hindi niya akalaing darating din si Noah sa oras na iyon. Nakaupo si sahig si Nica habang tumtingala kay Noah na may mga l
Nagdecide pa rin siyang pumunta sa clinic para sa acupuncture at rehabilitation, at pagkatapos ay uuwi na sa bahay ng lola niya. Kaya, matapos siyang mag-almusal at habang nag-eempake ng mga gamit na dadalhin sa lola niya, may pumasok. Tuloy-tuloy lang sa loob. Sa sandaling iyon, nag-aayos ng bahay si Tita Sheena , at iisang tao lang ang makakapasok ng ganon– si Noah. Inakala niyang si Noah iyon kaya hindi na siya lumingon hanggang sa may narinig siyang boses sa likod niya. “Agatha.”Si Nica Mateo. Alam pala ni Nica ang password ng bahay! Nakapasok siya ng ganon lang! Sandaling nakaramdam ng galit si Agatha, pero agad din niya itong kinalimutan. Sabagay, balak na rin naman niyang iwan ang bahay na iyon kaya hindi na sulit na magalit pa. Ang magalit ay walang saysay at sarili lang niya ang mapapahamak. Humarap si Agatha. Nakatayo na si Nica sa sala. Bakas ang pag-aalala sa tingin ni tita Sheena, na nagsasabing, “Hindi ko alam kung paano siya nakapasok.”Tumango si Agatha para ipa
Ano ba ang pakiramdam na magkagusto sa isang tao sa kabataan mo?Iyon ay kapag hindi siya pumapasok sa klase at kahit na merong isang walang lamang upuan sa classroom ay pakiramdam mo wala ring laman ang puso mo, na para bang ang buong mundo mo ay madilim. Iyon ay kapag naglakad siya sa classroom, ang mundo ay biglang nagliliwanag, ang liwanag ng araw sa labas ng bintana ay kumikinang na parang ginto, ngunit hindi iyon maikukumpara sa liwanag ng pagkakataong iyon. Iyon ay kapag ngumingiti siya, parang natutunaw ang puso mo, at kapag nakasimangot naman siya, parang pinipiga ang dibdib mo. Iyon yung kapag tahimik na lumilipas ang pras habang pinagmamasdan mo lang siya mula sa malayo, iyon yung habang lumilipas ang mga taon, handa mong ibigay ang lahat para sa kanya ng hindi niya nalalaman…Noong taong iyon, nang sa wakas ay nalaman na ni Agatha ang pagod at sakit na pilit tinatago ni Noah ay dahil malubha ang sakit ng lola niya at nasa ospital, nagsuot siya ng mas at bumangon bago pa







