Share

Chapter 2

Author: VIENNA ROSE
last update Huling Na-update: 2025-10-21 22:59:05

Sinira nito ang panata at nagsimulang uminom.

Halata na tinamaan na ng naimum na alak si Noah.

Pero si Noah nga ba ang narinig niyang sumigaw ng ganun?

Naalala ni Agatha si Noah noong high school sila. Isang malamig, malayong sa mga tao. Hindi lang ito seryoso habang nag aaral, kundi maging sa larangan ng mga laro. Kapag inaalok ito ng ibang babae na may gusto dito ng tubig, hindi nito iyon pinansin.

Nang naglaon, nang maging asawa siya nito, ang Noah na kilala niya bilang isang aloof na tao ay naging mas malayo ito sa kanya, mas naging malamig. Ang hindi palangiti noon ay mas lalong hindi niya nakitang ngumiti sa kanya. Kapag minsan tinatangka niyang hawakan ang kamay nito, naramdaman niyang napakalamig ng kamay nito tulad ng kalamigan nito sa kanya.

Ngayon, sa video na pinapanuod niya, umikot ang camera sa mukha ng lahat. Nakita niya ang isang lasing na si Noah, kumikinang ang mga mata, itinaas ang baso ng alak, at nakangiting tumingin sa camera.

“Welcome back, Nica.” sigaw nito at hindi maitago ang saya dahil sa pagbabalik ni Nica.

Ngunit, doon niya napagtanto. Marunong palang tumawa si Noah, marunong itong nguniti.

Ngunit hindi sa kanya, kundi ngumingiti ito sa taong gusto nito, tumatawa ito dahil masaya sa pagbabalik ng taong hinihintay nito. At lalong hindi binibigkas ang pangalan niya ng ganun katamis dahil hindi siya ang mahal nito.

“Madam, gising ka na ba?”

Umalingawngaw ang boses ni Tita Sheena mula sa labas ng pinto.

Alam ni Tita Sheena kung ano ang lagi niyang ginagawa. Kaya siguro nag aalala ito na hindi pa siya lumalabas kaya siya nito tinatawag.

Itinabi ni Agatha ang kanyang cellphone.

“Gising na ako, sandali na lang at lalabas na ako.” basag ang boses niya at halos mabulunan ng kanyang paghikbi.

….

Nagluto si Tita Sheena ng sinabawan dupling para sa almusal, ngunit halos hindi pa nakaubos si Agatha ng isa dahil wala siyang ganang kumain.

“Madam, ano pong tanghalian at hapunan ang iluluto ko mamaya?” tanong ni Tita Sheena na inabutan siya ng isang batong gatas.

“Kahit ano, una…”

Gusto niyang sabihin, gaya ng lagi niyang sinasabi, “WHATEVER MY HUSBAND LIKE” pero nilunok niya ang natitira pagkatapos lamang ng isang salita.

Naintindihan naman iyon ni Tita Sheena, dahil iyon naman ang palagi niyang sinasabi dito at pareho lang ang kanilang nagiging usapan.

“Sinabi pala ni sir Noah na hindi siya makakauwi ngayon para sa hapunan, mayroon siyang appointment,” mabilis nitong sinabi ang ibinilin ni Noah dito kanina.

Tumango si Agatha. Hindi na siya nagsalita.

Syempre hindi babalik ng maaga mamaya si Noah, at alam na niya ang dahilan. Hindi na siya maghihintay dito, dahil para sa kanya ay sapat na ang sakit ng kanyang limang taong paghihintay kay Noah.

Ngunit ngayon ay iba na ang kanyang plano kumpara sa araw araw niyang paghihintay sa pag uwi ni Noah.

Kailangan niyang ayusin ang alok sa kanya ng admission ng paaralan, kailangan niyang magmadali at kumpirmahin iyon.

Kaya ang una niyang ginawa ngayong araw ay magbayad ng confirmation f*e ng paaralan. Nang mag-pop up ang bank cark debit message sa kanyang cellphone, nakahinga siya ng maluwag.

Ang araw na aalis siya sa piling ni Noah at papalapit na ang araw.

…..

Kinagabihan, nagpalit siya ng damit at naghanda sa paglabas.

“Madam, saan po kayo pupunta?” tanong ni tita Sheena na hindi maitago ang pagkagulat .

Bihira siya nitong makitang lumabas nang wala si Noah.

“Makikipagkita lang ako sa dati kong kaklase sa kolihiyo, magpeperform kasi siya dito.” paliwanag ni Agatha kay tita Sheena.

Sa katunayan, nagbabalak siyang magstay sa isang hotel malapit sa venue ng pagsusulit.

May pagsusulit siya sa IELTS, at gaganapin iyon sa umaga. Nangangamba siya na kung bukas pa siya pupunta ay baka abutan pa siya ng trapiko at hindi na makaabot sa takdang oras.

Ang huling beses na kumuha siya ng IELTS ay ilang buwan na rin ang nakakaraan, Hindi niya nakuha ang score na inaasam niya ngunit dumating na ang deadline ng pagsusumiti ng kanyang aplikasyon sa pag aaral niya sa ibang bansa, kaya isinimute muna niya iyon. Hindi naman niya inaasahan na matatanggap siya, kaya nagtakda siya ng isa pang pagsusulit para bukas.

Sa kabutihang palad, pinapayagan ng paaralan ang mga may matataas na marka sa Ingles.

“Pero…” tumingin si tita Sheena sa kanyang binti. “Pwede ba akong sumama sayo?”

“Hindi, isa iyong pagtitipon kasama ang aking mga kaibigan, baka hindi sila maging komportable kung may iba akong kasamang tao.”

“Ipapaalam ko muna kay sir Noah ang…”

“Hindi na kailangan, hayaan mo na lang siya na magsaya sa pinuntahan niya. Huwag mo na lang siyang istorbuhin. Tatawagan ko na lang siya mamaya kapag tapos na ako sa pakikipagkita sa mga kaibigan ko para sunduin niya ako.”

Kinuha ni Agatha ang kanyang bag at lumabas ng bahay. Sumakay ng elevator pababa.

Sa pagtama ng sikat ng araw sa kanyang mukha, awtomatiko niyang ibinaba ang kanyang ulo, isinuot ang sumbrero, at itinaas ang kwelyo.

Mula ng mapilayan siya, nawala ang kumpyansa at masayang masaya na si Agatha sa entablado. Ang isang Agatha Gregoryo, na isang pilay ay nawalan na ng lakas loob na humakbang sa mata ng publiko.

Laging sinasabi sa kanya ni tita Sheena na kung gusto niyang lumabas, mas mabuting kasama ito o ang kanyang asawa.

Palagi rin namang sinasabi sa kanya ni Noah na kung wala ito ay mas mabuting manatili na lang siya sa bahay.

Pero hindi nila alam. Ang pinakakinatatakutan niya ay ang kasamang lumabas si Noah kaysa ang lumabas siya ng mag isa. Sapagkat, lahat ng nakakakita sa kanila ay may tingin sa kanilang mga mata na nagsasabing: Napakagwapong lalaki, bakit ang kanyang asawa ay pilay?

Tumawag siya ng taxi at nagpahatid sa isang hotel.

Sa loob ng sasakyan, tahimik siyang nakatanaw sa tanawin sa labas ng bintana, hanggang sa makita niya ang nakaparadang kotse ni Noah sa isang parking space sa gilid ng kalsada.

“Sandali, huminta ka muna.” mabilis niyang pinatigil ang driver.

Nakaparada ang sasakyan ni Noah sa labas ng isang mamahaling restaurant.

Bumaba siya sa taxi sa hindi malamang dahilan.

Pagkarating niya sa restaurant, diretsong tinanong ni Agatha sa nakasalubong na waiter.

“Naririto na ba si Mr. Villanueva?” tanong niya kasabay ng pagbanggit niya ng numero ni Noah.

Hindi na nagtanong ang waiter. Dinala siya ng waiter sa harap ng pinto ng private room.

“Dito po, ma’am.”

“Salamat.”

Sa katunayan, hindi naman alam ni Agatha kung ano ba ang ginagawa niya at bakit siya ngayon narito. Wala naman siyang lakas na buksan o itulak ang pinto.

Nanatili lang siya labas sa tapat ng pinto ng private room.

Narinig niya ang mga masayang usapan sa loob.

“Hindi ako pwedeng umuwi ng late ngayon, at hindi na ako pwedeng malasing. Nalasing ako kagabi at nagalit ang tigre sa bahay.” narinig niya mula sa loob.

Nabosesan iyon ni Agatha, isa sa mga barkada ni Noah mula pagkabata.

“Kaibigan ko pa rin ba kayo? Ang usapan natin ay walang uuwi ng maaga. Ngayon ay mabuting asawa ka na? Naging mabuting asawa na ba talaga ang kaibigan nating si Ryan?”

Boses naman iyon ni Nica. Ang boses nito ay malambot at banayad. Iyon pala ang personalidad ng babaeng mahal ni Noah. Ganun ang personalidad na gusto ni Noah.

Sa kasamaang palad, malayo siya sa personalidad na iyon, at hindi niya kayang dayain ang ugali niya o ang boses niya na maging mahinhin at maging banayad.

Nagpatuloy ang usapan nila sa loob.

“Pwede bang ganun din si Noah? Ang lakas naman ng loob ni Agatha kapag ginawa niya iyon sayo, Noah?”

“Oh! Tama nga.” muling narinig ni Agatha ang boses ni Nica. “Noah, nabalitaan ko  na pilay ang asawa mo?

Wala siyang narinig sa tanong na iyon ni Nica.

Napahawak siya sa tapat ng kanyang puso. Nagsimula na namang mag usap ang mga kaibigan ni Noah sa loob.

“Sa totoo lang, naawa kami sayo, Noah. Tignan mo, napakagwapo mong lalaki, mayaman at maraming babae ang may gusto sayo. Pwede kang magpakasal sa kahit na sinong babae, pero bakit sa isang babaeng pilay pa?”

“Sa katunayan, ikaw ang pinakamagaling sa ating lahat. Ngayong ikinasal ka sa Agatha na iyon, hindi mo man lang siya maiharap sa amin o maisama sa mga mahahalagang okasyon na kailangang dalhin ang asawa. Hindi mo ba naiisip na nalulugi ka?”

Marahas ang pinakawalang paghinga ni Agatha habang nakikinig sa mga usapan nila.

Nakikita na niya…

Laging sinasabi sa kanya ni Noah, na hindi niya kailangan na makisali sa mga gawain nito at kailangan lang niyang manatili sa bahay at hintayin itong kumita ng pera para sa kanya.

Pinupuri ng kanyang pamilya si Noah hanggang sa taas at sinasabi sa kanya na nakapaswerte niya dahil tinatamasa niya ang magandang buhay, pero hindi nila alam ang pakiramdam na hindi siya maipagmalaki ng kanyang asawa sa labas.

Galing sa private room, mapait ang naging ngiti ni Noah bago sumagot.

“Malaki ang utang na loob ko sa kanya.”

“May utang ka sa kanya, oo. Pero binigyan mo na siya ng malaking pera, nabayaran mo na!”

“Tama, dapat binayaran mo na lang siya ng pera noon. Kailangan bang isakripisyo mo ang habambuhay mong kaligayahan?”

“Sinabi ko sayo, dapat mong pag isipan ng mabuti. Para ka na ring nag imbita ng isang santo sa iyong bahay na kahit pagpalain ka ng magandang buhay at pagpalain ng malaking halaga, ano ang magiging silbi nun kung hindi mo naman maipagmalaki ang asawa mo.”

“Oo nga, anong naitutulong niya sayo? Hindi mo nga maisama sa mga sosyal na okasyon. Ang pagsilbihan ka lang niya sa bahay? Para ano? Para maitapon lang niya ang tsaa dahil hindi siya makalakad ng maayos.”

May humagalpak na ng tawa mula sa loob sa mga naging usapan nila, isa na doon ang mabining tawa ni Nica.

“Noah, ganito ba ang lakad ng asawa mo?”

Si Agatha na nakikinig sa labas, umakyat na ang dugo sa ulo, at hindi na niya napigilan ang sarili. Itinaas ang kamay sa may pinto at malakas na itinulak iyon.

Sa loob, humahagalpak ng tawa ang mga kaibigan ni Noah. Habang ang kaibigan nitong si Ryan ay nakatayo, na may hawak na tray na may alak. Saka naglakad na pilay na parang ginagaya siya.

“Noah, noah. Uminum ka ng tubig, Noah, ah… Natumba ako.. Noah, yakapin mo ako—”

Tumingin siya kay Noah, na nakatayo at nakatingin kay Ryan habang nagsasadula na ginagaya siya. Umaasa siyang magre-react ito. Sa mga sandaling iyon, kahit ngayon lang na ipagtangol siya ng kanyang asawa.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 81

    Sa pagkakataong iyon, si Agatha at tita Sheena na lang ang naiwan sa bahay. Sobrang lungkot ni tita Sheena, ang mga mata niya ay namumula, pinahid niya ang mga luha niya at humingi ng tawad kay Agatha, “Madam, sorry po, kasalanan ko ang lahat ng ito,kung hindi sana ako naging impulsive masyado ay hindi kayo mapipilitang iurong ang kaso.”Ngumiti naman si Agatha, “walang kinalaman iyon sayo. Hindi ko na rin naman gustong ituloy pa iyon and on the contrary, talagang masaya ako na kahit na sa sitwasyon ko ngayon ay may mga tao pa rin pala na pumapanig sa akin.” “Pero Madam, muntik ka ng mapahamak!” saad ni tita Sheena na parang naargabyado pa rin. “Okay lang naman ako, diba?” kumislap ang mga mata ni Agatha. “Pero tita SHeena, kailangan mo na talagang i-consider kung anong gagawin mo sa hinaharap.”“Madam?” gulat na tanong ni tita Sheena. Hindi na nagsalita pa si Agatha ng kahit ano dahil hindi pwedeng malaman ng kahit sino ang binabalak niya bago pa man siya makaalis sa pamilyang ‘t

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 80

    “Una, kailangang umalis ni Nica sa kumpanya mo. hindi na siya pwedeng magtrabaho sayo kahit kailan, bawal siyang humawak ng shares sa company mo at hindi ka pwedeng mag-open ng branch company para sa kanya.” Tila walang threat ang kondisyon na iyon para kina Noah at Nica, kaya agad na sumang-ayon si Noah, “Sige.” “Pangalawa, lahat ng ginastos mo kay Nica– simula sa mga luxury goods hanggang sa bahay– ay marital property, kailangan kong mabawi lahat iyon, Noah. Bukod pa doon, simula ngayong araw, hindi mo na pwedeng bigyan si Nica ng kahit anong pera sa kahit anong dahilan.” Iyon ang ikamamatay ni Nica. Lagi niyang sinasabing para iyon sa pag-ibig, pero kung si Noah ay isang binatang wala ng pera, papansinin niya pa kaya ito? “Noah! Hindi pwede!” biglang sigaw ni Nica. Matapos sabihin iyon ni Agatha, narealize ni Nica na sumobra siya sa reaksyon niya kaya agad siyang bumawa, “Regalo mo iyon lahat sa akin, may mga sentimental value iyon, hindi ko kayang mawalay sa mga iyon… bukod

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 79

    Mas madrama si Nica sa kahit sino habang hawak ng mahigpit ang manggas ni Noah at hinahatak iyon, “Noah, hindi… ayokong mag sorry si Agatha sa akin, paano ko naman maaatim na mag sorry siya? Pumunta ako dito para ako ang humingi ng tawad sa kanya! Noah, wag na kayong mag-away ni Agatha, ayokong nag-aaway kayo…”“Oo!” saad ni Agatha, “Ayaw mo kaming mag-away, gusto mo lang akong mamatay!”“Agatha!” matalim na sigaw ni Noah. “Alam mo ba kung gaano kabigat na krimen ang paggpatay? Paano mo nasisikmura na ibintang ang ganyang klaseng kabigat na bagay kay Nica?”Ngumisi ng mapait si Agatha. “Nagawa niya nga akong tangkaing sunugin ng buhay, bakit hindi ko magagawang pagbintangan siya?” “Isang libong beses ko ng sinabing aksidente iyon, aksidente lang! Hanggang ngayon ba naman ay yan pa rin ang iniisip mo?” muling uminit ang ulo ni Noah. “Nagpunta siya dito para mag sorry sayo, ano pa bang gusto mo?”“Magso-sorry?” tinignan ng diretso ni Agatha si Nica. “Sinasabi mong pumunta ka dito para

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 78

    Nakatitig si Nica sa phone ni Agatha, nag-aalalang baka na-record nga nito ang lahat. “Burahin mo yang recording sa phone mo!”Ibinalik ni Agatha ang phone niya sa bag niya, may record man o wala, hindi niya ito ipapakita kay Nica. Dahil doon, nataranta si Nica. sa pag-aakalang mas malakas siya dahil pilay si Agatha, sumugod siya para agawain ang bag nito. Syempre, hindi iyon ibinigay ni Agatha. Si tita Sheena naman, nang makitang dehado ang amo niya ay mabilis na lumapit para tumulong. Eksakto namang tumunog ang doorbell. Sa pagkakataong iyon, si Noah na talaga ang dumating. Nang bumukas ang pinto, biglang natumba si Nica sa sahig. Pagkakita ni Noah, humiga siya at umiyak ng may mapupulang mata. “Noah…”Kasama ni Noah ang guard ng subdivision. Si Agatha ang nag-utos kay tita Sheena na tumawag ng guard dahil ine-expect niya na ang pagwawala ni Nica, ngunit hindi niya akalaing darating din si Noah sa oras na iyon. Nakaupo si sahig si Nica habang tumtingala kay Noah na may mga l

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   chapter 77

    Nagdecide pa rin siyang pumunta sa clinic para sa acupuncture at rehabilitation, at pagkatapos ay uuwi na sa bahay ng lola niya. Kaya, matapos siyang mag-almusal at habang nag-eempake ng mga gamit na dadalhin sa lola niya, may pumasok. Tuloy-tuloy lang sa loob. Sa sandaling iyon, nag-aayos ng bahay si Tita Sheena , at iisang tao lang ang makakapasok ng ganon– si Noah. Inakala niyang si Noah iyon kaya hindi na siya lumingon hanggang sa may narinig siyang boses sa likod niya. “Agatha.”Si Nica Mateo. Alam pala ni Nica ang password ng bahay! Nakapasok siya ng ganon lang! Sandaling nakaramdam ng galit si Agatha, pero agad din niya itong kinalimutan. Sabagay, balak na rin naman niyang iwan ang bahay na iyon kaya hindi na sulit na magalit pa. Ang magalit ay walang saysay at sarili lang niya ang mapapahamak. Humarap si Agatha. Nakatayo na si Nica sa sala. Bakas ang pag-aalala sa tingin ni tita Sheena, na nagsasabing, “Hindi ko alam kung paano siya nakapasok.”Tumango si Agatha para ipa

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 76

    Ano ba ang pakiramdam na magkagusto sa isang tao sa kabataan mo?Iyon ay kapag hindi siya pumapasok sa klase at kahit na merong isang walang lamang upuan sa classroom ay pakiramdam mo wala ring laman ang puso mo, na para bang ang buong mundo mo ay madilim. Iyon ay kapag naglakad siya sa classroom, ang mundo ay biglang nagliliwanag, ang liwanag ng araw sa labas ng bintana ay kumikinang na parang ginto, ngunit hindi iyon maikukumpara sa liwanag ng pagkakataong iyon. Iyon ay kapag ngumingiti siya, parang natutunaw ang puso mo, at kapag nakasimangot naman siya, parang pinipiga ang dibdib mo. Iyon yung kapag tahimik na lumilipas ang pras habang pinagmamasdan mo lang siya mula sa malayo, iyon yung habang lumilipas ang mga taon, handa mong ibigay ang lahat para sa kanya ng hindi niya nalalaman…Noong taong iyon, nang sa wakas ay nalaman na ni Agatha ang pagod at sakit na pilit tinatago ni Noah ay dahil malubha ang sakit ng lola niya at nasa ospital, nagsuot siya ng mas at bumangon bago pa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status