LOGINHindi umuwi si Agatha.
Nag-stay siya sa hotel na binook niya. Ang lahat ng hinanakit at sakit ay biglang sumambulat nang magsara ang pinto ng kwarto sa hotel. Ang pag-ika-ika ni Ryan ay patuloy na nagfa-flash sa kanyang isip, at ang tawanan ay patuloy na umikot sa kanyang tenga na parang isang sumpa. Sa totoo lang, alam na niya ang sinasabi ng mga kaibigan Noah tungkol sa kanya nang pribado, ngunit hindi niya kailanman binanggit iyon kay Noah. Naging mabuting kaibigan sila ni Noah sa loob ng maraming taon, at naiintindihan niya. Nahihirapan siya sa labas, at naiintindihan din niya. Kaya, ayaw niyang makagawa ng gulo para abalahin si Noah, at ayaw niya ring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga ito dahil sa kanya. Ngunit ngayon ay masyado siyang nag-iisip. Paano magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan si Noah sa mga kapatid nito dahil sa kanya? Iyon ay mga kapatid niya sa loob ng maraming taon! Ano siya? Isa lang siyang utang na kailangang pagbayaran at pakasalan ni Noah upang masuklian ang kabutihan niya. Isa siyang pasanin para kay Noah. Mas masaya ang buhay ni Noah kung wala siya. "Pilay siya! Sino pa ang magkakagusto sa kanya kung hindi ka magpapakasal sa kanya?" "Pilay siya, ano pa ang dapat niyang ikadismaya sa pagpapakasal sa isang taong tulad ni Noah?" "Kung ako si Noah, mas gugustuhin ko pang ako ang mapilayan ng sasakyan kaysa magpakasal sa isang pilay at pagtawanan." "Ang mga asawa ng ibang CEO ay kagalang-galang at mapagbigay, ngunit ang Alex natin ay wala man lang maiharap sa publiko." ... Ang lahat ng tsismis na narinig niya sa nakalipas na limang taon ay bumalik sa kanyang isipan na parang isang whirlpool na lumulunok sa kanya at nilulunod siya. Hindi siya makahinga, ang sakit ay bumubukol sa kanyang baga. Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ang isang album sa kanyang cellphone na hindi niya nagawang buksan sa loob ng limang taon. Naglalaman ito ng mga record ng kanyang pagsasanay at mga performance noong nag-aaral pa siya. Mula nang hindi na siya makapag-perform sa stage, inimbak niya ang lahat ng kanyang mga litrato at video na may kaugnayan sa sayaw doon, ni-lock ng password, at hindi na muling binuksan. Ngayon, gamit ang nanginginig na mga daliri, random siyang nag click ng video. Sa saliw ng musika, umikot siya, bumagsak, at gumawa ng split sa hangin. Noong panahong iyon, puno siya ng lakas, malakas ang kanyang katawan, at nakatanggap siya ng malalakas na palakpakan... Kaya, mali ba ang pagligtas niya kay Noah? Ngunit kahit sa sandaling iniligtas niya si Noah hindi niya kailanman naisip na pakasalan ito. Si Noah ang nagsabi na gusto niyang pakasalan si Agatha, nagplano ng magarbong engagement party at lumuhod sa harap nito at nagpakita ng isang malaking diamond ring na nagbigay sa kanya ng pag-asa... Bagama’t nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay ay pinatay niya ang cellphone niya at dumapa sa kama at umiyak nang malakas sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon. Umiyak siya nang napakatagal. Napakatagal hanggang sa mapagod siya, hanggang sa wala ng lumabas na kahit isang luha sa kanyang mga mata at ang tanging sakit nalang sa kanyang puso ang naiwan, nagliliyab na parang apoy. Pero dahil sa sakit na ito, nakahanap siya ng kaliwanagan matapos siyang ipagpag sa nakakasakal na vortex na ito. Kaya kung mas masakit, mas matino siya. Nagpunta siya sa bathroom at naghilamos para pakalmahin ang sarili. Sa pagtingin sa salamin sa sarili niyang lubusang naubos, tahimik niyang sinabi sa sarili, "Agatha, sapat na ang isang beses na pag-iyak. Wag na. Ngayon, kumain ka nang maayos, magpahinga ka, at mag-aral ka nang mabuti para sa exam mo bukas." Ang tanging ipinagpapasalamat niya ay sa loob ng limang taon nilang kasal, nag-aaral siya araw-araw upang palipasin ang oras. Hindi dahil may mataas siyang ambisyon, kundi dahil lang sa sobra ang oras niya at naiinip siya. Ang paghihintay kay Noah na umuwi ang siyang naging buhay niya. Ngunit palagi itong umuuwi ng late. Noong una, naisip niya na abala ito sa trabaho, ngunit katagalan, napagtanto niya na ayaw lang siyang makita nito. Narinig niya mismo ito. Noon ay naaawa siya sa hirap ng trabaho ni Noah at nagkaroon ng lakas ng loob na magpakita ng malasakit dito. Siya mismo ang naghahanda ng meryenda at dinadala iyon sa kumpanya ngunit narinig niya ang usapan na hindi niya dapat marinig. Ang pag-uusap ni Noah at ng kababata nito sa opisina. Tinanong siya ng kaibigan kung bakit hindi pa siya umuuwi, dahil halos wala ng tao sa kumpanya at siya nalang ang naiwan. Ang CEO, ay nag-o-overtime pa rin. Sabi ni Noah, "Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang sigasig ni Aina kapag umuwi ako." Hindi kaagad naintindihan ni Agatha ang pag-uusap na iyon noon ngunit ang kababata niya ay agad itong naunawaan. “Noah! Wag mong sabihing wala pang nangyayari sa inyo?!” Natahimik si Noah dahil iyon ang totoo. Kahit kailan ay hindi hinawakan ni Noah si Agatha. Nagbibigay siya ng pahiwatig, siya rin minsan ang nag-iinitiate ngunit palaging tumatanggi si Alex at nagdadahilan. Halimbawa ay, “Hindi maganda ang pakiramdam mo.” O kaya ay, “Masyado akong pagod nitong mga nakaraang araw.” Hindi siya tanga, at kalaunan ay napagtanto rin niya na hindi lang siya mahal nito kaya ayaw siya nitong hawakan. Ngunit tuwing naririnig niya ang mga pagdadahilan na iyon ay parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso niya, sobrang sakit na hindi na siya halos makahinga. Kalaunan ay tinanong si Noah ng kababata niya, kalahating pabiro at kalahating seryoso, “Noah, hindi ka ba nagkakaroon ng physical reaction sa tuwing makikita mo siya? Napakaganda rin naman niya.” Ngunit ang mga salitang isinagot ni Noah ay naging isang karayom na bumaon ng malalim sa kanyang puso at patuloy na tumutusok sa kanya tuwing naiiisip niya iyon. "Sinubukan ko rin naman na magkaroon ng normal na relasyon sa kanya pero tuwing nakikita ko ang mga binti niya ay ka-agad-agad akong nawawalan ng gana." Ganoon pala... Ang kanyang mga binti na nagkaroon ng peklat at atrophied dahil sa pagligtas kay Noah ay nakakadiri para kay Noah, hindi nakakagana, at walang interes… Hindi na siya kumatok pa at ang pagkaing inihanda niya para kay Noah ay itinapon niya sa basurahan sa office at kahit kailan ay hindi na siya bumisita pa doon.Biglang tumigas ang mukha ni Noah habang si Agatha naman ay nanatiling kalmado. “Noah, sinasabi sa akin ni Mrs. Sanchez na passion fruit lemonade ang ibinigay niya sa akin. Bakit naging mango juice iyon? Sinadya bang pakialaman ni Mrs. Sanchez iyon, o may ibang nagpalit ng inumin ko? May iba ka pa bang sinabihan tungkol sa allergy ko sa mango juice?”Namutla ang mukha ni Nica.Bago pa siya magsalita, nagpatuloy si Agatha, “Sino ang nag-lock ng pinto sa loob? May mga security camera ang company mo diba? Isang mabilis na checking lang, malalaman ang katotohanan. Syempre, kung sira ang mga camera o nabura ang mga record, iba na iyon. Kailangan na nating ipa-imbestiga sa pulis, kaya kailangan kong tumawag ng pulis.”Nagsalita pa ulit si Agatha bago pa magsalita si Nica at Noah, “May nagtangkang pumatay sa akin! Kailangan kong tumawag ng pulis! Kung sino man ang pumigil sa akin ngayon ay ang mamamatay-tao!”Namutla ng matindi ang mukha ni Nica. “Noah, muntik ng mamatay sa sunog ang asawa
Sumilip siya sandali bago muling pumasok sa loob. “Titignan ko lang,” sabi ni Noah na tumayo at umalis. Nakatayo si Nica sa labas habang may hawak na bouquet ng bulaklak, mukha siyang maingat at concern. “Noah, kamusta na si Agatha? Gusto ko siyang makita pero nag-aalala ako na baka hindi niya ako magustuhan at ayaw niya akong makita.”“Okay na siya pero kailangan niya pang magpahinga,” saad ni Noah na naalala na talagang ayaw ni Agatha kay Nica. “I appreciate your sentiment pero masama ang mood niya ngayon, umuwi ka muna.”“Hmm…” hindi naman talaga si Agatha ang pinunta ni Nica, at hindi niya rin naman talaga kailangan makita ito; sapat na ang makita niya si Noah. Nangiwi siya at namula ang mga mata. “Noah, patawarin mo ako, kasalanan ko ang lahat. Bilang special assistant mo, nagkamali ako sa trabaho kaya’t nagdusa ng ganito si Agatha. Buti na lang at ayos siya, kung hindi… hindi ko na mababayaran iyon kahit pa ibigay ko ang buhay ko.”Sabi ni Nica at nagsimulang umiyak. Narinig
Alam ni Agatha na napakalaki ng responsibilidad na se-up iyon. Wala na siyang time para mag-investigate pa, kung sino ang nagplano nito o kung an ang purpose nila; malamang ay huli na para sa visa niya. Tinignan niya ang conference room na nasa pinakaitaas na palapag ng company building– hindi naman siya pwedeng tumalon. Meron siyang mga company numbers ni Noah na naka-saved sa phone niya kung kaya’t tinawagan niya iyon isa-isa. Una, ang receptionist ang sumagot. Sumigaw siya, “Tulong! Na-locked ako dito sa conference room sa top floor! Please pumunta kayo dito! Tulungan niyo ako!” ang receptionist na iyon ang parehas na kausap niya kanina na malamig na sumagot, “hindi mo maakit ang CEO namin na si Mr. Villanueva kung kaya’t inaresto ka ng security? Hah! Buti nga sayo!” pagkatapos non ay namatay ang tawag. Meron din syang phone number ni Ryan at Sean. kahit na mortal na magkaaway sila at kinukutyya ang isat-isa, nagpalitan sila ng contact informations noon sa harap ni Noah noong una
Noong ika-18 na araw, natanggap niya ang passport niya pabalik. Noong ika 16th na araw naman ay ang visa appointment niya. Talagang napakabilis ng panahon.Maagang gumising si Agatha ng araw na iyon ngunit mas mas maaga si Noah.Hindi niya alam kung ano ang kinakalikot nito sa loob ng silid bago umalis.Bumangon lang siya pagkaalis nito. Dahil hapon pa ang kanyang interview, hindi siya nagmadali pagkatapos mag-almusla, kinuha niya ang document bag na naglalaman ng mga visa application materials at tinignan ito ulit para masigurong walang kulang. Pagkatapos niyang tignan ang lahat sa bag at walang nakitang problema, kinuha niya ang wallet niya.Pagkatapos, nadiskubre niyang nawawala ang ID card niya!Naalala niyang nilagay niya iyon sa wallet niya pagkatapos sumakay sa eroplano kahapon. Tinignan niya ang lahat ng compartment at hindi iyon mahanap!Naalala niya bigla na naghahalungkat nga pala si Noah ng mga gamit kaninang umaga!Kinuha kaya ni Noah ang ID card niya?Tinawagan niya
Ang acupuncture appointment ni Agatha sa doktor ay eight ng umaga kinabukasan kung kaya’t mabilis siyang bumangon kinabukasan at ginawang busy ang sarili niya sa lahat. Nang aalis na siya ay niremind naman siya ni Tita Sheena, “Madam, hindi pa po naka-packed ang suitcase ni Sir.”Ang suitcase ni Noah ay nasa gilid pa papasok. Noon, kapag bumabalik si Noah sa mga business trip, lilinisin niya ang suitcase nito kinagabihan at lalabhan ulit ang mga damit nito at ibabalik sa lagayan. Sa opinyon niya, ang suitcase ay personal na gamit at mas mabuti kung siya mismo ang mag-iimpake nito kaya hindi niya iyon binigay kay Tita Sheena. Ngunit ngayon, bigla niyang naramdaman na siya ay naging mapangahas. Kug ang maleta ay talagang maituturing na personal na gamit, hindi na kailangan siya pa ang mag impake non. Sa mata ng iba, hindi siya gaanong naiiba kay Tita Sheena, mga estranghero lang sila na nakatira sa iisang bubong.“Hindi ko ieempake yan. Gawin mo kung anong gusto mo.” binuksan niya an
Tumingin si Agatha sa kanila at ngumiti, isang kalmado at maayos na ngiti. Tumigil naman si Noah sa pag ngiti at ang tatlo ay huminto rin. Tumingin si Agatha kay Noah at tinanong niya ito habang nakangiti, “Nakakatawa ba iyon?”Dumilim ang mga mata ni Noah.Hindi agad nakasagot si Noah.“Agatha…” ang mga mata ni Nica ay pumula at gusto niyang magsalita.Magsisimula na naman ba siya ng panibagong perfromance?Ayaw makinig ni Agatha at ayaw niya din ng obligasyon para makipag cooperate sa perfromance niya. Kinuha niya ang headphones niya at tumigil sa pag-istorbo sa kanila. Tungkol naman sa pag-iinarte at pagrereklamo ni Nica kay Noah ay wala ng pakialam si Agatha. Nahiling niya na sana ay hindi na lang sila nagkakilala.At sa wakas ay tumigil na sila at wala ng nangyaring ugnayan sa kanila sa buong byahe.Nang bumaba si Agatha ng eroplano ay kinuha niya ang kanyang luggage.Nagpose si Nica na parang tough-girl, binuksan ang takip ng overhead bin at sinabi kay Noah, “Noah, bilisan







