แชร์

Chapter 5

ผู้เขียน: VIENNA ROSE
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-28 13:42:10

Pagkatapos ng insidenteng iyon ay dinampot niya ang kanyang mga libro.

Hindi na siya nag-isip ng marami, umaasa nalang siya na makakahanap siya ng kaaliwan sa buhay. Isang bagay na pwede niyang gawin upang wag ng maisip ang mga salitang iyon na binitawan ni Noah.

Ngunit sino ang mag-aakala na ang mga pag-asa na iyon, na kanya lamang, ay magiging kaligtasan niya ngayon?

Mag-aaral siyang mabuti para sa exam bukas.

Lilisanin niya ang lugar na iyon sa abot ng makakaya dahil kahit ang isipin iyon ay nagdudulot pa rin ng matinding sakit sa kanyang puso.

Hindi niya masabi kung ang sakit ay dahil ba kay Noah o dahil sa kanyang maling pag-ibig sa loob ng limang taon.

Ngunit hindi na mahalaga iyon ngayon. Ang mahalaga ay hindi na niya papayagan ang sarili na manatili sa sakit.

Kahit na magtatagal pa bago maghilom ang mga sugat, kikilos siya upang iligtas ang kanyang sarili.

Nag-order siya ng takeout—isang light dinner at nagpalit ng damit.

Tumawag siya sa front desk at sinabi sa kanila na magbigay ng wake up service kinabukasan.

Pinilit niya ang sarili niyang makatulog.

Siguro dahil hindi siya natulog kagabi, mahimbing siyang natulog noong gabing iyon.

Nagising siya on time kinabukasan at binuksan ang cellphone.

Hindi mabilang na mensahe ang bumaha papasok, at walang tigil na nagva-vibrate iyon. Lahat ng iyon ay galing kay Noah.

Hindi niya binasa ang mga ito dahil baka maka-apekto lang sa exam niya.

Pagkatapos mag-almusal at maihanda ang lahat ay umalis na siya ng hotel at nagtungo sa exam room.

Malapit ang hotel sa venue ng exam sa IELTS, five-minute walk lang.

Paglabas pa lang niya ng hotel, nag-vibrate ang cellphone niya sa kanyang kamay.

Si Noah ang tumatawag.

Nataranta siya at muntik nang mahulog ang cellphone, mabilis niyang ini-swipe para i-reject ang tawag, pagkatapos ay pinatay ulit ito.

Malakas pa rin ang tibok ng puso niya nang makalabas siya sa exam room.

Napakasaya niya.

Mukhang maganda ang kanyang performance.

Nakangiti ang oral teacher habang kausap siya. Narinig niya ng malinaw ang bahagi ng listening part, at natapos niya nang maayos ang mga section ng reading at writing.

Hindi siya naglakas-loob na tantiyahin ang kanyang score, ngunit tinapos niyang lahat iyon.

Hindi siya ganoon kawalang silbi!

Naglakad siya sa sidewalk, nakayuko, inuulit sa isip ang bawat small details ng exam ngayon, hanggang sa nakakita siya ng isang pares ng leather shoes sa harap niya at tila hinaharangan siya sa kanyang dinadaanan ngunit hindi niya na mabawi ang kanyang paa at bumangga doon.

Kung hindi siya inalalayan ng taong iyon ay mahuhulog siya.

At ang taong iyon ay walang iba kundi si Noah. Ang taong ayaw niyang makita.

"Agatha!"

Galit ito ngunit tila nagpipigil ng galit.

"Agatha, bakit hindi ka umuuwi?" Hinawakan nito ang kanyang mga balikat at tinanong siya sa malambing na boses, kasing-amo at kasing-lambing ng dati.

Naisip ni Agatha, Bakit hindi ako umuuwi? Hindi mo ba alam?

Ngunit wala siyang oras para makipagtalo dito. Kakabagsak lang ng bag niya sa lupa, bukas ang takip, at nakalantad ang isang bahagi ng IELTS pen niya.

Ayaw niyang malaman ni Noah na kumukuha siya ng IELTS!

Inalis niya ang kamay ni Noah, lumuhod, at mabilis na isinilid ang ballpen sa kanyang bag, at isinara ito nang mahigpit.

"Ano iyan?" tanong nito, nakatingin sa kanyang bag.

"Wala, ballpen lang." Nagkunwari siyang kalmado, ang kanyang mga daliri ay mahigpit na nakakapit sa bag kaya namuti ang mga ito.

"Ibigay mo sa akin," sabi nito.

Hindi, hindi pwedeng makita ni Noah ang ballpen niya.

Lalo niyang niyakap nang mahigpit ang bag. "Saan mo gagamitin ang ballpen?"

"Ibigay mo sa akin cellphone mo," sabi nito.

Nag-alinlangan siya sandali, ngunit kinuha niya rin ang cellphone niya sa bag at inabot dito.

Naka-off ito.

Tiningnan lang iyon ni Noah at ibinalik sa kanya. "Kanina pa kita tinatawagan, naka-ilang message na rin ako sayo, bakit hindi ka sumasagot? Galit ka pa rin ba?"

Hinawakan niya ang cellphone niya at sa isip-isip niya ay: Sa wakas, nakahinga rin ako ng maluwag. Natatakot ako na tignan niya ang cellphone ko.

Paano kung makita niya ang email ng IELTS exam sa mailbox

Kung ito lang ang problema...

Inisip niya ito at nagpasya na wag nang magalit.

Gusto lang niyang tumakas.

Ang pag-iisip na ito ay lalong lumakas nang makita niya ulit si Noah.

Nang mapansin na wala siyang sinasabi, inakala ni Noah na galit pa rin siya at napabuntong-hininga.

"Agatha, hindi ba't naiintindihan mo naman? Bakit hindi ka pa umuwi this time?”

Ipinangako ni Agatha sa sarili na ayaw na niyang magalit tungkol doon, ngunit pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Noah, kahit ang Diyos ay magagalit.

“So, kasalanan ko pa rin ba yung kahapon? Ignorante ba ako? Dapat ba pinuri ko si Ryan nung dumating ako? At sinabi ko na 'Napagaling mo, napakagaling mong matutunan iyon?’ Hindi na niya kinaya.

Nahihiya ang mukha ni Noah, "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin ay hindi mo pwedeng kontrolin ang sinasabi ng iba tungkol sayo. Hindi mo kailangang damdamin iyon…”

"Oo, Hindi ko mako-kontrol, pero kaya mo!" Tiningnan niya ito, "Pero anong ginawa mo nung time na iyon? Kayo ni Nica mo ay nagkayakapan at tumatawa."

"Agatha!" Galit na si Noah. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya ito.

Naiintindihan na ni Agatha.

Ang pangalang "Nica" ay ang kahinaan nito, isang minefield na hindi pwedeng hawakan.

Ano pa ang kanyang sasabihin?

Nilampasan niya ito dala ang kanyang bag.

Gayunpaman, inunat ni Noah ang braso at niyakap siya sa baywang.

"Patawarin mo ako, Agatha, kasalanan ko. Napalakas lang boses ko kanina." Bulong nito, "Ayaw ko lang na hindi mo maintindihan si Nica. Magkaibigan lang kami. Itinuturing ko siyang kapatid. Hindi pa siya kasal. Hindi maganda na sabihin mo iyon sa kanya."

Hindi naiintindihan ni Agatha. Hindi ba't sila mismo ang gumawa niyan? Walang ingat na sumandal kay Noah si Nica. Ginawa niya iyon at ngayon natatakot siyang sabihin?

Ngunit mahinahon lang niyang sinabi, "Ah."

"Agatha.." Naramdaman nito ang kanyang kalamigan, "Bakit galit ka pa rin? Tumakbo ka sa hotel para mag-stay mag-isa at hindi ka umuwi. Wala na akong sinasabi sa iyo, pero galit ka pa rin?"

Oo, kasalanan niya ang lahat.

"Agatha, wag ka ng magalit. Mag lunch muna tayo, at pagkatapos ay sasamahan kitang mag-shopping, okay?”

Inisip ito ni Agatha at nagpasya siyang sabihin ang isang bagay dito.

Inihatid siya ni Noah sa isang kalapit na restaurant.

Pagpasok niya ay nakita niya kaagad ang mata ng waiter, nahiya siya at gustong magtago sa likod ni Noah at lumakad nang dahan-dahan upang hindi masyadong mahalata ang kanyang pag-ika-ika.

Ngunit, kaagad, gumaan ang pakiramdam niya.

Kung hindi sila karapat-dapat, hindi sila karapat-dapat. Gayon pa man, hindi na niya balak maging kapareha nito.

Umupo sila.

Nag-order si Noah ng mga pagkain.

Nang maihain na ang lahat ng pagkain ay inabot sa kanya ni Noah ang kubyertos na may malumanay na boses "Agatha, kumain ka, lahat ng to paborito mong pagkain."

Tinignan ni Aina ang mga pagkain, lahat ay maanghang.

Mapait siyang ngumiti.

Hindi alam ni Noah na hindi siya kumakain ng maanghang at lahat ng pagkain sa bahay nila ay maanghang dahil iyon ang gusto nito.

"Noah, hindi ako gutom." Hindi niya ginalaw ang kubyertos, "May sasabihin ako sayo."

"Ano?"

Bahagyang itinaas nito ang mga gilid ng labi, "Sasamahan kita kahit saan mo gustong pumunta. Libre ako ngayon buong araw. Sasamahan kitang maglaro sa hapon, at uuwi tayo sa bahay ng mga magulang ko para magdinner sa gabi."

Tinitigan niya ang invisible na ngiti nito, iniisip kung ano ang mga susunod na sasabihin, isang malakas na pakiramdam ng kapaitan ang bumalot sa kanyang puso.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 5

    Pagkatapos ng insidenteng iyon ay dinampot niya ang kanyang mga libro. Hindi na siya nag-isip ng marami, umaasa nalang siya na makakahanap siya ng kaaliwan sa buhay. Isang bagay na pwede niyang gawin upang wag ng maisip ang mga salitang iyon na binitawan ni Noah. Ngunit sino ang mag-aakala na ang mga pag-asa na iyon, na kanya lamang, ay magiging kaligtasan niya ngayon?Mag-aaral siyang mabuti para sa exam bukas.Lilisanin niya ang lugar na iyon sa abot ng makakaya dahil kahit ang isipin iyon ay nagdudulot pa rin ng matinding sakit sa kanyang puso.Hindi niya masabi kung ang sakit ay dahil ba kay Noah o dahil sa kanyang maling pag-ibig sa loob ng limang taon.Ngunit hindi na mahalaga iyon ngayon. Ang mahalaga ay hindi na niya papayagan ang sarili na manatili sa sakit. Kahit na magtatagal pa bago maghilom ang mga sugat, kikilos siya upang iligtas ang kanyang sarili. Nag-order siya ng takeout—isang light dinner at nagpalit ng damit.Tumawag siya sa front desk at sinabi sa kanila na m

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 4

    Hindi umuwi si Agatha.Nag-stay siya sa hotel na binook niya.Ang lahat ng hinanakit at sakit ay biglang sumambulat nang magsara ang pinto ng kwarto sa hotel.Ang pag-ika-ika ni Ryan ay patuloy na nagfa-flash sa kanyang isip, at ang tawanan ay patuloy na umikot sa kanyang tenga na parang isang sumpa.Sa totoo lang, alam na niya ang sinasabi ng mga kaibigan Noah tungkol sa kanya nang pribado, ngunit hindi niya kailanman binanggit iyon kay Noah.Naging mabuting kaibigan sila ni Noah sa loob ng maraming taon, at naiintindihan niya.Nahihirapan siya sa labas, at naiintindihan din niya.Kaya, ayaw niyang makagawa ng gulo para abalahin si Noah, at ayaw niya ring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga ito dahil sa kanya.Ngunit ngayon ay masyado siyang nag-iisip.Paano magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan si Noah sa mga kapatid nito dahil sa kanya? Iyon ay mga kapatid niya sa loob ng maraming taon!Ano siya?Isa lang siyang utang na kailangang pagbayaran at pakasalan ni Noah upang masuklia

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 3

    Gayunpaman, sa pagsasadula ni Ryan ay nagpatawa sa lahat ng tao sa loob kaya’t si Nica na isa sa tumatawa, sa tabi ni Noah, ay bumagsak ito sa bisig ni Noah habang patuloy sa pagtawa.Habang si Noah, ay tahimik at hindi umimik.Tumatawa si Ryan na tumigil saka muling tinanong si Noah.“Noah, ganun ba…”Bago pa man matapos ni Ryan ang tanong ng ”Ganun ba”, napasulyap ito sa kung saan siya nakatayo sa pinto. Namutla ang mukha nito at nawala ang ngiti sa labi.“Ate..hipag…”Napatingin ang lahat sa pinto.Natigilan ang lahat.Umalis si Nica sa pagkakasandal sa bisig ni Noah at nakangiting hinarap siya.“Oh! Siya ba ang dakilang asawa ni Noah, tama ba? Hello, tumuloy ka, ako nga pala ang mabuting kaibigan ni Noah.”Tinignan ni Agatha ang lahat ng tao sa loob, at nanlamig ang kanyang mga mata.Sa wakas ay kumilos si Noah at naglakad palapit sa kanya.“Agatha, bakit ka narito? Nabibiro lamang sila, huwag mo sanang isapuso.”Tumingin si Agatha kay Noah, hindi siya makapaniwala na hindi man la

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 2

    Sinira nito ang panata at nagsimulang uminom.Halata na tinamaan na ng naimum na alak si Noah.Pero si Noah nga ba ang narinig niyang sumigaw ng ganun?Naalala ni Agatha si Noah noong high school sila. Isang malamig, malayong sa mga tao. Hindi lang ito seryoso habang nag aaral, kundi maging sa larangan ng mga laro. Kapag inaalok ito ng ibang babae na may gusto dito ng tubig, hindi nito iyon pinansin.Nang naglaon, nang maging asawa siya nito, ang Noah na kilala niya bilang isang aloof na tao ay naging mas malayo ito sa kanya, mas naging malamig. Ang hindi palangiti noon ay mas lalong hindi niya nakitang ngumiti sa kanya. Kapag minsan tinatangka niyang hawakan ang kamay nito, naramdaman niyang napakalamig ng kamay nito tulad ng kalamigan nito sa kanya.Ngayon, sa video na pinapanuod niya, umikot ang camera sa mukha ng lahat. Nakita niya ang isang lasing na si Noah, kumikinang ang mga mata, itinaas ang baso ng alak, at nakangiting tumingin sa camera.“Welcome back, Nica.” sigaw nito at

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 1

    Lagaslas ng tubig ang maririnig sa loob ng banyo.Alas tres na ng madaling araw, kababalik lang ni Noah at ito ang naliligo sa banyo.Tumayo si Agatha sa pintuan ng banyo.Mayroon siyang gustong sabihin kay Noah. Medyo kinakabahan siya, hindi sigurado kung papayag ba ito sa sasabihin niya dito.Habang nag iisip siya kung paano iyon sasabihin, may kakaibang tunog ang narinig niya mula sa loob kasabay ng lagaslas ng tubig…Mga hingal at daing ang narinig niya, hindi siya pwedeng magkamali. Sa narinig niya ay parang isang mabigat na martilyo ang tumatama sa kanyang puso. Para siyang sinasakal at hindi siya makahinga ng maayos.Sa katunayan, ngayon ang ikalimang anibersaryo nila ni Noah. Ikalimang taon na silang kasala pero hindi pa sila nagiging ganap na mag asawa.Mas gugustuhin nitong magsarili at paligayahin ang sarili kaysa ang hawakan at galawin siya.Habang naririnig niya ang daing mula sa loob, pabilis ng pabilis ang paghingal nito saka isang pangalan ang binanggit ni Noah kasabay

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status