Share

Chapter 6

Author: VIENNA ROSE
last update Huling Na-update: 2025-10-29 21:54:38

“Noah…” nabulunan siya at hindi na napigil ang pag-iyak.

“Hmm? Agatha?” kinuha nito ang kamay niya. “Anong problema? Gusto mo bang umiyak? Kung gusto mong umiyak sige lang, iiyak mo lang, wag mong pigilan.”

Malumanay na ngayon ang boses ni Noah, sobrang malumanay.

Parang dati, nang lumabas siya sa operating room, si Noah at ang mga nurses ang nagtutulak ng wheelchair niya sa ward niya at nag stay si Noah sa gilid ng kama niya na parang ganoon, nagsasalita ito ng malambing at malumanay na halos masakit ng pakinggan,”Agatha, masakit ba? Kung masakit, umiyak ka lang, wag mong pigilan…”

Noong mga panahon na iyon, ang buong akala niya ay ang pag-aalagang iyon ni Noah ay mahusay na painkiller. Pero inabot ng maraming taon bago niya napagtanto na ang pag-aasikaso at pag-aalaga kailanman ay hindi magiging pagmamahal…

“Noah, maghiwalay na tayo,” mahina niyang saad habang binabawi ang kamay niya kay Noah, ang hapdi ng mga salitang iyon ay siyang nagpalabo ng mga mata ni Agatha.

Kumunot naman ang noo ni Noah, hindi niya inaasahang sasabihin iyon ni Agatha.

Natahimik silang dalawa sandali, maya-maya ya tumawag naman si Noah ng waiter upang linisin ang mangkok, kumuha siya ng kapiraso ng isda at hinimay iyon gamit ang tinidor, mahinahon siyang nagsalita, “Agatha, alam kong galit ka, pero unfair para sa akin ang pakikipaghiwalay. Anong gagawin mo pag naghiwalay tayo? Paano ka mabubuhay mag-isa?”

Bumilis ang paghinga ni Agatha.

Sa loob ng limang taon, sa mata ng lahat, siya ay umaasa lang sa kay Noah; kung wala siya, isa siyang kaawa-awang nilalang, walang may gusto at hindi kayang mabuhay mag-isa.

Iyon din ang inakala ni Noah.

“Kaya ko iyon!” Sa unang pagkakataon, nagmatigas siya sa harap niya, sa unang pagkakataon, gusto niyang ipagtanggol ang sarili.

Ngumiti lang si Noah at iniisip pa rin nito na nagmamatigas lang siya. Inilagay nito ang isdang walang tinik sa harap niya. “Kumain ka na. Pwede kang magalit sandali, pero hindi ka na dapat galit pagkatapos mong kumain.”

“Hindi ako galit, gusto ko na talagang makipaghiwalay!” hindi niya alam kung paano niya ipapaintindi kay Noah na hindi lang siya basta nagtatampo at gusto niya na talagang makipaghiwalay.

“Agatha.” ibinaba ni Noah ang tinidor. “Sige, ki-nancel ko na ang dalawang meeting ko at isang business meeting ngayon para lang makasama ka. Ngayon lang ‘to, baka hindi na ako magkaroon ng maraming oras bukas o sa makalawa at saka… mabuting kaibigan si Nica, isa siya sa mga childhood friend ko at pantay lang ang trato ko sa kanya at kila Ryan. Gusto niya ring makipag-kaibigan sayo pero… sa ganyang pag-uugali mo… paano ko siya dadalhin sayo?”

“Kung ganon, hindi na kailangan.” saad ni Agatha na puno ng paninindigan dahil kahit kailan ay hindi niya naisip na gusto talagang makipagkaibigan ni Nica sa kanya.

“Agatha!” singhal ni Noah.

Alam ni Agatha na basta involve si Nica ay hindi ito magugustuhan ni Noah.

“Bilisan mong kumain, pagkatapos mo dyan magsho-shopping tayo, bilhin mo kung anong gusto mo tapos pupunta tayo sa bahay ng mga magulang mo para mag dinner. Gaano katagal mo na nga silang hindi nakikita at nabibisita?” tanong nito habang patuloy sa paglalagay ng pagkain sa plato niya.

Ayaw niyang parusahan pa ang sarili niya kung kaya’t kinuha niya ang kutsara at kumain. Anuman ang mangyari, kailangan niyang magpalakas. Hindi na kailangan pang ilabas ang galit sa kanyang sikmura.

“Ganyan nga,” malumanay na saad ni Noah. “Wag mo na ulit babanggitin sa akin ang pakikipaghiwalay.”

Sandali siyang natigilan, at nagpatuloy sa pagkain ng nakayuko.

Pagkatapos nilang kumain ay ayaw niya sanang mag shopping ngunit nagpumilit si Noah ats nagmaneho diretso sa mall.

Sa loob ng limang taon nilang pagsasama ay pa-minsan minsan lang siya samahan ni Noah para mag-shopping. Limitado lang din ang mga sandaling nakikita silang magkasama sa publiko. Nakakasilaw ang mga ilaw sa mall kahit sa araw.

Hindi kumportable si Agatha at maingat pang naglalakad sa likod ni Noah habang hawak ng mahigpit ang bag niya.

Ang first floor ay mga nakahilerang bilihan ng designer bags, watches at jewelries.

“Anong gusto mong bilhin?” tanong ni Noah na humarap sa kanya.

Wala siyang gustong bilhin; gusto niya lang umuwi pero bago pa siya makapagsalita ay may tumawag kay Noah sa di kalayuan, “Mr. Villanueva.”

“Bagong established na partner company iyon. Maghe-hello lang ako, saad ni Noah. “Pwede kang tumingin-tingin dyan, hahanapin nalang kita mamaya.”

Hindi naman nakikilala ni Agatha ang mga kliyente ni Noah. Pinanuod niya lang ito habang nakikipagshake hands ito sa business partner nito. Tumayo lang siya doon at naghihintay na ugatin dahil walang kahit anong mamahaling store ang nagugustuhan niya.

“Miss, ikaw na,” saad ng sales assistant.

Doon niya lang napagtanto na nakapila pala siya sa isang luxury store.

“Ay, hindi po, salamat,” mabilis niyang saad at umalis.

Naglaboy-laboy lang siya sa mall nang bigla niyang makita ang isang pamilyar na pigura sa isang designer watch counter– si Nica.

Habang tinitignan ang watch brand ay parang kinutuban siya ng hindi maganda at bigla nalang naglakad papasok sa counter.

Kasama ni Nica si Ryan, at naulinigan niya ang pag-uusap ng mga ito.

“Bilhin mo kung gusto mo,” saad ni Ryan.

“Hindi ito maganda, masyadong mahal. Kahit na binigay sa akin ni Noah ang suplementary card niya para gamitin ko kahit kailan ko gusto nahihiya pa rin akong gamitin sa mga mamahalin!”

Nahirapan ang mga paa ni Agatha sa paghakbang, sobrang bigat para maglakad pa ulit, ang puso niya ay kasing bigat ng kanyang mga paa.

Supplementary card…

Supplementary card ni Noah…

“Since binigay niya iyan sayo, gamitin mo na. Kailan ba naging hipokrito si Noah? Magkakaibigan na tayo sa loob ng maraming taon, hindi mo ba siya kilala? Ang pagbibigay niya sayo nyan ay sincere gesture.”

“Sabagay, tama ka…” saad ni Nica at iwinagayway ang braso niya na pinapakita iyon kay Ryan.

Nakita din iyon ni Agatha.

“Maganda siya diba? Ryan? Gusto ko talaga ang watch na ‘to. Matagal ko na ‘tong gusto college palang tayo, at ipinangako sa akin ni Noah na ibibili niya ako nito pagkatapos ng graduation, tapos…”

Tapos?

Isang mapait at mapang-uyam na ngiti ang umakyat sa puso ni Agatha.

Nang maglaon ay sa kanya na ibinibigay ni Noah ang relong iyon bawat taon sa kanyang birthday at maging sa anniversary nila.

Dati, akala ni Agatha ay kahit walang pagmamahal si Noah sa kanya ay kahit papaano ay naaalala nito ang birthday niya at anniversary nila at ang mga regalong pinipili niya na kahit hindi pinag-isipan ay mahal naman.

Ngunit lumabas na hindi siya walang puso o walang pakialam; sa kabaligtaran, siya ay maalalahanin. Ang nakaukit lang sa puso ni Noah ay walang kinalaman sa kanya...

"Ayan, natupad na ni Noah ang pangako niya. Pwede ka na bumili ng kahit anong gusto mo kasi basta’t gusto mo, kaya niya ng bilhin ngayon.” sagot ni Ryan.

"Oh sige, isa-swipe ko na?" Kitang-kita ang tukso kay Nica.

Samantala, natapos na si Noah sa pakikipag-usap sa kasosyo niya na nandoon din upang sunduin ang asawa nito mula sa pagsho-shopping. Alam nito na kasama ni Noah ang kanyang asawa kung kaya't gusto nitong bumati.

Nakita ni Agatha na papalapit na si Noah kung kaya't mabilis siyang nagtago.

Ngunit nakita na ni Nica si Noah, kumaway at sumigaw, "Noah, nandito ako, halika!"

Sumilip si Agatha mula sa likod ng haliging Romano at nakita sina Noah at ang kanyang kasosyo sa negosyo na naglalakad sa direksyon ni Nica.

Hinawakan ni Nica ang braso ni Noah at inalog ito, "Noah, gusto kong bilhin ang watch na ito, okay lang ba?"

"Oo naman." Ang tingin ni Noah kay Nica ay malambing at maamo.

Kakaiba ang liwanag sa mukha ni Noah ngayon at malayo sa walang-pakialam na ekspresyon na meron siya kapag kasama niya si Agatha sa bahay.

"Salamat, Noah, isa-swipe ko na ang card ko ngayon!" Ikinaway ni Nica ang supplementary card na ibinigay sa kanya ni Noah.

Nang makita ito ay ngumiti naman ang business partner ni Noah, "Mr. at Mrs. Villanueva, ang sweet niyo naman!”

Mr. Villanueva? Mrs. Villanueva?

Nagulat silang dalawa, ngunit wala ni isa sa kanila ang gustong magpaliwanag.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 81

    Sa pagkakataong iyon, si Agatha at tita Sheena na lang ang naiwan sa bahay. Sobrang lungkot ni tita Sheena, ang mga mata niya ay namumula, pinahid niya ang mga luha niya at humingi ng tawad kay Agatha, “Madam, sorry po, kasalanan ko ang lahat ng ito,kung hindi sana ako naging impulsive masyado ay hindi kayo mapipilitang iurong ang kaso.”Ngumiti naman si Agatha, “walang kinalaman iyon sayo. Hindi ko na rin naman gustong ituloy pa iyon and on the contrary, talagang masaya ako na kahit na sa sitwasyon ko ngayon ay may mga tao pa rin pala na pumapanig sa akin.” “Pero Madam, muntik ka ng mapahamak!” saad ni tita Sheena na parang naargabyado pa rin. “Okay lang naman ako, diba?” kumislap ang mga mata ni Agatha. “Pero tita SHeena, kailangan mo na talagang i-consider kung anong gagawin mo sa hinaharap.”“Madam?” gulat na tanong ni tita Sheena. Hindi na nagsalita pa si Agatha ng kahit ano dahil hindi pwedeng malaman ng kahit sino ang binabalak niya bago pa man siya makaalis sa pamilyang ‘t

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 80

    “Una, kailangang umalis ni Nica sa kumpanya mo. hindi na siya pwedeng magtrabaho sayo kahit kailan, bawal siyang humawak ng shares sa company mo at hindi ka pwedeng mag-open ng branch company para sa kanya.” Tila walang threat ang kondisyon na iyon para kina Noah at Nica, kaya agad na sumang-ayon si Noah, “Sige.” “Pangalawa, lahat ng ginastos mo kay Nica– simula sa mga luxury goods hanggang sa bahay– ay marital property, kailangan kong mabawi lahat iyon, Noah. Bukod pa doon, simula ngayong araw, hindi mo na pwedeng bigyan si Nica ng kahit anong pera sa kahit anong dahilan.” Iyon ang ikamamatay ni Nica. Lagi niyang sinasabing para iyon sa pag-ibig, pero kung si Noah ay isang binatang wala ng pera, papansinin niya pa kaya ito? “Noah! Hindi pwede!” biglang sigaw ni Nica. Matapos sabihin iyon ni Agatha, narealize ni Nica na sumobra siya sa reaksyon niya kaya agad siyang bumawa, “Regalo mo iyon lahat sa akin, may mga sentimental value iyon, hindi ko kayang mawalay sa mga iyon… bukod

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 79

    Mas madrama si Nica sa kahit sino habang hawak ng mahigpit ang manggas ni Noah at hinahatak iyon, “Noah, hindi… ayokong mag sorry si Agatha sa akin, paano ko naman maaatim na mag sorry siya? Pumunta ako dito para ako ang humingi ng tawad sa kanya! Noah, wag na kayong mag-away ni Agatha, ayokong nag-aaway kayo…”“Oo!” saad ni Agatha, “Ayaw mo kaming mag-away, gusto mo lang akong mamatay!”“Agatha!” matalim na sigaw ni Noah. “Alam mo ba kung gaano kabigat na krimen ang paggpatay? Paano mo nasisikmura na ibintang ang ganyang klaseng kabigat na bagay kay Nica?”Ngumisi ng mapait si Agatha. “Nagawa niya nga akong tangkaing sunugin ng buhay, bakit hindi ko magagawang pagbintangan siya?” “Isang libong beses ko ng sinabing aksidente iyon, aksidente lang! Hanggang ngayon ba naman ay yan pa rin ang iniisip mo?” muling uminit ang ulo ni Noah. “Nagpunta siya dito para mag sorry sayo, ano pa bang gusto mo?”“Magso-sorry?” tinignan ng diretso ni Agatha si Nica. “Sinasabi mong pumunta ka dito para

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 78

    Nakatitig si Nica sa phone ni Agatha, nag-aalalang baka na-record nga nito ang lahat. “Burahin mo yang recording sa phone mo!”Ibinalik ni Agatha ang phone niya sa bag niya, may record man o wala, hindi niya ito ipapakita kay Nica. Dahil doon, nataranta si Nica. sa pag-aakalang mas malakas siya dahil pilay si Agatha, sumugod siya para agawain ang bag nito. Syempre, hindi iyon ibinigay ni Agatha. Si tita Sheena naman, nang makitang dehado ang amo niya ay mabilis na lumapit para tumulong. Eksakto namang tumunog ang doorbell. Sa pagkakataong iyon, si Noah na talaga ang dumating. Nang bumukas ang pinto, biglang natumba si Nica sa sahig. Pagkakita ni Noah, humiga siya at umiyak ng may mapupulang mata. “Noah…”Kasama ni Noah ang guard ng subdivision. Si Agatha ang nag-utos kay tita Sheena na tumawag ng guard dahil ine-expect niya na ang pagwawala ni Nica, ngunit hindi niya akalaing darating din si Noah sa oras na iyon. Nakaupo si sahig si Nica habang tumtingala kay Noah na may mga l

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   chapter 77

    Nagdecide pa rin siyang pumunta sa clinic para sa acupuncture at rehabilitation, at pagkatapos ay uuwi na sa bahay ng lola niya. Kaya, matapos siyang mag-almusal at habang nag-eempake ng mga gamit na dadalhin sa lola niya, may pumasok. Tuloy-tuloy lang sa loob. Sa sandaling iyon, nag-aayos ng bahay si Tita Sheena , at iisang tao lang ang makakapasok ng ganon– si Noah. Inakala niyang si Noah iyon kaya hindi na siya lumingon hanggang sa may narinig siyang boses sa likod niya. “Agatha.”Si Nica Mateo. Alam pala ni Nica ang password ng bahay! Nakapasok siya ng ganon lang! Sandaling nakaramdam ng galit si Agatha, pero agad din niya itong kinalimutan. Sabagay, balak na rin naman niyang iwan ang bahay na iyon kaya hindi na sulit na magalit pa. Ang magalit ay walang saysay at sarili lang niya ang mapapahamak. Humarap si Agatha. Nakatayo na si Nica sa sala. Bakas ang pag-aalala sa tingin ni tita Sheena, na nagsasabing, “Hindi ko alam kung paano siya nakapasok.”Tumango si Agatha para ipa

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 76

    Ano ba ang pakiramdam na magkagusto sa isang tao sa kabataan mo?Iyon ay kapag hindi siya pumapasok sa klase at kahit na merong isang walang lamang upuan sa classroom ay pakiramdam mo wala ring laman ang puso mo, na para bang ang buong mundo mo ay madilim. Iyon ay kapag naglakad siya sa classroom, ang mundo ay biglang nagliliwanag, ang liwanag ng araw sa labas ng bintana ay kumikinang na parang ginto, ngunit hindi iyon maikukumpara sa liwanag ng pagkakataong iyon. Iyon ay kapag ngumingiti siya, parang natutunaw ang puso mo, at kapag nakasimangot naman siya, parang pinipiga ang dibdib mo. Iyon yung kapag tahimik na lumilipas ang pras habang pinagmamasdan mo lang siya mula sa malayo, iyon yung habang lumilipas ang mga taon, handa mong ibigay ang lahat para sa kanya ng hindi niya nalalaman…Noong taong iyon, nang sa wakas ay nalaman na ni Agatha ang pagod at sakit na pilit tinatago ni Noah ay dahil malubha ang sakit ng lola niya at nasa ospital, nagsuot siya ng mas at bumangon bago pa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status