مشاركة

Chapter 75

مؤلف: VIENNA ROSE
last update آخر تحديث: 2026-01-17 21:19:04

Umupo si Noah sa tapat niya, puno ng sarkasmo ang mga tingin nito. “Limang taon na tayong kasal at ganyan ang trato mo sa akin tuwing hahawakan kita?”

Ano pa nga ba ang pwede niyang asahan?

Ngumiti siya ng may haong pang uuyam. “Noah, kung hahawakan mo ako, hindi ka ba natatakot na baka madurog ang puso ng Nica mo?”

Hindi sumagot si Noah bagkus ay itinulak siya nito sa kama, ngunit hindi inalis ang kumot na nakabalot sa katawan niya.

Naramdaman ni Agatha ang mainit nitong palad sa kanyang hita.

Minamasahe ba ni Noah ang mga pasa sa kanyang binti?

Tuluyan ng sumuko si Agatha sa pagpupumiglas; pamilyar na siya sa mga taktika nito.

Ang biglaang kabaitan ay laging may nakatagong pakay, siguradong may kailangan ito sa kanya. At gaya ng inaasahan, nilagyan lang nito ng ointment ang mga pasa niya, mula sa hita hanggang sabraso, sa tiyan at sa huli ay sa likod niya.

Pagkatapos ay kinumutan siya nito at tinitigan ang malamig na mga mata.

Malamig siyang tinitigan ni Agatha, naghihintay na
VIENNA ROSE

Pasensya na po sa pa-isa-isang update. Hindi lang po kasi ito ang story na sinusulat ko po. Pasensya na.

| 6
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق
تعليقات (5)
goodnovel comment avatar
Flor Cabucos
Sana naman tapusin mo muna to bago ka gumawa ng panibago Ms writer
goodnovel comment avatar
Flor Cabucos
Same din tayo ng comment sa writer Ms. Sana tapusin muna ang isa bago susulat ng panibago..
goodnovel comment avatar
Nhing Nhing
divorce mo ko iuurong ko kaso ....napakasimple ng kondisyon writer
عرض جميع التعليقات

أحدث فصل

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 81

    Sa pagkakataong iyon, si Agatha at tita Sheena na lang ang naiwan sa bahay. Sobrang lungkot ni tita Sheena, ang mga mata niya ay namumula, pinahid niya ang mga luha niya at humingi ng tawad kay Agatha, “Madam, sorry po, kasalanan ko ang lahat ng ito,kung hindi sana ako naging impulsive masyado ay hindi kayo mapipilitang iurong ang kaso.”Ngumiti naman si Agatha, “walang kinalaman iyon sayo. Hindi ko na rin naman gustong ituloy pa iyon and on the contrary, talagang masaya ako na kahit na sa sitwasyon ko ngayon ay may mga tao pa rin pala na pumapanig sa akin.” “Pero Madam, muntik ka ng mapahamak!” saad ni tita Sheena na parang naargabyado pa rin. “Okay lang naman ako, diba?” kumislap ang mga mata ni Agatha. “Pero tita SHeena, kailangan mo na talagang i-consider kung anong gagawin mo sa hinaharap.”“Madam?” gulat na tanong ni tita Sheena. Hindi na nagsalita pa si Agatha ng kahit ano dahil hindi pwedeng malaman ng kahit sino ang binabalak niya bago pa man siya makaalis sa pamilyang ‘t

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 80

    “Una, kailangang umalis ni Nica sa kumpanya mo. hindi na siya pwedeng magtrabaho sayo kahit kailan, bawal siyang humawak ng shares sa company mo at hindi ka pwedeng mag-open ng branch company para sa kanya.” Tila walang threat ang kondisyon na iyon para kina Noah at Nica, kaya agad na sumang-ayon si Noah, “Sige.” “Pangalawa, lahat ng ginastos mo kay Nica– simula sa mga luxury goods hanggang sa bahay– ay marital property, kailangan kong mabawi lahat iyon, Noah. Bukod pa doon, simula ngayong araw, hindi mo na pwedeng bigyan si Nica ng kahit anong pera sa kahit anong dahilan.” Iyon ang ikamamatay ni Nica. Lagi niyang sinasabing para iyon sa pag-ibig, pero kung si Noah ay isang binatang wala ng pera, papansinin niya pa kaya ito? “Noah! Hindi pwede!” biglang sigaw ni Nica. Matapos sabihin iyon ni Agatha, narealize ni Nica na sumobra siya sa reaksyon niya kaya agad siyang bumawa, “Regalo mo iyon lahat sa akin, may mga sentimental value iyon, hindi ko kayang mawalay sa mga iyon… bukod

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 79

    Mas madrama si Nica sa kahit sino habang hawak ng mahigpit ang manggas ni Noah at hinahatak iyon, “Noah, hindi… ayokong mag sorry si Agatha sa akin, paano ko naman maaatim na mag sorry siya? Pumunta ako dito para ako ang humingi ng tawad sa kanya! Noah, wag na kayong mag-away ni Agatha, ayokong nag-aaway kayo…”“Oo!” saad ni Agatha, “Ayaw mo kaming mag-away, gusto mo lang akong mamatay!”“Agatha!” matalim na sigaw ni Noah. “Alam mo ba kung gaano kabigat na krimen ang paggpatay? Paano mo nasisikmura na ibintang ang ganyang klaseng kabigat na bagay kay Nica?”Ngumisi ng mapait si Agatha. “Nagawa niya nga akong tangkaing sunugin ng buhay, bakit hindi ko magagawang pagbintangan siya?” “Isang libong beses ko ng sinabing aksidente iyon, aksidente lang! Hanggang ngayon ba naman ay yan pa rin ang iniisip mo?” muling uminit ang ulo ni Noah. “Nagpunta siya dito para mag sorry sayo, ano pa bang gusto mo?”“Magso-sorry?” tinignan ng diretso ni Agatha si Nica. “Sinasabi mong pumunta ka dito para

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 78

    Nakatitig si Nica sa phone ni Agatha, nag-aalalang baka na-record nga nito ang lahat. “Burahin mo yang recording sa phone mo!”Ibinalik ni Agatha ang phone niya sa bag niya, may record man o wala, hindi niya ito ipapakita kay Nica. Dahil doon, nataranta si Nica. sa pag-aakalang mas malakas siya dahil pilay si Agatha, sumugod siya para agawain ang bag nito. Syempre, hindi iyon ibinigay ni Agatha. Si tita Sheena naman, nang makitang dehado ang amo niya ay mabilis na lumapit para tumulong. Eksakto namang tumunog ang doorbell. Sa pagkakataong iyon, si Noah na talaga ang dumating. Nang bumukas ang pinto, biglang natumba si Nica sa sahig. Pagkakita ni Noah, humiga siya at umiyak ng may mapupulang mata. “Noah…”Kasama ni Noah ang guard ng subdivision. Si Agatha ang nag-utos kay tita Sheena na tumawag ng guard dahil ine-expect niya na ang pagwawala ni Nica, ngunit hindi niya akalaing darating din si Noah sa oras na iyon. Nakaupo si sahig si Nica habang tumtingala kay Noah na may mga l

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   chapter 77

    Nagdecide pa rin siyang pumunta sa clinic para sa acupuncture at rehabilitation, at pagkatapos ay uuwi na sa bahay ng lola niya. Kaya, matapos siyang mag-almusal at habang nag-eempake ng mga gamit na dadalhin sa lola niya, may pumasok. Tuloy-tuloy lang sa loob. Sa sandaling iyon, nag-aayos ng bahay si Tita Sheena , at iisang tao lang ang makakapasok ng ganon– si Noah. Inakala niyang si Noah iyon kaya hindi na siya lumingon hanggang sa may narinig siyang boses sa likod niya. “Agatha.”Si Nica Mateo. Alam pala ni Nica ang password ng bahay! Nakapasok siya ng ganon lang! Sandaling nakaramdam ng galit si Agatha, pero agad din niya itong kinalimutan. Sabagay, balak na rin naman niyang iwan ang bahay na iyon kaya hindi na sulit na magalit pa. Ang magalit ay walang saysay at sarili lang niya ang mapapahamak. Humarap si Agatha. Nakatayo na si Nica sa sala. Bakas ang pag-aalala sa tingin ni tita Sheena, na nagsasabing, “Hindi ko alam kung paano siya nakapasok.”Tumango si Agatha para ipa

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Chapter 76

    Ano ba ang pakiramdam na magkagusto sa isang tao sa kabataan mo?Iyon ay kapag hindi siya pumapasok sa klase at kahit na merong isang walang lamang upuan sa classroom ay pakiramdam mo wala ring laman ang puso mo, na para bang ang buong mundo mo ay madilim. Iyon ay kapag naglakad siya sa classroom, ang mundo ay biglang nagliliwanag, ang liwanag ng araw sa labas ng bintana ay kumikinang na parang ginto, ngunit hindi iyon maikukumpara sa liwanag ng pagkakataong iyon. Iyon ay kapag ngumingiti siya, parang natutunaw ang puso mo, at kapag nakasimangot naman siya, parang pinipiga ang dibdib mo. Iyon yung kapag tahimik na lumilipas ang pras habang pinagmamasdan mo lang siya mula sa malayo, iyon yung habang lumilipas ang mga taon, handa mong ibigay ang lahat para sa kanya ng hindi niya nalalaman…Noong taong iyon, nang sa wakas ay nalaman na ni Agatha ang pagod at sakit na pilit tinatago ni Noah ay dahil malubha ang sakit ng lola niya at nasa ospital, nagsuot siya ng mas at bumangon bago pa

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status