Bakit kaya ang bait ni Jayson ngayon? Hahaha! Thank you po sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
CHE-CHE'S POVKaagad akong sumunod sa kanya sa loob ng bahay namin. Nagulat ako dahil gising pa pala si inay. Nagtataka ako dahil hindi man lang ito nagtanong kung bakit kasama ko si Jayson."Nay, saan ko po siya papatulugin?" Mahinang tanong ko kay inay."Sa kwarto mo, may kutson doon at may electric fan. Kaysa dito sala malamok. Nakakahiya naman kung dito mo siya patulugin." Sagot naman sa akin ni inay."Doon kana sa kwarto ko matulog." Sabi ko kay Jayson."Saan ka matutulog?" Tanong naman niya sa akin."Dito na lang ako sa labas.""No, ako na lang dito." Mabilis na kontra niya."Pero malamok dito," sagot ko sa kanya."Okay lang, makatikim man lang sila ng gwapo." Sagot niya sa akin na ikinangiti ko.Marunong din pala siya magjoke. Hindi kasi halata. Saka ang swerte rin naman talaga ng mga lamok kung sakali dahil sa makatikim sila ng dugo ng gwapo. Saad ko sa sarili na kaagad ko ring sinaway dahil kung anu-ano na naman ang naiisip ko."Anak mauna na ako dahil inaantok na ako. Kaya ni
CHE-CHE'S POVPagbalik ko sa canteen ay naging tahimik na lang ako. Paano ba naman kasi masakit na naman ang tuhod ko. Kakagaling pa lang ng mga tuhod ko ay umakyat na naman kasi ako."Beshy, what happening to you? Are you okie o owright?" Tanong sa akin ni Joy."My toes my knees are ek-ek." Sagot ko naman sa kanya."Oh my gulay, you hab a ray-ray." Natatawa na sabi niya sa akin."What's ray-ray my beshy?" Natatawa na tanong ko sa kanya."Ray-ray long for rayuma and short for ray-ray." Natatawa na sagot niya sa akin.Masaya kaming nag-uusap ni Joy habang si Ate Sally ay naiiyak na. Nagkatinginan naman kami Joy. Iniisip ko baka may pinagdadaanan si ate. Malungkot kaya siya? Tanong ko sa sarili."Ate, may problema ka ba? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalala na tanong ko sa kanya."Ha? Ako may problema? Wala, wala naman akong problema." Sagot niya sa akin habang pinupunasan ang mga luha niya."Eh bakit ka umiiyak?" Tanong ko pa sa kanya ulit."Naiyak lang ako sa kakatawa sa inyo. Kayo na talaga
CHE-CHE'S POV"Ano mga plans mo sa buhay mo? Matutulaley ka na lang ba there poreber?" Tanong ko sa kanya."Dito ako matutulog," biglang sagot niya sa akin."What? No, chu-chu uwi kana." Pagtataboy ko sa kanya."Gusto ko dito, masarap ang tulog ko dito eh." Sagot pa niya sa akin."Jay-jay coco...melon.... Uwi kana po, alam mo inaantok na kasi ako." Sabi ko pa sa kanya."Gusto ko nga dito." Pagpupumilit niya."Hoy! Anong ginagawa mo?" Natataranta na tanong ko sa kanya dahil balak niya umakyat sa bintana ko."Jusmiyo marimar! Tumigil ka! Maawa ka naman sa bintana ko. Pashneya ka! Umikot ka doon sa pintuan." Utos ko sa kanya.Pasaway talaga na lalaki. Hindi na naawa sa bahay namin. Sa laki niyang tao sigurado akong pagpasok niya ay tanggal pati dingding namin. Mabilis akong lumabas sa silid ko para pagbuksan siya ng pinto. Naisip ko nga na 'wag na lang sana kaso baka bumalik ulit sa bintana ko. Kaysa makipagmatigasan sa kanya ay susunod na lang ako.Pagbukas ko ay kaagad itong pumasok at
CHE-CHE'S POV"Anong ginagawa mo?! Akin na nga 'yan!" Naiinis kong hinablot sa kanya ang bra ko."Wala naman akong ginagawa, pinulot ko lang 'yan." Sagot niya sa akin habang nakangiti."Bakit mo kasi pinulot?" Naiinis pa na tanong ko."Sumabit sa paa ko." "Bwisit ka! Lumabas kana nga doon. Huwag ka ng pumasok dito." Inis na inis at hiyang-hiya ako."Baby, may kinakapitan pa ba 'yan?" Biglang tanong niya sa akin."Sympre meron! Ano ba tingin mo sa akin? Labas ka na nga!" "Akala ko kasi wala eh. Pero may alam akong paraan para lumaki 'yan." Nakangisi na sabi niya sa akin."Di ko 'yon kailangan!"Sa inis ko ay tinulak ko na siya palabas. Hiyang-hiya talaga ako. Burara ka kasi! Naiinis na saad ko sa sarili ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko. Grabe talaga siya sa akin palagi na lang niyang pinupuna ang dibdib ko. Gusto ba niya maging katulad ito sa jowa niya na parang pakwan kalaki. Mabilis kong tinago ang bra ko na inutang ko pa kay bombey. Lumabas ako at hindi ko siya pinapansin. Sila la
CHE-CHE'S POVKinuha niya ang kamay ko at nilagay niya ito sa balikat niya at hinawakan niya ang baywang ko. Hindi ko naman magawa na tumugon dahil di ko naman knows ang gagawin ko. Paano ba kasi ang halik na sinasabi niya?"Kiss me back, please." Mahinang bulong niya nang tumigil siya."Bakit?""Because, I want you to kiss me back.""P-Paano ba kasi gawin 'yon?" Tanong ko sa kanya."Sundin mo lang ang galaw ng labi ko." Sagot niya sa akin at hinalikan ako ulit. Akmang hahalikan at tutugon na ako nang bigla na lang kumunot ang noo ko. May naamoy akong kakaiba. Parang sunog? Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na may niluluto pala ako."Ouch! Hiyaw niya dahil mabilis ko siyang tinulak at bumaba ako para patayin ang kalan at tinignan ko ang niluto ko. Sunog nga talaga.Kaagad akong lumingon kay Jayson na d*******g sa sakit ng likod niya. Kaya mabilis akong lumapit sa kanya. "Sorry, kasi ikaw kasalanan mo rin. Bakit mo kasi ako hinahalikan? Nasunog pa tuloy 'yong niluluto ko.""Ano
CHE-CHE'S POV"Saan ka pupunta? Bakit ka sasama diyan?" Tanong sa akin ni Jayson.Napalunok ako dahil bigla akong natakot sa awra niya. Halatang galit siya at anumang oras ay mananapak na siya. "M—May pupuntahan lang kami." Nauutal na sagot ko sa kanya."Saan?" Seryoso na rin kahit ang pananalita niya."Puwede ba, dude? Umalis ka nga dahil nakakaisturbo ka!" Sigaw ng lalaki kay Jayson."Shut your fvcking mouth!" Sigaw ni Jayson doon sa lalaki."Jayson, huwag ka naman ganyan." Mahinahon na saad ko sa kanya."Hindi ka aalis," puno ng otoridad na sabi niya sa akin."Kailan kong umalis," parang naiiyak na sabi ko sa kanya."NO, walang aalis dito. Alam mo ba kung anong mangyayari sa 'yo kapag sumama ka sa kanya?" "Hayaan mo na lang ako," akmang papasok ako ng hilain niya ako sabay buhat na para bang sako ng bigas."Jayson, ibaba mo ako! Please, ibaba mo ako!" Umiiyak na sabi ko sa kanya pero hindi siya nakikinig. Diretso lang siya sabay malibag sa akin papasok sa loob ng kotse niya. Hind
CHE-CHE'S POVNang maramdaman ko na niyakap niya ako pabalik ay bumitaw na ako sa kanya dahil nahihiya ako. Pina-uwi ko na ang mga kapatid ko at kaming dalawa na lang ni Jayson ang naiwan dito sa ospital. Magtatagal pa si inay dito hanggang sa tuluyan siyang gumaling. Hindi pa rin kasi siya nagigising."Umuwi kana," sabi ko kay Jayson."Dito lang ako, sasamahan kita." Sagot niya sa akin."Uwi kana, para maka-pahinga ka." Saad ko pa sa kanya."Okay," sagot niya sabay tayo. Nakatingin ako sa likod niya habang naglalakad ito. Kahit na palagi kaming nag-aaway ay masasabi ko na mabuting tao naman siya. Mas okay na rin na tinanggap ko ang alok niya kaysa nakipagt*lik ako sa hindi ko naman kilala. Si Jayson ang lalaki na halatang galing sa mayamang pamilya. Sa tindig at itsura niya ang malalaman ito kaagad. Kaya magiging maganda ang buhay ng magiging asawa niya. Ang tunay na asawa niya. Dahil ako ay binayaran lang naman niya.Ang buong akala ko ay umalis na ito pero nakikita ko siyang papala
CHE-CHE'S POVHindi ako makatulog at hindi ko alam kung bakit. Marahil ay kinakabahan ako sa kasal namin bukas. Simula bukas ay magbabago na ang buhay ko. Magkakaroon na ako ng asawa. Magiging asawa ako ng isang Rodriguez. Kinakabahan ako dahil baka pumalpak ako. Ayoko naman na ipahiya si Jayson kapag ipinakilala niya ako sa mga magulang at kamag-anak niya. Malaki ang binayad niya kaya kailangan kong gampanan ang trabaho ko.Umilaw ang selpon ko kaya sinilip ko ito.Jay-Jay: Tulog ka na ba?Jay-Jay: Hindi ako makatulog.Jay-Jay:Tulog kana yata. Jay-Jay: Good night, see you tomorrow.Jay-Jay: Ti amoHindi ko magawang magreply sa kanya. Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin ko. Hindi rin naman ako aatras sa kasal namin bukas. Natulog na ako dahil baka ma-late ako ng gising bukas. Nakakahiya naman kung ako pa ang matagal sa aming dalawa.Alas siyete pa lang ng umaga ay gising na ako. Maaga rin akong naligo. May biglang dumating na babae at sabi niya ay aayusan niya ako. Nagulat nga