CHE-CHE'S POV
“Lumayo ka nga sa akin?!” Naiinis na sabi ko sa kanya at itinulak ko siya palayo sa akin. Kinakabahan kasi ako sa mga sinasabi niya na ibang paraan. Hindi ko maiwasan na hindi mag-overthinker dahil sa mga sinasabi. niya.“Ang arte mo akala mo type kita.” Supladong sabi niya kaya kaagad na kumulo ang dugo ko sa kanya.“Bakit tingin mo ba type rin kita?! Hindi ka naman ganun ka-gwapo kaya ‘wag kang feeler d’yan!” Naiinis na sabi ko rin sa kanya.“Bayaran mo ako, kung sa tingin mo makakatakas ka sa akin ay nagkakamali ka. Kahit saan ka pa magtago mahahanap pa rin kita.”“Magbabayad ako basta maghintay ka lang dahil ikaw lang naman ang babayaran ko. Hindi ko kaya ang two gives na sinasabi mo. Twenty gives ang kaya ko. TWENTY GIVES,” diniinan ko pa talaga ang twenty give na sabi ko sa kanya.“Wala akong pakialam kung saan ka kukuha ng pera basta bayaran mo ako. At hindi twenty gives kundi TWO GIVES. Dahil kung hindi ipapakulong kita.” Pinagbabantaan pa ako.“Alam mo fvcking boy. Hindi ko uunahin na bayaran ka dahil marami akong obligasyon sa buhay ko. Hindi kita uunahin kaysa sa gamot ng nanay ko.”"Wala akong pakialam sa mga problema mo. I have my own problems too.""Wala rin naman akong pakialam sa sasakyan mo. Dahil kapag natige ang nanay ko ipapamulto kita." Sabi ko sa kanya kaya kumunot na naman ang noo niya."YOU'RE CRAZY!""Crazy like you, tsk! Tigilan mo nga ako. Uminom ka na lang diyan dahil marami pa akong trabaho." Sabi ko sa kanya."Ako ang boss mo ngayong gabi kaya dito ka lang.""Anong boss, hoy! Tigilan mo nga ako sa mga trip mo sa buhay. Dahil kapag ikaw pinagtripan ko sira buhay mo sa akin.""Anong trip ang sinasabi mo? Hoy! Babaeng pangit, kung gusto mo na may trabaho ka pa. Umupo ka diyan at manahimik." May pagbabanta sa boses niya."Tsk! Pangit? Ako pangit?" Tanong ko sa sarili ko. Sa unang pagkakataon ay may nagsabi sa akin na pangit ako.Italian spaghetti ang beauty ko. Tapos sasabihan lang niya ako ng pangit."Hoy! Ikaw fvcking boy ka. Excuse me, I'm not pangit, may lahi akong imported kaya maganda ako. Baka nga mas maganda pa ako sa jowa mo." Mataray na sabi ko sa kanya."Imported? Dami mong alam.""Oo marami talaga, baka ikaw konti lang alam mo. Gusto mo malaman ang mga alam ko?""Ano naman aber?""Alam ko ang sesmes sa brgy. namin." Sabi ko sa kanya."Halata nga, sesmosa ka." Suplado na sabi niya sa akin sabay inom ng alak sa baso niya.Sinamaan ko siya ng tingin at manahimik na lang ako. Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko siya. Inabala ko ang sarili ko sa nakatingin sa mga kuko ko at nilaro ko ang mga daliri ko. Nagkunwari ako na wala siya sa paligid ko."Akala ko ba marami kang alam?"Hindi ako sumagot at nagkunwari na wala akong naririnig. Iniisip ko pa lang bukas ang trabaho ko sa canteen ay napapangiti na ako kaagad."Bingi ka ba?!" Napauntag ako dahil sa bigla niyang pagsigaw."Puwede ka naman po magsalita ng mahinahon. Naninigaw ka pa, hindi naman ako bingi." May diin na sabi ko sa kanya."Bingi ka, kasi kanina pa kita kinakausap pero nasa ibang mundo ka.""Oo kasi may sarili akong mundo at ayaw ko sa mundo mo. Oh, bakit mo ako tinatawag? May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya."Buksan mo ang tv," utos niya sa akin.Kaagad naman akong lumapit sa lagayan ng remote at kaagad kong binuksan ang tv."Jusmeyo marimar!" Napaupo ako sa gulat dahil bumungad sa akin ang dalawang tao na walang kahit anong saplot sa katawan. Kaagad kong tinakpan ang mga mata ko. Bwisit ang lalaking 'to kung anu-ano ang mga pinapanood.Nakuha pa niyang tumawa. Habang ako hindi ko alam kung alin ang tatakpan ko. Ang mata ko ba o ang tainga ko? Jusko po! Ang halay nila lalo na naririnig ko ang ungol ng babae. Nakapikit ako at akmang pipindutin ko ang remote nang bigla itong nawala sa kamay ko."Huwag mong patayin, nanonood pa nga ako eh.""Yuck! Ikaw na lang ang manood niyan. Bastos!" Sigaw ko sa kanya bago ako tumakbo palabas sa VIP room.Lalo akong nainis dahil narinig ko pang humalakhak ito. Bwisit talaga, gwapo pero manyak. Ang bastos, virgin pa ang mga mata ko sa ganoong mga bagay. Dahil sa kanya ay nadungisan na ang malinis kong pag-iisip. Kaagad akong pumunta sa bar counter at humingi ng tubig dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw."O, bakit nandito ka?" Tanong sa akin nang manager namin."Sir, okay lang ba na umuwi na ako? Sumakit kasi ang tiyan ko," paalam ko sa kanya."Masakit ba talaga?" Tanong niya sa akin."Opo, masakit at nakailang balik na ako sa banyo. Nakakahiya naman po kung doon ako sa VIP room maglabas ng—""Sige na, umuwi kana." Pagtataboy niya sa akin."Salamat po," pasasalamat ko sa kanya. Nagpaalam rin ako kay Joy at mas mabilis pa sa alas kwatro akong umuwi sa bahay.Nang makarating ako sa bahay ay tulog na sila. Humiga ako sa luma kong papag. Naiinis ako dahil hindi ako makatulog. Tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay ang mga mahahalay na palabas ang lumilitaw sa isipan ko. Napabangon pa ako sa sobrang inis ko at sinabunutan ko pa ang sarili ko."Bwisit ka talaga! Simula yata ng makilala kita puro kamalasan na lang talaga ang nangyayari sa akin." Naiinis na bulalas ko."Che-che, hinga ng malalim. Huwag mong isipin ang nakita mo." Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na wala lang 'yon.Gising ako pero para akong binabangungot. Kahit na ganun ay pinilit ko pa rin na matulog. Dahil may trabaho pa ako bukas at ayoko naman na maging zombie habang nagluluto ng mga pagkain ng mga bata at ang iba doon ay kaedad ko lang din.Maaga akong gumising at kagaya pa rin ng dati ay sabay kami ni Joy. Pero habang naglalakad kami ay may biglang dumaan na kotse sa tabi namin. At sakto talagang may tubig kaya tumalsik sa akin. Nabasa ang damit ko."Arghhh! Bwisit! Kung minamalas ka nga naman!" Naiinis na sigaw ko."Naku, beshy ang dumi na ng damit mo." Sabi sa akin ni Joy."Mauna kana beshy, babalik lang ako sa bahay." Naiinis na sabi ko sa kanya. Hindi ako naiinis sa kaibigan ko kundi sa marumi kong damit at sa sasakyan na dumaan."Sige, ingat ka ha. Hintayin kita."Ngumiti ako sa kanya at nagsimulang maglakad pabalik sa bahay. Gusto kong magwala pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Kailangan ko rin magmadali dahil ako ang magluluto ng mga ulam. Nang makapagpalit ako ay pinili kong sumakay makarating lang kaagad sa Academy. 'Yung itinabi ko na pera ay ginamit ko na bigla dahil ayokong mahuli sa trabaho ko."Humanda talaga sa 'kin kapag nakita ko ang kotse na 'yon. Bubutasan ko talaga ang gulong niya." Saad ko sa sarili. Nagngingitngit ako sa galit dahil sa mga nangyayari sa akin.Mabuti at naging maayos ang trabaho ko. Naunang umuwi si Joy. Kaya ako na lang ngayon ang naglalakad pauwi. Habang naglalakad ako ay nahagip ng mga mata ko ang sasakyan na dahilan kung bakit ako nadumihan kanina. Lihim akong napangiti."Butas gulong mo sa akin ngayon," nakangisi na sabi ko habang papalapit sa kotse na target ko.Hello po, thank you po sa mga nag-add sa library sa story na ito. Salamat din po sa mga nag-iiwan ng comments at gems. Feel free to leave some comments and reviews kung nagustuhan niyo ang story na ito. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
CHE-CHE POV(AFTER 10 YEARS)“CHEMMARY PELIPA–RODRIGUEZ, C*M LAUDE!” Isang masigabong palakpakan ang naririnig ko mula sa mga tao sa paligid. Kaliwa't-kanan na pagbati mula sa kapwa ko mag-aaral.Araw ng graduation ko ngayon at napaiyak talaga ako sa sobrang saya ko. Pagkatapos ng ilang taon ay natupad ko rin ang pangarap ko na makapagtapos sa pag-aaral. Sobrang hirap ng mga dumaan na taon sa akin. Pero dahil nasa tabi ko ang asawa ko at mga anak ko ay lahat kinaya ko. Marami akong gabi na walang tulog at laging pagod. Pero ang lahat ng 'yon ay nagbunga. At ngayon ay aanihin ko na. “I’m so proud of you, Boba. Congratulations!” Malambing na bulong sa akin ni Jayson.“Thank you so much, Bubu. Hindi ko ito magagawa na ako lang. Kayo ng mga anak natin ang lakas ko at dahilan ko kaya patuloy akong nagsisikap. Para sa inyo ito.” Naiiyak na sabi ko sa kanya.“You’re the best wife and mother ever. How to be you, Boba?” pabiro na tanong niya sa akin.“Iba po kasi ang alagang Jayson Rodriguez.
WEDDING DAY AND HONEYMOONWARNING: THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! (MATURE CONTENT R18+)CHE-CHE POVHalos dalawang buwan na pinaghandaan namin ang kasal namin ni Jayson. At sa wakas ay dumating na ang araw na pinakahihintay naming dalawa. Nasa harap ako ngayon ng isang malaking vanity mirror. At inaayosan ako ng glam team na kinuha ni Ana.“Naiiyak ako, beshy. Dahil sa wakas ay ikakasal kana na nandito si Tiyang.” Saad sa akin ni Joy.“Masaya ako na ikakasal ako na nasa tabi ko si inay. Thank you, beshy dahil hanggang ngayon kaibigan pa rin kita. Malaki ang pasasalamat ko sa ‘yo dahil sa mga panahon na kailangan ko ng kaibigan ay nariyan ka palagi para sa akin.” Parang naiiyak na sabi ko sa kaibigan ko.“Me too you, beshy.” umiiyak na sagot sa akin ni Joy.“How about me? Friend mo rin naman ako ah,” biglang tanong ni Ana na nakanguso na parang bata.“Makakalimutan ba kita. Syempre ikaw ang pinakapangit kong kaibigan na laging nandyan para sa akin.
JAYSON’S POVNagpaalam ako sa asawa ko na may pupuntahan lang kami saglit ni Asher. Pero habang nasa byahe kami ay hindi ako mapakali. Para kasing may kakaiba sa asawa ko na hindi ko mawari. Biglang tumunog ang phone ko at kapatid niya ko ang tumatawag sa akin. Mabilis ko naman itong sinagot.“H–Hello, k–kuya. Nawawala po si Ate Che-che.” “Paanong nawawala?” Nagtataka na tanong ko sa kanya. Pero bigla na lang sinipa ng kaba ang dibdib ko.“Hindi ko po namalayan na nakaidlip po ako. Nang magising ako ay wala na po siya.” Umiiyak na sabi niya sa akin.“Just stay there,” matigas na sabi ko sa kanya bago ko ibinaba ang tawag.“Fvcking sh*t!” sigaw ko na ikinagulat ni Asher.“What’s the matter, Kuya? Sino ang nawawala?” Tanong niya sa akin.“Ang asawa ko nawawala siya,” frustrated na sagot ko sa kanya.“Sorry, kuya but I need to answer this.” aniya sa akin dahil bigla na lang may tumawag sa kanya.“Hello, Ana. What?! Okay pupuntahan na namin ngayon, thanks.” saad ni Asher bago niya ibinaba
CHE-CHE POVBinalot ng takot ang puso ko dahil sa text message na natanggap ko. Natatakot ako pero mabilis ko rin pinatay ang phone ko para hindi makita ng asawa ko. Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Kailangan kong isipin ang kapakanan ng anak ko.Alam ko na mahina pa ako dahil kakapanganak ko pa lang. Pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ka para lang maging maayos ang lahat. Ililigtas ko ang anak ko sa taong kumuha sa kanya. Lumabas ang asawa ko dahil may pupuntahan sila ni Asher.Kapatid ko ngayon ang kasama ko dito sa silid na inakupa namin. Lihim akong umiiyak. Litong-lito na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ngayon pa? Bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng ito. Alam ko na delikado pero kinuha ko ang phone ko para i-text si Ana at si Joy. Nang mai-send ko na ang mensahe ko ay dahan-dahan akong lumabas sa silid ko. Tulog ang kapatid ko kaya nakalabas ako ng hindi niya nalalaman.May nararamdaman akong sakit pero tiniis ko. Para hindi ako maabutan ng mga bantay. Na
JAYSON’S POVKahit kinakabahan at natatakot ako ay pinilit kong lakasan ang loob ko. At nakahinga naman akong maluwag dahil naging maayos ang panganganak ng asawa ko. Ang pagiging makulit niya ay wala talagang pinipili na lugar. Kaya sobrang natutuwa sa kanya si Doktora dahil nagagawa pa niyang magdaldal kahit na nasa kalagitnaan siya ng panganganak. Hindi ko napigilan ang mga luha ko nang masilayan ko ang anak ko. Ang liit niya at para bang nakakatakot akong buhatin siya. Inilabas muna siya para malinisan. Ako naman ay sinamahan ko ang asawa ko. Nakatulog ito dahil sa sobrang pagod.Hanggang sa humahangos na pumasok ang isang nurse.“S–Sir, ang b–baby niyo po..” nauutal at namumutla na sabi niya sa akin.“Anong nangyari sa baby ko? Nasaan na ang anak ko?!” sigaw ko sa kanya.“Nawawala po ang baby niyo, Sir.” Sagot niya sa akin na ikinatigil ng mundo ko. Nawawala ang anak ko? Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang braso niya.“Paanong nawawala ang anak ko?” May diin na ta
CHE-CHE POVSa bawat araw na dumadaan sa buhay namin ng asawa ko ay puno ng saya at pagmamahalan. Lahat kami ay excited na sa paglabas ni baby shark ko. Laking pasasalamat ko dahil tumigil na ang paglilihi ko noong anim na buwan ang tiyan ko. Kaya hindi na nahirapan ang asawa ko sa akin. Nandito ako ngayon sa may veranda namin. Nakikinig kami ni baby shark ng music. Habang kumakain ng prutas.“Baby shark, kailan ka ba lalabas? Alam mo ba na excited na si mommy na makita ka?” Tanong ko sa kanya at hinimas-himas ko ang tiyan ko.“Ayyy! Ang lakas naman ng sipa mo, baby shark.” Natatawa na sabi ko dahil bigla na lang siyang sumipa.Kabuwanan ko na kasi at anytime ay puwede na siyang lumabas. Maraming tao ang nagsasabi na nakakatakot raw ang manganak. Dahil nasa h*kay raw ang isa mong paa. Pero alam ko na kahit gaano pa kahirap ay kakayanin ko. Alam ko na ginagabayan kami ni Lord at ni baby shark number one namin.Nasa trabaho ngayon ang asawa ko. Gusto sana niyang magfile ng leave sa tra