Compartilhar

TRAPPED 13

Autor: Sunmaru
last update Data de publicação: 2026-04-04 10:34:37

Natatakot ako.

kilala ko kung paano siya magalit. Nakita ko na 'yun noon, yung galit na hindi ko na gustong maranasan muli. Bangungot na paulit-ulit sa isip ko, na ayokong bumalik.

Ngunit ngayon, hindi ko alam kung ano ang unang gagawin.

Bumaba kaya ako ng bus? Hindi, mahihirapan akong sumakay pabalik kasi gabi na. Pinikit-pikit ko ang aking mga mata, pero sa likod ng aking isip, hindi ko mapigilang buksan muli ang cellphone ko.

May isang mensahe na dumating, at lalo lang nitong pinakaba ang pu
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • TRAPPED IN HIS OBSESSION   TRAPPED 17

    "Zamara, sino'ng susundo sa'yo?" tanong ni Mika sa akin habang kami'y naglalakad palabas ng building ng eskwelahan."B-baka si Kuya Roberto... 'yung driver," sagot ko, medyo alanganin."Ah, ganun ba..." sagot niya, halatang may kaunting pagkadismaya. "Akala ko si Asmodues."Napakunot ako ng noo. Dahil hindi ko gusto kung si Asmodues ang susundo sa akin.Paglabas ko, nakita ko agad si Kuya Roberto. Nagpaalam ako kay Mika-sakto namang dumating si Hendrix."Zamara," tawag niya sa akin kaya agad akong napalingon.Tumingin siya sa kotse, tapos kay Kuya Roberto, saka muling bumaling sa akin."Ingat ka. Eto para sa'yo."May inabot siyang milk tea na medyo alanganin ko pang tinanggap."S-salamat, Hendrix..." ani ko sabay ngiti."Ay, bakit ako wala? Ang daya mo talaga, Hendrix!" biro ni Mika kay Hendrix.Nginitian lang siya ni Hendrix, saka bumalik sa motor niya at umalis.Nagpaalam na kami ni Mika sa isa't isa. Binuksan ko na ang kotse, pero nagulat ako nang makita kong nandoon pala si Miss J

  • TRAPPED IN HIS OBSESSION   TRAPPED 16

    Hindi ko alam kung anong oras na… wala akong ideya.Tahimik at madilim ang buong kwarto ni Asmodeus, pero sa loob ko, parang may bagyong hindi matahimik.Naramdaman kong bumangon si Asmodeus. Tumayo siya at iniwan ang kama.Hindi pa rin ako makagalaw… parang nanigas ang buong katawan ko — manhid, pagod, at basag.Ang kamay ko, nakataas pa rin — nakatali sa ulunan ng kama.Wala akong magawa. Wala man lang akong lakas para takpan ang sarili kong hubad na katawan.Ramdam ko ang sakit ng gitna ko dahil sa walang ingat nito. Ang sugat sa binti ko — dumudugo.Masakit… hindi lang sa katawan, kundi sa buong pagkatao ko.Dahan-dahan akong tumagilid, pilit na umiiwas sa lamig ng silid, at sa init ng kahihiyan dahil sa lantad kong katawan.Tahimik akong umiiyak.Napakasama niya!Hayop siya!Maya-maya, narinig kong bumukas ang pinto ng banyo.Nakikiramdam lang ako, nakatalikod. Ilang sandali pa, lumabas siya mula sa kanyang kwarto.Lumipas ang ilang minuto, at muli kong narinig ang pagbukas ng pi

  • TRAPPED IN HIS OBSESSION   TRAPPED 15

    Binagtas namin ang daan pauwi muli sa mansion niya.Kabado at takot ako sa maaaring mangyari kasunod...Pagkarating namin, halos kaladkarin niya ako pababa ng sasakyan. Napansin kong maraming tauhan niya ang nakakalat ngayon sa paligid ng mansion.Wala na ang guard na naka-duty nung umalis ako. Mas lalo akong kinabahan nang mapansin kong wala sina Manang Lydia at Mia sa paligid...Dinala niya ako diretso sa pinaka-sala ng mansion.At doon, tila gumuho ang mundo ko sa nasaksihan ko.Bugbog-sarado sina Mia at Manang Lydia. Maging ang guard na bantay sa gate nung nakatakas ako—halos hindi na gumagalaw.Agad ko silang nilapitan, nanginginig sa takot at galit...Ipinatong ko ang ulo ni Mia sa kandungan ko.Kahit nahihirapan pa ako dahil sa sugat sa binti, tiniis ko ang sakit. Hindi ako puwedeng magpahina ngayon.“M-Mia...” mahina kong tawag sa kanya.Dahan-dahan siyang dumilat at pilit na ngumiti.“N-nahabol... ka pa... rin pala...ni m-mas...ter” hirap na hirap niyang sabi, kasunod ang pag

  • TRAPPED IN HIS OBSESSION   TRAPPED 14

    Ramdam ko pa rin ang kirot sa aking binti-doon mismo sa tinamaan ng bala. Takot akong napatingin sa kanya habang siya'y tahimik na nagmamaneho, ang mga kamay niya mahigpit sa manibela, ang mukha nagpipigil ng galit.Tahimik lang akong umiiyak sa tabi niya."Sa ginawa mo, Zamara, maraming madadamay..."Puno ng banta na sabi niya sa akin.Grabe ang kaba ko.Una sa lahat, para kay mia at kay Manang Lydia na tumulong sakin makalabas.Bumaling ako sa kanya."P-Pakiusap... ako na lang ang parusahan mo, Asmodues,"Umiiyak kong pakiusap. Kilala ko siya - isang malupit at mapanganib na tao.Nakaramdam ako ng matinding pagsisisi.Sana hindi na lang ako umalis...Sana hindi na lang ako nagpadaig sa sekretarya niya.Huminto siya saglit sa tabi ng daan.Humarap siya sa akin - nagulat ako nang bigla niyang punitin ang damit ko sa bandang puson.Hinila niya ang binti kong may tama ng bala.Napaigik ako sa sakit, pilit ko siyang itinulak palayo."Endure it...!"Gigil niyang sabi habang nanggigigil an

  • TRAPPED IN HIS OBSESSION   TRAPPED 13

    Natatakot ako.kilala ko kung paano siya magalit. Nakita ko na 'yun noon, yung galit na hindi ko na gustong maranasan muli. Bangungot na paulit-ulit sa isip ko, na ayokong bumalik.Ngunit ngayon, hindi ko alam kung ano ang unang gagawin.Bumaba kaya ako ng bus? Hindi, mahihirapan akong sumakay pabalik kasi gabi na. Pinikit-pikit ko ang aking mga mata, pero sa likod ng aking isip, hindi ko mapigilang buksan muli ang cellphone ko.May isang mensahe na dumating, at lalo lang nitong pinakaba ang puso ko."Go home, now."Galing iyon kay Asmodeus - isang pangalan na naglalaman ng takot at pangamba para sa akin. Ilang minuto na ang lumipas mula nang dumating ang text na iyon, Ngunit ngayon ko lang nabuksan.Biglang huminto ang bus."May checkpoint sa dulo," sabi ng driver. "First time lang ito ah, baka may hinahanap." dagdag pa niya.Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang mensaheng iyon, o ang checkpoint na ito na hindi inaasahan.Ang mundo ko ay parang huminto sa pag-ikot.Habang ma

  • TRAPPED IN HIS OBSESSION   TRAPPED 12

    Simula ng araw na 'yun, hindi ko na masyadong kinikibo si Hendrix. Ayokong mapahamak siya dahil sa akin-lalo na kapag malaman pa ni Asmodeus na may gusto ito sa akin.Dumating ang araw ng Huwebes.Araw ng pag-alis ni Asmodeus.Maingat kong inilagay ang maliit na bag sa ilalim ng kama. Ayon kay Jossie, tatagal sila ng tatlong araw sa Europe. Kaya naman nag-empake na ako ng ilang damit.Saktong paglalagay ko ng gamit sa bag, bumukas ang pinto."Bumaba ka daw. Paalis na sila, Master," utos ni Emily, na agad kong tinanguan.Tumitig siya sa akin at ngumisi, saka tumalikod at umalis.Pagbaba ko, nakita ko si Asmodeus-malamig ang mga matang nakatitig sa akin.Lumapit ako sa kanya.Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari-hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at agad niya akong hinalikan, matagal at nakakapanghina, Napasinghap ako sa gulat."Huwag kang gagawa ng bagay na ayaw ko, Zamara. Alam mo kung paano ako magalit..." bulong niya, matinding tensyon ang ramdam ko matapos ang halik na

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status