LOGINNang makapasok ako sa mansyon, dumiretso ako sa sarili kong kwarto. Nagpalit ako ng damit at nagpahinga sandali bago ko binuksan ang aking notebook para mag-review.
Biglang pumasok si Manang Lydia. Si Manang Lydia—balisa at umiiyak. “Zamara…” mangiyak-ngiyak niyang sabi habang lumalapit sa akin. “Manang… b-bakit po?” nag-aalalang tanong ko sa kanya. “Si Mia, nasa basement siya ngayon… Zamara, tulungan mo siya, pakiusap! Baka patayin na siya ni Master!” Binundol ng kaba ang puso ko nang marinig ang sinabi ni Manang Lydia. Kaya pala—kaya pala hindi ko nakita si Asmodeus at ang ilan sa mga tauhan niya. Agad akong lumabas ng kwarto at patakbong bumaba patungo sa basement. Hindi pa man ako nakakarating sa ibaba nang umalingawngaw ang putok ng baril, kasabay ng malakas na sigaw ni Mia. Biglang nanlamig ang katawan ko at binalot ng takot. Mabilis akong naglakad patungo sa basement. Mas nakakatakot ang tanawin doon kaysa sa inaasahan ko. Dalawang beses pa lang akong nakababa rito—ang una ay noong nagtangka akong tumakas at ikinulong ako ni Asmodeus sa isang selda… at ang pangalawa ay ngayon. Sa basement ay may anim na bakal na kulungan. Mahaba ang pasilyo at makipot ang daan. Habang naglalakad ako, malinaw kong naririnig ang pag-iyak ni Mia mula sa pinakadulo—mukhang pinapahirapan siya. Pagdating ko roon, bumungad sa akin si Mia—nakagapos at duguan. Kita ko ang tuloy-tuloy na pag-agos ng dugo mula sa kanyang hita, kung saan siya binaril ni Asmodeus. Agad akong lumapit kay Asmodeus, desperadong pigilan ang karahasan. Napansin kong agad na nagbigay-daan ang mga tauhan niya sa paligid, takot na baka aksidente pa nila akong mahawakan dahil sa matinding presensya ng kanilang amo. Ganito siya kahibang sa akin—ayaw niyang makita na tinititigan o kahit nasasanggi man lang ako ng mga tauhan niya. “A-Asmodeus, tama na ’yan… Pakawalan mo na siya,” sigaw ko, kahit nanginginig ang boses ko. Ngunit malamig ang naging tugon niya. “Bakit ka nandito, wife…” sabi niya bago bumaling sa akin. Napatingin ako kay Mia. Ngunit bigla akong napaatras nang mapansin kong bahagya siyang umiling—parang may nais ipahiwatig. Namumutla na siya, nakahandusay sa malamig na semento. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko sa sahig ang mga contraceptive pills na ako mismo ang nagpabili sa kanya. Doon ko naunawaan ang lahat—at tuluyan akong napatigil, saka unti-unting umatras. Kinabahan ako. Ramdam ko ang panganib sa bawat paghinga niya—ang tensyon sa pagitan namin ay parang matalim na kutsilyo. Tila ayaw niya sa ginawa kong pagpigil sa kanya na parusahan si Mia. “Sabi niya, kanya raw ito… pero nakita ko mismo sa kwarto mo,” malamig na sabi ni Asmodeus. Bahagya siyang napangisi, saka muling nagsalita. “Ang sabi niya, nalaglag niya lang daw noong naglinis siya. Ngayon sabihin mo sa akin, wife—ano ba talaga ang totoo?” malamig at mapanganib niyang tanong. Lumunok muna ako. Unti-unti kong hinawakan ang kamay niyang may hawak na baril, na nakatutok pa rin sa ulo ni Mia. “T-tama na, Asmodeus… M-magpapaliwanag ako… maawa ka naman sa kanya,” pabulong kong sabi, nanginginig ang boses. Ramdam ko ang takot, pero mas malakas ang determinasyon kong pigilan ang marahas na mangyayari. “K-kasalanan ko… I-I’m s-sorry,” naiiyak kong pag-amin. “Ang b-bata ko pa para magbuntis… Kaya yan ang naisip ko… H-huwag mo siyang parusahan, ako ang may kasalanan… Asmodeus…” mahina kong sabi habang nakayuko. Si Asmodeus—tumitig lang siya sa akin. Maya-maya, huminga siya ng malalim, tila nagpipigil. Nang tingin ko, kalmado na siya—dahil iniabot na niya ang baril sa mga tauhan niya. Nakaramdam ako ng saglit na ginhawa, ngunit hinawakan niya ang aking kamay at hinila palabas ng basement. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya, ramdam ang bawat tibok ng puso ko at ang bigat ng takot sa paligid. Paakyat kami sa second floor ng mansyon, pero natigilan ako nang makita kung saan niya ako dadalhin—sa kwarto niya. Kahit mag-asawa na kami, may sarili pa rin akong kwarto, at labis ko itong ipinagpapasalamat. Kahit paano, hindi ko kailangan na palaging katabi siya sa pagtulog, at ang munting espasyong iyon ay parang huling sandali ng kalayaan ko. Ngunit ngayon, tila nawalan ako ng pagpipilian. Ang bawat hakbang patungo sa kanyang kwarto ay puno ng kaba at isang paunang babala sa kung ano ang susunod na mangyayari. “S-sandali lang, Asmodeus…” bulong ko, nanginginig ang boses. Kinakabahan akong tawagin siya, ngunit kahit ramdam ko ang kaba, hindi pa rin niya bitawan ang kamay ko. Ang paraan ng paghawak niya ay parang bakal—hindi ka basta-basta makakawala. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan sa bawat hakbang, at bawat sandali ay parang pinipisil ang aking puso sa takot at pangamba sa kung ano ang susunod na mangyayari. Marahas niya akong hinila at ipinasok sa kwarto niya. Halata ang gigil, at nag-aapoy ang galit sa mga mata niya. “Now tell me, wife… ano nga ulit yung sinabi mo?” malamig ngunit nanginginig sa pagpipigil ang tinig niya. “A-Asmodeus…” Naiiyak ko siyang tinignan, alam ko kahit anong sabihin ko o ipaliwanag dito magagalit parin ito. Nanigas ang panga ni Asmodeus. Mabigat ang bawat paghinga niya, para bang pinipigil ang sarili na sumabog. “H-hindi ka pa handa…?” malamig niyang ulit. THIRD POV Tahimik siyang tumitig sa takot na takot na si Zamara. Nilapitan niya ito. Hinawakan niya ang baba ng asawa niya—marahas pero hindi masakit—at pinilit siyang tumingin sa mga mata niya. “Look at me, wife,” mababa niyang sabi. Kabado namang sinunod ni Zamara at inangat ang tingin. Matagal silang nagkatitigan. Hanggang napapikit na lang si Asmodeus. Huminga siya nang malalim at binitiwan ako. “Fine…” Umupo siya, nagsindi ng sigarilyo, at tumitig kay Zamara, na ngayon ay nakayuko na. Ang titig niya ay mabigat, seryoso, at puno ng babala. “But remember, you can't avoid this forever. The time will come… and when it does, I expect you to be ready to carry my child.” “Is that clear, Zamara?” Marahang tumango si Zamara, at sana’y magpaalam na para bumalik sa kwarto niya. Kaso, pag-angat niya ng tingin kay Asmodeus… naghulog na siya ng damit niya. Nakaramdam siya ng takot sa posibleng mangyari kasunod. “Come here, wife,” utos niya. “Your husband is in a bad temper right now. Maybe you should calm me down first before you go out.”D A R K R O M A N C ELove that bleeds.Desire that destroys.Hearts that break beautifully.This is not your safe fairy tale.You've been warned."FINAL WARNING"This story contains darkness wrapped in romance.If you can't handle obsession, blood, broken souls,and love that hurts more than it heals...Close this now.No one forced you to enter.You chose thisPagkarating nila sa mansion, diretso silang pumasok ni Asmodues, para bang may pagmamadali siyang hindi maipaliwanag. Habang naglalakad sila sa hallway, nasalubong nila si Mia, at nagulat ito nang makita siya. Napansin ni Zamara ang pasa sa pisngi ni Mia, at agad niyang naramdaman ang bigat ng guilt sa dibdib.Sinisisi ang sarili dahil sa pasa ni Mia naisip niya, baka nasaktan na naman ni Asmodues si Mia.Nagpasya siyang kakausapin ito mamaya.Pagdating sa kwarto, isinara agad ni Asmodues ang pinto at isinandal siya sa likod nito. Hinalikan siya nang mariin, at tila wala nang ibang iniisip kundi ang sandaling iyon.Napahawak s
Hawak ko ngayon ang cellphone ni Asmodeus—iniabot niya sa’kin kanina bago siya lumabas ng opisina.Habang nag-i-scroll ako, napangiwi ako. Wala man lang Facebook o kahit tiktok apps… o kahit anong apps na ginagamit ng mga kabataan. Sabagay, ano bang aasahan mo sa lalaking workaholic at trenta’y dos na?At may asawang kakalabingwalo pa lang, bulong ko pa sa sarili habang nagda-download ng Facebook at nagla-log in gamit ang phone niya.Biglang bumukas ang pinto—pumasok si Miss Jossie. Pabagsak niyang inilapag ang pagkain ko sa mesa, nakabalot pa iyon ng paper bag na tingin ko binili pa sa Mamahaling restaurant , inutusan kasi ito ni asmodues na bilhan ako ng makakain, masama ang titig na ipinupukol niya sakin..Nagulat ako nang bigla niyang hawakan nang mahigpit ang braso ko.“Malandi ka talagang babae ka!” gigil na bulong niya.Napuno ako. Sa tagal ng lihim niyang pag aalipusta sakin, ngayon lang ako tuluyang uminit ang ulo.“Bitaw, Miss Jossie,” sabi ko, kalmado ang boses.Pero mas la
D A R K R O M A N C ELove that bleeds.Desire that destroys.Hearts that break beautifully.This is not your safe fairy tale.You've been warned."FINAL WARNING"This story contains darkness wrapped in romance.If you can't handle obsession, blood, broken souls,and love that hurts more than it heals...Close this now.No one forced you to enter.You chose this.Sumakay kami sa kotse niya. Akala ko diretso kami sa mansion.Pero ngayon, nandito kami sa opisina niya. Nakatayo ako sa harap ng glass wall, tulala habang pinagmamasdan ang tanawin sa baba.Ramdam ko ang marahan niyang paglapit at pagyakap mula sa likod.Dahan-dahan akong humilig sa dibdib niya, ramdam ang tibok ng puso niya laban sa likod ko.Hindi pa man kami nagkakausap tungkol sa nangyari noon-noong nabaril siya-pero alam kong may pagkakaunawaan na kami.Ilang minuto lang kaming gano'n-tahimik, magkalapit, tila ayaw nang bumitaw.Hanggang sa biglang bumukas ang pinto.Pumasok si Miss Jossie. Nagkatitigan kami."Master, r
Pagkapasok pa lang ni Asmodues sa opisina, marahas niyang sinipa ang upuan-umalingawngaw ang kalabog sa buong silid. Napakapit siya sa gilid ng mesa, malalim ang hinga, halatang pinipigil ang sarili na huwag sumabog.Dalawang linggo na.Dalawang linggo na walang balita kay Zamara.Sa bawat araw na lumilipas, parang may kumakain sa loob niya-galit, inis, at takot na ayaw niyang aminin. Ang mga mata niya ay puno ng dilim habang nakatingin sa sahig.Kuyom ang kanyang mga kamao habang siya’y tumalikod at lumapit sa glass wall ng opisina, matamang nakatitig sa labas. Tahimik siya, ngunit mabigat ang bawat hinga—parang may bagyong pinipigil sa loob. Sa ilalim ng mamahaling suit, ramdam ang nag-aalab na pwersa sa kanyang dibdib..Sa ibaba, tanaw niya ang siyudad. Bahagya siyang ngumisi nang maalala kung sino ang may kagagawan ng pagtatangkang iyon sa buhay niya—isang ngising malamig, walang halong takot, puro poot at mapanganib."They have no idea what kind of game they've started..." bulong
Bumaba ako ng kotse at agad kong inilibot ang paningin.Isang napakalaking mansyon ang bumungad sa akin-halos kasing engrande ng kay Asmodeus. Sa paligid, nagkalat ang mga tauhan ni Damien, mahigpit na nagbabantay."Dito ka muna," malamig pero seryosong sabi niya. "Mas ligtas ka rito. Siguradong ikaw ang pupuntiryahin ng grupo nina Axel at Hendrix habang mahina pa si Asmodeus." Mahaba at matigas ang tono ng kanyang paliwanag."S-salamat..." mahina kong tugon."Tsk." Napailing siya at umiwas ng tingin. "Hindi ko 'to ginagawa para sa'yo. May utang na loob lang ako kay Asmodeus. Quits na kami pagkatapos nito."Tumango na lang ako sa sinabi niya, Lumakad kami papasok sa loob ng mansyon at diretso sa sala. Tahimik akong naupo habang si Damien naman ay agad nilapitan ng isa sa mga tauhan niya, may ibinulong ito na agad nagpa-init ng ulo niya."Master... si young master Clyde po, nagkulong na naman sa kwarto.""Kumain na ba siya?" malamig pero halatang inis na tanong ni Damien."H-hindi pa
“H–Hendrix!!” sigaw ni Zamara sa gulat nang makita kung sino ang nasa harap niya.Mabilis siyang umatras, halos sumiksik sa dulo ng kama habang nanginginig.“L–lumayo ka!” pasigaw niya, ngunit imbes na sumunod, dahan-dahan itong lumapit.Umupo si Hendrix sa gilid ng kama, ang tingin ay malamig ngunit may bahid ng ngiti.“Kumusta, Zamara?” tanong niya sa mababang tinig.Hindi na nakasagot si Zamara.Umiiyak na lang siya, tinatakpan ang sarili, para bang kahit anong sandali ay pwedeng mangyari ang kinatatakutan niya.“H–Hendrix… p–pakiusap… huwag…” halos pabulong ang sabi ni Zamara nang hawakan siya nito sa hita.Ngumiti lang si Hendrix—’yung ngiting nakakapangilabot, walang emosyon.“Ang sabi nila, patay na raw si Asmodues…” bulong niya habang nakatitig sa kanya.Mas lalo lang napaiyak si Zamara, napahawak sa dibdib habang nanginginig.“Handa akong saluhin ka, Zamara,” dagdag ni Hendrix, dahan-dahang inilapit ang mukha sa kanya.“Basta… maging masunurin ka lang sa akin.”Ang ngiti nito







