MasukTHIRD POV
Napatingin siya sa salamin, matamang tinititigan ang sariling repleksiyon. First day niya sa school. Kahit papaano, may bahid ng saya sa kanyang mga mata-hindi lang dahil makakaalis siya sa mansyon ng lalaki, kundi dahil makakalabas na rin siya sa wakas. Naka-long sleeve turtleneck siya; hindi dahil giniginaw, kundi para takpan ang mga kiss mark na iniwan ni Asmodeus. Mapait siyang ngumiti bago kinuha ang shoulder bag-isa rin sa mga bagay na binili para sa kanya ng lalaki. Lahat ng suot niya... lahat ng meron siya, iisa lang ang pinagmulan. Lahat iyon galing kay Asmodeus. Marahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto, pilit pinapakalma ang sarili. Pero sa sandaling bumungad ang pasilyo, sinalubong na siya ni Emily-isa ring maid sa mansyon. Mapanuri, mapanglait, at puno ng pang-uuyam ang titig nito. Napayuko siya agad. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng babae. Alam niya ang katotohanan: si Emily ay hindi lamang isang katulong. Isa rin itong babae ni Asmodeus. Paano niya nalaman? Si Mia mismo ang nagsabi sa kanya noon, noong nakakulong pa siya sa isa sa mga kwarto sa itaas. Sa mga panahong hindi pa siya hinahawakan ni Asmodeus, si Emily ang tumatanggap ng init nito. "Bilisan mo ang lakad. Hindi yung pa-importante ka dito... ikaw lang ang paborito niya ngayon. Magsasawa din si Master sayo," sunod-sunod na mahinang sabi ni Emily. Hindi niya ito pinansin. Wala siyang pakealam, yun nga ang inaantay niya ang magsawa si Asmodeus sa kanya. Ramdam ang sariling tibok ng puso habang dahan-dahang nilalakad ang pasilyo, pilit iniiwas ang mga matang mapanuri. Sa mansyon ni Asmodeus, tanging si Manang Lydia at si Mia lang ang naaawa sa kanya. Ang iba? Palaging pinagbubulungan siya-sinasabing "Kasalanan din ng pamilya niya 'yan." "Maarte talaga." "Ano pa bang kulang sa kanya kay Master Asmodeus?" Nasa lalaki na ang lahat-kakisigan, yaman, kapangyarihan. Ang tanging kailangan lang niyang gawin ay ibigay ang bawat pangangailangan nito... bilang asawa. Pero sa kanyang isip, paulit-ulit ang tanong na hindi niya masagot: Hanggang kailan? ZAMARA POV Habang pababa ako sa engrandeng hagdan ng mansion, natanaw ko Siya-malamig ang titig na nakatuon sa akin. Nakaupo Siya sa malaking dining table, nasa head center ng mesa, at tila sentro ng lahat ng mata. Nang lumapit ako.. "Sit down." Marahang sinunod ko ang utos, pakiramdam ko'y para akong robot na sunod-sunuran sa kanya. "Eat." Para akong walang sariling kalooban, bawat kilos ko ay nakaayon sa kanya. "Roberto." "Yes, sir!" "Make sure na masusundo mo siya ng maayos. Ang out niya ay 4 PM, dapat 4:30 ay nandito na siya. Maliwanag ba?" "O-opo, sir!" Nakayuko lang ako, tahimik na nakikinig, pinipigil ang sarili na hindi magpakita ng anumang reaksyon. Nang matapos akong mag-almusal, tumayo na ako at handang magpaalam-para pumasok sa university na in-enrol niya para sa akin. "A-aalis na ako, Asmodeus..." Mahina kong sambit, nakayuko pa rin, halos hindi marinig ang sariling boses. Hindi ito kumibo. Handa na sana akong tumalikod nang marinig ko ang tinig niya: "Yun lang ba ang sasabihin mo?" "Ha..?" Tumayo siya, napaatras ako. Napansin ko rin na nag-yukuan ang mga maid, at ang mga bodyguard niya ay tahimik na nag-sitalikuran.. Kinabahan ako. “A-Asmodeus… anong proble—” Naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan. Agresibo. Walang pasubali. Ang malaking kamay niya ay napasapo sa magkabilaang pisngi ko, hinahawakan ako nang mahigpit. Nanginig ako sa takot. Hindi na akong gumalaw, Bukas lang ang aking mga Mata habang may namumuong luha. Nang matapos ang halik, idinikit niya ang noo niya sa noo ko. "Ganon, Zamara. Tuwing aalis ka... ganon lang ang gagawin mo. Huh." bulong nito. Mabilis akong napatango, natatakot sa posibilidad na may susunod pa siyang gagawin kung hindi agad ako sasagot. Napangiti siya ng malawak sa sunod-sunod kong pag tango. Tapos umayos na siya ng tayo saka tinawag ang magiging driver ko. "Roberto...!" "Yes, Master!" "Ihatid mo na si Zamara." Utos niya, tapos tahimik na tumalikod. Nang makasakay sa kotse, tahimik parin akong umiyak. Walang tunog, tanging luha ang tahimik na umaagos sa aking pisngi. Iniisip ko, makakawala pa ba ako sa kanya... o ito na ang simula ng aking walang katapusang pagkakakulong? "Ma'am, dito na po tayo. Ingat po," sabi ni Kuya Roberto. Tipid akong ngumiti at dahan-dahan akong bumaba mula sa sasakyan. Kabado man ako sa first day ko sa school, may kakaibang saya sa dibdib ko. Kahit sandali lang, nakahinga ako nang malaya-wala si Asmodeus sa tabi ko, at para bang may sariling mundo ako ngayon, kahit ilang oras lang. Habang naglalakad ako papasok sa campus, pinagmamasdan ko ang paligid. Ang mga estudyante na nagmamadali, ang mga guro sa harap ng building, at ang tunog ng mga yapak sa sementadong daan-. May kaba man sa dibdib, may maliit na ngiti rin sa labi ko. Simula ito ng bagong chapter sa buhay ko bilang nursing student, at kahit sandali, ramdam ko ang kalayaan. Pumasok ako sa classroom, bitbit ang backpack, at huminto sandali sa pintuan. Ang mga upuan ay halos puno na, may ilan pang bakante sa tabi-tabi. Huminga ako nang malalim at pinilit ayusin ang postura ko. Habang naglalakad ako papunta sa bakanteng upuan, napansin ko ang mga paghinto ng iba at pagtingin sakin. May ngiti ang ilan, may abala sa kani-kanilang notes, at may nakatingin nang seryoso sa harap. Halos bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba, pero sa ilalim ng kaba, may maliit na saya-para bang nakapasok ako sa isang bagong mundo. "Habang tumatagal, napansin ko na tila ilag ang ibang estudyante sa paligid ko. Walang nakikipag-usap, walang nakikipagkaibigan-parang may invisible barrier sa pagitan ko at nila. Hindi ko alam kung bakit ganito ang trato sa akin, at bahagya akong nadarama ang lungkot at kaba. Ngunit sa gitna ng katahimikan, may isang estudyante na naglakad papalapit sa akin. May ngiti sa mukha, at ramdam ko ang kaunting warmth na naiiba sa ibang estudyante. "Hi, ikaw yung bagong student, 'di ba? Ako si Mika," bati niya, nag-extend ng kamay. Ngumiti ako nang bahagya, at kahit paunti, ramdam ko ang kakaibang ginhawa. "A-ako si Zamara," sagot ko, medyo mahina ang boses, pero may halong excitement. Sa sandaling iyon, kahit papaano, parang may maliit na pinto ng pagkakataon ang bumukas-isang simula para magkaroon ako ng koneksyon sa bagong mundo na ito, sa kabila ng kakaibang isolation na nararamdaman ko sa campus. ________________ "Zamara... may sundo ka?" tanong ni Mika habang sabay kaming palabas ng university. "O-oo ehh..." sagot ko. Ngumiti siya nang bahagya at nagpaalam na "Sige, ingat ka ha. Andito na ang sundo ko... paalam!" Bumulong ako sa sarili habang pinapanood siyang lumayo-may halo ng kaba at konting lungkot, pero ramdam ko rin ang ginhawa. Kahit sandali lang, may pagkakataon akong maglakad sa campus at makipag-usap sa iba, bago bumalik sa mansion ni Asmodeus. Habang naglalakad ako papunta sa limousine, huminga ako nang malalim at bahagyang ngumiti. Kahit papaano, ramdam ko ang munting kalayaan—isang sandaling paghinga bago muling bumalik sa realidad ng mansyon.Nakatayo si Asmodues sa tapat ng airport, para salubungin ang kanyang asawang si Zamara. Sa tabi niya ang kanilang 11-year-old daughter, na si Anastasia, na sabik din makita ang mommy niya. Paglipas ng labing-isang taon ng pagsusumikap, pag-aaral, at dedikasyon, sa wakas ay ganap nang doktor ang babaeng minamahal niya. "Daddy... ayun na po si mommy!" mahinhin na Sabi ni Anastasia, Kay asmodues. Si Asmodues ay ngumiti, ramdam ang pride at pagmamahal habang tinitignan ang asawang papalapit. Hindi lang nila ipinagdiriwang ang pagbabalik ni Zamara, kundi pati ang tagumpay niya bilang doktor at ang pagiging matatag na ina at asawa. Dahil sa pagmamahal niya sa asawa, pinatayuan niya ito ng sariling ospital na nag ooperate na rin habang nag-aaral si Zamara sa Harvard University. Ngayon, ganap na itong doktor-isang pediatrician sa edad na 29-at ramdam ang kanyang labis na pagmamalaki. Nakangiti silang sinalubong ito, punô ng tuwa at pagmamahal. "Finally, my wife..."ngiting Sabi ni
Kabuwanan ko na... si Asmodues ay nasa Dubai para sa business trip niya Doon kagabi Siya umalis, nasa opisina niya ako sa mansion, nakaupo sa swivel chair niya, at si Mia naman ay nasa tapat ko.Ngayon din ang uwi niya, pero miss ko na agad siya. Ganito talaga ang ginagawa ko kapag wala siya-dito ako natambay sa office niya."Babae pala, unang baby niyo ni Master, ahh... siguradong spoiled yan kay Master, Zamara!" sabi ni Mia, natatawa."Uu nga eh... mukha nga," sang-ayon ko."Sa mommy pa lang, bakod na eh... lalo na sa prinsesa nyo. Naku, sana magmana sayo sa ugali, Zamara," bulong niya habang natatawa.Pumasok si Emily na may bitbit na tray. Nakasimangot man, pero hindi na tulad ng dati na laging mataray sa akin."Wala tong lason? Sigurado ka?" tanong ni Mia.Napansin ko rin na parang natatakot na ito kay Mia. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Mia, pero anuman yun, nakabuti naman."Ayokong paalisin ito... kasi ito lang ang inaasahan ng pamilya nito.""Alis na," sabi ni Mia.Nakat
WARNING SKIP NYO NALANG BAWAL SA MINOR AT MY SENSITIVE MINDS!!!DETAILED KASI ANG SEXSCENES NA GAWA KO, PARA RAMDAM NG MGA READERS KO!!⚠️⚠️⚠️Kinuha kong isa sa mga bridesmaid si Mia, at si Mika — ang dalawang taong pinakamalapit sa akin.Ngayon, narito ako… nakatayo at dahan-dahang naglalakad sa harap ng altar. Sa gilid ko, ang ama ko — mahigpit ang kapit ko sa braso niya kamay habang inihahatid ako sa lalaking makakasama ko habang buhay.Naluluha akong nakatitig sa kanya…Habang siya naman, hindi ko mabasa kung anong ekspresyon ang nasa mukha niya.Galit? Pagkamangha? O pagmamahal?Galit, siguro, dahil sa suot kong wedding gown — na para sa kanya ay “masyadong revealing.”Pero ganito naman talaga ang disenyo ng karamihan sa mga wedding gown, hindi ba?Isang off-shoulder mermaid gown, hapit sa katawan at may malalim na neckline na bahagyang naglalantad ng balat sa dibdib.Ang tela ay puting satin na may lace embroidery mula dibdib hanggang hita, at bawat galaw ko ay sumasabay ang mah
Ang silid ay maliwanag, puno ng mga eleganteng gown sa paligid. Si Zamara ay nakatayo sa gitna, sinusukat ang isa sa mga piling gown. Ang tela ay maganda, elegante, at maayos na bumabalot sa kanyang katawan.Si Asmodeus ay nakaupo sa isang sofa na naroroon, tahimik ngunit malamig ang mga mata. Habang pinapanood si Zamara sinusukatan Ng wedding gown nito iniikot si Zamara para masuri ng designer ang fit, napansin niya ang isang piraso ng gown na medyo revealing sa dibdib.“Isn’t her chest too revealing there?” malamig na tanong ni Asmodues sa designer, Masama siyang nakatingin dito.“Ahmm… h-hindi naman po, Master…” medyo natigilan ang designer.“Just make it neater, not too revealing,” patuloy pa nitong sabi, may halong pagbabanta at pagkairita na tono.Si Zamara ay bahagyang nahiya.."Asmodues..." Mahinang saway niya Dito.Ang designer ay mabilis na inayos ang gown, tinitiyak na elegante at maayos pa rin ang fit, pero mas conservative ang pagkakabalot."Asmodues okay na ako dun sa is
Sa sobrang dami ng tindahan at items na tinitingnan namin, halos nakalimutan ko na yung nangyari kanina—yung init ng tensyon, SA pagitan nila ni miss jossie at mia, lahat parang napawi pansamantala. Maya-maya’y napatingin si Mia sa cellphone niya. "Naku, Zamara, dala mo ba yung cellphone mo?" tanong niya. "Ang daming miscol ni master Asmodues.."dagdag niya pa Bigla kong narealize—oh, oo nga! Nakalimutan ko ang cellphone sa bag dahil sa sobrang akong naaliw kanina kakaikot..Agad ko itong kinuha at napanganga sa dami ng missed calls at messages mula kay Asmodeus. Hindi pa rito nagtatapos—muling tumunog ang phone. Kinabahan ako, Hindi ko muna Ito Sinagot.. Agad kaming nagmadaling lumabas ni Mia at Sumakay sa kotse. Kahit si Manong Roberto, ang driver namin, ay medyo natataranta sa pagmamadali namin. "Ano ba 'yan? Masyado na ba tayong matagal sa loob ng mall?" Kabadong tanong ko. Tumawa si Mia, sabay sabi "Limang oras din, Zamara!" "Thank you pala sa mga libre," dagda
Hindi ko iyon inaasahan-isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko. Napaatras ako, halos mawalan ng balanse, at hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha.Agad akong dinaluhan ni Mia."Ma'am Zamara!" nag-aalala nitong sabi habang inalalayan ako."Tignan mo nga naman, Zamara," mapang-asar na sabi ni Jossie. "Akala mo ba porke ikaw ang kasama niya ngayon, hindi ka na mapapalitan?"Napayuko ako, nanginginig ang kamay at labi.Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ko alam kung paano ipagtanggol ang sarili ko."Akala mo ba magiging masaya ka?" dagdag pa nito.Ngumisi si Miss Jossie, medyo mapang-asar, at bumulong, "Ganyan din si Asmodues dati sakin nung wala ka pa..."Nakita ko ang pag-kuyom ng kamao ni Mia. Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang poot sa titig niya. Hinawakan niya ang kamay ko-mahigpit, parang pinipigil ang sarili."U-umalis na tayo, Mia... sa iba na lang tayo mamili," mahina kong sabi.Napatingin siya sa akin, hindi makapaniwala. Nang makita niyang luhaan ako, hindi na Ito n
Ang engrandeng mansyon ni Asmodeus Rage Montenegro ay nagningning sa ilalim ng mga ilaw ng gabi. Kilala siya bilang isang makapangyarihang business tycoon at isa sa pinakamayayamang negosyante sa bansa.Sa loob ng mansyon, nagtipon ang mga piling bisita-mga impluwensyal na pulitiko, foreign investo
D A R K R O M A N C ELove that bleeds.Desire that destroys.Hearts that break beautifully.This is not your safe fairy tale.You've been warned."FINAL WARNING"This story contains darkness wrapped in romance.If you can't handle obsession, blood, broken souls,and love that hurts more than it he
D A R K R O M A N C ELove that bleeds.Desire that destroys.Hearts that break beautifully.This is not your safe fairy tale.You've been warned.THIRD POV.."M-Maniwala ka, Asmodeus… wala talaga," umiiyak na sabi ni Zamara."I haven’t even started yet, and you’re already crying… my wife." Walang
THIRD POV..Tumunog ang cellphone ni Hendrix. Nakatayo lang siya at malalim ang iniisip, walang pakealam sa lakas ng ulan. Nakasilong siya ngayon sa abandonadong bahay na nadaanan niya. Hindi pa man niya isinasagot, alam na niya kung sino iyon—si Axel.Saglit niyang tinitigan ang cellphone bago pin







