Umalis si Hydeo at iniwan ako sa courthouse na walang choice.
He has some business to do. Bago siya umalis, he remind me to pack my things. Susunduin niya daw ako bukas at maninirahan na ako sa kaniyang place. Napakabilis ng mga pangyayari na kahit ako, walang pagkakataon na iproseso lahat. Nagdala lang ako ng dokumento tapos biglang may asawa na ako kaagad. Hanep. I can't compete with a billionaire so I can't do anything about this set up. Pumara ako ng jeep pauwi sa apartment na nirerentahan ko. Kahit saglit lang ang mga tagpong iyon, napagod pa rin ako. Itinapon ko ang sarili sa aking kama pagkauwi ko sa bahay. Napatulala pa ako sa kisame habang hinahaplos ng aking daliri sa isang magandang singsing. Anong mangyayari sa amin ngayon? Gagawin ba namin 'yong ginagawa ng mag-asawa? 'Yong mga sinusulat ko... Kinagat ko ang labi. Ramdam na ramdam ko 'yong pag-init ng pisngi ko. P-paano 'yon? Wala akong experience sa mga lalaki. I'm a proud NBSB. No Boyfriend since birth. Virgin na virgin at the age of 27. "Ahhh ano ba 'yan nakakapressure" ginulo ko ang aking buhok. Ibibigay ko ba sa lalaking 'yon lahat? Konserbatibo pa naman ako. Umiling iling ako. Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito e. Tsaka mag-iinarte pa ba ako? Ang....gwapo naman niya e. Mukha lang walang aruga ng magulang. Parang tuod e. Haist. 6 months lang naman Mariecon. In 6 months, hindi ka na single. Isa ka ng babaeng divorced sa kaniyang asawa. Napangiwi ako. Bwisit. Kinagabihan, habang nagpapahinga, tumawag sa akin ang magaling kong pinsan. Kaagad ko siyang sinagot. "Saan ka nagpunta ah?" Aking pagalit na tanong. "Kasal mo hindi ba?" Iyon ang aking salubong sa kaniya pagkasagot ko ng tawag. "Sorry, I just found a better option Mariecon" she chuckled. "May nakilala ako here in Siargao. A sugar daddy that will last until his last breath" Ngumiwi ako sa kaniyang sinabi. My cousin will never change e? "Baliw ka ba! Baka uugod na 'yang natagpuan mo ah?" "Well.." she chuckled. "He likes to spend his money on me. I'm going to give you some money if you want" "Ipagpapalit mo 'yan kaysa sa isang gwapong...bilyonaryo?" hindi ako makapaniwala. "He's KJ and boring. He doesn't event want me to touch him! Ugh! And I can only enjoy his money for 6 months? Ayoko. Ang temporary! Ayaw naman niya ako bigyan ng malaking amount ng pera. Gusto niya may allowance lang ako for a month? Kaya ko siya ni-ghost" Napasapo ako ng noo. Madeline and her love for luxury things. Grabeng addiction na 'yan. "Make sure to contact Tita. Huwag ka masiyadong magtiwala sa mga lalaki—" "Stop. Tunog mama ka na. Mind your own business and I mind mine" "Pero teka kasi. Alam mo ba kung anong ginawa mo? I became his contracted wife!" Inis kong sambit. "OMG! FOR REAL? How?" tumawa siya sa kabilang linya. "Nagdala lang ako ng papel niyo tapos ni-trick ako ng magaling na bilyonaryong 'yon. Napapirma ako sa marriage certificate tapos iyon na. Asawa ko na siya" "Wow. What an exciting twist cousin. Biruin mo, I'm your blessing in disguise. Dahil sa akin, magkakaroon ka na rin sa wakas ng lalaki. Congratulations Mariecon. You're a billionaire's wife! Spend his money wisely!" Wala ng pag-asa. Madeline is not even bothered about it. I just hang up the call and just accept this reality. Bago ako matulog, inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko dahil bukas, hindi na ako isang babaeng nakatira sa maliit na apartment na ito. Isa na akong may bahay for six months. Great! Kinabukasan ay nagising ako sa katok. I'm still groggy. Ayoko pang bumangon dahil late na ako nakatulog. Tinapos ko pa 'yong sinusulat kong plot para sa bagong story na gagawin ko. I'm a writer anyway. Isang underrated author na naghahangad na mapansin rin. "Wait lang!" Inis kong sigaw. Sino ba itong istorbo na ito? Kahit tinatamad, bumangon ako at kinuha ang aking salamin sa aking maliit na kabinet na katabi ng aking kama. Isinuot ko iyon. Humihikab pa ako habang papunta sa pinto. Gulo-gulo ang buhok, walang hilamos at isa lang malaking t-shirt at maikli na short ang suot ko nang buksan ko ang pinto without an idea who's gonna be on the door. Kaya naman nang tuluyan kong buksan ang pinto at makita kung sino ang nasa labas, nanigas ako sa kinatatayuan. Ang kanina kong bumabagsak na talukap ay ngayon ay gising na gising na. Lalo na kung makikita mo ang....ASAWA mong bilyonaryo sa harapan mo. Mabango. Banat na banat ang suot na business suit. Plantsadong plantsado at hindi mo makikitaan ng kahit anong dumi. Kumikinang ang gintong relo sa kaniyang pulsuhan. His hooded eyes bore into mine. His brown orbes drapes into my body like I'm the subject of his judgement. Para akong nanliit sa itsura ko at kaagad ko siyang pinagsarhan ng pinto. "F*ck" I heard him cursed. "What the hell?" "T-teka lang!" Dali-dali kong inayos ang aking itsura. Sinuklay ko ang buhok kong sobrang dry at nagtungo ako sa kusina para sana maghilamos. Nakakahiya naman sa itsura niyang napakalinis. Pinunasan ko ng tuwalya ang aking mukha bago inipit ang aking buhok para hindi ako mukhang madumi. Hindi ko na pinalitan ang suot kong damit. Disente namang tingnan. Dali-dali kong binuksan muli ang pinto. Nahawak ako sa dibdib dahil sa sama ng tingin niya. Lumunok ako. "Sorry na. Sorry. Hindi ko kasi alam na maaga ka pupunta" ngumiti ako ng matipid. "Pumasok ka na!" Nilakihan ko ang bukas ng pinto. He surveyed my appearance first. It made me feel concious again. May mali na naman ba? "Nag-ayos ka pa. Gano'n pa rin naman" he whispered before he entered my apartment. Napaawang naman ang aking bibig. I look at him in disbelief. Ang salbahe!Nakatingin ako sa ceiling. Tulala. Walang tulog. I don't know how to face Hydeo after what happened last night. We kissed! Hinawakan ko ang labi ko bago ko ipinikit ang mga mata. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin 'yong labi niya sa akin. Kung paano niya sipsipin ang mga labi ko...nararamdaman ko iyon. Minulat ko ang mga mata. Napayakap ako sa sarili dahil nagtataasan ang balahibo. Ewan ko ba. May naglalarong kung ano sa tiyan ko na para bang kinilig pa ako sa halik na iyon. Ganito ba talaga ang feeling kapag nahalikan? Kinikilig? Pero...ang lambot ng labi niya. Kinagat ko ang labi para pigilan ang ngiting lumalabas sa labi ko. Bumangon na ako sa aking kama para pumasok ngayong araw sa book shop. Kailangan kong kausapin si Sophie dahil mababaliw ako kung iisipin ko ito buong magdamag. Tsaka tiningnan ko ang orasan. Alam kong wala na si Hydeo ng ganitong oras. Busy pa naman lagi 'yon. Kinuha ko ang aking tuwalya bago ako lumabas ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto, bigl
Nahihibang na siguro ako para isuko ang first kiss ko dahil may gusto akong patunayan sa dalawang babae kanina. Huli na para iatras ko ang lahat. Ang mga labi ko ay nakalapat na sa asawa ko. My contracted husband. My face heated instantly and immediately pulled myself away but before I could distance myself, his hand grabbed my nape and kissed me fully. Nanlaki ang mata ko at natigilan sa gulat. He tilted his head and kissed me with full of intensity. Hindi lang iyon basta smack. It was passionate. Hindi ako nakagalaw dahil hindi ko din alam kung paano tutugon. I never been kiss this way! I feel him suck my lower lip before he pulled away. Kita ko ang stain ng lipstick sa kaniyang labi dahil doon. Pakiramdam ko, hindi na lang mukha ko ang namumula. "Love.." he called. "Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap"Tumibok ng malakas ang puso ko. At that point, I really thought there's a real feelings behind those word but it eventually faded when his hands wrapped in my waist a
I adjusted the hem of my dress while sitting inside of Hydeo's car. Kinakabahan ako. Ilang minuto na lang at kailangan na naming bumaba para sa unang public appearance nilang mag-asawa.Correction: Peke niyang asawa.Nasa backseat kaming dalawa ni Hydeo at mayroon kaming driver. Infairness, akala ko pati pagdadrive, hindi niya ipagkakatiwala sa iba. He usually drive his own car. “This is ridiculous,” mahina kong sambit habang habol ko ang hininga. Para akong kinakapos ng hangin sa sobrang kaba. “Wala naman akong alam sa high society events.”“That's why I prepare you so you won't be naive” Hydeo said flatly. "Why do you need a wife? What's my purpose? Parang need ko malaman ang dahilan para hindi ako mangmang sa set up na ito" He glanced at me, looking so irritated. "Can you just do your part?" "Bakit nga? Ako itong bigla mong pinasok dito e" sinundot ko 'yong tagiliran niya. Napaisod siya ng kaunti palayo sa akin. Nagsalubong ang kaniyang kilay. "What the heck—""Sabihin mo
"Haist. Mayroon pala talagang mga taong masama ano?" I said to Sophie while mopping the floor of her bookstore. Tatlong araw na ang nakakalipas pero naiisip ko pa rin ang sinabi ng kapatid ni Hydeo. Kung bakit sobrang galit niya sa akin at binabantaan pa ako. Siguro marami na nagtangka kay Hydeo. Kaya ba mas pinili niyang mag-isa sa bahay? I mean, may napasok naman na naglilinis every week sa penthouse niya pero kailangan naando'n siya kapag naglilinis. Tapos...'yong sa tubig. Bigla kong naalala na ayaw niya ipabukas iyon sa akin. Maaari kayang may lumason na sa kaniyang inumin noon? Sino naman kaya 'yon? Ayaw ko mag-assume pero minsan talaga curious ako sa mga bagay-bagay. Gumagana ang pagiging writer ko, gumagawa ako ng plot.Naalala ko na nagalit siya dahil lang minurder ko siya at pinapangit ko sa aking story. Bakit? Tingin niya may lihim na galit ako sa kaniya? Naalala ko pa ang sinabi niya na 'You're all fake'Akala niya peke din ako? "Malamang bilyonaryo 'yon e. May
Padabaog akong kinuha ang heels sa kwarto na may taas na 5 inches. Lagi lang kasi akong flat shoes at rubber shoes. Hindi talaga ako naghe-heels! "It is just a heels. Bakit hindi mo mailakad ng ayos 'yang paa mo?" Masungit na sambit ni Hydeo habang nanonood sa way ko ng paglakad. Mas strict pa siya kaysa sa teacher ko. "Ikaw kaya pagsuotin ko ng heels? Teka nga! Ang hirap kaya. Ang sakit." Reklamo ko habang dahan-dahan kong inilakad ang aking mga paa. Nanginginig pa ang mga binti ko habang hinahakbang. "Walk straight. Be confident" turo pa niya. Huminga ako ng malalim bago sinunod ang gusto ni Hydeo. Pinatigas ko ang binti at sinigurado ko na malalaki ang buka ko kada lakad. "Ano ka? Nagmamarcha?" Ayan na naman ang lintaya niya. Nanggagalaiti na ang mga ngipin ko kakakiskis. "Imbis na magsalita ka diyan, alalayan mo ako" Tumaas ang kilay niya. "Me?" "Oo. Para naman huwag kang bunganga diyan. Si Teacher, inaalalayan niya ako" "Inuutusan mo ako?" Tanong niya ulit. Nameywan
He requested to stay so I stayed. Kahit naman tulog siya ay mas pinili kong tumambay sa kwarto niya. Wala akong ginalaw na kahit ano sa kwarto niya. Ayaw ko na maulit noong isang araw. Though, nag-email ako sa kaniyang secretary para iinform na may sakit ang boss niya. Sana naman mabasa no'ng secretary at siya na mismo ang pumilit na huwag pumasok ang boss niya. I just feel like he will not rest. Buong gabi kong ni-check ang kaniyang temperatura. Habang nasa kwarto ni Hydeo ay naisipan ko na lang magsulat para mawala ang aking antok. Ang huling alaala ko ay nakatulog ako sa desk ngunit nagising ako na nasa isa na akong malambot na kama. Kinuha ko ang salamin at doon ko napagtanto na nasa kwarto pa rin ako ni Hydeo—Binuhat niya ako? Namula ang aking pisngi bago ko ni-check ang aking labi kung may panis na laway ba. Sh*t. Parang medyo meron. Bumangon ako upang i-check si Hydeo. Saan naman kaya nagpunta ang lalaking iyon? Nilibot ko ang loob ng kwarto at halos mapatalon ako