[Pamela]Tila sinaksak ang puso niya sa sakit ng bitiwan siya ni Alaric. Sumenyas ito sa mga tauhan na ihatid siya sa sasakyan. Kita niya ang pagsilay ng matagumpay na ngiti ni Patricia sa labi.Nagyuko siya ng ulo. Ang sakit! Gusto niyang lingunin si Alaric pero hindi niya ginawa. Ayaw niya na makita nito ang luha sa mata niya.Nanginginig ang labi na kinagat niya iyon. Habang naglalakad ay tuluyan na siyang humagulhol. Tama nga siya, wala siyang halaga sa lalaking mahal niya. Hindi talaga siya ang mahal nito kundi ang babaeng 'yon.Kung hindi marahil siya nito ginamit sa paghihiganti ay baka ang mga ito pa ang nagpakasal at hindi sila. Pagkarating sa sasakyan ni Alaric ay pumasok siya ro'n. Lalong nanikip ang dibdib niya ng maisip na baka masaya na ngayon ang dalawa ng umalis siya.Masayang magkahawak kamay. Masayang nagkukwentuhan. Masayang naghahalikan!Humawak siya tapat ng dibdib. Para 'yong dinudurog sa sakit!"STOP TALKING LIKE THAT IN FRONT OF MY WIFE, PATRICIA. BAKA PASABUGIN
[Pamela]IT'S been a year magmula ng magising siya. Naging maayos naman ang buhay niya rito sa Isla San Diego kasama si Zoren. Dito na na-assigned si Zoren isang taon na ang nakakaraan. Sumama narin siya rito dahil kailangan niya magpakalayo-layo. Natapos narin niya ang pag-aaral niya at kasalukuyan na nagtuturo na dito sa Isla San Diego.Maayos ang buhay niya rito ngayon. Tahimik. Natigil siya sa pagdidilig ng halaman ng makita ang paghinto ng pamilyar na sasakyan sa tapat ng maliit n'yang tirahan.Si Zoren.Nakangiti na lumapit ito sa kanya dala ang isang bungkos ng bulaklak."Salamat." Nakangiti na sabi niya ng iabot sa kanya nito ang bulaklak na hawak.Tinapat na niya ito na wala siyang balak na magpaligaw. Kasal pa kasi siya kay Alaric, pero mapilit ito. Nangako naman din ito na kukuha ng magaling na abogado para tulungan siya na maipa-annul ang kasal niya kay Alaric.Pero natatakot naman siya. Paano kung malaman ni Alaric kung nasaan siya nakatira at kunin na naman siya?Imposibl
[Pamela] MATAPOS maglagay ng manipis na make-up sa mukha ay lumabas na siya ng kwarto. Natulala pa si Zoren ng makita siya. Isang red backless evening gown ang suot niya. Itinali niya ang lahat ng buhok niya para makita ang ganda ng suot niya sa likuran, maging ang suot niyang sandals na three inches ang taas ay kulay pula rin.She want to wear a color pink gown, but later on, she changed her mind. May naaalala kasi siya. Agad na pinigil niya ang utak sa pag-iisip ng kung ano-ano. Baka kung saan pa umabot ang isip niya."You're stunning, Pamela." Mangha na sambit ni Zoren habang nakatingin sa kanya.Nginitian lang niya ito. Inalalayan siya nito na sumakay ng kotse. Ngayon ang araw ng Annual Party nila Zoren na gaganapin sa isang sikat na hotel dito sa Isla San Diego. Habang sakay ng kotse ni Zoren ay nakatingin siya sa labas ng sasakyan.Napakaganda ng lugar. Bawat madaraan ay kulay berde at dagat. Mistulang paraiso ang Isla San Diego kaya marami ang gusto na dumayo rito, pero hindi m
[Pamela] HABANG naghihintay siya kay Zoren na dumating ay panay ang tingin niya sa relo. Ngayon lang nahuli ng isang oras si Zoren sa pagsundo sa kanya. Hindi rin ito nagtext kaya naman nag-aalala na siya na baka may nangyari dito.Nag-angat siya ng tingin sa sasakyan na huminto sa harap niya. Napatulala siya saglit ng makita na bumaba si Alaric at lumapit sa kanya."Pam."Saka lang siya natauhan ng magsalita ito sa harap niya."Ano ang ginagawa mo rito?" Maanghang na tanong niya. Saglit n'yang sinuyod ng tingin ang kabuuhan nito. Nakasuot ito ng tshirt na kulay asul na tshirt saka kulay itim na khaki pants na binagayan ng puting rubber shoes. Nakabrush-up din ang buhok nito na bagay na bagay rito. Napansin din niya ang paglapad lalo ng katawan nito. Nang mag-angat siya ng tingin ay nagkasalubong sila ng mata. Katulad ng dati ay nakaka-intimidate ang mga tingin ng berde nitong mata. "Masama ba na sunduin ko ang asawa ko?" Nakatingin sa mga mata niya na sabi ni Alaric.Nag-iwas siya n
[Pamela] PANAY ang tingin niya sa relo. Katulad kahapon ay hindi na naman dumating si Zoren. Kinuha niya ang cellphone ng tumunog ito.'Pamela, hindi kita masusundo ngayon. Pasensya na' Binalik niya ang cellphone sa bag. Naiintindihan niya. Alam niya naman na busy itong tao. Napairap siya ng makita ang pagparada ng pamilyar na sasakyan sa harap niya.Nakangiti na lumapit sa kanya si Alaric. Pansin niya ang magulong buhok nito, pero napakagwapo parin."Wala parin yata ang sundo mo? Sumakay ka na at ako na ang maghahatid sayo." Hindi na siya nakipagtalo. May gusto rin siyang sabihin dito kaya sumakay na siya.Gusto niya itong makausap.Nang makarating sila sa bahay niya ay pinapasok niya ito. Nagtimpla siya ng kape para dito. Ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa kanya."Alaric, bakit mo ginawa kay Zoren 'yon?" Agad na tanong niya. Nawala ang ngiti sa labi nito. "Wala naman siyang kasalanan sayo kaya bakit ganyan ka sa kanya? Ano ba ang problema mo? Maghihiwalay na tayo, Alaric. Gust
[Pamela] PUPUNGAS-pungas na tumayo siya mula sa pagkakahiga. Suminghot siya ng maka-amoy ng pagkain. Nagmamadali siya na lumabas para pumunta sa kusina.Napaawang ang labi niya ng makita si Alaric na nagluluto habang nakatalikod na tanging boxer shorts at sando na kulay puti ang suot. Ngayon rumihistro sa isip niya na narito nga pala ang asawa kuno niya. Nag-iwas siya ng tingin at lihim na napalunok. Shit, ang hot ni Alaric tingnan kahit na nakatalikod.Easy, Pamela! Wag ka magpapadala!Tumikhim siya. "Dapat umuwi kana sa bahay mo. Bakit narito ka pa rin?" Nakangiti na lumingon sa kanya si Alaric."Good morning, Pam. Nagluto ako para sa 'yo." Iniwas niya ang tingin sa gwapo nitong mukha. Shocks! Bakit sobrang gwapo naman ng lalaking ito!"Walang good sa morning ko dahil nakita kita, Alaric." Nakairap na sabi niya.Mahinang natawa si Alaric. "Talaga ba, Pam? Kaya pala tumutulo na ang laway mo ngayon?"Nanlaki ang mata niya at agad na kinapa ang gilid ng labi. Napabusangot siya ng mapa
[Pamela] DAHIL si Alaric ang nagluto ay nagpasya siya na siya naman ang maghugas ng pinagkainan nila."Lalo kang gumanda, Pam."Natigil siya sa pagbanlaw ng pinggan at inirapan si Alaric. "Manahimik ka nga d'yan, Alaric. Alam ko na maganda ako matagal na kaya hindi mo na ako kailangan bolahin." Pambabara niya.Mahinang natawa si Alaric dahil sa sinabi niya."Ang sungit mo naman, Pam." Nang matapos maghugas ay sumandal siya sa lababo at tinaasan ito ng kilay. "Masungit? E bakit narito ka sa bahay ko kung nasusungitan ka pala sa akin? Pwede ka naman umalis anytime, Alaric. Mas maganda nga sana kung aalis ka na." Aniya rito.Tumuwid ng upo si Alaric at tumingin ng matiim ang mata nito sa kanya."Hindi ako aalis kahit magsungit ka pa habambuhay sa akin, Pam." Habambuhay? Nagbibiro na naman ba ito? Kapag naputol na ang ugnayan nilang dalawa at tuluyan ng naputol ang kasal nila ay wala ng habambuhay para sa kanila. Tuluyan na silang magkakahiwalay at mabubuhay ng malayo sa isa't isa. "D
[Pamela] HINDI siya sumagot ng marinig ang pagkatok ni Alaric sa pinto. "Pam, kakain na tayo. Kumain ka muna bago matulog." Hindi siya sumagot. Wala siyang gana at hindi niya gusto na makaharap ito ngayon. Lalo pa na namamaga ang mata niya dahil sa pag iyak at kasalanan nito iyon.Naiinis na siya dahil hindi parin ito tumitigil sa pagkatok. Sa inis niya ay sumigaw na siya. "Hindi ako kakain!" "No Pam, kakain ka sa ayaw at gusto mo." Matigas ang boses na sabi ni Alaric."Wala nga akong gana! Bakit ba ang kulit mo!" Pumikit siya at nagtalukbong ng kumot. Akala niya ay titigil na ito sa pagkatok pero mas lalo lang nito nilakasan ang pagkatok sa pinto na para bang wawasakin iyon.Kainis naman!"Ano ba, Alaric! Hindi nga sabi ako kakain! Ang kulit mo naman!""Hindi ako titigil sa pagkatok hangga't hindi ka lumalabas d'yan, Pam. Hindi ka magpapalipas ng gutom kaya kung ako sayo ay lalabas na ako." Walang balak na sumuko si Alaric sa pagkatok.Inis na tumayo siya at hinanap ang shades niy