หน้าหลัก / Romance / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 186

แชร์

TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 186

ผู้เขียน: MIKS DELOSO
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-05-16 21:08:58

Tahimik ang gabi. Tila pati ang hangin ay natigilan sa bigat ng mga salitang namutawi sa bibig ni Luke habang nakaupo sa sala, katapat ang kanyang mga magulang—sina Nenita at Philipp.

Si Nenita ay halatang hindi mapakali. May hawak siyang tasang may mainit na tsaa, pero nanginginig ang kamay nito. Si Philipp naman ay tahimik, ngunit malalim ang buntong-hininga—tila pinipigilan sumabog ang damdaming kinukubli.

“Ikaw… anong sabi mo, Luke?” basag ni Nenita sa katahimikan, nanginginig ang tinig. “Na si Ana… si Ana, asawa mo… manugang namin… patay na?”

Tumango si Luke, pilit pinipigil ang paminsan-minsang pangingilid ng luha. “Oo, Ma. Hindi ko rin agad matanggap. Pero totoo. Si Ana… matagal nang patay. Pinatay siya ni Shiela.”

“Si Shiela?!” singhal ni Philipp, napabalikwas sa kinauupuan. “Ang batang inampon natin? Hindi! Hindi ako makapaniwala!”

“Napatunayan na, Dad,” sagot ni Luke, pilit maging matatag. “Nakuha ang ebidensya. Matagal na siyang iniimbestigahan. Umamin siya. Inggit daw… sel
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 186

    Tahimik ang gabi. Tila pati ang hangin ay natigilan sa bigat ng mga salitang namutawi sa bibig ni Luke habang nakaupo sa sala, katapat ang kanyang mga magulang—sina Nenita at Philipp.Si Nenita ay halatang hindi mapakali. May hawak siyang tasang may mainit na tsaa, pero nanginginig ang kamay nito. Si Philipp naman ay tahimik, ngunit malalim ang buntong-hininga—tila pinipigilan sumabog ang damdaming kinukubli.“Ikaw… anong sabi mo, Luke?” basag ni Nenita sa katahimikan, nanginginig ang tinig. “Na si Ana… si Ana, asawa mo… manugang namin… patay na?”Tumango si Luke, pilit pinipigil ang paminsan-minsang pangingilid ng luha. “Oo, Ma. Hindi ko rin agad matanggap. Pero totoo. Si Ana… matagal nang patay. Pinatay siya ni Shiela.”“Si Shiela?!” singhal ni Philipp, napabalikwas sa kinauupuan. “Ang batang inampon natin? Hindi! Hindi ako makapaniwala!”“Napatunayan na, Dad,” sagot ni Luke, pilit maging matatag. “Nakuha ang ebidensya. Matagal na siyang iniimbestigahan. Umamin siya. Inggit daw… sel

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 185

    “So, anong gusto mong mangyari ngayon?” mahina ngunit matigas ang tanong ni Sara. “Na maghintay ako habang inuubos ni Vanessa ang natitira sa akin?”Hindi agad sumagot si Adrian. Nanatiling tahimik ang buong silid—maliban sa mahinang paghikbi ni Sara at sa kabog ng kanyang dibdib na parang sinasakal siya ng mga salitang hindi nasasabi.“I’ll fix this, Sara,” ani Adrian, may halong pagsisisi sa kanyang tinig. “I promise. Hindi ako papayag na sirain ka ni Vanessa. Lalo na ngayon… na ikaw na ang mahal ko.”Ngunit sa halip na mapasaya siya ng mga salitang iyon, mas lalo lang napakagat-labi si Sara, pinipigilang muling mapaiyak.“Too late, Adrian.” Pabulong ang sagot niya. “Sira na ako... at baka hindi mo na ako kayang buuin ulit.”At sa isang iglap, tinalikuran niya si Adrian—hindi para takasan siya, kundi para iligtas ang sarili sa lalim ng sugat na hindi niya alam kung mabibigyan pa ng lunas.Habang papalayo si Sara sa opisina, sa hallway ng resort na dati’y punong-puno ng alaala nilang

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 184

    Hanggang sa hinawakan ni Adrian ang batok niya. Marahan. Mainit. Nang tuluyan na silang maghalikan—hindi ito halik ng pagnanasa. Isa itong halik ng dalawang pusong matagal nang naghintay na magtagpo.Walang camera. Walang ibang tao. Wala kundi ang hangin at ang alon ng lawa sa malayo.Ngunit hindi nila alam—may nanonood.Kinabukasan.Maagang dumating si Sara sa Crystal Clear Resort. Masigla, dala ang isang kahong bagong huling seafood—tilapia, alimango, hipon. Kahit pagod sa paglalako mula palengke, tila wala iyon sa katawan niya. Magaan ang pakiramdam, lalo na’t napapalapit na siya sa mga staff ng resort… at syempre, kay Adrian.“Hi, Ma’am Sara!” bati ng chef habang sinisilip ang laman ng styro box. “May bagong delivery? Ang bango ah!”Ngumiti si Sara, pawisan pero presko pa rin ang dating. “Oo po, fresh po lahat. Galing pa ng Obando ‘yung hipon.”Ngunit bago pa siya makapagsimula sa pagtutulungan sa kusina, lumapit ang isa sa mga security staff ng resort.“Ma’am Sara,” seryosong wik

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 183

    Samantala sa tunay na Ana.Sa isang tahimik na kwarto ng mamahaling condo sa Ortigas, nakaupo si Vanessa sa harap ng laptop habang pinapanood ang isang amateur na video—kuhang cellphone. Sa screen, kitang-kita ang kasimplehan ni Sara: pawisan, masigla, at punung-puno ng buhay habang nag-aayos ng mga kahon ng alimango, hipon, at tilapia sa palengke ng Malolos.Makalipas ang ilang sandali, tumawid ang kuha sa isang pag-deliver ng seafood sa Crystal Clear Resort. Lalo pang lumiwanag ang screen nang bumungad si Sara—nakangiti, abala, at... hinawakan ni Adrian ang buhok niya, sabay tawag ng, “Babe.”Tumigil sa paghinga si Vanessa.Nag-init ang kanyang sikmura. Halos mabasag ang wine glass sa lakas ng pagkakapisil niya rito. Naglakad siya pabalik ng kusina, tulala, ngunit may ngiting unti-unting umuusbong sa mga labi.“From palengke to resort queen, huh?” bulong niya. “Hindi pwedeng ikaw ang maging reyna, Sara. Lalo na sa mundo na ako ang dapat namumuno. Hindi mo siya naaalala, diba? Hindi

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 182

    Sa labas ng pintuan ni Luke, ilang minuto matapos siyang layuan.Dahan-dahang naupo si Belle sa gilid ng corridor, ni hindi alintana ang lamig ng sahig. Mahigpit niyang niyakap ang sarili habang bumabagsak ang luha sa kanyang pisngi. Sa dibdib niya, parang may napunit. Parang unti-unting nauupos ang apoy ng pag-asa.Hanggang sa…“Anak…” Mahinang tinig ng isang ina ang tumawag sa kanya mula sa dulo ng hallway.Pag-angat niya ng ulo, bumungad sa kanya ang mag-asawang Clyde at Sophia Smith. Halata sa kanilang mga mata ang pag-aalala—lalo na kay Sophia na agad lumapit, walang alinlangang lumuhod sa harap niya at niyakap siya nang mahigpit.“Mom…” garalgal na sambit ni Belle, “Wala na yata akong karapatan pang mahalin, ‘no?”Mahigpit pa ang yakap ni Sophia. “Anak, huwag mong sabihing wala kang karapatan… May puso ka. Marunong kang magmahal. Ang pagkakamali mo ay hindi dahilan para itakwil ka ng mundo.”Umiling si Belle, nanginginig ang mga kamay. “Pero siya, Mom… si Luke… Hindi ko alam kun

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 181

    “Sincere?” bulalas niya, may halong poot. “Sincere ba ang isang taong nanloko? Na araw-araw kong tinitingnan sa mata, akala ko siya si Ana, pero hindi pala?” Tumawa siyang mapait, “Alam mo bang ilang gabi akong hindi makatulog kakaisip kung bakit parang nag-iba ka? Pero sabi ko, baka trauma lang ’yan. Baka dala lang ng aksidente… Hindi ko inakalang—hindi ko inakalang ibang tao ka pala!”Napaatras si Belle, hindi dahil sa takot kundi sa bigat ng mga salitang tumama sa puso niya. Ngunit hindi siya sumuko.“Alam kong mahirap paniwalaan, Luke. At wala akong inaasahan mula sa’yo ngayon. Gusto ko lang malaman mo ang totoo. Hindi ako dumating sa buhay mo para sirain ito—dumating ako para itama ang mali.”“Para itama ang mali?” ulit ni Luke, lumapit sa kanya ng ilang hakbang. “Eh di sana noong una pa lang, sinabi mo na agad kung sino ka! Hindi mo ako niloko, hindi mo ako pinaasa. Pinaglaruan mo ako, Belle. At ang pinakamasakit sa lahat…” saglit siyang tumigil, nanginginig ang boses, “…minahal

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 180

    “Hindi ito tama, Belle!” sigaw ni Luke, napapailing, punong-puno ng emosyon ang mukha. “Kapatid mo siya! At ako—ako ang asawa niya! Paano mo naisipang saluhin ang buhay niya at kunin pati ako?”“Hindi ko siya inagaw, Luke…” mahinang sagot ni Belle. “Wala na siya. At ikaw… ikaw ang natirang alaala niya. Gusto ko lang ilaban siya hanggang sa huli. Pero hindi ko sinadyang mahulog sa’yo.”Tahimik si Luke.“Alam mo bang ilang gabi akong hindi makatulog sa pag-iisip kung kailan ko dapat sabihin sa’yo ang totoo?” patuloy ni Belle. “Pero sa tuwing titingnan kita, Luke, naiisip ko… baka sa sandaling malaman mo ang totoo, mawala ka na rin sa akin. Kaya pinili ko ang katahimikan. Pero hindi ko alam, mas mapanakit pala ’yon.”Napaupo si Luke sa sofa, hawak ang ulo niya, tila binabayo ng di-matanggap na katotohanan. “Ang dami mong kinuha sa akin, Belle. Hindi lang si Ana, pati ang pagkatao ko. Wala ka bang naisip kahit isang beses kung gaano kasakit ’to para sa akin?”“Hindi ako perpekto, Luke. Pe

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 179

    Tahimik ang paligid habang dahan-dahang lumalakad si Belle sa sementadong daan patungong bahay ni Luke. Ang bawat hakbang niya ay parang may bigat ng mundo—ng kasalanan, ng pag-ibig, ng katotohanang kinulong niya sa dibdib ng matagal na panahon. Ang liwanag ng buwan ay tila sumasalamin sa luha sa kanyang mga mata, kumikislap sa dilim ng gabi.Huminto siya sa tapat ng pamilyar na gate. Malalim ang kanyang paghinga. Sa loob ng bahay na iyon ay naroon ang lalaking minahal niya—hindi lang dahil sa itsura o alaala, kundi dahil sa kung sino siya sa kasalukuyan. Luke. Ang lalaking minahal ni Ana noon, at ngayo’y minamahal din niya. Ngunit ngayong gabi, hindi na si Ana ang babalik sa kanya. Kundi si Belle—ang tunay na siya.“Belle?”Napalingon siya. Si Clyde at Sophia, ang kanyang mga adoptive parents, ay tahimik na nakasunod sa kanya. Hindi nila magawang iwan siya sa ganitong gabi.“Maaari na ba, anak?” tanong ni Sophia, bahagyang nanginginig ang tinig. “Gusto mo bang samahan ka namin hangga

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 178

    Sa isang maliit na coffee shop sa tabi ng parke, tila sandaling tumigil ang mundo para kina Sara at Adrian.Magkaakbay silang nakaupo, parehong tahimik ngunit puno ng damdamin ang mga mata. Sa gitna ng lahat ng pinagdaanan nila, heto sila ngayon—magkasama pa rin, pinipilit buuin ang mga pirasong minsang naghiwalay.Ngunit isang matinis na tunog ng kampana mula sa pinto ang bumasag sa katahimikan. Pumasok si Vanessa, taas-noo, matikas ang tindig, at halatang puno ng hinanakit ang mga mata."Aba, ang sweet niyo naman," aniya, sabay tingin sa dalawa. "Para kayong eksena sa huling episode ng isang teleserye. Kaso may problema lang… Hindi pa tapos ang kwento."Napatayo si Adrian, halatang nabigla sa pagdating ng babae."Vanessa, hindi ito ang tamang lugar para sa mga ganito," mahinahong sabi niya."Tamang lugar?" Tumawa si Vanessa nang mapait. "Kailan pa naging mali ang ipaglaban ang nararapat para sa’yo? Ikaw ang nangakong babalik, Adrian. Ikaw ang nangakong ako ang pipiliin mo. At ngayon

สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status