Share

CHAPTER 225: The Scent And Question

Author: YULIANNE
last update Huling Na-update: 2025-04-15 10:58:15

PILIT NA HINALUKAY sa isip ni Amanda kung sino ang posibleng may ari ng buhok na nakita niya. Imposibleng si Secretary Belle dahil hindi naman ganoon kahaba ang buhok nito.

At wala sa sariling dumaan sa isip niya ang pinsan ni Sofia na si Jennie...

Napagtanto niyang mahaba ang buhok nito. At kung iisipin, malaki ang posibilidad na siya ang may ari ng buhok. Ayaw maghinala ni Amanda pero siya lang ang babaeng alam niyang medyo malapit ngayon kay Theo na may ganito kahabang buhok!

Hanggang sa mas nilamon ang isipan ni Amanda ng mga negatibong bagay. Si Jennie... malapit kay Sofia. Baka itong bagong babaeng ito ang siyang maging rason ng lalong ikakasira ng relasyon niya kay Theo. Nabuksan lalo ang mga sugat kahapon. Para bang hindi makahinga bigla si Amanda pero kinalma niya ang sarili at nagpasyang bumalik na sa loob.

Nakasalubong niya pa ang isa sa mga kasambahay na nagulat nang nakita siya sa labas.

"Ma'am Amanda? Naku, anong ginagawa niyo dito sa labas? Malamig na po dito! Pasok na
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (12)
goodnovel comment avatar
Kobe Arreglado
yun din napansin ko paulit ulit nalang. lalong nadedepress si Amanda . kakaumay na ulit ulit lang. tapusin mona story nila kinakawawa mo ng husto si Amanda. basahin mo lahat ng comment walang natutuwa sa story mo nato. ...
goodnovel comment avatar
Visitor
Ito lng yong nabasa ko na parang sirang plaka paulit ulit lng
goodnovel comment avatar
Mhavs Ibasco
ano ba nman to putol nakakainis lang humaba na ng humaba di na ata alam karugtong
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 304: The Black Card

    "IKAKASAL NA SI Gio at Loreign next year. By that time, fully recovered na ang anak natin. Syempre, kasama siya sa wedding. Sa tingin mo, anong magandang regalo sa bagong mag asawa?" tanong ni Amanda kay Theo matapos ng pagniniig nila.Parang normal lang silang mag asawa. Si Amanda ay nakasandig ang ulo sa malapad na dibdib ni Theo habang pinaglalaruan ang ilang hibla ng buhok nito roon.Hindi alam ni Amanda pero mabigat ang loob niya sa hindi malamang dahilan. Kabado siya pero hindi niya alam kung bakit. Lalo pa nang nakita niya na tila may malalim na iniisip si Theo. Kumunot ang kaniyang noo."Theo?" tawag niya sa pansin nito.Doon naman tila nagbalik sa reyalidad si Theo. "Hmm?" tanong nito at napagtanto ni Amanda na hindi pala ito nakikinig.Bumuntong hininga siya. "Tinatanong ko kung ano ang magandang iregalo kina Gio at Loreign sa kasal nila," mahinahong wika niya. "At tsaka... alam ko rin na medyo close rin naman kayo ni Gio dahil ang alam ko, may connection kayo sa business. K

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 303: The Last Time

    "BAKIT BA HINDI mo man lang naisip ang sarili mo?" frustrated na wika ni Harold kay Theo dahil sa desisyon nito. Napailing na lang siya at halatang halata ang disappointment sa ekspresyon nito.Isang matamlay na ngiti ang namuo sa labi ni Theo. "Iniisip ko lang ang kapakanan ng mag ina ko. Sila ang dapat na inuuna ko bukod sa ibang bagay. Wala na akong pakialam sa iba... sa kapangyarihan o sa sarili ko... basta ang mahalaga, okay sila," sabi pa niya.Umigting lang ang panga ni Harold. Alam niyang buo na ang desisyon ni Theo. Kaya wala na siyang magagawa pa kundi ang sundin ang gusto nito. Sa mga oras na iyon, may napagtanto si Harold. Totoo ang nararamdaman ni Theo kay Amanda. Totoo ang pagmamahal nito para sa babae. At alam niyang kahit siya na may nararamdaman kay Amanda ay hindi kayang tapatan iyon."Sige. Ako ang magpeperform ng surgery. Pero ipangako mo sa akin na kailangang magpakatatag ka. Hindi pwedeng hindi maging successful ito," seryosong wika ni Harold kay Theo.Tumango l

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 302: The Donor

    "TINULUNGAN KAMI ng ama mo. Bata palang ako, sakitin na ako. Namatay na ang tunay kong ama noong ipinanganak ako kaya hirap ang Mama ko noon. Pero dahil sa pagtulong ng ama mo sa amin, nag iba ang tingin ng mommy mo sa kaniya. Akala niya... kabit ng tatay mo ang Mama ko."Hindi alam ni Theo kung paano iproproseso lahat ng iyon sa utak niya. Parang ang hirap paniwalaan! Iba ang namulat sa utak niyang katotohanan. Tapos ngayon ito... maririnig niya ang bersyon ng katotohanan ni Harold... ang taong kinamumuhian niya dahil para sa kaniya, inagaw nito ang atensyon na dapat ay nasa kaniya sa ama nito.Napailing na lang si Theo. "Hindi... Hindi ko alam kung paano tatanggapin lahat ng iyan ngayon..." para bang nanghihinang wika na lang niya.Tumango lang si Harold. Naiintindihan naman niya kasi alam niyang hindi basta basta lahat ng iyon. Ang hindi nila alam pareho ay may taong nakikinig sa usapan nila pareho. Walang iba kundi si Therese.Tila natuklaw ng ahas si Therese sa mga nalaman tungko

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 301: The Talk With The So-called Brother

    UMIGTING LANG ANG panga ni Theo nang makita ang lungkot sa mga mata ni Therese. Gustuhin man niyang yakapin ito, hindi niya ginawa upang mas marealized ng ina niya ang mga kamaliang ginawa. Nanatili lang siya sa pwesto nito."A-Alam ko namang mali lahat ng iyon pero... ganito na lang ba talaga tayo? I-Iiwan mo na rin ako kagaya ng ama mo? Hahayaan mo na lang akong mag isa? Ganito na lang ba talaga ako hanggang sa pagtanda ko?" Sabi pa ng ina nito. Iniisip palang ni Therese ang lahat, parang pinanghihinaan na siya.Kahit ilang ulit niyang sinasabi sa sarili na kakayanin niya, alam niyang hindi gano'n kadali iyon. Kahit nakaya niya ng ilang taon, hindi ibig sabihin no'n ay makakaya pa niya sa mga susunod pa. Dahil sobrang hirap mag isa. Malungkot... at ang dilim ng mundo kapag mag isa lang siya.Nag iwas ng tingin si Theo. Hindi na niya nakayanan pa ang pagtitig sa mga mata ni Therese. "Kung nalulungkot ka, pwede ka namang maghanap ng ibang kasama mo dito," wika pa niya. "Aalis na ako..

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 300: The Bracelet

    "ALAM MO NA kung ano ang sagot ko diyan, Theo. Kung ano man itong mayroon sa atin ngayon, pansamantala lang. At 'yung tungkol sa singsing pala na binigay mo sa 'kin..." Bahagyang tumigil si Amanda at bumuntong hininga. "Walang ibig sabihin iyon sa akin. Sa huli, buo pa rin ang desisyon kong... umalis."Wala ng pakialam si Amanda kung masyado siyang naging marahas sa sinabi. Ang gusto lang niya ay tumatak sa isipan ni Theo ang orihinal niyang mga plano na hindi naman talaga lingid sa kaalaman nito."'Wag mo ring pigilan ang sarili mong magkagusto sa iba, Theo. Dahil ayos lang talaga sa 'kin... walang problema..." dagdag pa ni Amanda.May dumaang sakit sa mga mata ni Theo. Pero kahit na gano'n, sinikap pa rin nitong ngumiti at umaktong hindi ito nasaktan sa mga sinabi ni Amanda. Nilunok niya ang bata sa lalamunan bago muling nagsalita."May mga regalo ka sa kabilang kwarto na mula sa mga ilang kakilala. Pwede mong puntahan para mabuksan mo," sabi na lang niya at iniba ang usapan.Tumang

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 299: The Traitor's Love

    NAPATUNGO NA lang si Amanda sa balikat ng kapatid. Pakiramdam niya ay nanghina siya sa mga nalaman. Hindi niya talaga lubos maisip na ang itinuring niyang kaibigan ay isa palang huwad at traydor."Alam niya lahat ng mga pinagdaanan ko kay Theo, Kuya. Ikwinento ko lahat sa kaniya kasi may tiwala ako sa kaniya. Pero hindi ko talaga inaakala na ang itinuring kong kaibigan ay siya rin pala ang dahilan ng pagbagsak natin noon..." pagkukwento pa ni Amanda sa kapatid. "Hindi ko na alam... hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi na ipinakita niya sa 'kin...""Alam kong mabigat ito, Amanda. Pero lalabas din ang lahat. Sisiguraduhin ko iyan..." Sabi na lang ni Armando at hinaplos ang likod ni Amanda.Naiyak na ng tuluyan si Amanda. Kaarawan pa naman niya ngayon. Nagsimula sa masaya dahil sa wakas ay nakita na niyang muli ang kaniyang Kuya Armando tapos ito naman ngayon ang malalaman niya. Bakit naman binawi agad ang sayang naramdaman niya kanina?Nagstay pa ng ilang minuto si Amanda doon.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status