"'WAG PO KAYONG mag alala, Ma'am. Wala po akong sasabihin kay Sir Damien tungkol dito," makahulugan na sabi pa ng driver.Natigilan nang bahagya si Amanda doon. Bakit pakiramdam niya nagtataksil siya kahit na hindi naman? Wala naman siyang gagawing masama. Tumango lang si Amanda at kalaunan ay naglakad na papasok sa dating bahay.Tahimik ang paligid. Para bang mas lalong naging walang kabuhay buhay ang lugar. May kung anong bigat siyang nararamdaman sa loob loob niya habang naglalakad.Rumagasa muli sa isipan niya ang mga alaala sa bahay. Hindi naging maganda ang mga memorya niya doon pero hindi rin naman niya maitatanggi na kahit papaano, may mga bagay na talaga namang masasabi niyang sumaya siya. Nagsama sila nila Theo at ang anak nila na tila isa silang normal na pamilya. Pero may lamat nga lang dahil hindi naman sila okay ni Theo.Mas naglakad pa patungo sa loob si Amanda at muli siyang sinalubong ng katahimikan. Nang mas pumasok pa siya, nagulat siya nang nakita si Theo sa may
SA LOOB LOOB NI THEO ay parang pinapatay na siya sa sakit. Sa kabila ng kaniyang ngiti ay sobra siyang nasasaktan. Inaasahan naman na niyang tuluyang makakamoved si Amanda sa kaniya. Pero ang sakit sakit pa rin pala kapag isinasampal na mismo sa mukha niya ang katotohanan.Tinalikuran na siya ni Amanda at hindi pa man din ito gaanong nakakalayo, saka naman dumating ang lalaking sinasabi nito. Nilapitan ni Damien si Amanda at nagpatong ng coat sa balikat nito upang hindi ito lamigin.Umigting ang panga ni Theo dahil sa sobrang selos. Siya dapat iyon, eh. Pero dahil ganito ang sitwasyon niya, ni wala man lang siyang magawa.Parang ang sweet sweet nilang dalawa. May pinagbubulungan sila na sila lang ang nakakaalam. Pasikretong kumuyom ang kamay ni Theo dahil do'n."Malamig..." ani Damien kay Amanda matapos ipatong ang coat.Napahawak doon si Amanda upang hindi mahulog ang coat. Pero para siyang natuklaw ng ahas nang may mapagtanto. Ang perfume sa coat ay parang kaamoy ng kay Theo. Sa is
SUMAPIT ANG PANIBAGONG taon. Bumalik si Amanda sa syudad nang walang pinagsasabihan na iba para dumalo sa isang importanteng okasyon. Inimbitahan siya ni Mrs. Madriaga para doon.At dahil nga kahit papaano ay close sila ng babae, nagkwentuhan na sila ng kung anu ano at hindi na nga mapigilan pang ungkatin ang tungkol sa buhay ni Amanda."Kumusta ka na, Amanda?" tanong ng ginang habang may maliit na ngiti sa labi."Maayos naman po. So far, nakakayanan naman namin ng mga anak ko araw araw kahit na mahirap," sagot ni Amanda."Mabuti naman kung gano'n. Eh, 'yung kaibigan mo? Ano nga ulit pangalan no'n? Loreign ba?"Tumango si Amanda. "Opo. Ayon nga... medyo hindi maayos ang lagay ng kaibigan kong iyon. Namatay kasi ang asawa niya..." pagkukwento niya. Nalulungkot pa rin siya sa sinapit ng kaibigan niya pero wala naman na siyang magagawa do'n. Nangyari na at ang tanging ipinagdarasal na lang niya ay sana balang araw, maging maayos din ang lagay ng kaibigan niya.Naiba pa ang usapan hanggan
"DADDY, NASAAN po kayo?"Halos maluha si Theo pagkarinig iyon sa kaniyang anak habang kausap ito sa telepono. Halatang kyuryuso ang bata kung ano na ang nangyayari sa kaniya pero hindi niya masabi ang totoo."A-Ah... nasa abroad si Daddy, anak," sagot ni Theo at kinagat ang ibabang labi upang mapigilan ang sariling maging emosyonal.Hindi sumagot si Baby Alex. Pero halatang dismayado ito. Naiintindihan naman iyon ni Theo. Syempre, sino ba namang anak ang hindi makakaramdam ng tampo kung hindi man lang niya nakikita ang ama nito.Naging madalang ang komunikasyon nilang mag ama kalaunan. Hanggang sa natigil na nga iyon nang tuluyan. Kasabay nang pagbigat ng loob ni Theo ay ang paglala rin ng kondisyon niya. Sa halos isang taon, nakawheelchair lang siya lagi at minsan, nakatitig sa kawalan. Mabuti na lang at kahit papaano nakakapagtrabaho pa rin siya sa bahay. Hindi naman niya pwedeng pabayaan ang kompaniya ng basta. At isa pa, mas nakakatulong iyon sa kaniya para maging okupado ang uta
UMALINGAWNGAW ANG tunog ng wheelchair sa loob ng kwarto. Seryosong nilapitan ni Carmella si Theo na hinang hina na pero pilit na pinapatapang ang ekspresyon... na para bang hindi siya apektado sa lahat."Kumusta siya?" tanong ni Theo kay Carmella na para bang maiiyak na. Ang totoo niyan ay labag sa loob niya ang pinapagawa ni Theo pero hindi niya rin naman ito kayang tanggihan."Bakit kailangan mong gawin ito sa kaniya? Kung gusto mo siyang umalis, pwede naman! Pero bakit ganito?" halos nanginginig ang boses na sunod sunod na tanong ni Carmella.Umigting ang panga ni Theo at nag iwas ng tingin. Ramdam niya ang tila bikig na namuo sa kaniyang lalamunan."Para kamuhian niya ako. Mas makakabuti ito sa kaniya kaysa ang paasahin siya sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan. Mas lalo lang din siyang masasaktan..." rason ni Theo at napayuko na lang habang ramdam ang paghapdi ng kaniyang dibdib.Marahas na napailing si Carmella. Bakit ganito na lang ang mga ginagawa sa buhay ni Theo? Gust
"PERO SIGURO kapag ayos na talaga ang lagay ng anak ko. Ayaw ko namang magtake risk dahil baka makasama lang sa kaniya," dagdag pa ni Amanda.Napabuntong hininga na lang si Sylvia. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari. Nagkaroon pa man din siya ng pag asa na nagkakaayos sina Theo at Amanda. Pero mukhang hanggang sa imahinasyon na lang niya iyon. Pero ayos na rin ito. Mukhang naliwanagan na si Amanda sa desisyon niya.Lumalim pa ang gabi. Pinagmasdan ni Amanda ang anak habang payapa itong natutulog. Panaka naka niyang hinahaplos ng pisngi nito at bahagyang napapangiti na lang. Habang ginagawa iyon, may narealized siya.Hindi lang nakapokus sa anak niya ang atensyon niya sa nagdaang buwan. Napagtanto niyang mas nag aksaya siya ng panahon kakahintay sa pagpaparamdam ni Theo sa kaniya. Na... wala rin lang saysay. Isang mapaklang ngiti ang namuo sa labi ni Amanda. Siguro ito na ang senyales na... umalis na talaga sila. Lalo na siya... wala na siyang lugar sa buhay pa ni Theo.Nap